Niligpit ko ang mga kalat ko ng matapos nakaramdam ako ng gutom tiningnan ko ang orasan ala una na pala naligo muna ako bago ako bumaba.Hindi ko kabisado ang bahay. "Nasan banda ang kusina nila Michelle?" tanong ko kay Michelle habang pababa ako ng hagdan. "Pagbaba mo ng hagdan kumaliwa ka deretso lang." Sabi nito. Pagdating ko sa kusina sinalubong ako agad ng isang katulong. "Yan si Patring kusinera siya sa bahay niyo." Sabi uli ni Michelle. "Magandang tanghali ma'am kakain na po ba kayo?" Gulat nitong sabi. Tumango ako. Saka naupo. pinaghandaan ako nito pero sige ang tingin sa akin. naiilang tuloy ako. "Bakit po?" Tanong ko ng hindi na nakatiis. Kumamot sa ulo ito. "Pasensiya na ma'am naninibago lang po ako. Dati po kasi ayaw niyo pong kumain dito kasi na lulungkot kayo na mag

