BIENVINIDO PUNGOL
Malakas pa rin ang ulan at hangin sa labas. Parang naaasiwa ako na magkasama kami sa iisang kuwarto na kami lang dalawa ni Señorita Jasmine. Parang gusto ko na lang lumabas at hintayin siya doon, kaya lang baka totohanin niya ang banta niyang sisantihin ako at ayokong mangyari iyon.
Hindi rin ako makatingin sa kaniya ng diretso lalo na ng magsalita na ito.
"Badong, magpahinga ka muna. Mangangalay ka diyan katatayo. Don't worry, hindi aalis ang pinto," seryosong wika nito.
"Okay lang po ako, Señorita."
Nahihiya pa rin ako lalo na sa nangyari kagabi. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang gagawin lalo na at wala pa akong karanasan sa ganoong bagay.
"Malapad ang kama puwede ka rito, pero kung ayaw mo may couch naman."
"Okay lang talaga ako, Señorita."
"Bahala ka nga."
Humiga na lamang ito sa kama at kinuha ang kaniyang cellphone.
Medyo may katagalan na rin ang tayo ko kung kaya't nakaramdam na rin ako ng pangangalay. Naisipan kong umupo na lamang sa sofa na malapit sa bintana.
Madilim na rin sa labas dahil sa walang tigil na pag-ulan at hangin.
Napansin kong nakatulog na rin si Señorita Jasmine, kaya naman unti-unti ko ring ipinikit ang aking mga mata.
Ilang saglit lang ay iminulat ko rin ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay may nanunuod sa akin habang ako'y natutulog.
"Señorita, kayo pala." Tatayo na sana ako kaya lang bigla niya akong itinulak kung kaya't muli akong napaupo sa sofa.
"Just relax, Badong. Tayo lang ang nandito, we can do whatever we want to do."
Napalunok ako sa sinabi niyang iyon dahil hindi ko alam ang aking gagawin lalo na ng lumapit ito sa akin at idinikit ang kaniyang katawan. Pakiwari ko kahit ang hangin ay mahihiyang dumaan sa pagitan naming dalawa.
"S-señorita, ano po ang inyong gagawin?" nauutal kong tanong dito.
"Let's play with fire…" halos pabulong nitong wika.
"Ho? Hindi po ba tayo masusunog niyan?" naguguluhan kong tanong.
Lumayo ito sa akin at biglang tumawa.
"Ang inosente mo talaga. Alam mo ba na ikaw lang ang nakakagawa nito sa akin?"
"Alin po?"
Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay kinuha nito ang isang kamay ko at ipinatong niya sa itaas ng kaniyang dibdib. At doon ko naramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon.
"Naramdaman mo ba?"
"O-opo."
"That's for you, Badong. Ikaw lang ang kauna-unahang lalaki na nakagawa nito sa akin. I don't know, pero gusto kita."
Doon ako nagulat sa sinabi niyang iyon dahil hindi ko inasahan na ang isang anak mayaman ay magkakagusto sa isang katulad ko na mahirap at hardinero lamang.
"Señorita, hindi puwede ito lalo na kapag nalaman po ito ng mga magulang ninyo."
"Hindi 'to malalaman kung itatago natin sa kanila," sabi nito sabay upo sa aking tabi.
Hindi ko talaga alam ang aking gagawin. At parang ang bilis naman yata? At isa pa, siya pa mismo ang umamin ng kaniyang nararamdaman sa akin.
"Pero Señorita, hindi tayo bagay. Mayaman po kayo, samantalang mahirap lang po ako."
"I don't care, Badong. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang nararamdaman ko para sa'yo."
"Pero…"
Pinutol niya ang aking sasabihin gamit ng isa niyang daliri at idinampi sa aking bibig.
"Tatanungin kita, gusto mo rin ba ako?"
Tila nag-aalangan pa akong tumango bilang pagtugon sa tanong nito.
Ipokrito lang ang hindi magkakagusto sa isang Jasmine Samonte. Kaya lang nangingibabaw pa rin ang respeto ko sa kaniya.
Dahil tumango ako ay walang pag-alinlangan ito na sinunggaban nito ang aking mga labi na agad ko namang pinigilan.
"Sandali lang po…"
"Bakit?" tila naiirita nitong tanong.
"Masiyadong mabilis, Señorita. Wala pa akong karanasan sa ganiyang bagay." Bahagya akong ngumiti sabay kamot sa aking ulo.
Nagpakawala ito ng malalim na hininga.
"Okay… okay…" Pagsuko nito. "One more thing, don't call me Señorita kapag tayo lang dalawa ang magkasama. Just call me by my name o 'di kaya ay babe. Okay?"
Napakamot na lamang ako sa aking ulo sabay tango kahit na mahirap para sa akin ang tawagin siya sa kaniyang pangalan lamang.
Hindi ko pa rin maintindihan dahil sobrang napakabilis ng pangyayari, at sa isang iglap lang ay kami na agad. Nakaramdam din ako ng kasiyahan, ngunit nandoon pa rin ang pangamba na kapag nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sa amin ay sigurado ako na iyon na rin ang aking katapusan. Dahil sigurado akong hindi ako matatanggap ng pamilya niya sapagkat isa lamang akong trabahador ng Hacienda nila at hindi man lang nakapagtapos ng pag-aaral.
Sumiksik ito sa akin na ikinagulat ko.
"Bakit? 'Di ba tayo na? Normal lang ito kaya 'wag ka ng mahiya," sabi pa nito at lalo pang sumiksik.
Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin dahil nandoon pa rin ang pagkailang ko sa tuwing magdidikit ang aming mga balat dahil ayokong magasgasan siya ng mga balat kong puro kalyo na.
Yumakap ito sa akin kahit na ang pakiramdam ko ay ang baho-baho ko dahil natuyuan na ako ng pawis.
"Mabaho ako," sabi ko rito.
"Hindi naman…" Inamoy ako nito.
"Badong, never ka pa ba nakahalik ng babae?" biglang tanong nito.
"Hindi pa, Señorita."
"Stop calling me Señorita, kung ayaw mong gagahasain kita."
"Hindi na mauulit."
"Sige nga, gusto ko marinig sa'yo kung paano mo ako tawagin sa aking pangalan."
Nag-isip pa ako kung paano. Paano nga ba?
"J-jas… Jasmine?" nauutal kong bigkas na parang bata.
"Better…" Natawa ito.
Sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Ibig bang sabihin niyan, never been kissed at never been touched ka?" biglang tanong nito.
Nakakahiya mang aminin pero oo. Wala pang umaangkin sa akin at humahalik, siya pa lang ang tanging nangahas. Kahit si Jessica dati na parang linta makadikit sa akin ay hindi ko hinahayaan na mahalikan man lamang niya ako kahit sa pisngi. Pero siya dinaig pa ang kidlat sa bilis.
Tumango ulit ako.
Parang gulat na gulat siya sa aking pag-amin.
"Pero may alam ka about s*x?"
"Oo naman. Kaya lang hindi ko pa nasusubukan lalo na at wala naman akong nobya," sagot ko rito.
Tanga lang ang walang alam sa s*x lalo na at lalaki na katulad ko. Ngunit hindi umuobra sa akin ang palaging pagdikit ni Jessica sa akin upang makaramdam ng pagnanasa, baka sa kaniya pa lang.
"Gusto mo subukan natin? Tutal naman ay puwede na nating gawin iyon dahil tayo nang dalawa at nasa legal na edad na tayo," tila walang pag-aalinlangang sabi nito sa akin. "I will teach you how."
Kakaibang klase ito at siya pa talaga ang nagyaya sa akin. 'Di ba dapat ako? Kasi ako ang lalaki. Parang nabaliktad na yata, babae na ang nanliligaw at nagyayaya makipag-s*x.
"Nakakahiya. Hindi pa nga kita niligawan. Saka gawain lang 'yan ng mga mag-asawa," sabi ko rito para hindi niya na ipilit pa sa akin ang gusto niyang mangyari.
Kahit nakaramdam na ako ng paninigas ay pilit ko pa ring nilalabanan dahil nangingibabaw pa rin ang respeto ko sa kaniya hindi lang bilang amo ko, kun'di bilang babae.
Sumimangot ito at agad na lumayo sa akin. Bumalik ito sa kama at humiga. Hindi ko na lang din ito nilapitan pa dahil hindi ko alam kung paano ito susuyuin. Naiilang pa rin ako sa sitwasyon naming dalawa. Aaminin kong may nararamdaman na rin ako sa kaniya, kaya lang pilit ko itong tinatago dahil na rin sa estado ng aming pamumuhay. Alam kong mabait ang kaniyang ama, kaya lang hindi papayag iyon na ako ang magiging nobyo ng kaniyang anak. At iyon ang iniiwasan ko dahil alam kong tutututol iyon sa relasyon namin ni Jasmine.