12

1628 Words
“I’M GOING out of town, Eve,” sabi ni Nicole sa kaibigan nang tawagan ito. “Iyong mga closed deal natin sa Romantic Events, areglado nang lahat iyon. Kung mayroon namang mga bagong kliyente, maaasahan naman ang assistant ko sa Honeymoon Travel. Naibilin ko nang lahat kay Violy ang dapat niyang gawin. Isa pa, I’ll contact everybody from time to time. Siyempre, on-going din ang pagtatayo ng offices sa hotel lobbies kaya wala kang dapat ipag-alala. Hindi ako magha-hibernate.” At binuntutan niya iyon ng tawa. “And I want to think that your sudden “going out of town” quote unquote has something to do with that so-called indecent proposal to you?” “Sabi ko na nga ba, eh, ang talas ng pakiramdam mo. Walang maililihim sa iyo,” napapailing na lang na sabi niya. “Sige, magsermon ka na rin kung gusto mo.” “I won’t do that, Nicole. Malaki ka na. Ikaw ang mas higit na nakakaalam kung tama o mali ang desisyon mo. And whatever it is, I respect it. Basta ako, gusto ko lang ulitin, whenever you need me, you know how to reach me.” “Thanks, Eve. I’m touched,” sinserong sabi niya. “I wish you good luck, Nicole. Sana hindi ka nagkamali sa desisyon mo. At sana rin, hindi ka masaktan sa bandang huli.” Nakagat niya ang ibabang labi. “We both know that I’m going to be hurt. Pero choice ko naman ito. Handa na rin akong masaktan.” “Martir.” “Well, parang mas tama yatang sabihin masokista.” At bahaw siyang tumawa. “Nicole, I love you, friend. Kung halimbawa, magbago ka ng isip at the last minute then umatras ka. Siguro naman kapag naroroon ka na, mararamdaman mo kung ano nga ba talaga ang gusto mo. Pareho tayong nabyuda, we both know, hindi lang iyan dahil sa sabi nga nga iba, tigang na tigang na. Sometimes, more than s*x, we miss the companionship. We miss someone who cuddles us, who talk with us.” “Yes, tama ka. And thanks again, Eve. Thank you for your friendship.” “Not at all. Take care always, Nicky.” Pagkababa ng telepono ay saka niya inilagay sa traveling bag ang mga damit na inihanda niya. Marami rin ang mga iyon sapagkat ang sabi sa kanya ni Artemis ay isang linggo ang itatagal nila sa vacation house nito sa Baguio. At umpisa pa lang iyon ng kanilang itinerary. Sa ilang beses na pag-uusap nila sa telepono at dalawang dinner date na pinaunlakan niya, nasabi na sa kanya ni Artemis na gagawin nilang tila isang tunay na honeymoon ang susunod na ilang linggo.  At naniniwala naman siya. Pareho sila ni Artemis na well-traveled pero napagkasunduan nilang sa Asian countries gugulin ang panahong iukol nila sa isa’t isa. Iyon nga lang, nais nitong first stop nila ang Baguio City. Ayon sa binata, nakagawian na nitong basta birthday nito ay sa bahay na iyon umuuwi. Wala namang kaso sa kanya. Nang pumayag siya sa usapang iyon, handa na rin siya sa lahat. At hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para magbigay kay Artemis ng regalo. A very special gift to be specific. Dinampot niya ang black lace teddy na binili niya sa online. Sa tanang buhay niya, kahit na noong may asawa pa siya ay hindi pa siya nagsuot ng ganoon. She was fond of sexy dress and nightie but not this kind. It was sexy beyond imagination. At sa pananaw niya, isang magandang regalo para kay Artemis na iyon ang isuot niya sa unang pagkakataon na may mangyayari sa kanila. Mabilis niyang tinapos ang pag-eempake. Sumunod niyang dinampot ang isa pag bag na toiletries naman niya ang laman. Bago sa mga karaniwan na niyang gamit ang pabango na naroroon. It had a unique scent. Ayon sa description niyon sa internet at akma din naman sa research niya, ang mga pinagsama-samang oils sa pabangong iyon ay nakakapagpaantig ng sensuwal na damdamin ng makakaamoy. And it must be effective dahil bestseller pala ang pabangong iyon. Mahal kung tutuusin pero balewala sa kanya ang presyo. Mabuti na lang at bagay sa body chemistry niya ang amoy na iyon. Binuksan niya ang bote at inilapit iyon sa ilong. Napapikit pa ang mga mata niya nang minsan pang masamyo iyon. The scent had indeed a sexy note. Hindi siya nakatiis ay nagwisik sa likod ng kanyang tenga. “Passion,” she breathed. Naikondisyon na niya ang isip niya sa mga mangyayari sa susunod na araw. At ang totoo ay halos umapaw na rin sa antisipasyon ang kanyang dibdib. At any time of the day, bigla na lamang sumasalit sa isip niya ang init ng halik na pinagsaluhan nila ni Artemis. And that made her body flushed and excited with the moment they were going to be one. Pansamantala ay iwinaksi niya sa isip kung tama nga ba o mali ang kanyang desisyon. Hindi na niya kailangang mag-isip sapagkat tapos na ang usapan nila ni Artemis nang sandaling pumayag siya. “MEDYO SENTIMENTAL din akong tao,” nangingiting kuwento sa kanya ni Artemis habang nasa biyahe sila. Nasa Kennon Road na sila at ang mga naunang oras ng kanilang biyahe ay hindi naman kainip-inip. They took that time to get to know each other. Hindi naman matipid magsalita si Artemis. Ito pa nga ang mas madalas na bumangka sa mga paksang nabubuksan nila. Napansin din ni Nicole, karamihan sa kuwento nito ay tungkol sa pamilya nito at sa pinagdaanan nito para umunlad. At bagaman tipikal na kuwento iyon ng isang taong masuwerte na ipinanganak nang sagana, hindi naman niya nahimigan ng kayabangan ang tono nito. “Iyong bahay ko sa Baguio, iyon kasi ang unang pundar ko sa sarili kong pagsisikap. Paborito naming lugar ang Baguio. May ancestral house kami doon. Iyong kapatid kong babae ang nakatira ngayon doon. Iyong sa akin, sa kabilang barangay lang. Naengganyo akong bumili ng lupa noong magkaroon ng subdivision doon. Medyo magulo na kasi doon sa ancestral lalo na kapag nagkakasabay-sabay ang bakasyon naming magkakapatid dito. Masaya siyempre pero hinahanap ko pa rin iyong tahimik. “Iyong bahay ko, doon ako umuuwi kapag suko na ako sa ingay ng mga bata at halakhakan ng mga matatanda.” Nilinga siya nito at maluwang na ngumiti. “Apat kaming magkakapatid. Dalawa ang lalaki at dalawa ang babae. Lahat sila may pamilya na. Ako na lang ang wala. At natural, alaga nila akong kantiyawan. Ang mga pamangkin ko, siyam lahat. Balanseng-balanse sa kanila dahil tig-tatlo silang lahat. At sa dami ng mga batang iyon, ang mama ko, hindi pa rin nakakalimutan na kulitin ako. Hindi ko pa raw siya binibigyan ng apo. Imagine that? siyam na iyong naglalambing sa kanya, naghahanap pa?” he chuckled. “Kung sabagay, si Albert kasi, iyong sumunod sa akin, puro babae ang anak. Wala pa raw magpapatuloy ng angkan ng Monterubio. Iyo namang hipag ko kay Albert, si Cita, hindi na magkakaanak pa kaya wala akong choice. Sa akin sila umaasa ng magpapatuloy ng mga Monterubio.” At sinulyapan siya nitong muli. “I hope for a son, Nicole,” he said earnestly. “But a daughter is also a welcome.” Napalunok siya. Umatake ang guilt sa sistema niya pero kaagad niya iyong isinantabi. She smiled sweetly. “Malay mo naman, Art. You could have both.” At kasabay ng panlalaki ng mga mata ng binata ay ang pagkagulat din niya. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para sabihin iyon. Ni hindi nga niya iyon ganap na pinag-isipan “Come to think of it, ang lola ko kay Papa ay kambal!” excited na sabi ni Artemis. “Hindi nga lang nabuhay but still, nasa genes namin ang pagkakaroon ng kambal.” Napangiwi siya. Iyon nga lang isang anak, imposible na niyang maibibigay kay Artemis, mukhang dalawa pa ang aasahan nito. Sa sumunod na mga minuto ay hindi na naalis ang kakaibang ngiti sa mga labi nito. Iba rin ang kislap ng mga mata. At masasabi niyang ang ideya ng pagkakaroon ng anak na kambal ang nasa isip pa rin nito. Then suddenly he reached her hand. “I hope we can work that out, Nicky. Masarap palang isipin na puwede akong magkaanak ng kambal.” Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya alam kung guilt o katuwaan ang naunang dumaplis sa puso niya o magkasabay nga ba iyon. The way he called her Nicky brought a familiar pang to her chest. Pero umagaw sa masarap sanang pakiramdam ang sinsero ring pag-asam ni Artemis na magkaroon ito ng anak—at kambal pa! “O, hindi ka na kumibo riyan,” tila tudyo ni Artemis sa pananahimik niya. “Iniisip mo siguro na mas mahirap na manganak kung kambal?” “K-kahit naman isa lang, mahirap daw talaga ang manganak.” “Well, ang maipapangako ko lang sa iyo, naririto ako palagi sa tabi mo. We’ll do every possible way para hindi ka mahirapang manganak.” He shifted his gear at tumulin ang kanilang takbo. “Sa city proper na muna tayo, Nicky. Doon na tayo mag-late lunch para pagdating natin sa bahay, makapagpahinga muna nang kaunti.” “And after that…?” Nagkatinginan sila ni Artemis. Kagyat ang paglukob ng kakaibang tensyon sa pagitan nila. At sa kanilang mga mata, iisang ideya lang ang tila mababasa. To make love. “W-we could have a night out if you want,” wika ni Art mayamaya, sa kaswal na tono. Then he made a quick breath. “Nicole, as much as we both know what is the purpose of this, I want to try to make things naturally. Iwasan natin ang pressure hangga’t maaari. Hindi ba mas maganda kung ganoon?” “Yes, I think so.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD