
Kung sino ang may suot ng Ray-ban ay makikita niya ang taong may masamang binabalak sa kanyang kapwa. Magkakaroon siya ng kakaibang lakas, talino, talas ng pakiramdam at magiging lapitin siya ng mga babae. Mas titindi ang power nito kapag suot ito ng gabi dahil magiging maliwanag pa rin ang kapaligiran niya na parang kasing liwanag ng sikat ng araw.
Si Picolo ang maswerteng nilalang ang nakapulot ng Ray-ban sa gitna ng karagatan. Ano ang magiging reaksyon niya?
Magiging normal pa ba ang takbo ng buhay niya ngayong nakikita na niya ang mga kilos ng bawat tao?
Bakit gustong mapalapit ni Sabrina kay Picolo?
