Chapter Two

2258 Words
MAHIGIT isang buwan na sa AAC network si Malia. Opisina at food center lang madalas ang tambayan niya kaya bihira rin niya nakikita ang mga talent ng network. Pero madalas trending sa topic araw-araw si Andrew. Lalong umangat ang career nito, maraming offer na project simula noong lumabas ang balita na girlfriend na nito si Megan. Araw-araw pa rin siyang inuusig ng sakit, pero pilit niyang binabalewala. Nang tanghaling iyon ay nagkita sila ni Tyron sa food center. Inusig kaagad siya nito tungkol kay Andrew. “Kailan pa kayo nag-break ni Andrew?” namumurong tanong nito. Magkaharap silang nakaupo sa pangdalawahang lamesa. Hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata nito. “Magdadalawang buwan na,” tugon niya. Napamura si Tyron. “Ang walanghiyang iyon! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya!” gigil na sabi nito. “Hayaan mo na siya, masaya naman siya sa kanyang desisyon.” “Hayaan? Paano ka? Iniwan ka niya sa ere. At huwag mo sabihin sa akin na ikaw ang unang nakipaghiwalay!” Sinipat niya ito. Namumula ito sa galit. “Desisyon niya iyon, wala akong magagawa. Ayaw kong maghabol sa lalaking wala nang pakialam sa akin,” matapang niyang turan. “No, Malia, I know how he hurts you. Kaya ka ba hindi dumalo sa unang interview mo dahil nagluksa ka? Nangayayat ka.” Sinuyod pa siya nito ng tingin, gigil na humawak sa baso. “Bakit ka nagsinungaling sa akin?” kastigo nito. Hindi na niya napigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Naninikip ang kanyang dibdib. “Dahil ayaw ko’ng mag-alala ka,” gumaralgal ang tinig na tugon niya. Marahang pinukpok ni Tyron ang lamesa. “I can’t take it! I’ll talk to him!” anito saka tumayo. Napatayo siya at pinigil ito sa braso. “Please, pabayaan mo na siya. Wala naman tayong magagawa, eh,” aniya. “Kaya ka naaabuso, eh, sobrang bait mo, Malia.” Nanggagalaiti pa rin ito. “Ano’ng gusto mong gawin ko, maging salbahe, maging desperada? Tyron, hindi ako ganoon katanga. May awa ako sa sarili ko,” giit niya. “Alam ko, pero ibang usapan ang ginawa ni Andrew. Nangako siya sa akin na hindi ka sasaktan.” “Pero nagbabago ang tao.” “Iyon na nga eh. Makasarili siya!” Pinilit niya itong umupo muli. Bumalik na rin siya sa kanyang silya. “Huwag mo na akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko,” aniya sa malamig na tinig. “Hindi ko maiwasan, Malia. Buong buhay ko, iginugol ko para sa ikasasaya mo. Pero ang makita kang nasasaktan, para akong mamamatay,” emosyonal na pahayag nito. Gilalas na napatitig siya kay Tyron. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman, nawiwindang siya. “Tyron…” Ginagap nito ang kamay niya. “Malia, I don’t want to take advantage on your breakup with Andrew. Mas nag-aalala ako sa iyo. Nasasaktan din ako. Mahal kita-higit pa sa kaibigan. Dahil masaya ka sa piling ni Andrew, hinayaan kita na piliin siya. Alam ko hindi na uso ang martir ngayon, pero handa akong isakripisyo ang lahat para sa iyo. Hindi baleng ako ang masaktan, huwag ka lang. Mas mahalaga pa rin sa akin ang pagkakaibigan natin,” walang abog na pahayag nito. Natigagal siya. Hindi na siya nakapagsalita hanggang sa maubos ang oras nila. Bumalik siya sa opisina na hindi pa nabibigyan ng opinyon ang sinabi ni Tyron. Pero hindi siya makapag-focus sa trabaho. Ni minsan ay hindi niya inisip na magkakagusto sa kanya si Tyron. Pero inaamin niya na ito ang first crush niya, naglaho lang noong nakilala niya si Andrew.   SAMPUNG missed calls na ang natanggap ni Andrew mula kay Tyron. Malamang alam na nito ang tungkol sa kanila ni Malia dahil sa balita na may relasyon sila ni Megan. Pagdating sa showbiz, iilang sekreto lang ang naitatago sa media. Bawat galaw niya, may nakaabang na reporter, lalo na’t sumisikat na siya. Alam niya uusigin lang siya ni Tyron tungkol sa pakikipagkalas niya kay Malia. Ang totoo, naghihinayang din siya. Pero aminado siya na nangingibabaw na ang pagmamahal niya sa kanyang trabaho. At isa sa dahilan ay ang kanyang ina. Hindi na makabalik sa trabaho ang kanyang ina dahil sa lumalalang diabetes nito. Hindi na ito makalakad. Her mother persuaded him to save her career, to use his fame to retain her name and legacy. He loves his mother more than anyone else. Ilang taon lang namayagpag sa showbiz industry ang pangalan ng kanyang ina. Marami pa itong pangarap kaya siya ang itinutulak nito para maalala pa rin ito ng mga tao. Ganoon sa showbiz, kapag madalang ang exposure ng artist sa madla, hindi ito tatatak sa isip ng mga tao. At upang mas umangat, pinatos niya ang pagkakataon na napapalapit sa kanya si Megan. Nakahahawa ang kasikatan. Iyon din ang gusto ng kanyang ina, ang magkaroon ng mas malaking karapatan sa AAC network na pag-aari ng mga magulang ni Megan. Megan was an only daughter, the future owner of the company. Aside from the network, Megan owned the famous fashion wear brands and cosmetics. Kaya hangang-hanga rito ang mommy niya. Ang AAC network ang umangat sa pamilya niya. Batikang movie director ang daddy niya sa network since binata ito. Ang mommy naman niya ay nadiskubre lang sa pag-arte dahil kinuha itong extra ng kanyang ama. Uhaw sa luho at kasikatan ang kanyang ina, bagay na unti-unti niyang namamana. Naroon na siya sa sitwasyon na hindi na niya kayang umurong. Naliliyo na siya sa kasikatan at wala na siyang panahong harapin ang dati niyang buhay, sounds stupid but he can stand for it. Hindi maikakaila na siya ang gusto talaga ng mommy niya na sumikat. Ang nakababatang kapatid niya’ng si Aldrin ay nagagawang suwayin ang mommy nila. Athlete si Aldrin, sikat na swimmer, mas malakas ang s*x appeal kaso walang interes sa showbiz, kaya siya ang kinukulit ng kanilang ina. Though his shoe manufacturing company had reached its expected profit a month, he doesn’t just rely on it. He needs more sources of income for a better future. Walang malalaking investments ang parents niya. May kapatid siya na makakahati sa kakarampot na ari-arian at pareho silang lalaki na balang araw ay bubuhay ng pamilya. Katatapos lang ng taping ng product endorsement niya kasama si Megan. Sila ang model ng bagong release na jeans na isa sa produkto nito. Naroon sila sa extension building ng network na under construction pa ang itaas na bahagi pero malapit nang matapos. “Where do you like to dine, babe?” tanong ni Megan habang nakahawak sa kanang braso niya. Palabas na sila ng studio sa may third floor nang masalubong nila si Tyron suot pa ang bughaw na tuxedo. Mahayap ang tingin nito sa kanya. Alam niya gusto siya nitong makausap. “Ah, sandali lang, may kakausapin lang ako,” sabi niya kay Megan. Inalis niya ang kamay nito sa kanyang braso. “Wait!” awat nito. Sumunod siya kay Tyron kung saan man nito gusto makipag-usap. Nagulat siya nang nakabuntot pa rin sa kanya si Megan hanggang sa fifth floor. Umakyat sa rooftop si Tyron. “Ano ba ang gagawin mo?” inip na tanong ni Megan. “May kakausapin lang ako,” sabi niya. Nagpaiwan sa labas ng pintuan ng rooftop si Megan at doon naghintay. Nilapitan naman niya si Tyron na nakatalikod at nakatayo sa gilid ng rooftop na may dalawang patong ng hallow blocks pa lang na harang. Nagulat siya nang bigla siya nitong hinarap at sinuntok sa pisngi. Napapihit ang ulo niya sa lakas at bahagyang nahilo. “Walanghiya ka! Wala kang isang salita, makasarili!” nanggagalaiting bulyaw nito. Kaswal pa rin siyang humarap dito habang pinapahid ang dugo sa napunit niyang labi. Itinago niya ang guilt na kanyang nararamdaman at matapang itong pinakatitigan. “Sinabi ko na sa ‘yo, ‘di ba? Huwag mong sasaktan si Malia. Pero ano’ng ginawa mo? Ipinagpalit mo siya sa luho mo at sariling kaligayahan! Wala kang kuwentang lalaki!” gigil nitong sabi. “Hindi mo ako naintindihan, Tyron. Sinabi ko na sa iyo dati na hindi ako nangangako na habang buhay mapapanindigan ang relasyon namin ni Malia, but I tried my best. I did anything to sustain our needs as in a relationship, but I can’t stand it while I’m felt uncomfortable,” he defended. “Dahil wala kang kakontentuhan, Andrew!” “Ano’ng gusto mo, makipagplastikan kay Malia kahit wala na akong feelings sa kanya?” Nagtaas na rin siya ng tinig. Muli sana siya nitong susuntukin pero itinabing niya ang kamao nito. Ang hindi niya naiwasan ay ang pagtama ng tuhod nito sa kanyang sikmura. Namaluktot siya sa sakit. Hinuli pa nito ang kanang braso niya at pinilipit. “Ugh!” daing niya, ngunit inundayan pa siya ng suntok sa sikmura. Balak ata siya nitong patayin. Pilit niya itong itinutulak ngunit malakas ito. Mabuti hindi mukha niya ang binanatan nito. Nang hindi pa rin siya nito tinigilan ng suntok sa sikmura ay itinulak niya ito sa dibdib. Napaatras ito. Sinugod niya ito ng magkasunod na suntok ngunit nakailag. Nang muli itong umatras ay napasobra. Nawalan ito ng balanse nang matisod sa nakausling bakal. Sa halip na paharap ang pagtumba nito ay patalikod. “Tyron!” sigaw niya nang makitang nahuhulog na si Tyron. Hinabol pa niya ito ngunit huli na, bumulusok na ito paibaba at walang ibang babagsakan kundi sementadong parking lot. Natulala siya ng ilang segundo. Namataan na lang niya ang katawan ni Tyroon na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Nang mahimasmasan ay tumakbo siya palabas ngunit hinarang siya ni Megan. Nanginginig siya. Tinampal pa siya nito sa kanang balikat para lang bahagya siyang kumalma. “Hindi ko sinasadya!” natatarantang sabi niya. “Relax, it’s not your fault,” anito. Lalo siyang ginupo ng kaba nang mabatid na nakita ni Megan ang nangyari. Napatingin siya sa hawak nitong cellphone na naka-play pa ang video. Akmang kukunin niya ang cellphone ngunit ipinagkait nito. “You took a video, right?” balisang gagad niya. “Uh, no, let’s go!” anito saka siya kinaladkad palayo sa lugar na iyon. Gusto pa niyang puntahan si Tyron ngunit hindi siya pinayagan ni Megan. Pinilit siya nito’ng sumakay sa kotse nito. “Ano ba ang ginagawa mo?” hindi mapakaling tanong niya habang nakaupo sa tabi nito. Ito ang nagmamaneho. “You have to keep it, Andrew. Hindi maaring may makaalam na nagtalo kayo ni Tyron sa rooftop bago siya nahulog. Malaking kasiraan ito sa career mo at sa buhay mo. Maari kang ipakulong,” anito. “Pero hindi ko sinadya ang nangyari,” giit niya. “Still, you’re a suspect. Hindi mahuhulog si Tyron kung hindi kayo nagkasakitan.” “No! Ihinto mo!” Nakipag-agawan siya ng manibela rito. Napilitan si Megan na ihinto sa gilid ng kalsadaa ng kotse. Lumabas siya at pumara ng taxi. Sumakay siya at pabalik sa AAC building. Ngunit huli na siya dahil naisakay na sa ambulance car si Tyron. Nang mabalitaang dead on the spot si Tyron ay nanlumo siya. Walang mabubuhay kung mahuhulog mula sa sixth floor ng building. Hindi siya mapakali. Umuwi siya at nagmukmok sa kanyang kuwarto. Nanginginig pa rin siya dahil sa hindi mawaring takot. Pakiramdam niya’y masisiraan siya ng bait. Tatlong araw na hindi nag-report sa trabaho si Andrew. He had trouble to overcome his trauma. Idinahilan niya na masama ang kanyang pakiramdam. Wala siyang sinagot na tawag mula kay Megan at ibang staff ng production ng movie na ginagawa nila. Kinabukasan ay naglakas-loob siya na dumalo sa libing ng mga labi ni Tyron, pero hindi siya nakalapit sa mismong puntod. Nanginginig pa rin siya dahil sa labis na emosyon. Mula sa kinatatayuan niyang puno ng acacia ay natatanaw niya ang kaanak ni Tyron na nagluluksa. Naroon si Malia, tulala habang mugto ang mga mata. Inuusig siya ng kanyang konsensiya. Pakiramdam niya’y binubusa nang husto ang kanyang puso. Wala siyang intensyong saktan si Tyron kaya hinayaan niya’ng bugbugin siya dahil may kasalanan naman siya. Pero nais lang niyang depensahan ang kanyang sarili, at hindi niya sinadya ang sinapit nito. Hindi niya ito itinulak. Kusang umiwas si Tyron. Ang dami niyang iniisip na dahilan upang igiit na wala siyang kasalanan. Natapos na ang libing, naiwan si Malia at ang ina ni Tyron sa sinisementong puntod. Nagyakapan ang dalawa. Narinig niya ang hagulgol ng mga ito. Hindi niya naawat ang paglaya ng kanyang mga luha bugso ng hindi maawat na emosyon. Nang wala nang tao sa puntod ni Tyron ay saka lamang siya lumapit. Nanginginig na lumuhod siya sa harapan nito. “Sorry… I’m sorry…” tanging nasabi niya habang humahagulgol. Tumigil siya sa pag-iyak nang may naramdaman siyang presensiya. Tumayo siya at nilingon ito. Natigagal siya nang makita sa kanyang harapan si Malia. Pulos itim ang kasuutan nito maging ang balabal sa leeg. Hilam na hilam sa luha ang mga mata nito. “Wala na siya. Wala na ang taong masasandalan ko kapag hindi ko na kayang ibalanse ang aking emosyon. Wala na ang taong tunay na nagmamahal sa akin at nagpapahalaga,” may hugot na sabi nito habang lumuluha. Akmang hahawakan niya ito sa braso ngunit iniwaksi nito ang kamay niya. Pinulot lang nito ang payong na naiwan sa lupa saka nagmamadaling umalis. Lalong nagpuyos ang kanyang damdamin. Napaluklok siya sa lupa at muling humagulgol.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD