22

1193 Words

“SIR...” “What?” paangil na sagot ni Art sa kanyang secretary. Mula nang bumalik siya sa trabaho, daig pa ang nakatuntong sa numero ang lahat ng tauhan niya. Wala ang likas niyang pagkagiliw sa mga ito. Bihira na ring gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Halos lahat ay pasinghal niyang kinakausap. “Nasa labas po ang contractor ng Honeymoon Travel. Gusto raw kayong makausap.” “Sige, papasukin mo.” Parang gusto nang lumabas ng opisina ang secretary. Alam niya, asiwang-asiwa ang mga empleyado sa kilos niya pero wala siyang magagawa. Pilitin man niya ang sarili, hindi niya iyon magawang ikondisyon. Alam niyang naging mainitin ang ulo niya. Iniiwasan niyang makausap ang sinuman sa kanyang pamilya. At iisa lang ang gusto niyang sisihin—si Nicole. “Ano ang kailangan mo?” padaskol na putol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD