
Si Liza ay lumaki na kasama ang lola at papa niya. Hiwalay ang parents niya since bata pa siya, pero kilala naman niya ang kanyang mama. Mahirap ang kanyang pinagdaanan simula pagkabata, strikto ang lola niya kaya natuto siyang maging pasaway noong nag aaral siya ng high school. Tumatakas pa siya para lang makapanood ng basketball, naglalaro kasi ang crush niya na classmate pa niya na si Julius. Kasama naman niya ang kapitbahay niyang si Alex.
Hanggang sa dumating ang time na niligawan siya ni Julius, dahil bata pa sila hindi ito pinapansin ni Liza. Alam niya kasi na magagalit ang kanyang lola kapag nalaman na nagpapaligaw na siya habang nag aaral. Itong si Alex naman ay may gusto rin kay Liza, pero parehas niyang hindi pinapansin dahil gusto muna niyang makatapos ng pag aaral. Pagdating college ay classmates pa din c Julius at Liza kaya patuloy pa rin ito sa pangliligaw sa kanya. Samantalang si Alex ay lumipat sa malayong university nag aaral at bihira na silang magkita.
Naging magkasintahan sila Julius at Liza, dahil sa parehas mapusok sa kanilang kabataang edad ay maagang nabuntis si Liza. Hindi na ito nakapagtapos ng college. After manganak ay naghanap na lang siya ng trabaho, ganun din si Julius. Subalit sinubok sila ng tadhana at nagkahiwalay. Hindi na silang mag ina sinusuportahan ng kanyang asawa. Umalis siya ng Pilipinas para magtrabaho sa bansang Singapore. Malungkot siya nung una kasi namimis niya ang kanyang anak na noon ay 3 years old pa lamang ng iwanan niya. Marami siyang nakilala at manliligaw pero kapag malapit na siyang umuwi ng Pilipinas at balak na niyang ipakilala ito sa family niya ay biglang nabubuliyaso at meron palang mga itinatagong iba kasintahan.
At sa hindi inaasahan may isang makulit sa lesbian na palaging may message sa messenger ni Liza. Sinusupladahan niya at bihira nitong replayan ang mga messages niya dahil hate na hate niya ang mga lesbian. Sinabi niya sa kanyang sarili na NEVER siyang papatol sa isang kagaya ni Marne na isang tomboy.....
ngpasya siyang makipagkita kay Marne ng umuwi siya sa Pilipinas at doon biglang nagbago ang kanyang pananaw..
