ERNALINE'S POV:
--
NABUBUGNOT na nakatitig lang ako kay Kuya Reiden habang nakaupo sa kanyang swivel chair dito sa loob ng opisina niya at nakapangalumbaba.
He's having a conversation with one of the major stockholders inside the company and they all internationals. Halos hindi ko masundan ang pinag-uusapan nila dahil sa bilis nilang magsalita at iba-iba pa ang lenggwahe.
As the news flashed about me being part of the BlackHand band as the new vocalist, nagkakagulo ang mga tao kung ano ang relasyon na meron ako kay Kuya Reiden at sa pamilya namin. Sa dami ng Montenegro sa mundo, aakalain talaga nilang kabilang ako sa mayamang angkan na nagmula mismo sa bansang Montenegró. Hindi naman maikakaila 'yon dahil doon nanggaling ang ninuno namin at ang pamilya namin ang naligaw sa bansang Pilipinas.
"I'm willing to work with you in the future. Thank you very much."
Pumihit ang mata ko papunta sa direksyon ni Kuya nang tumayo ito at makipagkamay sa mga kausap nitong dayuhan. Halos abutin ng tatlong oras ang pakikipag-usap ni Kuya Reiden at karamihan sa mga 'yun ay pangangamusta lang tungkol sa kompanya.
"Finally, natapos ka rin!" bulalas ko bago nag-inat ng katawan sa swivel chair na kinauupuan ko.
Lumingon sa akin si Kuya Reiden at kunot-noong naglakad ito palapit sa gawi ko.
"I didn't tell you to come here, what are you doing inside my office?" wika nito na tila nahihiwagaan sa mga kilos ko.
Ngumisi ako. "Samahan mo ako.." ungot ko dito.
He groans. "I have lots of work to do Ashleigh."
"Ganyan ka naman lagi! Work lang ng work, paano naman ako? Wala ka ng time sa akin!" pagdadabog ko na parang bata.
Hinilot ni Kuya ang sariling sintido nito at namewang sa harapan ko. "What do you want brat?"
"Samahan mo ako sa mall.."
"I have a meeting later at 4 pm."
Nagpuppy-eyes ako kay Kuya at inilabas ko ang acting skills ko. Kailangan ko siyang mapapayag dahil may kailangan akong bilhin at pera niya lang ang makakasalba sa naghihikahos kong bulsa.
Mom and Dad didn't give me any access of my personal funds and emergency funds. Ibibigay lang nila sa akin yon kapag nagtrabaho ako sa Montenegro Empire - na imposibleng mangyari - at kung mag-aasawa na ako.
Naiiyak na tinignan ko si Kuya. "Please Kuya samahan mo ako. Kapag lumakad ako ng mag-isa, magagalit ka na naman? Ayokong ma grounded lalo na't magsisimula na akong magtrabaho sa CDC. Kuya sige na.."
Hinawakan ko ang braso ni Kuya at inalog-alog pa ito.
"Just use my card Ashleigh if you want to buy something." aniya na tila nauubusan na ng pasensya sa akin.
"Ehh! Kuya gusto ko kasama ka!"
"That meeting is important and I can't cancel it just to satisfy your adventure. Do it on your own Ashleigh or you can ask Calvin to accompany you."
Binitawan ko ang braso ni Kuya at yumuko.
Suminghot ako bago tumingala ulit kay Kuya at tumambad dito ang umiiyak kong mukha.
"Sige.. hindi na kita kukulitin. Minsan na lang ako humiling ng oras sa'yo hindi mo pa ako mapagbigyan. Hindi mo na ako mahal!" singhal ko dito.
Akmang magsasalita si Kuya Reiden nang padabog na tumayo ako mula sa kaniyang swivel chair at nagmartsa patungo sa pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto nang lumagapak ang kamay ni Kuya na nakatayo na ngayon sa likuran ko at pinipigilan nito ang paglabas ko.
"Stop crying baby." aniya. "I will do what you want just please don't cry in front of me." pakiusap niya sa akin.
Sumisigok-sigok na humarap ako sa kanya at pinagsalikop ko ang mga kamay ko na para akong bata na pinapagalitan. "You don't want to be with me na kasi eh. Naging CEO ka lang niitsapwera mo na ako? Akala ko ba you promise na you will stay by my side until you reach forty?"
"I didn't say that."
Gusto kong bumunghalit ng tawa sa reaksyon ni Kuya Reiden.
"You did! Tignan mo, kakatrabaho mo sa Montenegro Empire naging makakalimutin ka na? You didn't love me na talaga. Aalis na ako! Uuwi na lang ako since ayaw mo naman akong samahan!" tinalikuran ko ulit si Kuya Reiden at hinawi ang kamay nitong nakalapat sa pintuan at tuluyan kong binuksan ang pinto para makalabas ako.
Pero bago pa man ako makahakbang ng tuluyan, biglang hinablot ni Kuya Reiden ang bewang ko at basta na lang niya akong isinalya sa balikat niya na parang isang sako ng bigas.
"Ya! Put me down Reiden Grei!" utos ko dito.
Pinagtitinginan na kami ng mga empleyado maging si Miss Silicon ay lumapit kay Kuya para usisain ang ginagawa nitong hindi makatao.
"Cancel all my meetings for this day Miss Contour."
"But Sir--"
"Are you contradicting me? Are you the Boss?"
"N-no Sir."
"Then do what I say. I have this one child to tame and get out of my way."
Umalis si Silicon girl sa harapan ni Kuya at naglakad na ito patungo sa elevator habang ako naman ay parang tanga na nakasampay sa balikat ni Kuya at binelatan si Miss Contour bago pa tuluyang makapasok ng elevator si Kuya Reiden.
"Kuya Reiden ibaba mo ako." utos ko dito.
Napatili ako nang bigla akong ibagsak ni Kuya kaya naman sinipa ko ang paa nito sa sobrang inis ko pero hindi man lang ito nasaktan.
"Stop being so childish, Ernaline." wika nito bago humalukipkip at sumandal sa pader ng elevator.
I pouted my lips. "I just want to caress you. Why are you angry again?"
"I am not angry."
"Galit ka eh." pamimilit ko.
"Ernaline Ashleigh!?" pagbabanta nito.
Lalong humaba ang nguso ko. "Galit ka nga!" singhal ko pa kay Kuya Reiden at tinalikuran ito.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya Reiden dahil sa kawalan ng pasensya nito sa kakulitan ko.
"Where do you wanna go?" basag niya sa katahimikan namin until we reach the ground floor.
"Hindi mo na kailangang malaman tutal napipilitan ka lang sumama sa akin. Ihatid mo na lang ako sa kotse!" pagmamaktol ko.
Nauna akong lumabas ng elevator at nagmadaling binagtas ang daan patungong parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Kuya nang biglang may pumigil sa braso ko.
"Look Ashleigh, I consider you even if I am busy yet you show your ugly attitude as you throw your tantrums in public? Will you please stop acting like a child?"
Tila kinurot ang puso ko sa sinabi ni Kuya Reiden.
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Acting like a child? Naglalambing lang ako tapos acting like a child? Kalimutan mo na lang na kapatid mo ako!"
"Ashleigh!"
Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Kuya at tumakbo sa kabilang direksyon. Wala akong pakialam kung sino man ang mabangga ko dahil sa mga masasakit na salitang sinabi ni Kuya sa akin.
Pero ganun na lang ang pagkagimbal ng pagkatao ko nang biglang may humablot sa akin mula sa likuran, I thought it was my big brother until someone put a handkerchief in my face and let me smell the powder on it.
Hanggang sa mawalan ako ng lakas na lumaban, nakita ko sa kalayuan ang pigura ni Kuya Reiden na tinatawag ako pero huli na ang lahat nang gapiin ng kadiliman ang sistema ko.