"Ayie! magkasama kayo sa silid niya." Tili ni Don. "Tssk. Tigilan mo nga ako Don baka nakakalimutan mo siya ang pumatay sa kapatid ko." Sabi ko na problemadong problemado. Dahil sa sitwasyon na kinakaharap ko. "Paano kong hindi siya at paano kung wala naman talaga siyang alam." Sabi nito. Inis akong tumingin dito. Kasalukuyang kausap ko sila sa laptop ko. "Paano kung siya." Sabi ko dito. "Chill besty sinasabi ko lang sayo kasi sa nakikita ko sa kanya parang wala naman siyang alam. Sa totoo lang sa nakikita ko sa mata niya may gusto siya sayo besty. Baka kaya nagbago yan tinamaan sayo nung una niyo palang magkita." Sabi na naman nito na kinikilig na naman. "Alam mo ikaw hindi ka nakakatulong naiinis lang ako lalo eh. Mabuti pa kaya tawagan mo na lang si Marvin yun na lang ang kausa

