Ngayun lang ako bumiyahe na inip na inip ako. Pinilit kong hindi na makatulog sa takot na magising na naman na yakap yakap niya. Nagtatayuan ang mga balahibo ko maalala lang yun buti na lang hindi nila nakita yun kung hindi katakot takot na tukso ang aabutin ko. Hapon na kami nakarating sa pupuntahan namin. Isa itong private resort. Kagaya kanina pinagbuksan niya ako ng pintuan paglabas ko sinalubong ako ng hanging dagat.May sumalubong sa amin na medyo may edad ng magasawa kinuha ang mga bagahe namin habang naguusap sila nilibot ko ang paningin ko sa paligid binuksan ko na ang device. "Buti naman binuksan mo na." Sabi ni Michelle. "Pasensiya na nakatulog ako sa biyahe " pagsisinungaling ko. "So nasan na kami?" Tanong ko sa kanya. "Nasa Batangas kayo ngayun, nasa isang private res

