Chapter 2

1873 Words
JASMINE SAMONTE Hindi ko na naabutan ang aming hardenero na si Badong sa aking kuwarto kung kaya't nagbihis na lamang ako. Unang kita ko pa lang sa kaniya kanina ay parang may kakaiba na akong nararamdaman. Hindi katulad sa mga naging ex-boyfriend ko noon na sila pa ang nag-e-effort to get my attention. At hindi ako ganoon kabilis ma-attract sa isang lalaki. Unlike him, parang gusto kong mapalapit pa lalo sa kaniya. According to my mom, si Badong ang pinagkakatiwalaan nilang tao sa farm. Dahil alam nito ang pasikot-sikot doon at hindi na rin ito kailangang utusan pa. Parang na-excite tuloy ako na makakasama ko si Badong. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kaniya para kasing may kakaiba na hindi ko mapangalanan. I don't think it's love at first sight dahil hindi na uso 'yon at ngayon ko lang din siya nakita, or maybe attaracted lang talaga ako sa kaniya. I don't know! Ano ang nangyayari sa akin? Hindi ako malandi pero parang gusto ko siyang landiin. Ngayon ko lang din naramdaman ang ganito sa isang lalaki at sa hardenero pa namin. May mga naging ex-boyfriend ako pero hindi ganito ang mga nararamdaman ko sa kanila noon. Unlike Badong, there's something in him I couldn't name, kahit na matagal ko nang isinumpa ang mga lalaki sa buhay ko dahil harap-harapan akong niloloko. There was a time na nahuli ko ang ex-boyfriend ko with with my so-called friend na best friend niya rin na sobrang sweet sa isa't isa na animo'y invisible ako sa harapan nila. At hindi lang 'yon, I saw them kissing habang nagsasayaw. Ang pakiramdam ko ng mga oras na 'yon ay parang dinudurog ng pino ang puso ko. Kung 'yong sweetness nila noong una ay pinalampas ko pa pero ang makita kong naghahalikan sila hindi ko na kayang palampasin 'yon. I ended up our relationship kahit na ilang beses pa siyang humingi ng sorry sa akin. Hindi ako martir at hahayaan na lamang siyang lokohin ako ng harap-harapan. At simula noon, I despise all the guys na gustong manligaw sa akin. One of the reasons why I gave up my modeling career, aside from my dad's wanting me to handle the Hacienda. Pero nang makita ko si Badong iba ang nararamdaman ko at gusto kong lalong mapalapit dito. Ang balak kong magpahinga ay hindi ko itinuloy bagkus muli akong lumabas ng kuwarto upang pumunta ng farm. "I thought you were resting?" Mom asked me nang magkasalubong kami sa labas ng pinto ng aking kuwarto. "I want to become familiar with all the people here and their jobs at gusto ko rin makita ang farm," sabi ko sa ina ko. "Are you sure about that, anak?" "Yeah, mom." "Kung iyan ang gusto mo, I will tell Badong na samahan ka sa farm." Ngumiti si mom and so do I. Lalo akong napangiti lalo na at si Badong ang sasama sa akin. "By the way Jas, tumawag na ang doctor ng dad mo and he said kailangan na siyang magamot kaagad bago pa mahuli ang lahat," malungkot na wika ni mom. Lumapit ako kay mom and hug her. "Don't worry Mom, Dad will be fine." "Sana nga anak, hindi ko alam ang gagawin kung mawawala ang daddy mo." "You want me to come with you, mom?" "Gustuhin ko man na maisama ka anak, pero sino ang maiiwan dito? At alam kong hindi papayag ang daddy mo na walang mamamahala ng Hacienda. At ayaw niya rin itong ipahawak sa iba dahil wala siyang tiwala. Kaya nga pinauwi ka niya to handle everything here." Bumuntong hininga si mom. "Kailan na ang alis niyo ni dad, mom?" "Sa isang araw na." Nagulat ako sa sagot niya dahil masiyadong mabilis at wala akong alam sa pagpapatakbo ng Hacienda. "Who will be the one to guide me on how to handle the hacienda, mom? I don't know anything." Reklamo ko. "Nag-iwan ang daddy mo ng notes doon sa table niya sa loob ng library and those notes will serve you as your guide. At nandoon ang lahat ng mga kailangan mong gawin. I know you can do it. And besides, nandiyan si Badong to guide you pagdating sa farm." Ngumiti si mom at hinawi ang buhok kong tumatabing sa aking mukha at inipit nito sa likod ng aking tainga. Tumango na lamang ako. At ayoko rin na bigyan pa sila ng alalahanin kung paano papatakbuhin ang hacienda lalo na si dad. I'll figure out how to manage our business. "I will miss you both." Muli akong yumakap kay mom. Nang matapos ang pag-uusap namin ni mom ay tumuloy pa rin ako sa farm at gaya nga ng sinabi ni mom pinasamahan niya ako kay Badong. Hindi ko naman mapigilan ang ngumiti habang pinagmamasdan ko ito habang nagmamaneho ng owner type jeep. Noong una nag-alangan pa itong pasakayin ako dahil baka hindi raw ako komportable, pero dahil siya ang kasama ko ayos lang. Dahil natatakot siyang mapagalitan ni dad dahil sa owner type jeep niya ako pinasakay. "Ikaw si Badong, 'di ba?" kunwaring tanong ko na hindi ko pa siya kilala. "Ako nga po, Señorita." "I heard ikaw ang most trusted ni dad pagdating dito sa farm?" "Hindi naman po masiyado," pa-humble nitong sagot. Napapangiti ako habang sinasagot niya ang mga katanungan ko. "Señorita, sigurado kayo na kaya niyo ang amoy dito sa farm?" tanong sa akin ni Badong nang makababa na kami sa sasakyan. "Oo naman, masasanay rin ako. Besides, dito nakilala ang family namin at ako na rin ang hahawak nito, kaya dapat lang na masanay ako sa amoy rito," ani ko ritong nakangiti.." Nakita ko na lamang na tumango si Badong. Dinala niya ako sa mga kasamahan niya sa farm na pansamantalang nagpapahinga upang maipakilala. "Mga kasama nais kong ipakilala sa inyo si Señorita Jasmine, anak ng ating amo," sabi ni Badong sa mga ito. Nagsitayuan din ang mga ito at humarap sa akin. "Magandang araw, Señorita." Sabay-sabay nilang bati sa akin. "Magandang araw rin sa inyong lahat. Kumusta kayo?" "Mabuti naman, Señorita." Muling magkakasabay nilang sagot. "That's good. Siya nga pala, simula ngayon kapag may mga concern kayo rito sa farm sa akin niyo na sabihin o 'di kaya ay ipaabot niyo kay Badong para siya na ang magsabi sa akin. Kung ano man ang rules na ipinatupad ni daddy dito sa farm ay dapat ganoon pa rin ang inyong susundin at walang mababago. Unless otherwise ako ang nag-utos at nagsabi sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayong lahat?" sabi ko sa mga ito. "Opo, Señorita." Muling magkakasabay nilang sagot sa akin. "Magaling! You can go back to your work now." Utos ko sa mga ito. Pansamantalang nakalimutan ko ang pakay ko kay Badong dahil naka-focus ang aking atensiyon sa farm na ngayon ko lang din napuntahan at naikot ito. Ang huling punta ko rito ay bata pa ako at nakahiligan ko ang sumama noon kay daddy. Natigil lamang ang pagpunta ko rito noon at hindi na muling umulit pa dahil dinapuan ako ng sakit na dengue. Pinagbawalan ako ni mommy na muling pumunta rito dahil baka magka-dengue ulit ako. Kaya simula noon hindi na ako lumalabas ng mansion. Nagtagal ako sa farm at halos naikot ko na ito kung kaya't hindi ko namalayan ang oras at malapit na rin magsiuwian ang mga trabahador. Halos na familiarize ko na rin ang farm sa ilang oras kong pag-iikot. At nalaman ko rin na dito nakatira si Badong sa farm at siya rin ang nagsisilbing bantay rito lalo na sa gabi bukod sa mga security guard. Maya maya pa ay nagpaalam na rin ang mga trabahador. At dahil nakaramdam na rin ako ng pagod sa kalalakad kung kaya't napagpasyahan kong magpahatid na kay Badong pabalik ng mansion. Muli kaming sumakay sa owner type jeep na nakalaan talaga para sa farm at si Badong pa rin ang nagmamaneho nito. Dahil ito lang din ang tanging sasakyan sa farm na kayang suongin ang maputik na daan bukod sa Wrangler Jeep ni dad. "Badong, thank you at sinamahan mo ako sa farm," sabi ko rito habang tahimik itong nagmamaneho ito. Bigla itong lumingon sa akin at bahagyang ngumiti. "Wala 'yon, Señorita. Trabaho ko po ang pagsilbihan kayo bukod sa pagiging isang hardenero," wika nito habang ang mga mata nito ay nasa daan. Kung tutuusin hindi naman kalayuan ang farm sa mansion at kaya ko naman itong lakarin kaya lang masakit na ang aking binti at hindi ko na kaya ang maglakad pa ng malayo. At masiyadong maputik din ang daan. Nang makarating kami ng mansion ay agad na bumaba ako ng sasakyan at muling nagpasalamat dito. Napapansin kong masayahing tao si Badong at kasundo niya ang mga kasamahan niya sa farm. At kanina ko lang siya napagmasdan ng mabuti na ang guwapo niya kahit na babad sa sikat ng araw ang kaniyang balat. Kaagad na umakyat ako sa aking kuwarto at sandaling pinahinga ko ang aking mga paa bago naligo. Nagbabad ako sa bath tub habang may hawak na wine glass na may laman ang isa kong kamay. "Badong... Badong... Badong..." sambit ko sa pangalan niya nang nakangiti habang nilalaro ang wine glass sa aking kamay. Nagtagal pa ako sa bath tub bago ko naisipang umahon. Nagpapatuyo ako ng buhok nang marinig kong may kumakatok sa pintuan ng aking kuwarto. "Come in!" sigaw ko. "Señorita, pinapatawag po kayo ng inyong ama," wika ni Manang Remy ng makapasok na siya. "Okay," sabi ko sabay tayo. Nauna itong lumabas ng aking kuwarto habang nakasunod ako rito. Pinuntahan ko si daddy sa room nila ni mommy at napansin ko ang panghihina nito kahit na may oxygen na nakakabit sa kaniya habang nakasandal ito sa headboard ng kanilang kama ni mommy. Kasama rin nila ang private nurse ni dad na tumitingin sa kaniya. Lumapit ako rito at umupo sa kaniyang tabi. "Are you okay, dad?" Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Tumango lang ito at bahagyang ngumiti. "I'm okay," mahina nitong wika na parang hinahabol ang kaniyang paghinga. Kahit halata namang hindi ito okay ay pinipilit pa rin nito. My dad has lung cancer. He was diagnosed two months ago. Mabilis ang pagkalat ng cancer cells sa kaniyang katawan ayon sa doctor niya kung kaya't mabilis din siyang mapagod lalo na at stage 3 na ito. Nakakabahala ang ganitong sakit dahil kaunti lamang ang nakaka-survive rito lalo na at may edad na rin siya. Paano kasi noong binata pa ito at hanggang sa tumanda ay akala mo kung may pagawaan ito ng tabako at maya't maya ang pagsindi nito ng sigarilyo ayon sa kuwento ni mom. Isa iyon sa mga bisyo ng daddy ko na inaayawan ni mommy sa kaniya ngunit wala rin magawa si mom dahil matigas talaga ang ulo ng aking ama. Kung hindi pa ito nagkasakit ay hindi pa rin ito titigil sa paninigarilyo. Ang akala kasi ni dad noong atakihin siya ng ubo ay wala lang iyon, pero no'ng sumuka na siya ng dugo ay doon na siya nabahala. May katigasan din kasi ang ulo ng aking ama at ang gusto niya ay palaging nasusunod. Ang akala niya kasi superhero siya at kaya niya ang lahat. Siguro nga sa kaniya ko rin namana ang katigasan ng ulo ko minsan dahil kapag may gusto ako ay gusto kong makuha rin kaagad ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD