JASMINE SAMONTE
Sumunod na mga araw ay natuloy ang alis ng aking mga magulang patungo sa ibang bansa upang doon ipagamot si dad. Naiwan ako sa Hacienda to manage the farm.
Hindi ito naging mahirap sa akin dahil bago umalis sina mom and dad ay may iniwan itong notes na dapat kong gawin habang wala sila. Nalulungkot ako dahil nag-aalala ako sa kalagayan ni dad, at the same time masaya naman kasi makakasama ko si Badong.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili sa tuwing kasama ko si Badong. Ibang-iba ang awra niya sa mga lalaking nakilala ko noon.
Kasalukuyang nasa farm ako upang tingnan ang mga tao kung nagtatrabaho ang mga ito ng maayos. At bukod doon para makita si Badong na abala sa pagtatanim ng mga gulay kasama ng ibang mga trabahador.
Simula noong umalis sina mom and dad ay palagi akong nasa farm na ipinagtataka naman ng mga trabahador dahil hindi ito gawain ni dad noon, sapagkat ang sekretarya niya ang gumagawa nito. Dahil wala si dad ay pinagpahinga ko rin muna ito. Badong is enough for me.
Nagpagawa na rin ako ng maliit na opisina sa farm nang sa ganoon kapag may concern ang mga trabahador ay hindi na sila mag-abalang pumunta pa ng mansion para mag-report sa akin. At isa pa, para palagi kong nakikita si Badong at natatanaw lang siya ng aking mga mata.
Buong maghapon ay abala ako sa opisina at hindi ko na namalayan ang oras at malapit na palang dumilim. Kung hindi pa kumatok si Mang Bert, ang driver ni dad ay hindi pa ako titigil sa aking ginagawa.
"Señorita, pasensiya na sa abala pero kailangan niyo na pong bumalik ng mansion dahil umaambon na at baka lumakas pa ito. Baka kasi hindi makadaan ang sasakyan po ninyo kapag maputik na ang daan," ani Mang Bert na tila nag-aalala.
Ang sasakyan ko ang dinala ni Mang Bert kanina para magamit ito. At mabuti na lamang hindi maputik ang daan kaya nakadaan ang kotse.
"Hindi pa kasi ako tapos sa aking ginagawa," wika ko sabay tingin dito. "Ganito na lang, mauna ka na lang muna sa mansion tutal nandito naman si Badong. Dalhin mo na lang muna ang sasakyan. Tatawag na lang ako mamaya kapag natapos ko na ang aking ginagawa rito. 'Yong sasakyan na lang ni daddy ang dalhin mo mamaya kapag sinundo mo na ako, Mang Bert."
"Sigurado kayo Señorita, magpapaiwan kayo rito?"
Tumango ako.
"Nandiyan naman si Badong." Tama naman ang biglang pagsulpot nito sa likod ni Mang Bert.
"Kung iyan ang gusto niyo Señorita, ako'y tutuloy na para maihanda ko na rin 'yong isang sasakyan na gagamitin pangsundo sa inyo mamaya. Matagal-tagal na rin kasing hindi nagagamit iyon," wika ni Mang Bert. "Badong, ikaw na muna ang bahala kay Señorita."
Pagkasabing iyon ni Mang Bert ay tumalikod na kaagad ito at tinungo ang sasakyan. Nang makaalis na ito ay muli akong bumalik sa aking ginagawa. Alam kong ligtas naman ako rito lalo na at nandito naman si Badong at may mga security guard namang nakabantay sa entrada ng farm.
Maya maya ay nakaramdam ako ng gutom kung kaya't naghalungkat ako ng makakain sa mini refrigerator dito sa opisina ko. Mabuti na lamang at may pagkain pa akong nakalagay sa bento box kung kaya't ito ang ininit ko sa microwave oven. Dalawa na ang ininit ko para ibigay kay Badong ang isa.
Nang matapos ko na itong mainit ay tinawag ko siya upang sabay na kaming kumain.
"Badong, sabayan mo akong kumain," wika ko rito ng makapasok na ito sa loob ng opisina. "Ito iyo ang isa." Abot ko sa kaniya ng pagkain na nakalagay sa bento box.
"Busog pa ako Señorita," wika nito.
"Sige na. Sabayan mo na ako, sayang naman itong pagkain. At isa pa bawal ang tumanggi sa grasya," nakangiti kong wika rito.
Napakamot na lamang ito sa kaniyang ulo. Dahil wala na siyang magawa ay tinanggap niya na rin ang ibinigay kong pagkain.
Sa ilang araw na magkakasama kami ni Badong dito sa farm ay nakagaanan ko na rin siya ng loob. Iyon nga lang at isang tanong, isang sagot lang ito minsan. At napapansin kong umiiwas siya sa akin kapag madaming tao ang nakatingin. At naiintindihan ko kung bakit niya ginagawa iyon. Umiiwas lang siya na pag-usapan kaming dalawa. At napapansin kong may pagkasuplado rin ito minsan.
"Badong, may girlfriend ka na ba?" biglang tanong ko rito habang tahimik itong kumakain na tila nahihiyang umimik.
"Wala po Señorita," matipid na tanong nito.
Napangiti ako sa sagot niyang iyon.
"Bakit wala? I mean, wala kang nililigawan?"
"Wala po, eh. Saka hindi ko pa iniisip iyon."
Tumango na lamang ako rito. Pakiramdam ko hindi siya attracted sa akin kaya medyo na-disappoint ako sa sinabi niya na hindi pa niya iinisip iyon.
Nang matapos kaming kumain ay ito na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Akmang lalabas na ito ng biglang namatay ang ilaw kung kaya't napatakbo ako sa kaniya.
"Anong nangyari?" tanong ko habang kinakapa ko siya dahil madilim sa loob ng opisina at hindi pa napalagyan ng emergency light.
"Brownout po," sabi nito na lalabas na sana ng opisina ko kaya lang napigilan ko ito sa kaniyang braso.
"Dito ka lang Badong, huwag mo akong iwan natatakot ako baka may multo."
"Walang multo rito, Señorita."
"Basta dito ka lang muna."
Hindi nga umalis si Badong sa aking tabi.
Gusto ko sanang abutin ang cellphone kong nakapatong sa lamesa kaya lang natatakot ako na baka may ibang kamay ang hahawak din sa akin. Mabuti sana kung kamay ni Badong ay walang problema.
Maya maya pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at sinabayan pa ito ng malakas na kulog na siyang ikinayakap ko kay Badong.
Hindi ako bumitaw sa kaniya hanggang sa naramdaman ko ang mainit na palad nito sa aking likod at ang paghapit nito sa akin. Tila nawala ang takot ko dahil sa yakap nito.
Akala ko mangyayari na ang inaasahan ko ngunit hindi pala dahil nakatulog ito habang nakayakap sa akin. Nais kong matawa sa kaniya pero pinigilan ko lalo na nang naririnig ko ang mahinang paghilik niya.
Tumingala ako sa kaniya kaya lang hindi ko maaninag ang mukha niya kung kaya't hinaplos ko na lamang ito gamit ng aking daliri. At narinig ko ang mahinang pag-ungol nito.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong halikan ang mga labi nito kahit na ito ay natutulog. Akmang ilalayo ko na ang aking labi nang bigla niya itong hinabol. Hindi ko alam kung nananaginip ito o nagpapanggap lang kung kaya't muli kong hinaplos ang kaniyang pisngi.
At ng mahimasmasan ito ay bigla itong lumayo sa akin. Mukhang nananaginip nga ito.
"Pasensiya Señorita, hindi ko sinasadya," anito na tila hinihingal.
"It's okay, Badong. Puwede mo pa rin namang ituloy kahit dilat na ang iyong mga mata."
"Nakakahiya ang ginawa ko. Pasensiya na po talaga."
Akmang tatayo na ito ngunit pinigilan ko at hinila ko ito palapit sa akin. At hindi ko na nga napigilan ang sarili ko sa pangalawang pagkakataon na angkinin ang mga labi nito na pilit naman niyang inilalayo sa akin.
"Señorita, mali itong ginagawa natin," sabi nito nang mailayo niya ang bibig ko sa kaniya.
Dahil sa inis ko ay itinulak ko ito papalayo sa akin at sakto lang din na biglang nagkaroon muli ng kuryente.
Nagmadali akong tumayo at bumalik sa aking lamesa at agad na dinampot ko ang aking cellphone at tinawagan si Mang Bert upang magpasundo sa kaniya kahit na hindi pa rin tumitila ang ulan.
Nang matapos kong kausapin si Mang Bert ay umimik naman si Badong.
"Señorita, pasensiya na po pero hindi ko kayang gawin iyon sa inyo."
"Nagawa mo na nga," mataray kong sabi rito. "Sige na puwede ka ng lumabas."
Agad din itong tumalikod at lumabas sa opisina ko.
Pakiramdam ko ay uminit ang ulo ko sa ginawa ni Badong na pagtanggi sa akin.
Huminga ako ng malalim at muling umupo sa aking upuan. At maya maya pa ay dumating na nga si Mang Bert.