11

1187 Words
Hinahalo niya ang juice na tinimpla niya nang may maalala. Pagkuwa ay napailing na lang siya at napangiti. Pakiramdam niya, hawak na niya ang kanyang sariling hinahon nang bumalik siya sa sala. “I forgot to ask,” nakangiting lapit niya kay Art. “What would you like, coffee or—” “Coffee. No sugar but lots of cream.” “Okay.” Nang idulot niya ang gusto ni Artemis ay dala na rin ang juice na nauna niyang ginawa. Naisip na tamang-tama lang iyon para sa kanyang sarili para makatighaw sa tila bigla na lamang niyang pagkauhaw. Palihim siyang napangiti. Parang may nanunukso sa likod ng isip niya na hindi lamang literal na pagkauhaw ang dagli niyang naramdaman nang mga sandaling iyon. “Perfect,” sinserong papuri ni Art nang matikman nito ang kape. At pagkuwa ay ang pamamayani ng katahimikan. Naunang gumawa ng ingay si Art. Ibinaba nito ang puswelo at saka tumikhim. “I want a baby, Nicole. You know it. What about you? Ano ang kondisyon mo?” Napalunok siya. Bagaman nasa isip na niya ang mga bagay na iyon ay parang may pag-aalinlangan din siya na lumabas iyon sa kanyang mga labi. “By the way,” ani Art na tila nainip sa pagsasalita niya. “I have already make a bank arrangement for your first two million. Kailangan mo lang sabihin sa akin ang account mo para mailipat na iyon ng bangko.” “I… I don’t need that,” sabi niya. “What do you mean you don’t need that?” kunot ang noong sabi nito. “I don’t need that money. Isa iyon sa mga kondisyon ko.” Lalo nang lumalim ang gatla ng noo nito. “You don’t need money,” hindi makapaniwalang ulit nito. “Pumapayag ka sa proposal ko nang libre? M-mahirap yatang paniwalaan iyan. Maybe you have to think about it more, Nicole. Nasabi ko nang akin ang bata pagkatapos mo siyang isilang. And I’m serious about it. I don’t want joint custody.” “I understand that,” sagot naman niya. “Ang ibig ko lang namang sabihin, hindi mo kailangang ibigay muna sa akin ang pera. Meron din naman ako niyan. Marami.” At mapakla siyang ngumiti. “I won’t mind kung hindi muna natin pag-uusapan ang pera. why don’t we focus on the most important thing?” “Meaning on how we will… procreate?” he said slowly. Banayad siyang tumango. Pero hindi iyon nagdulot ng aliwalas sa mukha ni Artemis. “Nicole, I want to make this clear before we go further. Ayokong kung kailan buntis ka na ay saka magbabago ang iyong isip. Ayoko nang ganoong hassle. I want to be sure that the child would be mine alone.” At talagang binigyan nito ng emphasis ang huling sinabi. Pinatigas naman niya ang kanyang anyo. “Hindi mo pa naririnig ang ibang kondisyon ko. I told you, I understand what you want. Now hear me first. Kung tatanggapin mo ang kondisyon ko, then we have a deal.” “What is it?” “I don’t want to see a doctor.” He frowned again. “Bakit? Kaya mo bang manganak mag-isa? Hindi ako papayag, Nicole. You have to be attended by professional.” Napangiti siya. “Ang ibig kong sabihin, I don’t want to consult the doctor… yet. I want the things to come naturally.” “You mean, you don’t want a doctor to advise you when you’re gonna be fertile or not?” “Sa aming mga babae, simple mathematics lang ang ganyang bagay,” kaswal na sagot niya. Tumango ito. “Okay. So, how long are we going to try?” “T-three months?” He grinned. “I’m going to have you for three months,” he said lightly yet she felt the provocation underlying it. “Mayroon pa bang ibang kondisyon?” “Yes.” At bago pa siya mawalan ng lakas ng loob na sabihin iyon ay mabilis na niyang ibinuka ang mga labi. “I want a hot, wild, never-to-be forgotten affair. For three months. If I don’t conceive, I’ll be on my way and you go on your way. We’ll forget about what happened between us. You won’t owe me any cent. In fact, I’ll consider myself well paid.” Napanganga si Artemis. “Well paid? As in s*x? You make yourself sound like a…” “Like a woman who’s desperate?” dugtong niya. “Maybe I am,” mahinang wika niya at sinalubong ang tingin nito. “I want to feel what’s it’s like to be with a man again. At kagaya ng kung paano mo ako pinili na maging ina ng anak mo, ganoon na rin siguro ang dahilan ko why it had to be you.” Nakatitig lang sa kanya si Artemis. Nasa anyo ang tila pagbaha ng kalituhan sa narinig sa kanya. At pagkuwa ay umarko ang mga kilay nito na tila nilalayong unatin ang kagyat na pagkakakunot ng noo nito. “Would it mean that after your husband, you didn’t involve yourself to any other man?” “No, never.” Then silence. “This deal is indeed out of ordinary. All I thought before was how to have a baby. Now I’m hearing that you want to feel a passionate affair. Hindi kaya pabor din naman sa akin iyon?” “Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Basta ako, iyan ang mga kondisyon ko,” she said stiffly. Ngumiti si Artemis. “Mga kondisyong pabor din naman sa akin, so bakit ako tatanggi. We have this deal then.” “Yes.” “Okay, I’ll tell my lawyers to draw up a contract.” “That won’t be necessary.” Napatanga na naman sa kanya si Artemis. “Let’s stick to verbal agreement,” mabilis na wika niya. “I don’t think any contract about our deal would be valid. Kahit pumirma ako ng kung anu-anong kontrata, mananatili pa rin ang karapatan ko sa bata kapag ginusto ko. Remember, ako ang ina.” His eyes narrowed. “Are you telling me that you would change your mind later on?” “No. Ang sinasabi ko lang, huwag na tayong magpakapagod pang magpirmahan. A verbal agreement will do. Nasabi ko na ang kondisyon ko and you accepted it. So I believe, we now have a deal.” “All right, so when do we start?” Bigla ang paggapang ng mabining init sa buong katawan niya. Ang simpleng pangungusap na iyon, sa pandinig niya ay tila katumbas ng: When are we going to be naked and make passionate love to each other? “When do you want to start?” tugon niya sa pinakaswal na tono. “When is your most… fertile time?” She wanted to laugh bitterly. Kahit kailan, hindi siya magiging fertile. Pero siyempre, hindi niya iyon gagawing isatinig. She thought about her monthly period instead. “Maybe next week,” she said at last. Nagliwanag ang buong anyo ni Artemis. “Tamang-tama! Birthday ko sa isang linggo.” Napangiti siya pero may palagay siyang mapakla ang ngiting iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD