Hindi ko na Malayan na nakatulog ako sa kakaiyak.Nagising ako sa katok sa pintuan. "Gabbien! kakain na anak" Sabi ni mama. "Sige po susunod na ako Ma." Sabi ko saka nagmamadaling nagayos ng sarili. Pagdating sa hapag nakita ko si Papa, kinabahan na naman ako ng tingnan niya ako. "Bakit ka naman napa sugod dito baka mamaya kung ano ang isipin ng asawa mo" Sabi nito na ikinalungkot ko. Naawa ako sa kakambal ko. Hindi na lang ako umimik. "Bakit po?" Tanong ko ng makitang pinagmamasdan ako ng aking Ina. "Minsan nakikita ko siya sayo Gabbien. Ano na kaya ang nangyari sa ate mo?" Sabi nito na maluha luha. Nabigla ako sa sinabi niya gusto kong maluha. "Nasa maayos kaya siya? kinocontact kaba niya Gabrielle?" Tanong nito. Umiling ako dahil hindi ko kayang magsalita. Baka pag nagsalita

