23

1385 Words

“MA’AM NICOLE, nakakatakot kausap si Mr. Monterubio. Mukhang tigreng lulusob kung makipag-usap. Akala ko nga, mapapaihi ako sa nerbiyos no’ng makaharap ko, eh,” pagbabalita ng contractor na inutusan niya. “Nakuha mo bang itanong iyong ipinatatanong ko, Mr. Perez?” “Yes, Ma’am. Tuloy raw po ang construction.” Tumango siya. “Okay, salamat. Puwede mo na akong iwan.” “Eh, Ma’am, sabi po ni Mr. Monterubio, next time daw na may gusto kayong malaman, kayo raw po ang pumunta sa kanya.” “Sige na, Mr. Perez. Leave me.” Napabuntong-hininga si Nicole. Magandang balita ang nalaman niya pero hindi pa rin mapalagay ang kanyang loob. Kung tuloy nag construction, maganda para sa negosyo pero darating at darating ang oras na magtatagpos sila ng landas. Hindi niya alam ang gagawin kapag nangyari iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD