STILL, Nicole waited for two weeks bago siya nagpasya na tawagan si Artemis. Hindi rin naman siya tinatawagan ng lalaki pero sa loob ng dalawang linggong iyon ay apat na beses itong nagpadala sa kanya ng bulaklak. At palagi ay simple ang nakasulat na mensahe.
I’m hoping for your positive decision. And I won’t make you regret about it.
Art M.
It sounded so business-like and formal yet the way he signed his name always made the messages personal.
Pagkatapos ng lumipas na mga linggo, alam niya, tiyak niya sa kanyang sarili na iyon na ang pinal niyang pasya. Pero hindi rin nabawasan ang kabang nasa dibdib niya nang i-dial niya ang numero ni Artemis.
“Nicole?” may kasabikang sagot nito bago pa man siya magbuka ng mga labi. “I have saved your number already kaya alam ko na agad na ikaw ang tumatawag.” Hindi rin nabawasan ang sigla sa tinig nito habang nagpapaliwanag.
“A-ako nga,” aniyang tumindi pa ang kaba. Naisip ang kalokohang nasa gitna ng pag-uusap na iyon. Pero agad din niyang idinikta na sarili din naman niya mismo ang isinusugal niyang masaktan.
“This is a surprise!” narinig niyang wika ni Artemis. Sa tono ay walang dudang wala itong kahina-hinala sa pansarili niyang interes. “And I want to admit, this call made me anxious. Naisip kong bago matapos ang araw na ito ay tatawagan kita. But now that you called me, I’m thinking na nakapagdesisyon ka na.”
“Y-yes.”
“Yes? Pumapayag ka na o tumatanggi ka?”
“M-mayroon lang sana akong kondisyon.”
“Pero payag ka na?”
“Yes—”
“Whatever your condition, it’s yours!” tuwang wika ni Artemis. “Where are you? I want to see you now.”
“Narito pa sa bahay ko. But I will leave soon. Pupunta ako sa opisina.”
“Wait for me. Susunduin na kita riyan,” maagap na wika nito, hindi maikakaila ang labis na katuwaan.
Nakadama si Nicole ng guilt pero agad niyang iwinaksi iyon sa sarili. She deserved to be happy, kahit pansamantala lang.
“Artemis, kailangan mo munang marinig ang kondisyon ko.”
“I told you, ibibigay ko iyon sa iyo. The most important thing to me is that you have agreed. Nicole, much as I don’t want this conversation to end, I also can’t wait to see you. I’m coming to your place, okay? Huwag kang aalis.”
“Sige,” nasabi na lang niya.
Nang ibaba niya ang telepono, hindi niya alam kung dapat siyang magdiwang o lalo pang kabahan.
There was no turning back now.
ILANG beses na napailing si Artemis. He had been driving for so many years pero ang pakiramdam niya ngayon ay walang iniwan noong unang beses siyang nakahawak ng manibela.
Tila kaya niyang paliparin ang kotse sa labis na excitement. Hindi na niya matandaan kung kailan ang huling pagkakataon na naging ganito siya kasaya. At ngayon pa lang ay parang nakakatiyak na siya na ilang buwan mula ngayon ay maaaring maging triple pa ang kaligayahang maramdaman niya.
Kaagad nabuo sa kanyang isip ang imahe ni Nicole—heavy and very much pregnant with his child.
He sighed at natanto kung gaano kaluwag na nagdaan ang hangin sa kanyang baga. The image seemed so natural—and perfect.
Hindi nga siya nagkamali na si Nicole ang piliing maging ina ng kanyang anak. She was not just beautiful. She was elegant. Her personality and intelligence attracted him as well. And what more, pumayag din ito sa alok niya.
“Ooops!” he muttered at biglang nagpreno. Sa labis na excitement ay muntik pa siyang lumagpas sa talagang pakay niya.
Nakaabang naman sa may terrace si Nicole. Nang matanaw siya nito ay agad na ring lumapit sa gate para pagbuksan siya.
He couldn’t wait. Inirampa lang niya ang kotse at nagmamadali nang bumaba.
“Nicole!” he said excitedly. Without any thinking, niyakap niya ito at siniil ng halik.
Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya na gawin iyon. At nang sandaling lumapat ang mga labi niya kay Nicole, ni ang isipin ang anumang bagay ay nakalimutan na rin niya.
Nakatuon lang ang buong atensyon niya sa halik na iyon. Halik na parang ayaw na niyang tapusin.
HIS MOUTH lowered to her without any warning. Parang tumigil ang inog ng mundo. Nicole absorbed the sensations of his lips brushing back and forth on hers. Ramdam niya ang tila apoy na mabilis na kumakalat sa kanyang sistema. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, gusto niyang namnamin pa ang intensidad ng halik nito.
Parang kayang burahin ng halik nito ang katinuan niya. At bukod sa paghalik ay naramdaman niya ang mabilis ding pagkulong ng mga bisig nito sa kanyang katawan. At aaminin niyang gusto rin niya ang pakiramdam na nakakulong sa yakap nito.
At hindi kalabisang gumanti siya sa mga halik nito dahil tangay na tangay siya.
Para sa sumunod na segundo ay mabilis ding mapamulat ng mga mata. Gumulantang kay Nicole ang malakas na tunog ng isang sasakyang nagpreno. Halos awtomatiko rin ang ginawa niyang pagdistansya kay Artemis.
“No one saw us,” narinig niyang wika nito.
At napatango na lang siya. Nakita din niyang nasa dulo ng kalye ang naturang sasakyan. Nang bumalik ang tingin niya sa binata, nahuli niyang nakatitig pa ito sa kanyang mga labi. Napalunok siya. She could still feel the delicious sensation of their kiss.
It made her forget everything—pati na ang lugar kung saan sila nakatayo ngayon!
Then their eyes met.
At nakita niyang hindi pa nga rin ganap na nawawala ang damdaming naantig sa kanila. She tore her glance away. Hindi niya alam pero ngayon siya tila nakadama ng pagkapahiya.
“D-doon na tayo sa loob mag-usap,” pakli niya at nauna nang pumasok sa bakuran. “Maupo ka,” aniya na bahagya lang itong nilingon. “Maghahanda lang ako ng maiinom.” At tumuloy na siya sa kusina.
Don’t be a fool, Nicole! kastigo niya sa sarili. Tapos na ang desisyon mo. You want it kaya dapat na panindigan mo. Don’t act like a prudish virgin.