“HI, ART!” aral ang tinig na lapit sa kanya ng isang sopistikadang babae. Halos magliyab ang magkabila nitong tenga at leeg sa makinang na diamond jewelries nito.
“Hello, Roxanne,” ganti naman niyang bati dito. Ang ngiti niya ay kontrolado na tila nasa boardroom pa rin.
“Malakas talaga sa iyo si Atty. Punzalan. Imagine, naririto ka sa kasal ng anak niya? At ilang taon ka lang para maging ninong? Wala pa yatang pitong taon ang tanda mo sa anak niyang ikinasal.”
“Atty. Punzalan is my corporate lawyer bukod pa sa talagang kaibigan na ng pamilya,” kaswal na katwiran niya. “And I don’t mind kahit magkaedad pa kami ng anak niya. Si Bettina ang mismong kumausap sa akin para maging ninong ako sa kasal niya. And knowing how sweet Bettina is, paano naman ako tatanggi? Besides hindi ko naman iniisip na kailangang tumanda muna ako bago ako mag-ninong sa kasal. Alam ko namang sincere ang mga bagong kasal nang kausapin nila ako para maging isa sa principal sponsors nila.”
Lumabi ang babae. “Let’s forget your age. Ikaw lang ang bachelor among the principal sponsors. Hindi mo ba naisip na hindi ka pa nag-aasawa ay nagsisimula ka nang mag-ninong sa mga kasalan? Baka maunsyami ang para sa iyo, Art. Wala ka pa bang balak mag-asawa?”
Pinigil niyang mapailing. Kahit naman sinisikap ni Roxanne na maging kaswal ang usapang iyon, ramdam na ramdam din naman niya sa body language nito ang talagang motibo sa kanya.
“I’m only thirty-four, Roxanne. Marriage is still far from my mind. Maraming pang ibang bagay na dapat na unahin kaysa sa magpakasal.”
“Ouch!” Sandalingnapasimangot ito at pagkuwa ay ngumiti uli nang ubod nang tamis. “Kungsabagay, Art, wala naman talagang dapat ipagmadali.” She pouted her lips at umatras na. “Excuse me. Nakita kong bisita din pala dito ang anak ni Congressman Tamayo.”
Banayad siyang tumango at sinundan na lamang ng tingin ng papalayong babae. Ang mga kagaya ni Roxanne ang babaeng iniiwasan niya. Ang mga iyon ang tiyak na magde-demand ng kasal. Na hindi naman niya magagawang ibigay.
Marami siyang plano sa buhay at hindi kasama doon ang pagpapakasal.
“Excuse me, Mister Monterubio,” lapit sa kanya ng wedding coordinator, si Eve.
“Hello, Eve. Drop the mister and just call me Art. Kumusta si Ryan?”
Ilang beses na niyang nakasama sa mga business conference ang asawa nito kaya naman pamilyar na rin sa kanya ang babae. At nagkaroon na rin siya ng paghanga dito—in business terms. Kung nagkataon siguro na may balak siyang magpakasal, tiyak na serbisyo ng Romantic Events ang kukunin niya.
Hindi lang ang kasal na iyon ang ginawa ng Romantic Events sa kanyang hotel. Marami pang ibang nauna at pawang magaganda ang feedback na naririnig niya. But still, he couldn’t imagine his own wedding. Walang-wala iyon sa plano niya.
“Out of town si Ryan, eh. Business, alam mo na. Pero pabalik na rin iyon bukas. Hayaan mo at ikukumusta kita. Doon na tayo sa presidential table. May program pa tayo, eh.”
Tumango siya at tumalima na rin. Patungo sila sa mesa nang mapansin niya ang isang babae na tila hinahanap din ang nakalaang upuan dito. Saglit siyang napakunot ang noo. Pamilyar sa kanya ang babae. Hindi nga lang niya maisip agad kung saan iyon nakita.
At pagkuwa ay napatingin din sa gawi nila ang babae. Ngumiti ito. At talagang gaganti na din siya ng ngiti nang matanto niya na hindi naman siya ang nginingitian nito.
“You know her?” baling niya kay Eve na siyang nginingitian ng babae.
“Si Nicole? Yeah, one of my wedding girls.”
Bahagyang kumunot ang kanyang noo.
“Wedding girls ang tawag ko sa mga supplier ng Romantic Events. Si Nicole, siya ang contact ko sa honeymoon package ng mga couples. Hindi ka ba pamilyar sa travel agency na Honeymoon Travel?”
Parang may nagliwanag sa likod ng isip niya. Kilala na nga niya ang babae.
“Honeymoon Travel, yeah, right,” aniya at napatango pa. “Last week ay may nakita ako sa mesa ko na letter of intent. Of course, mayroong din iyong supporting documents and I saw her in one of the pictures attached. Interesado siyang maglagay ng branch niya sa hotel ko.”
Tumango rin si Eve. “Knowing Nicole, iyon nga ang ginagawa niya. Balak talaga niyang mag-expand ng agency niya. You haven’t met her personally?”
“Not yet.”
“Ipapakilala kita kung gusto mo.”
“Yes, why not?” mabilis naman niyang sagot. At sa gawi nga ng babae bumaling ang kanilang mga hakbang.
He looked at her intently. Hindi niya maisip kung anong atraksyon ang lumukob sa kanya nang lalo pa itong matitigan. She was beautiful. Magaganda ang mga mata nito pero mientras napapalapit siya ay mas nakukuha ng kanyang pansin ang mga labi nito. It was lips made for kissing, he thought instantly. She was so beautiful and sexy. Sa lawak ng bokabularyo niya, tila bigla siyang kinapos at iyon na lamang ang salitang naisip niya.
Yet, it wasn’t enough.
There is something in her. Sensuality, passion…
Napalunok siya. He could feel the tightening of his pants. At sa gitna pa mandin ng malaking pagtitipon! Dear God, he was already thirty-four to have this walking hard-on. Nakakahiya!
Pero hindi rin niya magawang ihiwalay ang tingin sa babae. She wasn’t smiling anymore. Ang mga mata nito ay tila nagtatanong sa kanilang paglapit pero parang nababasa rin niya doon ang antisipasyon.
Hindi niya gawaing bumitaw ng titig lalo at babae ang kalaban pero naisip niyang iyon ang paraan para mapigil niya ang kagyat na init na lumukob sa kanya. Pero nagkamali siya ng desisyon. Dahil ang binagsakan ng mga tingin niya ay ang malalim na ukab ng damit nito.
She wasn’t well-endowed which suited him just perfectly. Hindi niya kailangan ng labis ang sukat lalo na kung produkto lamang iyon ng makabangong siyensya. What he was seeing was au naturel.
And he was seemed hypnotized. Namalayan na lamang niyang nakabaling na sa kanya ang buong atensyon ni Nicole.
“Hello, Mr. Monterubio. Nicole Inovero here.”
“Pleased to meet you, Miss Inovero.” At maagap niyang inilahad ang kamay dito.
“It’s Ms.” She accepted his hand at binawi rin agad.
Kasabay ng pagtataka ay ang mabilis na panghihinayang at pagkadismaya. “You’re married?”
“I was.”
“To the late Edsel Inovero,” sabad ni Eve.
“Edsel? Nakasama ko siya sa isang convention sa Hong Kong dati. You’re a widow now,” aniya na hindi rin maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang pag-ahon ng katuwaan.
“Yes.”
“If I’m not mistaken he passed away some five years ago. Wala pa yata siyang forty noong maaksidente siya, di ba? Do I have to say I’m sorry or condolence?”
Umiling si Nicole. “No. Matagal na iyon. I have moved on.”
“You looked young. Gaano ka kabata nang iwan ka ni Edsel?”
“Twenty-six lang ako noon. Yes, he was only thirty-eight when he passed away. Twelve years ang age gap namin. Anyway, I’m glad to see you here Mr. Monterubio. I was talking to your secretary last week for an appointment with you.” At matamis itong ngumiti. “Don’t worry, I won’t discuss business here. I just want to say that I’m glad we meet here.”
“Drop the Mr. Monterubio. You can call me Art. And please allow me to call you Nicole.”
“But I will have a business talk with you in the future.”
“And so? For now, let’ forget the formality. Let’s enjoy this occasion. I see that you’re also a guest here.”
“I’m more on the supplier side. But yes, inimbitahan din. Kaibigan namin ang pamilya ng groom.”
“At malapit din naman sa akin ang pamilya ng bride,” wika naman niya.
Sandali silang nagkatawanan. At pagkuwa ay tila pareho ding nawalan ng sasabihin.
Minsan pa ay napalunok si Art. He was never tongue-tied to anybody until now. Hindi niya matukoy kung anong klaseng karisma mayroon ang kanyang kaharap. Parang nahigop na siya ng anumang mahikang taglay nito.
“Nicky!” bati ng isang matronang bisita na bumasag sa katahimikan nila. “Nice to see you here. Kumusta?”
“Mabuti po,” baling ni Nicole dito. “Where’s Tito Ber? Hindi ninyo kasama?”
Tumikwas ang tattoo na kilay ng matrona. “Hindi naman maasahan sa ganito ang lalaking iyon. Puro golf ang alam pagbuhusan ng libreng oras.” Lumapit pa ito kay Nicole. “Siya na ba ang kapalit ni Edsel?”
Sukat sa narinig ay namalayan na lamang niyang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Of course not, Tita! Bago ko lang siyang kakilala. He’s Artemis Monterubio. Siya rin ng may-ari nitong hotel.”
“Oh!” bulalas ng babae na talagang nagulat. “I never knew you’re so young,” may paghangang sabi nito na bumaling sa kanya. “Ang akala ko’y ang matandang Monterubio pa rin ang humahawak nitong hotel. I’m Beatriz Buensuceso.”
“I know you, ma’am,” charismatic namang sabi niya at inilahad dito ang kamay. “Magkasama ang papa at ang asawa ninyo sa ilang business conferences noong sinasanay pa ako ni Papa na patakbuhin itong hotel. And your husband is so proud of you. And knowing my father na masyado ring mahal ang mama ko, hindi na nakakapagtakang ang mga asawa nila ang madalas na mabanggit sa mga usapan.”
Napangiti naman nang matamis ang matrona. “Oh, hijo, alam na alam mo kung ano ang gusto kong marinig. So, kumusta na ang papa mo?”
“They’re abroad. Mula nang sa akin niya isalin ang pamamahala sa hotel, madalas na silang magbiyahe ni Mama. Hindi na yata matatapos ang second honeymoon ng dalawang iyon.”
“And too bad hindi ako ang nag-ayos ng travel package nila,” magaang sabad ni Nicole.
Mas may karisma naman ang ngiting ibinigay niya dito. “Marami pang susunod na biyahe ang gagawin ng dalawang iyon. Don’t worry, irerekomenda ko ang agency mo.”
May kasamang mahinhing tawa ang ngiting pinakawalan ni Nicole. “That’s nice to hear.”
“By the way, why don’t you join us to my table?” anyaya niya.
“No, thanks. Iba ang talagang katabi ko sa seating arrangement.”
“Pero puwede rin namang suwayin ang arrangement,” suwabeng wika niya.
“Hmm, mukhang gagamitin mo hindi lang ang pagiging principal sponsor ng kasalang ito kung hindi ang pagiging may-ari pa ng mismong venue, hijo,” tudyo naman ng matrona.
“Seriously,” kaswal na wika ni Nicole. “Thanks for the invitation, Mr.—”
“It’s Art.”
“Art,” she conceded. “Huwag na nating sirain ang seating arrangement.”
“Well, kung tumatanggi ka bang talaga, eh, ano ba ang magagawa ko?” nakangiting tugon niya. “But you owe me one, lady.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Nicole.
“Mamaya, can we dance together?” agad na niyang wika.
“At bayad na ako sa iyo kapag pumayag ako?” tila arok nito.
“Siguro,” pabiro namang sagot niya.