IT HAD been five years ago. Ang mga biyenan niya ay bihira na lamang niyang makita bagaman sa mga espesyal na okasyon ay nagkukumustahan sila. Ang Honeymoon Travel ang pinaglaanan niya ng oras dahil iyon ang kayang-kaya niyang patakbuhin. Ang ibang negosyo na may sosyo si Edsel ay ibinenta niya sa mga partners nito at inilagak niya sa bangko ang pera.
Honeymoon Travel ang buhay niya. Kung mayroon man siyang matatawag na social life, iyon ay ang paminsan-minsang pagsasama nila ng mga wedding girls. Maliban doon ay wala na.
She was missing Tiffany pero nasa Middle East na ito. Tanging sa telepono na lamang sila nagkakausap ng bata. At kapag naiisip niya kung gaano na kalaki si Tiffany ngayon ay hindi rin niya maiwasang isipin na kung nagkaanak siya siguro, malamang ay hindi ganoon kalaki ang pagkasabik niya kay Tiffany.
Malalim ang buntong-hiningang ginawa niya. Kapag ganitong nag-iisa siya at nakakapagmuni-muni, hindi lang basta pagkasabik ang naiisip niya.
Pati ang mga bagay na matagal na niyang inilibing sa limot ay parang tukso na umaahon. Mga pakiramdam na pinili niyang huwag nang maramdaman pa.
Pero tao lang din siya… normal at mayroong likas na pangangailangan.
Maraming mga gabi na inaalipin siya ng labis na pangungulila. Malamig na paligo ang iginagamot niya sa mga pagkakataong iyon. Pero mayroon ding mga oras na bigla na lang ay naiisip niya, bakit nga ba siya nagtitiis? Hindi lang isa o dalawang lalaki ang may interes sa kanya. She could have a relationship with a man again. O kung ayaw man niya ng seryosong relasyon, puwede ring panandalian.
Hindi lang isang beses na may nag-alok sa kanya ng indecent proposal. In fact, lahat yata ng uri ng proposal ay naranasan na niya. From one-night stand to marriage, hindi na niya ipagtatanong. At alinman doon ay tinatanggihan niya.
Bakit pa siya mag-iinteres? Kapag nakipagrelasyon siya, hindi na rin imposible ang s*x. She was already thirty-one. Consenting adult at liberal. At isa ring biyuda. Kung minsan, ang akala ng mga lalaki ay sabik na sabik siya sa kahit anong klase na lang na relasyon. At ang kawalan niya ng interes ay negatibo pa rin ang dating sa iba. Napagkakamalan siyang nagpapakipot lang.
If they only knew…
Pagkatapos ng pagsasama nila ni Edsel, siya na rin ang nagdesisyon na iukol na lang ang lahat ng oras sa negosyo. Bakit mag-iinteres pa siya na makipagrelasyon pa kung alam na alam naman niya kung ano ang kakulangan niya?
She would never have the completeness any woman had always been wanted.
“I would prefer if we do it the traditional and passionate way.”
Napailing siya. Hindi siya naniniwala na pinaimbestigahan nga siya ni Artemis. Dahil kung totoo iyon, imposible siya ang babaeng aalukin nito nang nais nitong mangyari.
She swallowed painfully. Mas lalo niyang nararamdaman ngayon ang sakit ng kakulangan niya bilang babae. Ang kawalang-silbi. Bagaman alam niyang walang alam doon si Artemis, tila insulto pa rin sa kanya ang alok nito.
Akala niya, sa pamamagitan ng pag-iwas, ng pagtalikod sa mga bagay na may kinalaman sa pagkakaroon ng anak ay magagawa na niyang kalimutan ang lahat—pati ang sakit na kaakibat niyon.
But she was wrong.
Because of Artemis’ proposition, they all came flooding back.
Pati ang mga bagay na hindi na rin kasali ang mismong pagkakaroon ng anak. Pati ang bagay na umaantig sa kalooban niya bilang isang normal na babae.
How long had it been since she had felt an intimacy with a man? Matagal na. Pero ngayon ay muling umaahon kay Nicole ang pananabik sa bagay na iyon.
HINDI pinatulog si Nicole ng isiping iyon. At mientras tumatagal, nagkakaroon ng solidong imahe si Artemis sa kanyang pananaw. At tumitining din ang atraksyong naramdaman niya dito nang makilala niya ito ng personal sa isang kasalan.
At siyempre, naaalala din niya ang pag-amin ni Artemis. That was something when he admitted that he was attracted to her. Bagaman alam nilang pareho na hindi pag-ibig ang dahilan niyon, naiintindihan din naman nila pareho na isang bagay pa rin iyon.
And she being wanted by him to be the mother of his child was more than something. That was a precious gift all on its own., the highest compliments.
Isang paghinga ang pinakawalan niya. long dormant feelings had seemed to swell without her consent. At kapag sumasagi sa balintataw niya ang imahe nilang dalawa sa sandaling pumayag siya, kakaibang init ang lumulukob sa kanyang katawan.
It was a s****l heat that goes along with an emotional tenderness that they both wanted a child so badly. And that feeling was conspiring against her better sense.
Bumangon na siya at nagpalakad-lakad sa maluwang na espasyo ng kanyang silid. Literal man o hindi, ngayon niya mas nadama ang kalungkutan sa kanyang pag-iisa. Sa laki ng bahay niya, isa mang katulong ay wala siyang kasama. Hindi niya kailangan sapagkat kaya naman niyang asikasuhin ang sarili niya.
Pero mahirap kalaban ang lungkot. Lalo na sa mga ganitong pagkakataon na matindi ang atake at tila ikasisira ng kanyang bait.
At ang alok ni Artemis ay tila isang malaking alon na umuuga sa kanyang huwisyo.
Kung papayag siya sa alok ni Artemis, lalabas ba siyang manloloko? Pero bukas naman ang isip ni Artemis sa posibilidad na hindi siya mabuntis. Tatlong buwan. Tatlong buwan na aasa si Artemis na mabubuntis siya nito. At sa loob naman ng tatlong buwan na iyon ay pagbibigyan naman niya ang kanyang sarili na mapunan ang pansarili niyang pangangailangan.
Panloloko ba kay Artemis ang ganoon?
Mariin ang naging pag-iling niya. Sapagkat ngayon pa lang, alam na rin niyang sa bandang huli ay sarili din niya mismo ang kanyang sasaktan.
IYON YATA ang pinakamahabang magdamag sa buhay ni Nicole. At maging ang mga unang oras buhat nang sumikat ang araw ay tila kay bagal. Sa wari ay nakikisama iyon sa pagtibok ng kanyang puso na sa hindi niya mabilang na pagkakataon ay parang pumapalya sa natural na dalas niyon.
Halos mapatalon siya sa gulat nang tumunog ang telepono. Bagaman abot-kamay lang niya iyon ay hindi niya iyon agad na dinampot. Para bang nakikinita na niyang si Artemis iyon at tatanungin na siya sa kanyang pasya.
No, he gave me two weeks to think about it, aniya sa sarili.
“Hello?”
“O, bakit sa tono mo’y mukhang pasan mo ang mundo?” tanong sa kanya ni Eve.
She sighed. “Napatawag ka? Ang aga, ah?” Sinulyapan niya ang desk clock. Wala pang alas siete nang umaga.
“Ewan ko ba. Paggising ko, bigla kitang naalala, eh. Kumusta?”
“Okay lang.”
“Hindi siguro,” may dudang sabi ni Eve. “Sa tono mo pa lang, meron na, eh. Ano, sasarilinin mo na lang? Kaya mo bang sarilinin?”
Bagaman hindi sila nagkikita ay dama niya ang sinseridad sa tono nito. pero ganoon na lang ba kadaling buksan sa isang kaibigan ang paksang bumagabag sa kanya sa buong magdamag? Kung sana ay tungkol sa negosyo iyon ay hindi na siya magdadalawang-isip pa na sabihin iyon kay Eve.
“S-sa akin na lang muna,” bahagya pang nahiya na wika niya. “I hope you would understand.”
“Of course. Basta nandito lang ako, always remember that. O, paano, di aasikasuhin ko na muna ang dalawang tsikiting ko? Sumusugod na dito sa kuwarto namin, eh,” she giggled.
“Okay. Thanks, Eve. True friend ka talaga.”
“Oo naman. You can tell me anything. Kahit na s*x life iyan. Ang big question lang, problema mo nga ba ang s*x life? And the next question is, ano ang problema mo doon? Naghahanap ka?”
“Eve?!” singhap niya.
Tumawa nang malakas si Eve. “Bye for now, Nicky. Basta kung may problema ka at kailangan mo ng kausap, bear in mind that I’m always here.”
“O-okay,” shocked pa ring wika na lang niya.