bc

Destined By The Ghost

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.6K
READ
inspirational
tragedy
bxg
city
supernatural
spiritual
actor
model
passionate
stubborn
like
intro-logo
Blurb

First boyfriend ni Malia si Andrew noong college ngunit biglang nanlamig ang binata. At isa sa dahilan nito ay ang insecurity sa best friend niya’ng si Tyron. Ang closeness kasi nila ni Tyron ay daig pa ang magkasintahan.

After a couple of moths, Andrew has changed, especially his life. Isa na itong hunk actor, bilyonaryong businessman na tinitingala ng lahat. Naghihinayang si Malia sa relasyon nila ng binata, at inaamin niya na mahal pa rin niya ito. Nagtrabaho siya bilang scriptwriter sa AAC network kung saan nagtatrabaho si Andrew, at muling nagkrus ang landas nila.

Halos hindi na siya makilala ni Andrew, ngunit isang gabi ay bigla itong naligaw sa bahay nila na tila wala sa wisyo. She grabbed the opportunity, until they ended having steamy s3x that night. Ngunit tila walang maalala si Andrew. At nagpatuloy ang paglalapit nila muli sa isa’t isa, bagay na pabor din sa kaniya. Ngunit magkakaroon pa kaya sila ng second chance gayong may karelasyon na itong sikat na modelo?

chap-preview
Free preview
Chapter One
WALA nang sasakit pa sa nararamdaman ni Malia nang sa third anniversary mismo nila ng boyfriend niya’ng si Andrew ay nakipaghiwalay ito sa kanya. He left her in the restaurant where they had a dinner date. A sudden pain seems to shatter her heart gradually. Walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha habang pilit tinitimpi ang pag-alingawngaw ng kanyang pag-iyak. Mugto na ang kanyang mga mata ngunit ayaw pa ring tumigil ng kanyang mga luha. Kahit ano’ng gawin niya ay sadyang sumisidhi ang kirot sa kanyang puso. Kinakapos na siya ng hininga dahil sa labis na emosyon. Parang sirang plaka na umuukilkil sa kanyang balintataw ang mga sinabi ni Andrew kalakip ng katagang… “Let’s end this, mag-break na tayo.” “I’m sorry, Malia, I need to do this. Ayaw ko’ng saktan ka pa lalo habang pinipilit ko’ng magpatuloy ang relasyon natin. Hindi na ako komportable. I need to focus on my career; as I said to you, it’s my priority now. You can find the deserving guys soon.” Ilan lamang sa mga sinabi ni Andrew, na lubhang dumurog sa kanyang puso. Lumabas siya ng restaurant at naglakad pauwi. Ayaw niyang sumakay dahil gusto niya ng oras upang mapag-isa at ibuhos ang lahat ng sakit. Ang saya-saya niya noong umaga dahil natanggap ang sample ng script niya sa AAC Network. Inimbita na siya para sa interview. But at night, it’s opposite. Her excitement has gone. Pagdating sa kanilang bahay ay dumiretso siya sa kanyang kuwarto. Doon ay tuluyan siyang humagulgol at naglunoy sa bumabahang sakit at luha. Hindi na niya alam kung paano babangon mula sa pighati na unti-unting naglulugmok sa kanya sa kalungkutan. Dahil sa nangyari ay hindi sumipot si Malia sa interview. Nagkulong lang siya sa kuwarto ng ilang araw. Naghahatid ng pagkain ang mga kapatid niya ngunit hindi niya ginagalaw. She heard a song that worsens her pain. It sang by her college girl friend and now became an iconic artist and singer. ♫My life was uneventful, until I met you You gave me a reason to fall in love A reason to break the darkness of life And to feel how grateful I am You gave me everything, the affection, and inspiration And suddenly, I was just dreaming Dreaming that you were still with me You just left me in vain Your love was just an illusion   Baby, how can I make you stay… How can I be with you forever? Oooh… please stay… stay with me♫   The lyrics of the song remind her that she won’t deserve to suffer because of stupid love. Napakabuti niyang babae, mapagmahal, maalaga. Katunayan, wala siyang naging isyu sa pagpasok ni Andrew sa showbiz pagka-graduate nito ng college. Sinuportahan niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Ano pa ba ang kulang sa kanya para hindi pagsawaan ng lalaki? “Sa henerasyon natin, hindi sapat ang mabait ka lang, matalino, dapat maganda ka rin, sexy, iyong wala nang hahanapin pa ang lalaki sa iba dahil nasa iyo na lahat. Lalo ka na, sumisikat sa showbiz ang boyfriend, expose sa magagandang babae, sexy at mayaman. Kaya simulan mo na ring baguhin ang sarili mo baka mawala ka sa vocabulary ni Andrew.” Naalala niya ang sinabi ng kaklase niya na si Laiza. She's still disagreed about the fact that guys would stay with an ideal woman. Even a woman was almost perfect, and if the guy chooses to cheat, he will do. Once a cheater, always a cheater, no matter how good a woman was. It's a choice, not a coincidence. Though Andrew didn't cheat, she knows that his decision was not just about his career. Pero hindi niya babaguhin ang sarili niya para sa isang lalaki na makasarili. Nakaluklok siya sa gilid ng kanyang kama habang binabasa ang text messages ng best friend niya’ng si Tyron. Childhood friend din niya ito, halos kuya na ang turing niya. Magkaibigan ang mga magulang nila. Noong lumipat na sila roon sa Pasig City, lumipat na rin si Tyron pero naiwan ang mga magulang nito sa Bataan. Journalist din si Tyron at kasalukuyang nagtatrabaho sa AAC Network. Katunayan ay ito ang humikayat sa kanya na magpasa ng resume sa network dahil hiring daw para sa scriptwriter. She also writes a novel and already had six published books from different publishing houses. She writes fiction, romance, and fantasy genres. Hindi siya sumagot sa text ni Tyron, lalo na sa tawag nito. Nagtataka marahil iyon bakit hindi siya dumating sa araw ng interview niya. Nasayang ang pagkakataon pero hindi siya haharap sa mga tao na mugto ang mga mata at may kinikimkim na sakit sa kanyang puso. Isang linggo pa ang lumipas. Hindi pa rin lumabas ng bahay si Malia. Nagpapakaabala siya sa paglilinis sa loob ng bahay upang kahit papano ay makalimutan niya ang sakit. Pumasok na sa eskuwela ang dalawa niyang kapatid kaya mag-isa siya roon. Ang tatay niya ay umuwi sa Bataan dahil magtatanim na ng palay sa kanilang lupain. Nagma-mop siya ng sahig nang may nagtatawag sa labas. Nahimigan niya ang boses ni Tyron. Inayos niya ang kanyang sarili. Hindi puwedeng mahalata nito na mugto ang kanyang mga mata. Binitawan niya ang mop saka tumakbo sa loob ng kanyang kuwarto. Nagsuot siya ng eyeglasses. Nagpalit din siya ng pulang blouse at itim na leggings. Pagkuwan ay lumabas siya ng bahay upang harapin si Tyron. Nakasuot pa ito ng puting long sleeve, black slacks, at nakasukbit sa balikat nito ang hinubad na itim na jacket. Ang sling bag na itim ay hawak ng kaliwang kamay nito. Malayo pa’y nahahalata na niya ang pangungunot ng noo nito habang sinusuyod siya ng tingin. “Napadalaw ka ata,” aniya sa namamalat na tinig. Matagal din siyang wala masyadong kausap kaya parang may nakabara sa kanyang lalamunan. “Nag-aalala ako sa ‘yo. Bakit bigla kang nangayayat?” sabi nito. Binuksan niya ang maliit na gate at pinapasok ito. “Kuwan, nag-overtime kasi ako para matapos ang for revision ko’ng manuscript,” alibi niya, kahit wala naman. “Dahil lang ba doon kaya hindi ka sumipot sa interview mo?” usig nito. Bumuga siya ng hangin. Sabay silang naglakad papasok ng bahay. Iginiya niya ito paupo sa sofa sa may salas. Inalok niya ito ng meryenda pero mariing tumanggi. Umupo na lamang siya sa katapat nitong sofa. “Sorry kung nasayang ang opportunity,” basag niya sa katahimikan. Matamang tumitig sa kanya si Tyron, tila pinag-aaralan ang kilos niya. Kilalang-kilala na siya nito mula ulo hanggang paa. Ganoon din siya rito. “Sayang talaga. Hindi bale, nakausap ko na ang HR assistant na kilala ko. Pina- re-schedule niya ang interview sa iyo. Interesado kasi talaga sila sa iyo,” anito. Sa halip na matuwa ay lalong nagpuyos ang kanyang damdamin. Kung tutuloy siya sa AAC network, may posibilidad na magkikita sila ni Andrew. “Huwag na lang, Ron. Sa iba na lang ako mag-a-apply,” sabi niya pagkuwan. “Bakit naman? Hindi ba ito ang gusto mo dahil iisang kumpanya kayo ni Andrew na pagtatrabahuhan?” Muling nabuhay ang kirot sa kanyang puso. Natatakot siyang magsabi kay Tyron tungkol sa kanila ni Andrew. Siguradong magagalit ito. Ito ang naging tulay upang magkamabutihan sila noon ni Andrew. “Ano kasi… naisip ko baka hindi ko kayanin ang trabaho roon,” dahilan niya. Tumawa nang pagak si Tyron. “Ano’ng hindi mo kakayanin? Ikaw pa, kaya mo ‘yan. Ako’ng bahala sa ‘yo,” anito. Lalo siyang na-stress. Pero naisip niya, hanggang kailan siya tatakas sa katotohanan? Wala na si Andrew, kahit anong gawin niya, hindi na siya babalikan niyon. Baka nga sa susunod na buwan ay hindi na siya nito kilala kahit magkabungguan sila sa pasilyo ng AAC network, o kahit maging leading man ito ng script na gagawin niya. “Sige, pupunta na ako sa interview,” pagkuwan ay pasya niya, ngunit wala pa siyang balak sabihin kay Tyron na hiwalay na sila ni Andrew. Umaliwalas ang mukha ng binata. “Good, sa Monday pumunta ka na. Tatawagan kita para sigurado na hindi magbago ang isip mo,” sabi nito. Tumango siya. Kahit papano ay naibsan ang bigat sa kanyang kalooban.   LUNES ng umaga ay nagtungo sa AAC network building si Malia sa Pasig City. Ang laki ng gusali, tantiya niya’y may mahigit kuwarenta na palapag ito. Mayroon ding mabababang gusali at under construction pa sa bandang likuran ng pinakamataas. Bago pa siya pumasok ay tinawagan na niya si Tyron. Pinahatid nito sa guwardiya ang appointment letter niya para sa HR department. Nang payagan na siya ng guwardiya ay nangapa siya kung saan ang HR office. Ang lawak ng lobby ng gusali. Iitnuro naman ng information desk clerk ang elevator. Sa fifth floor daw ang HR office. Panay ang dasal niya habang sakay ng elevator. Kinakabahan pa rin siya. First time kasi niya na sasalang sa interview dahil iyon ang unang trabaho na papasukin niya. Limang buwan pa lang ang nakalipas magmula noong nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Nang huminto ang elevator sa ikalimang palapag ay lumabas na siya. Nagningning ang mga mata niya nang makasalubong ang mga kilalang artista. Nagpa-picture pa siya. Pagkatapos ay tumuloy na siya patungo sa HR office. May sign board naman kaya hindi siya naligaw. Malapit na siya sa paroroonan nang mahagip ng paningin niya si Andrew suot ang abuhing tuxedo, may kasamang magandang babae na nakakawit ang kamay sa kanang braso nito. Palapit na ang mga ito sa kanya, masaya habang nag-uusap. Nang malapit na’y saka niya namukhaan ang babae. Ito si Megan Buenavista, ang sikat na model at may-ari ng sikat din na fashion wear brand, na anak ng may-ari ng AAC network. Pakiramdam niya’y nabuhusan siya ng nagyeyelong tubig, bigla siyang nanigas habang sinasagupa ang tingin ni Andrew. Gumuhit ang makapigil-hiningang kirot sa kanyang puso nang iwasan siya nito ng tingin at inakbayan pa ang babaeng kasama. Para siyang sinampal nang paulit-ulit ngunit ayaw pa ring bumalik sa wisyo ang kanyang isip. Natitigilan siya dahil sa nangingibabaw na sakit. “Malia!” Huli na nang mamalayan niya na nasa harapan niya si Tyron. Pinisil nito ang pisngi niya. Mabuti na lang may suot siyang sunglasses, hindi nito makikita na nagbabadya nang pumatak ang kanyang luha. “P-puwede ba’ng makagamit muna ng palikuran?” nanginginig ang tinig na sabi niya rito. “Sure, this way,” anito at sinamahan siya sa kaliwang pasilyo. Pagpasok sa palikuran ay hindi na niya napigil ang kanyang pag-iyak. Kung hindi siya luluha ay baka hindi niya kayanin ang sakit. She can’t help but let her emotions concur with her system, and it is not easy to overcome. Natigil siya sa pag-iyak nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng kanyang shoulder bag. Tumatawag na si Tyron. Inayos muna niya ang kanyang sarili bago lumabas. Nakaabang na roon ang binata. Hindi siya nakaligtas sa mapanuring mga mata nito. Nagpatiuna siyang naglakad upang hindi nito masilip ang mugto niyang mga mata. Hinatid lang siya nito sa loob ng HR office. Bumalik din ito sa trabaho. May dalawang taon nang nagtatrabaho sa AAC si Tyron bilang news writer. Wala sa wisyo na humarap si Malia sa HR assistant. Nakikinig lang ang mga ito sa kanya habang nagsasalita siya tungkol sa kanyang sarili at pagsusulat bilang bahagi ng interview. She introduces herself based on what her mind and heart want to be heard by others. “I write novels not to empress people and to become famous; I write because it’s my way to express myself, and to give inspiration to aspiring writers out there, also to the readers who use reading as an escape to the stressful reality. I gave my best to create an inspirational masterpiece and give knowledge to others about realization, faith, and love. As an individual, I want to use my writing skills to spread my advocacy. I want to share my ideas about dealing with different struggles and keeping faith as the number one source of strength. I also want to reach out to those suffering from depression, that there’s a solution-faith in God. God knows what we’re suffering even without showing or telling it. God hears us, sees us, even we are blind and deaf. God is the complete healing that our body and souls need the most….” Tumigil siya sa pagsasalita nang tila siya lang ang taong naroon sa opisina. The three people in front of her just gazing her intently while listening. Pinahid niya ng panyo ang bakas ng luha sa kanyang pisngi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang pinagsasabi niya. She just heard her mourning heart. She should apply her words to herself. Hindi siya mahina, alam niya’ng malalagpasan din niya ang mga pagsubok. Nagulat siya nang may HR assistant na tumayo at kinamayan siya. Her heart felt calm for a while. “You’re such an inspiring person, Ms. Malia. I can’t wait to work with you here,” puri ng head ng HR na si Mrs. Clarissa Untal, na siyang kinamayan siya. Tumayo siya. “Thank you, ma’am. Pasensiya na, naging emosyonal ako,” aniya. “That’s okay. Baka gusto mo ring maging actress,” biro pa nito. Natawa siya. “Sounds interesting but no thanks. I’m happy with my writing career.” Tumawa ang tatlo. Pagkatapos ay sinabi ng mga ito na hintayin niya ang tawag for final decision. Umuwi siya na balanse ang kanyang nararamdaman. Natabunan ng galak ang sakit-pansamantala. Tatlong araw lang ang hinintay ni Malia ay tinawagan na siya ni Ms. Untal. Pinare-report na siya nito para sa orientation. Ibig sabihin niyon ay tanggap na siya. Sa unang sabak sa trabaho ni Malia ay isang published novel ang kanyang isinalin sa TV script. Gagawan kasi ito ng TV adaptation. Kilala rin niya ang sikat na novelist mula sa online platform. Kahit papano ay nalalabanan niya ang kanyang kabiguan. Inaaliw niya ang sarili sa pagsusulat ng inspirational novels. Every tears she had released while writing, it wipes the pain in her heart gradually. Pareho sila ng oras sa trabaho ni Tyron, magkaibang department nga lang. Pero kapag lunch break ay nagkikita sila sa food center. Ang mahal ng pagkain doon kaya nagbabaon siya.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook