bc

Take Me Now (SSPG)

book_age18+
25
FOLLOW
1K
READ
forbidden
drama
city
like
intro-logo
Blurb

‼️READ AT YOUR OWN RISK‼️

Si Jasmine Samonte ay isang anak mayaman at isang kilalang modelo. Ngunit iniwan niya ang pagmo-modelo alang-alang sa kahilingan ng kaniyang ama na siya ang mamahala ng kanilang Hacienda dahil may malubhang karamdaman ito at kinailangan nitong ipagamot sa ibang bansa.Dahil labis ang pagmamahal niya sa kaniyang ama, kung kaya't pinagbigyan niya ito at umuwi siya ng probinsiya upang pamahalaan ang kanilang Hacienda at negosyo kahit wala siyang gaanong alam dito.Hanggang sa nakilala niya si Badong ang dakilang hardenero ng pamilya nila sa Hacienda na siyang pumukaw sa natutulog niyang damdamin. Tila na crush at first sight siya rito hanggang sa humantong na nga ito sa love na siya namang tinutulan ng kaniyang mga magulang nang malaman ng mga ito ang tungkol sa patagong relasyon ng dalawa. Hanggang sa dumating ang araw na pinapapili siya.Sino nga ba ang pipiliin ni Jasmine? Si Badong na mahal niya o ang mga magulang niya na mahal na mahal siya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
BIENVINIDO PUNGOL "Badong, bilisan mo na diyan at hinahanap ka na sa mansion," sigaw ni Manang Nilda ang labandera ng pamilyang Samonte. "Susunod na lang po ako," sigaw ko naman habang pinakain ko ang mga alagang hayop ng mga ito. Sa edad kong pito namulat na ako sa mga gawaing bukid dahil maaga akong naulila sa mga magulang. At naiwan ako sa pangangalaga ng aking tiyahin na si Lourdes, kapatid ng aking ina. At sa edad kong 12 ay ipinasok ako ng aking tiyahin sa Hacienda Samonte upang manilbihan kapalit ng pagpapa-aral ng mga ito sa akin sa high school. Ang naging trabaho ko ay mag-alaga at magpapakain sa mga alagang hayop ng mga ito at minsan ay carpentero rin at madalas hardenero. Natapos ko rin ang high school ngunit hindi na ako nagpatuloy ng aking pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kakapusan na rin sa pinansiyal. Sapagkat ang sahod na natatanggap ko rito ay ibinibigay ko sa aking tiyahin upang pampagamot nito sa kaniyang karamdaman sa puso. Para sa akin ayos lang na hindi ko maipagpatuloy ang aking pag-aaral sa kolehiyo dahil mas mahalaga ang buhay ng aking tiyahin upang madugtungan ito lalo na at siya na lang ang nag-iisang pamilya na mayroon ako. Dating mayordoma ng pamilyang Samonte ang Tiya Lourdes noong hindi pa ito nagkasakit. Ngayon ay nasa bahay na lamang ito nagpapahinga kasama ng nag-iisa niyang anak na babae at pinsan ko naman dahil matagal na rin itong biyuda. Kilala ako bilang si Badong dito sa Hacienda, dahil ang buo kong pangalan ay Bienvinido Pungol. 13 years na rin akong naninilbihan sa mga Samonte, at halos kabisado ko na ang pasikot-sikot sa buong Hacienda at maging sa loob ng mansion ng mga ito. At ngayong bente sinko na ako nandito pa rin ako at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko ang umalis o maghanap ng ibang trabaho dahil ito na ang nakasanayan ko. Pagkatapos kong pakainin ang mga alagang hayop ay agad na pumunta ako sa mansion. Sa kusina na rin ako dumaan upang maki-inom na rin ng malamig na tubig. Nadatnan ko si Jessica na nagpupunas ng lababo. At nang makita ako nito ay agad na ngumiti ito ng pagkalapad at bahagya niyang binuksan ang isang butones ng kaniyang suot na uniporme. "Badong, ang init!" malanding wika nito at pilit na ibinababa sa balikat nito ang kuwelyo ng kaniyang uniporme. Si Jessica ay matagal na ring naninilbihan sa mga Samonte at pamangkin ito ng isa sa mga trabahador dito sa Hacienda. At matagal na rin ako nitong nilalandi. Minsan natatawa na lang ako sa mga ikinikilos nito at madalas naging linta ito sa tuwing nadidikit sa akin. Tinungo ko ang electric fan sabay tutok dito bago ako nagsalin ng tubig sa baso. "Ba't mo binuksan ang electric fan?" Nakasimangot nitong tingin sa akin. "Sabi mo naiinitan ka kaya ayan binuksan ko ang electric fan," sabi ko rito sabay lapag ng baso sa lababo. "Gusto ko kasi ikaw ang magpapaypay sa akin," napapakagat-labi nitong wika sabay hawak sa braso ko. Natatawa na naiiling ako sa kaniya. Sanay na rin ako sa kalandian niya sa araw-araw na nagkikita kami rito sa mansion. "Haru jusko Jessica, tama na ang paglalandi na 'yan at bilisan mong kumilos dahil parating na ang mga amo natin," saway ni Manang Remy rito na ikinasimangot naman nito. Si Manang Remy ang mayordoma sa mansion. "Manang Remy naman eh, panira ng moment talaga," sabi naman nito at agad na inayos ang suot nitong uniporme. "Ikaw ang sisirain ko mamaya kapag hindi mo pa binilisan ang kilos mo." "Opo, ito na po at bibilisan na po." "Badong, halika at samahan mo ako sa kuwarto ni Señorita Jasmine." Baling sa akin ni Manang Remy. "Ano po gagawin niyo doon?" nanlaki ang mga matang tanong ni Jessica habang nagpalipat-lipat ito ng tingin sa amin ni Manang Remy. Dinuro naman ni Manang Remy ang kaniyang sentido. "Jessica, isama mo sa paglilinis iyang utak mo baka inaagiw na 'yan, ha." Natatawa na lamang ako sa kanilang dalawa habang nakikinig dahil palaging ganyan sila sa araw-araw at sanay na ako. Umakyat na nga kami sa second floor at tinungo ang kuwarto ni Señorita Jasmine ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Samonte. Ngayon ko lang din ito makikita sa tagal kong naninilbihan sa mga Samonte, dahil sa Manila ito namamalagi at madalang lang kung umuwi rito at hindi ko nakikita dahil hindi ito gaanong lumalabas ng mansion o pumupunta sa farm. Saka lang din naman ako nakakapasok sa loob ng mansion kapag may ipinapagawa sa akin dahil madalas sa farm ako namamalagi. At ayon sa kuwento ni Tiya Lourdes sa akin ay isa itong modelo kaya abala raw ito sa Manila. "Badong, pasok ka sa banyo tingnan mo ang gripo sa lababo kung nasirit pa rin. Palpak kasi ang gawa ng tubero nasira ulit," sabi ni Manang Remy habang inaayos ang kama ni Señorita Jasmine. Pumasok ako sa banyo upang tingnan ang sinasabi ni Manang Remy na sirang gripo. Nang tingnan ko ito at malakas ang tagas ng tubig sa gripo kung kaya't pinatay ko ulit ito at tinanggal. Maluwag ang pagkabit ng gripo at kailangan itong higpitan. Lumabas ako ng banyo upang kumuha ng gamit para maayos ito. "Ano ang sira?" tanong ni Manang Remy nang makalabas ako ng banyo. "Maluwag lang po ang pagkakakabit ng gripo kulang sa pampahigpit. Kahit teflon na lang po kung mayro'n." "Sige, hintayin mo ako at kukuha lang ako," sabi ni Manang Remy sabay talikod. Habang nag-iisa ako sa loob ng kuwarto ay iginala ko ang aking paningin sa loob dahil ito ang unang beses na napasok ko ang kuwartong ito. Napatingin ako sa isang malaking litrato na nakakabit sa ulunan ng kama. Bahagya akong lumapit dito at tinitigan ito. Ilang minuto na rin ang lumipas hindi pa rin bumabalik si Manang Remy kung kaya't napagdesisyunan kong bumaba na lamang at ako na lang ang kukuha ng teflon tape nang sa ganoon ay maayos na ito. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang pumasok si Manang Remy na tila hinihingal. "Ano ang nangyari sa inyo Manang, bakit parang hingal na hingal po kayo?" tanong ko rito sabay abot sa akin ng teflon tape. "Bilisan mo nang ayusin dahil malapit na raw sila. Pagkatapos mong ayusin bumaba ka na kaagad." Pagkasabi nito ay agad na tumalikod ito sa akin. Mabilis ko ring inayos ang gripo baka bigla itong umakyat at pumasok sa banyo. Agad na nilinis ko ang dumi bago ako lumabas ng banyo. Pagkababa ko ng hagdan ay tama lang din ang pagdating ng sasakyan na kaagad namang sinalubong nina Manang Remy at iba pang kasambahay. Nagmadali na rin akong tumalikod para hindi ako makita ng mga ito lalo pa at amoy pawis ako. Ngunit hindi pa man ako nakahakbang papalayo nang tawagin ako ni Manang Remy. "Badong, halika ka muna rito pakidala ng mga gamit ni Señorita Jasmine sa kaniyang kuwarto." Wala na rin akong nagawa at agad na lumapit sa kanila na nakahilira sa labas at hinihintay ang pagbaba ng mga ito sa sasakyan. Maya maya ay unang bumaba si Mrs. Samonte na kaagad naman naming binati. At ilang segundo lang din ang lumipas at lumabas ang isang maganda at matangkad na babae at kung hindi ako nagkakamali siya na nga si Señorita Jasmine na kaagad namang binati nina Manang Remy habang ako ay nakatitig lamang dito. Nakapako lamang ang tingin ko sa kaniya dahil gandang-ganda ako sa kaniya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa. "Badong, laway mo tumutulo," seryosong wika ni Manang Remy na nagpabalik sa katinuan ko. Kaagad ko ring pinunasan ang laway na sinasabi ni Manang Remy. Napailing na natatawa na lamang ako sa aking sarili. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Manang Remy. "Badong, tulungan mo na ang driver ibaba ang mga gamit ni Señorita Jasmine," sabi ni Manang Remy sa akin dahil parang nawala ako ng ilang segundo sa aking sarili nang makita ko si Señorita Jasmine. Agad din akong tumalima at tinulungan ko ang driver upang ibaba ang mga gamit sa sasakyan. Maya maya pa ay pumasok na rin sila sa loob ng mansion habang naiwan kami ng driver sa labas. "Mang Bert, siya na ba si Señorita Jasmine?" Tumango ito. "Gusto mo?" "Gusto agad? Hindi ba puwedeng crush muna?" "Diyan din naman papunta 'yan. Saka sa tingin ko bagay kayo Badong. Kulang ka nga lang sa grooming." "Mang Bert, ginawa niyo naman akong aso." "Bakit aso lang ba nagpapa-groom? Tayo rin kailangan nating ng grooming." Inayos nito ang buhok nitong mala-Rizal ang istilo. "Malabong mangyari iyang sinasabi niyo Mang Bert. Malayo ang agwat namin sa buhay. Hindi hamak na hardenero lamang ako. Langit siya, at lupa ako." "Sinabi ko sa'yo Badong ang pag-ibig walang pinipili 'yan, kapag naramdaman mo na walang mayaman at mahirap, masungkit ka lamang." "Puro kayo kalokohan Mang Bert, eh." Natatawa na lamang ako rito. Maya maya pa ay isa-isa na naming ipinasok sa loob ng mansion ang mga gamit nito dahil nakita na naming palabas na si Manang Remy at baka mapagalitan na naman kaming dalawa ni Mang Bert na nagchi-chismisan. Habang nag-uusap ang mag-anak ay isa-isa ko namang ini-akyat sa kuwarto ni Señorita Jasmine ang mga gamit niya ayon sa utos ni Manang Remy. Hanggang sa isang malaking maleta na lang ang natira at huli kong inakyat sa kuwarto nito. Mabilis ang pagkilos ko nang sa ganoon ay makalabas kaagad ako ng mansion.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook