Story By CAPRICORN
author-avatar

CAPRICORN

ABOUTquote
Simpleng tao na may pangarap at handang harapin ang lahat ng hamon sa buhay. Lumaking independent at Diyos lang ang kakampi at sandigan sa lahat ng pinagdaraanan. LabUguyz💓😘
bc
RAY-BAN
Updated at Sep 3, 2022, 04:33
Kung sino ang may suot ng Ray-ban ay makikita niya ang taong may masamang binabalak sa kanyang kapwa. Magkakaroon siya ng kakaibang lakas, talino, talas ng pakiramdam at magiging lapitin siya ng mga babae. Mas titindi ang power nito kapag suot ito ng gabi dahil magiging maliwanag pa rin ang kapaligiran niya na parang kasing liwanag ng sikat ng araw. Si Picolo ang maswerteng nilalang ang nakapulot ng Ray-ban sa gitna ng karagatan. Ano ang magiging reaksyon niya? Magiging normal pa ba ang takbo ng buhay niya ngayong nakikita na niya ang mga kilos ng bawat tao? Bakit gustong mapalapit ni Sabrina kay Picolo?
like
bc
Ang Lihim Ng Puso
Updated at Sep 3, 2022, 02:46
Si Liza ay lumaki na kasama ang lola at papa niya. Hiwalay ang parents niya since bata pa siya, pero kilala naman niya ang kanyang mama. Mahirap ang kanyang pinagdaanan simula pagkabata, strikto ang lola niya kaya natuto siyang maging pasaway noong nag aaral siya ng high school. Tumatakas pa siya para lang makapanood ng basketball, naglalaro kasi ang crush niya na classmate pa niya na si Julius. Kasama naman niya ang kapitbahay niyang si Alex. Hanggang sa dumating ang time na niligawan siya ni Julius, dahil bata pa sila hindi ito pinapansin ni Liza. Alam niya kasi na magagalit ang kanyang lola kapag nalaman na nagpapaligaw na siya habang nag aaral. Itong si Alex naman ay may gusto rin kay Liza, pero parehas niyang hindi pinapansin dahil gusto muna niyang makatapos ng pag aaral. Pagdating college ay classmates pa din c Julius at Liza kaya patuloy pa rin ito sa pangliligaw sa kanya. Samantalang si Alex ay lumipat sa malayong university nag aaral at bihira na silang magkita. Naging magkasintahan sila Julius at Liza, dahil sa parehas mapusok sa kanilang kabataang edad ay maagang nabuntis si Liza. Hindi na ito nakapagtapos ng college. After manganak ay naghanap na lang siya ng trabaho, ganun din si Julius. Subalit sinubok sila ng tadhana at nagkahiwalay. Hindi na silang mag ina sinusuportahan ng kanyang asawa. Umalis siya ng Pilipinas para magtrabaho sa bansang Singapore. Malungkot siya nung una kasi namimis niya ang kanyang anak na noon ay 3 years old pa lamang ng iwanan niya. Marami siyang nakilala at manliligaw pero kapag malapit na siyang umuwi ng Pilipinas at balak na niyang ipakilala ito sa family niya ay biglang nabubuliyaso at meron palang mga itinatagong iba kasintahan. At sa hindi inaasahan may isang makulit sa lesbian na palaging may message sa messenger ni Liza. Sinusupladahan niya at bihira nitong replayan ang mga messages niya dahil hate na hate niya ang mga lesbian. Sinabi niya sa kanyang sarili na NEVER siyang papatol sa isang kagaya ni Marne na isang tomboy..... ngpasya siyang makipagkita kay Marne ng umuwi siya sa Pilipinas at doon biglang nagbago ang kanyang pananaw..
like
bc
NANG UMIBIG ANG BATAS
Updated at Aug 15, 2022, 06:00
Hindi akalain ni Chona na ang matagal na nilang relasyon ni Rupert ay mauuwi lang bigla sa wala. Yong tipong panatag kang kumikilos araw-araw at mahimbing na natutulog tuwing gabi at anytime na kailangan mo ng kausap, karamay at kasama ay laging nandyan siya tapos biglang-bigla... sa isang iglap ay biglang nagbago ang lahat. Wala na ang dating malambing na Rupert na kanyang nakilala, umiiwas ng walang masabing dahilan. Ipinagpatuloy ni Chona ang pag aaral hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo. Naging abogado siya sa kabila ng mga sakit na nararamdaman, pero hindi ganoon kadali ang lahat. Imagine noong month na kailangan niyang mag take ng Bar examination doon nagsimulang magloko ang relasyon nila ni Rupert. Kaya ang ending eh..... bumagsak siya. Nasira ang buhay niya hindi niya matanggap na bumagsak siya sa bar exam sa kabila ng halos walang tulog na ginawa niyang pagre review at hindi rin niya alam bakit biglang nagbago si Rupert sa kanya dahil wala naman siyang ginawang mali na ikakagalit nito at lalong hindi sila nagkaroon ng away na mabigat. Normal lang ang tampuhan sa kanila pero naayos agad iyon. Sa loob ng 3 years nilang magkasintahan biglang sa isang iglap na fall out of love si Rupert sa kanya. Nagplano siya na mag take ulit ng exam for the second time pero hindi kaya ng isip niya na mag concentrate. Umalis siya ng bahay nagpunta sa kakilala niyang pari, madre, kaibigan, kamag-anak at kahit nga yata sino bastat makakausap niya ay kinikwento niya ang nangyari sa relasyon nila ni Rupert. First love niya kasi si Rupert at nakilala niya ito noong college day niya. Taga Davao si Rupert at si Chona ay taga Laguna, same age lang silang dalawa 24 years old at nag aaral ng abogasya sa UST sa Maynila. Parehas matalino at focus sapag aaral kaya naging close silang dalawa. Nakatulala siya minsan hindi makakain, palaging umiiyak hanggang sa nahulog ang katawan niya at pumayat siya. Niyaya siya ng mga kaibigan niya na sumama sa mga charity works para hindi mainip at mag isip, ng sa ganon ay malibang din siya at makalimutan na si Rupert. At doon nila naisip na kausapin si Wency, isang estudyante na teacher at bata ng dalawang taon kay Chona, 22 years old taga Bacolod. Nasa Maynila sila dahil sa isang Charity program. Sinabi nila na kong maaari ay kaibiganin si Chona at the same time tulungan na maging masaya araw-araw upang bumalik ang dating sigla at makalimot sa ex niya na si Rupert. Doon naging magsimulang mag kaibigan sina Wency at Chona. At first alangan si Wency kasi nalaman niya na lawyer pala itong si Chona kaya nahihiya siya at di malaman kong anong approach ang gagawin para pansinin siya ni Chona. Laging pinupuntahan ni Wency si Chona sa bahay nila. Kasi sabi din ng parents ni Chona kailangan nito ng makakausap palagi para hindi nito maisip ang ex niya na si Rupert. Nagbonding sila, kain sa labas, punta sa disco, nood ng sine, iyon ang ginagawa ni Wency para malibang si Chona. Ito din kasi ang bilin ng mga kaibigan at parents ni Chona sa kanya dapat tulungan niya ito na makalimot sa sakit na ginawa ng ex boyfriend niya. Pero paano niya aaminin na habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob niya kay Chona? Hindi iyon pwedeng mangyari dahil wala iyon sa usapan nila ng mga kaibigan at parents ni Chona. Ang role lang niya ay tulungan na makalimot at pasayahin si Chona. Iniisip din kasi ni Wency na wala pa siyang diploma na ihaharap sa pamilya ni Chona if ever na magtapat siya sa dalaga. Mga professionals kasi ang pamilya ni Chona. Nakapg take na ulit ng Bar Exam si Chona at ganap na siyang isang Abogado. Ano kaya ang mangyayari kay Wency? Ano ang magiging reaksyon ni Chona sakaling malaman ang intensyon ni Wency sa kanya? Bumalik pa kaya ang tiwala nito sa mga lalaki? Magkaroon kaya ito ng lakas ng loob na magtapat ng kanyang nararamdaman kay Chona? At ano ang mangyayari sa ginawa ni Rupert kay Mabel gayong wala naman silang relasyon? Si Mabel kaya ang dahilan kung bakit biglang nawala ang pagmamahal ni Rupert kay Chona? "IIBIG KAYANG MULI ANG BATAS?" Kaabang-abang ang kanilang love story.
like