WALA sa plano nina Nicole at Art ang pagpunta sa Sagada, pero nang may magbanggit sa kanila ng lugar na iyon, nagkatinginan lang sila at bumiyahe na patungo doon.
Hapon na nang dumating sila sa Sagada. Kumuha sila ng kuwartong matutuluyan at nagpasyang kinabukasan na lang pasukin ang kuwebang ipinagmamalaki ng mga tagaroon.
They made love unhurriedly. And after hours of feeling each other’s body, magkayakap silang natulog.
“Bukod sa underground caves, papasukin natin `yong lugar na may hanging coffins. Gusto mo ba?” tanong ni Art habang nag-aalmusal sila.
“Why not? Ikaw yata ang mukhang ayaw, eh. Takot ka?”
“Sa kabaong? Hindi, ah! Mas takot ako sa mga buhay na hindi mapagkakatiwalaan.”
Biglang napipi si Nicole. Pakiramdam niya, sapol na sapol siya ng huling sinabi ni Art. Itinutok niya ang atensiyon sa paghigop sa mainit na kape. Mag-iisang linggo na silang magkasama. Sa buong panahong iyon, wala siyang madamang pagsisisi na ito ang kasama niya. Basta huwag na lang niyang iisipin ang dahilan kung bakit sila magkasama. Pero puwede ba iyon? Kahit walang nagbubukas ng topic tungkol doon, alam niyang darating din iyon.
At darating din ang panahong maghihiwalay sila at walang matitira sa kanya kundi ang mga alaala. At tama rin siya na sa bandang huli, sarili din niya ang masasaktan. Dahil ngayon pa lang, kapag iniisip niyang magkakahiwalay na sila ni Art, na matatapos na ang maliligayang araw na ganoon ay nasasaktan na kaagad siya. At hindi lang masakit kundi nakakaalarma rin. Dahil mayroon siyang ibang nararamdaman para kay Art at natatakot siyang kumpirmahin ang damdaming iyon. Dahil higit siyang masasaktan.
“Mauuna na ba akong mag-shower o sabay na tayo?” tanong ni Art, halatang walang ideya sa pananahimik niya.
“S-sige, mauna ka na.”
“Hmm, tumanggi ka yata ngayon. Halika na, sabay na tayo. Sanay na akong kasabay ka sa shower.”
Nagpatangay na rin siya nang hilahin ni Art. And as expected, they made love under the shower.
“TAHIMIK KA, sweetheart. Something’s wrong?” puna ni Art kay Nicole. Palabas na sila mula sa kuweba at nauuna ang guide na inupahan nila. “Napagod ka siguro., Challenging naman kasi ang ganoong activit lalo na kung hindi ka sanay.”
“Nothing. Okay lang ako,” pagkakaila ni Nicole.
Mula kaninang umaga nang sumagi sa isipan niya ang mas malalim na kahulugan ng pagsasama nilang iyon, naging apektado na ang kanyang sistema. Pinipilit niyang pagtakpan ang tunay na nararamdaman pero bigla na lang siyang natatahimik at nag-iisip nang malalim.
“Kung gusto mo, i-cancel na lang natin `yong pagpunta sa hanging coffins. Ang sabi ng guide, medyo malayo pa `yon dito. Baka mapagod ka,” concerned na sabi ni Art. “Yeah, I guess, pagod ka na nga at ayaw mo lang umamin. Come on, bumalik na lang tayo sa inn. Saka na lang natin pag-isipan kung maglilibot pa tayo rito o babalik na tayo sa Baguio.”
Hindi kumibo si Nicole. Hinayaan na lang niyang si Art ang gumawa ng desisyon tungkol doon. Binayaran na nito ang guide at bumalik na sila sa inn.
“Kunsabagay, nakakapagod din ang biyahe natin kahapon,” sabi ni Art nang nasa kuwarto na sila. “Medyo sanay na nga lang ako sa long driving kaya hindi ko masyadong ininda. Eh, ikaw? Zigzag road pa naman. Nakakahilo rin `yon. Hindi ka pa siguro nakaka-recover sa pagod mo, `tapos, pinuyat pa kita kagabi.”
Alam ni Nicole, may kapilyuhan ang huling sinabi ni Art kaya kahit nananamlay, nakuha pa rin niyang mapangiti.
“I’ll take a quick shower, sweetheart. You don’t mind? Makati sa balat ang tubig sa kuweba, eh.”
“Why would I mind it?” nakakunot ang noong sagot niya.
Dumukwang ito sa kinauupuan niya at sinapo ang kanyang baba. “`Di ba sabi ko na kanina, nasanay na akong kasabay kang mag-shower? It won’t be a quick shower kung magkasabay na naman tayo.” Kinintalan siya nito ng magaang halik sa mga labi at tinungo na ang banyo.
Napabuntong-hininga si Nicole. Kumilos siya at inihanda ang isusuot ni Art. Lately, iyon na ang nagiging papel niya. Minsan nga, pati ang tuwalyang gagamitin nito ay siya pa ang nag-aabot. And she didn’t mind it, too. Sa katunayan, nag-e-enjoy pa nga siya na ginagawa iyon.
But it was a wifely duty, paalala niya sa sarili. And I won’t be his wife. Never, especially when he knew I’m deceiving him.
“Sweetheart, pakiabot naman ang towel, please? Nakalimutan ko, eh,” sabi ni Art na sumungaw mula sa banyo.
“Na naman,” napapailing na lang na sabi niya. Inaasahan na niya iyon kaya nga hawak na niya ang tuwalya. Nang lumapit siya sa banyo at iabot iyon kay Art, pati kamay niya ay hinila nito. “Art!” Napasinghap siya.
“Join me, sweetheart,” sabi nito at mabilis na siyang nahila sa tapat ng shower. “Nakasanayan ko nang kasabay ka.”
“Art.”
Mukhang wala na nga siyang dapat pang sabihin. Kaagad nang tinawid ni Art ang distansiya ng kanilang mga labi at sinakop ang buong bibig niya. Kasabay ng pagbagsak ng tubig sa kanyang katawan ay ang pagkawala rin ng pag-aalala sa kanyang dibdib.
His hot kisses made her forget the things that bothered her. Ang mga kamay nitong humahaplos sa kanyang katawan ay parang apoy na hindi kayang maapula ng lagaslas ng tubig.
Soon, she was as naked as him. And for another time, they made love under the shower.
“GUSTO mo bang pumunta sa Laoag, sweetheart?” tanong ni Art nang pabalik na sila sa Baguio. “Nandoon ang pinakabagong hotel chain ko. Under construction pa lang `yon. Tamang-tama, puwede ka na ring makipag-coordinate sa architect para maipuwesto na rin ang travel agency mo.”
Kung sa ibang pagkakataon, magbibigay kay Nicole ng kakaibang sigla ang narinig, pero iba nang oras na iyon. Pagkatapos ng maiinit na sandali ng kanilang pagniniig, mabilis ding umaalipin sa kanyang dibdib ang pangamba. Sa pagdaan ng mga araw, habang natutuklasan niyang kakaibang saya ang umaapaw sa kanyang dibdib kapag kasama si Art, tumitindi rin ang guilt feeling niya dahil niloloko niya ito.
And it wasn’t funny. Dahil sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang hindi basta mababaw na kaligayahan lang ang kahulugan niyon. She had fallen in love with him. And now, she was having a dose of her own medicine. Ngayon pa lang ay nagsisimula na ding madurog ang puso niya.
She felt so heartbroken it couldn’t compare the grief she had when she her husband died.
At kahit handa na siyang masaktan sa sitwasyong pinasok niya, hindi niya naisip na magiging mabigat ang komplikasyon. Ni sa panaginip, hindi niya inisip na iibig siya kay Art. Ang alam lang niya noong una, ang pagbigyan ang sarili sa maikling panahon ng paimbabaw na kaligayahan. She only meant a period of hot, casual affair with a little deception on her side. Wala siyang kamalay-malay na sa kanya rin babalik ang lahat ng plano niya.
Karma mo iyan, tuya niya sa sarili.
At ngayon, nasasaktan na siya. Dahil alam niya, sa alinmang panig, siya ang talo dahil niloko niya si Art. Paano siya mapapatawad ni Art kung pinaasa niya ito sa bagay na pinakaaasam-asam nito gayong alam niyang kailanman ay hindi niya iyon magagawang ibigay?
“Ang lalim ng iniisip mo, ah. Kaya ko bang hukayin `yan?” tukso ni Art at inabot ang kamay niya.
“H-ha? Wala, naaliw lang akong tingnan ang paligid,” pagdadahilan ni Nicole.
“Ano, punta tayo sa Laoag? Mahigit isang linggo na tayo rito sa Baguio. Baka gusto mong umiba naman ng lugar? By the way, kailan mo balak mag-out of the country? Ako, puwede anytime. We can take an Asian cruise o kaya naman, we’ll go by plane. Bahala na kung saan tayo mapadpad. Wala namang problema sa mga travel documents natin, `di ba?”
“Yeah,” sagot ni Nicole na mahihimigan ang kawalan ng interes.
Sa isip niya, imposible nang mangyari pa ang mga sinasabi ni Art. Dahil ngayong nasiguro na niyang mahal nga niya ito, wala na siyang balak na pahabain pa ang panloloko rito. Alam niya, malamang na umabot hanggang langit ang galit ni Art sa kanya. At lalo pa kung patuloy pa niya itong lolokohin.
“By the way, sweetheart, okay lang ba kung lumabas ako sandali mamayang gabi? Mayroon lang akong isang taong kakausapin. Gusto kitang isama, kaya lang, alam kong mabo-bore ka lang doon. I hate to admit it, but we’re going to talk some business. Sorry for that, Nicole.”
“Sorry for what?”
“Kasi iiwan kita sa bahay. Pero promise, sweetheart, sandali lang ako. Babalik din ako agad.”
“Okay lang.” Pero sa likod ng kanyang isip, mabilis siyang nakabuo ng desisyon.
Pinisil nito ang kanyang kamay. “Promise, sweetheart, I’m going to make up for it.”
“Art,” malumanay na sabi niya. “Okay lang `yon. Don’t worry, I don’t mind it.”
“Basta, mamayang gabi, pag-uwi ko, babawi ako.”
Hindi na lang siya nakipagtalo.