JASMINE SAMONTE
Kinabukasan hindi muna ako pumunta sa farm dahil mainit pa rin ang ulo ko kay Badong. Nanatili lamang ako sa aking kuwarto at doon tinapos ang iba kong gawain na hindi ko pa natapos kagabi.
Tama lang naman ang pamamalagi ko sa aking kuwarto dahil biglang nakipag video call si Mom sa akin habang ako ay may ginagawa.
“How’s Dad, Mom?” bungad kong tanong.
“He’s doing very well, anak,” nakangiting wika ni Mom.
“That’s good, Mom.” Ngumiti rin ako sa kaniya lalo na at gumagaling na si Dad.
“How are you anyway?” tanong ni Mom habang titig na titig ito sa akin.
“I’m good, Mom. The farm is doing well also.”
Pinag-usapan namin ni Mom ang farm at ang kalagayan ni Dad. Masaya ako at unti-unti nang gumagaling si Dad. Dati ay balak kong bumalik sa modeling kapag maayos na ang kalagayan ni Dad, pero nag-aalalangan ako dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya at baka hindi na rin nito kakayanin i-manage ang farm. Kung kaya't napagpasyahan kong manatili na lamang dito sa Hacienda upang matulungan si Dad sa pagpapatakbo ng farm na siya namang ikinatuwa ni Mom ng sabihin ko ito sa kaniya. At isa pa gusto ko na ring manatili rito sa Hacienda para makasama ang parents ko ng matagal dahil simula noong nasa Manila ako ay madalang ko lamang silang nakakasama.
“Happy to hear that, anak. At alam kong matutuwa ang Daddy mo sa naging desisyon mo," nakangiting wika ni Mom. "Always take care of yourself, ha. Kapag gumaling na ang Daddy mo, uuwi kami kaagad. I love you,” wika pa ni Mom.
"I love you too, Mom. Kayo rin po mag-ingat ni Dad. I will wait for you to come home," nakangiti kong wika.
Maya maya ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa dahil gabi na roon at kailangan na ni Mom magpahinga dahil tulog na si Dad habang kausap ko siya.
Inabala ko na lamang ang aking sarili sa aking ginagawa hanggang sa narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Tinititigan ko lamang ito dahil unknown number ang tumatawag hanggang sa namatay ulit ito dahil hindi ko sinagot. Ilang segundo lang ang pagitan at muli itong tumawag. This time sinagot ko na baka tao sa farm iyon at may mahalagang sasabihin.
Hindi pa ako nagsalita nang makarinig ako ng boses ng lalaki sa kabilang linya at tinawag ang pangalan ko na ikinakunot ng noo ko.
"Who's this please?" nakakunot pa rin ang noo kong tanong.
"Jas, do you still remember me?" tanong naman nito.
Nakakunot pa rin ang noo ko dahil hindi ko maalala kong sino ito.
"Are you still there?" muli nitong tanong.
"Sino ka ba kasi?" naiirita kong tanong dito dahil mukhang wala siyang balak sabihin ang kaniyang pangalan. "Kung ayaw mong magpakilala, I will better hang up this call."
"Wait!" anito ng akmang pipindutin ko na ang end call button nang pigilan niya ako.
"Si Joshua 'to," muling wika nito.
"Joshua? Joshua Bermudez?" sambit ko.
"Ako nga."
Anak siya ng kaibigan ni Dad na isa ring businessman sa aming lugar. Ang ultimate kaaway ko. Away-bati kaming dalawa noong bata pa kami dahil palagi niya akong inaasar na butiki raw ako dahil sobrang payat ko noon. Nawalan lang kami ng communication sa isa't isa simula noong umalis ako ng Hacienda at siya naman ay pumunta sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
"Jas, nandiyan ka pa ba?" untag nitong tanong sa akin.
"Yeah, I'm still here. How are you?"
"I'm good. Eh, ikaw, kumusta ka na? I heard, nandiyan ka na ulit sa Hacienda ninyo."
"Yes," tipid kong sagot.
"Can I visit you there?"
"Of course," napipilitan kong sagot dito dahil pangit namang sabihin ko na hindi puwede.
"Thanks, Jas. See you later." Masiglang wika nito at agad na pinatay ang tawag.
Magsasalita pa sana ako dahil ang akala ko ay sa mga susunod na araw pa niya balak na pumunta rito. Napabuntong hininga na lamang ako dahil nahiya na rin akong bawiin ang sinabi ko sa kaniya.
Mabilis akong naligo at nag-ayos ng aking sarili bago bumaba.
Maya maya ay nakatanggap ulit ako ng tawag galing kay Joshua dahil ayaw raw siyang papasukin ng guard lalo pa at hindi siya kilala nito. Ilang sandali lang ay nasa harapan na siya ng mansion sakay ng kaniyang sasakyan na agad ko namang sinalubong. Bumaba rin kaagad ito at lumapit sa akin.
"It's been a long time. How are you, Jas?" nakangiting tanong nito sa akin sabay halik sa aking pisngi.
Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang bigla akong halikan nito lalo pa at ngayon lang ulit kami nagkita. Tipid lamang akong ngumiti dito.
"Okay lang naman ako. Ikaw, kumusta? Kailan ka pa rito?" tanong ko.
"Last month lang. Nabanggit kasi ni Daddy na ikaw na raw ang namamahala ng inyong Hacienda. At nabanggit niya rin about what happened to your dad. How is he?"
"He's been doing well, according to my mom."
"Good to hear about that," anito. "Ahm, wait. I have something for you." Saglit itong tumalikod sa akin at may kinuha sa back seat ng sasakyan.
Inabot nito sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.
"Thank you." Tugon ko rito habang inamoy-amoy ko ang mga ito.
Smells good.
Niyaya ko siyang pumasok sa loob ng mansion upang doon mag-usap. Madami kaming napag-usapan tungkol sa buhay namin noong mga bata pa kami. Hindi na siya ang dating Joshua na bully at hindi na rin ako ang dating Jasmine na iyakin.
"Jas, alam mo ba na sobrang ganda mo?" seryoso nitong wika.
"Oo naman, matagal ko nang alam na maganda ako," pabiro ko namang sagot dito.
"I'm serious." Nakatitig ito sa akin. "Jas, if ever na liligawan kita, may pag-asa ba ako?"
Natigilan ako sa tanong niyang iyon dahil hindi ko alam ang isasagot ko at mukhang seryoso nga ito. Tila naumid naman ang dila ko sa sinambit niya.
Nakatitig lamang siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. At dahil matagal akong nakatitig sa kaniya si Badong ang aking nakikita habang titig na titig pa rin ako sa mga mata niya. Nang hindi ako umimik ay dahan-dahan niyang inilalapit sa mukha ko ang mukha niya at kaunti na lamang ay magdidikit na ang aming mga labi. Napapikit ako ng lumapat na ang mga labi niya sa mga labi ko. Akmang ibubuka ko na ang aking bibig ng biglang may tumikhim na siyang nagpabalik sa aking diwa at pagdilat ko ay nagulat pa ako, dahil akala ko si Badong ang kahalikan ko, si Joshua pala. Kung kaya't mabilis akong dumistansiya rito.
"Sorry," mahinang wika nito.
Napatingin ako sa kung sino ang tumikhim. At doon ko nakita ang seryoso at walang emosyon na mukha ni Badong.
"Pasensiya na po sa abala Señorita, nais ko lang po iparating sa inyo na dinala po namin sa ospital si Mang Osting dahil hinimatay po siya habang nagpapakain ng mga alagang baka," wika nito.
Napatayo ako ng marinig ko ang sinabi niya.
"How is he?"
"Bago ko po siya iniwan kanina sa ospital ang sabi ng doctor ay na heart attack daw po siya."
"Samahan mo ako kung nasaang ospital siya," sabi ko kay Badong sabay baling ko kay Joshua.
"I'm so sorry, Josh, kailangan ko munang puntahan ang tao namin. Some other time na lang ulit tayo mag-usap. Okay lang ba?" I asked Joshua.
"If you want puwede kitang samahan sa hospital," he said.
"It's okay. Badong is with me naman."
"Okay, if that's what you want. Balik na lang ako. Sana pagbalik ko, tayo na," seryoso pa nitong wika.
"I will think about that, Josh."
"No pressure, Jas." Ngumiti pa ito.
Nauna na itong magpaalam dahil kailangan ko pang kunin ang bag ko sa aking kuwarto. Ngunit bago ito umalis ay muling humalik ito sa aking pisngi at nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Badong sa amin ni Joshua.
Nang tuluyan na ngang nakaalis si Joshua ay mabilis akong umakyat sa aking kuwarto at sandaling inayos ang aking sarili bago bumaba.
"Let's go!" sabi ko kay Badong na naghihintay sa labas ng mansion.
Si Badong ang nagmamaneho ng aking sasakyan papunta ng ospital kung nasaan si Mang Osting naka-confine. Tahimik si Badong at nakatutok lang ang kaniyang mga mata sa daan habang nagmamaneho.
Muli ko namang naalala ang halik ni Joshua sa akin na ang akala ko ay si Badong ang kahalikan ko. Medyo nawala na rin ang init ng ulo ko kay Badong dahil sa nangyari kagabi. Kapwa tahimik kami hanggang sa marating namin ang ospital. Sinamahan niya rin ako sa kuwarto kung saan naroroon si Mang Osting. Nadatnan namin ang asawa nito na binabantayan si Mang Osting habang walang malay na nakahiga sa hospital bed. Kinausap ko ang asawa ni Mang Osting tungkol sa kalagayan nito. At ayon dito ay mabuti na lang at nadala kaagad ito rito sa ospital dahil kung hindi maaari itong bawian na ng buhay. At dahil nangyari sa farm nang ito ay mawalan ng malay ay sinagot ko na ang lahat ng gastusin nito sa ospital na siyang ipinagpasalamat naman ng asawa ni Mang Osting.
Hindi na kami nagtagal doon dahil muli namang nagbabadya ang pagbuhos ng malakas na ulan. Pero bago kami umalis doon ay pinabili ko muna ng pagkain si Badong para sa asawa ni Mang Osting na maiiwan doon sa ospital habang nagbabantay sa kaniya na wala pa ring malay.
Habang nasa biyahe kami pabalik ng Hacienda ay ganoon pa rin wala pa rin kaming imikan ni Badong. Seryoso pa rin ito habang nagmamaneho. Ngunit hindi pa man kami nangangalahati sa aming biyahe ng biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang hangin. Halos wala na rin kaming makita sa daanan dahil sa sobrang lakas na rin ng ulan.
"May bagyo ba?" tanong ko kay Badong.
"Mayro'n po yata Señorita."
"Makakadaan pa ba tayo sa tulay?"
"Hindi lang po ako sigurado, Señorita, dahil kapag ganitong malakas ang ulan baka umapaw na iyon."
Dahil sa malakas pa rin ang ulan at unti-unti na ring lumalakas ang hangin ay tumigil muna kami sa gilid ng daan.
"Señorita, mas maganda siguro kung bumalik muna tayo ng ospital hindi pa naman tayo nakakalayo ng husto. Baka kasi matamaan tayo rito ng mga nagliparang mga sanga ng kahoy." Suhestiyon nito.
Saglit akong napaisip. Maya maya ay sinang-ayunan ko na rin ang suhestiyon nito dahil mukhang delikado nga kami sa gilid ng daan.
Bumalik nga kami pero bago pa kami makapasok sa entrance ng ospital ay napansin ko ang hotel malapit dito kung kaya't doon ko pinapapasok ang sasakyan kay Badong. Mabuti at tumatanggap pa sila ng guest kaya nag-check in muna ako kasama si Badong. Dito muna kami magpapalipas ng oras habang malakas pa rin ang hangin at pagbuhos ng ulan.
Ayaw pa sanang sumama ni Badong sa akin sa loob ng kuwarto dahil hindi raw siya kumportable na may iba siyang kasama at doon na lamang siya sa lobby maghihintay sa akin, ngunit hindi ako pumayag. Dahil kapag hindi siya sumama sa akin sa loob ng kuwarto ay sisisantihin ko siya sa trabaho kung kaya ay napilitan na lamang siyang sumama.