“I’M SORRY,” pabulong na sabi ni Art.
Iyon ang mga salitang hindi gustong marinig ni Nicole sa pagkakataong iyon. “Please, Art, I don’t want to hear apologies,” mahinang sabi niya at umiwas ng tingin.
Yumuko ito. He rained small kisses on her shoulders. Napapikit siya. Kahit nakahiga lang siya, nanghihina pa ang mga tuhod niya. She had anticipated s*x. Pero hindi niya inisip na ganoon ang magiging epekto sa kanya.
She felt her thoughts were wiped out. Never had she imagined she could experience lovemaking as mind-boggling, as bone-melting as this.
She knew she had reached heaven. She got what she was asking for. Light kisses and cuddling after the main event were indeed a bonus.
At napakasarap namnamin ng lahat ng iyon kaya ang pinakahuling gugustuhin niyang marinig ay ang paghingi ng paumanhin ni Art.
“I ruined things, sweetheart. I’m going to make up for it.”
Sweetheart... Pangatlong beses na niyang narinig iyon kay Art. Sa magkakaibang pagkakataon, nagbibigay ng kasiyahan sa puso na marinig dito ang pagtawag na iyon.
“Make up for what?” she asked softly.
“I-I lost my mind. I forgot about you. I had my satisfaction while you had nothing—”
Pinigil ng mga daliri ni Nicole ang pagbuka ng mga labi ni Art. “Hindi totoo `yan,” she said, a bit embarrassed. Hinaplos niya ang mukha nito. “It is nice to know I made you lose your mind. And there’s nothing to worry, Art. I enjoyed it, too.”
Tinitigan siya nito. “Totoo?”
Nakangiting tumango siya.
Nagkaroon naman ng kakaibang aliwalas ang mukha ni Art bago tuluyang gumuhit sa mga labi ang isang ngiti. Mayamaya, yumuko uli ito sa kanya. He kissed her pleasantly. Mayamaya, tumabi ng higa sa kanya at niyakap ang kanyang baywang.
NAGISING SI Nicole sa mabangong amoy ng bawang at sa isang bagay na magaan na naglalandas sa kanyang pisngi. Soft petals of a long-stemmed rose, she realized when she opened her eyes.
“Good morning, sleeping beauty,” bati ni Art, ang ngiti ay kasing-liwanag ng magandang umaga.
“Good morning.” Ngumiti rin siya pero alam niyang hindi iyon kasintamis ng nakaguhit sa mga labi ni Art. Preskong-presko na ang anyo nito sa puting T-shirt at cotton shorts na suot. Bagong paligo at bagong ahit din. Bigla tuloy siyang na-conscious na ibuka ang bibig dahil bagong gising lang talaga siya.
“Breakfast in bed!” may pagmamalaking sabi nito at binuhat ang bed tray patungo sa kanya. “`Di ba sabi ko sa `yo dati, I’ll serve you breakfast in bed?”
“Ikaw ang nagluto niyan?” gulat na sabi ni Nicole. Tapsilog ang nasa plato. Mayroon ding fresh strawberries and cream. Namamawis ang baso ng malamig na juice at kahali-halina rin ang aroma ng bagong lagang kape.
“Kung sasabihin kong ako ang nagluto, maniniwala ka?”
Sinulyapan uli ni Nicole ang pagkain bago nakangiting tumingin sa binata. “Well, wala naman sa hitsura na galing ito sa Chowking. Hindi ganyan ang hitsura ng fried rice nila.” Kumilos siya para bumaba ng kama. Hinila niya ang kumot para maipantapis sa kanyang katawan.
“What are you doing?”
“Magbabanyo.”
“Oh?” he chuckled. “Nakalimutan mo yatang nasa kuwarto ring ito ang banyo. You don’t need this.”
Sa pagkakataong iyon, siya naman ang napa-“oh!” Hinila nito ang kumot at tumambad siyang hubad na hubad sa harap nito. “Art!”
And he was suddenly mesmerized. His face instantly became flushed. Then he stood and reached her. “Nicole,” he drawled. At yumuko ito para tawirin ang distansiya ng kanilang mga mukha.
“Art, sandali!” Conscious na conscious na umiwas siya.
“I don’t want to wait, sweetheart, even for a second.” Iyon lang at ibinagsak siya nito sa kama.
“Art!” protesta niya pero nasa tono niya ang umaahong excitement. She could feel his hardness against her stomach. And the fire she was seeing in his eyes could match the burning she felt inside. “Art, sandali lang!”
“What?” may pagkainip na sabi nito bago bumaba ang halik sa kanyang leeg.
“`Yong pagkain. Itabi mo muna.”
Tumawa ito nang mahina at sumunod na. Puno ng kapilyuhan ang mga mata nito nang bumalik sa kanya.
“ORIGINAL NA Dolce and Gabbana ito!” manghang bulalas ni Nicole at itinaas pa ang blouse para sipatin.
“Ngayon ka pa lang napunta sa ukay-ukay?” amused namang sabi ni Art.
“Hindi. Pero ngayon lang ako nakakita sa ukay-ukay ng mga original pieces. Iyong mga napapasok kong ukay-ukay sa Maynila, mga bagsak sa quality control ang tinda.” Nagkatuwaan lang sila ni Art na pasukin ang ukay-ukay market sa Baguio. Nasa palengke sila para mamili ng pagkain nang bigla na lang silang magkayayaan doon.
Apat na araw na sila sa Baguio. Wala silang plano. Kung ano lang ang maisipang gawin, ginagawa nila. They did everything spontaneously. Even their lovemaking. Maliban na lang sa mga gabing mahihiga na sila. Sa mga pagkakataong iyon, they were both anticipating to make love, no matter if they already did it during the day.
And each lovemaking was great. Hindi na rin mabilang ni Nicole kung ilang beses nilang ginawa iyon. At sa bawat pagkakataon, hindi niya magawang magsisi sa naging desisyon niya. At malaking bagay nang hindi binabanggit ni Art ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. They were enjoying each other’s company. And she was having a great time.
“Ano, bibilhin na natin `yan?” tanong ni Art.
“Itong damit na ito?”
“Yes. Mukhang hindi mo na bibitawan, eh,” tukso nito.
Ibinaba ni Nicole ang damit. “Actually, mayroon akong ganito. Kaya nga nagulat ako, eh. Tingnan mo, seventy-five pesos lang? `Yong sa akin, nasa six hundred. Dollars `yon, ha!”
“I know. So, gusto mo pang maghalukay rito?”
Umiling siya. “Ayoko na. Baka makakita pa ako ng kamukha ng damit ko, sasama lang ang loob ko. Dito pala, `yong mga signature dress, mura lang. Dapat pala, dito na lang ako bibili.”
“Seryoso ka?”
“Hindi.” Pareho pa silang natawa sa sagot niya.
“Mabuti pa, umuwi na tayo. Excited na akong gumawa ng vegetable salad. Marunong din akong gumawa ng super-sarap na dressing, in case you don’t know, Nicole.”
“Talaga? At pagkatapos, ano pa ang gagawin mo?” tanong niya, nasa mga mata ang panunuksong hindi magawang sabihin.
Ngumisi si Art. “Kung ang iniisip mo ay ang iniisip ko, puwes, `yon ang gagawin natin.”
“Oh!” she said, purring like a cat.