Chapter Three

2472 Words
KAHIT wala sa mood ay pinilit ni Andrew na magtrabaho dahil balak na siyang palitan sa role niya. Hinimok din siya ng kanyang ina na pagbutihin ang trabaho. Dalawang linggo na ang nakalipas magmula noong namatay si Tyron. Hindi pa rin siya makatulog nang maayos dahil sa nangyari. Alas-otso na ng gabi natapos ang taping nila na ginagawa sa bahay ng kapwa nila artista. Nahihilo na siya dahil sa kakulangan ng tulog. Hindi siya kumain kahit kaliwa’t kanan ang nag-iimbita sa kanya. He went to his car and drive. Traffic pa rin pagdating sa highway. Gusto na niyang makarating kaagad sa bahay at mahiga sa kama. Nang lumuwag ang kalsada ay binilisan niya ang pagmamaneho. Hindi na niya mapigil ang kanyang antok. Nakapipikit na siya at nawawalan ng kontrol sa manibela. “Andrew!” umalingaw-ngaw sa kanyang tainga ang boses ni Tyron, galit na galit. Pagtingin niya sa kalsada ay namataan niya si Tyron na nakatayo roon, duguan habang galit na nakatingin sa kanya. Inapakan niya ang preno ngunit ayaw gumana. Nakabig niya ang manibela paiwas dito ngunit kinaladkad ng bus ang kanyang kotse. Pakiramdam niya’y lumipad siya, bumaliktad at nagpagulong-gulong. Wala siyang ibang maramdaman kundi walang kawangis na kirot sa iba-ibang parte ng kanyang katawan, lalo na sa kanyang ulo. Hanggang sa tuluyang magdilim ang paligid niya.   TATLONG buwan ang nakalipas bago muling naramdaman ni Andrew ang presensiya ng paligid. Her father said that he was comatose after he was involved in a road accident. He can’t move. He slowly opened his eyes. “Dad? Dad?” tawag niya sa kanyang ama. “I’m here, hijo, in front of you,” tugon nito. Sa harapan niya ito pero bakit wala siyang makita? May naaninag siyang gumagalaw pero nangingibabaw ang kadiliman. Iginalaw niya ang kanyang kanang kamay upang kapain ito. Nahawakan niya ang kamay nito. “Dad, bakit wala akong makita?” natatarantang tanong niya. “What? Wait. Nurse!” Nataranta na rin ang kanyang ama. Kahit anong mulat niya ng mga mata ay wala siyang makita na liwanag. “Naapektuhan ang ilang nerves niya sa utak na konektado sa mga mata. He lost his eyesight but we’re doing our best to find the solution,” sabi ng doktor na kausap ng kanyang ama sa ‘di kalayuan. Ginupo siya ng takot. Paano kung hindi na siya makakita ulit? Paano ang career niya? Ang buhay niya? Nilamon na siya ng stress. Naging iritable siya dahil sa kawalan ng pag-asa. Inaayaw niya lahat ng taong dumadalaw sa kanya. Makalipas ang isang linggo ay nagdesisyon ang mga magulang niya na operahan siya sa mga mata. May nai-refer na espiyalista ang doktor niya na nagmula pa sa US at bumisita lang doon para sa medical mission. May pag-asa pa raw siya’ng makakita sa pamamagitan ng corneal transplantation. Papalitan lang naman ng bago ang cornea niya para makakita siyang muli. Nagtiwala na lamang siya sa mga ito. Desidido na siyang makakita. Sa ilang araw niya’ng pananatili sa ospital ay dalawang beses siya dinalaw ni Megan pero saglit lang ito. Ang hindi niya inaasahan na bisita ay si Malia. “Good luck sa operation mo. Ipagdadasal ko na makakita ka pa ulit,” sabi nito. Naramdaman niya ito sa kanyang tabi. Nakukonsensiya siya. Sa kabila ng pananakit niya sa damdamin nito ay naroon pa rin ito at gusto siyang ipagdasal. “Salamat at pasensiya na,” sabi lamang niya. “Hindi na ako magtatagal. Napadaan lang naman ako dahil may dinalaw rin akong kaibigan na na-admit dito,” sabi nito. Naramdaman niya ang papalayong presensiya nito. “Malia…” pigil niya rito. Hindi siya sigurado kung naroon pa ito. “I’m sorry,” aniya sa malamyos na tinig. “Saying sorry without action was useless,” she said with a hint of irony. “Bye, pagaling ka,” paalam nito. Narinig na lang niya ang pagsara ng pinto. He took a deep breath. Malia was right. Hindi sapat ang sorry lang upang mapawi ang pinsala na nagawa ng isang tao sa kapwa. Dapat may kasamang pagkilos at katapatan.   SUCCESSFUL ang operasyon sa mga mata ni Andrew. Excited na siyang makakita ulit. May isang buwan din siyang nangangapa sa madilim na mundo. Gusto na rin niyang umuwi at makapagtrabaho ulit. Nang matanggal ang benda sa kanyang mga mata ay kaagad niyang iginala ang kanyang paningin sa paligid. Ang una niyang nakita ay si Megan, nakangiti habang tinititigan siya. “Welcome back!” masiglang sabi nito. Naroon din ang kanyang ina na nakaupo sa wheelchair nito, ang kanyang ama na kausap ang doktor na Amerikano, na siyang nag-opera sa kanyang mga mata. Ang donor daw niya ay namatay sa aksidente. Pero bago iyon namatay, pumayag ang kaanak na mai-donate ang cornea nito. Lalaki at kaedad niya ang donor. May nagsabi na nagpakamatay raw talaga ang lalaking iyon. Hindi na siya interesadong alamin ang buong kuwento. Ipinagdasal na lang niya ang kaluluwa niyon. Bukas makawala pa raw siya makauuwi dahil may follow up check up siya kinabukasan. Gabi na naman. At least, he could see the light now. But he felt an unusual presence in his surrounding. He’s alone in his room but seems there’s someone is around and watching him. “Dad? Megan?” tawag niya. Kumislot siya nang humaginit ang pinto sa banyo. Nakatatayo na siya pero bawal pang kumilos nang mabilis. Dahan-dahan siyang tumayo. Wala namang aparatos na nakakabit sa kanyang katawan kaya maari na siyang lumabas. Sumilip siya sa banyo, wala namang tao. Pagkuwan ay lumabas siya. Saktong pagdating sa pasilyo ay nasalubong niya ang lalaking nurse na may tulak-tulak na stretcher, may kargang pasyente na natatakpan ng puting kumot. Patay na malamang ito. Natigagal siya nang masaksihan niya ang kaluluwa ng pasyente na umahon mula sa katawan nito. Napasandal siya sa dingding. Natulala siya nang may nagtatawirang tao sa harapan niya pero tumatagos sa katawan ng mga buhay na tao. “A-ano’ng nangyayari?” balisang tanong niya sa hangin. Ang nakakikilabot pa’y nakatingin sa kanya ang mga kaluluha. Patay na ba siya? “Nurse!” sigaw niya. Maya-maya ay may nurse na lumapit sa kanya. Ibinalik siya nito sa kanyang silid. Lalo siyang nagwala nang may nakita rin siyang babaeng multo sa kanyang silid. Pulos puti ang bestidang suot nito, mahaba ang buhok na magulo, maputla at nangingitim ang paligid ng mga mata. Nakaupo ito sa kama at nakatingin sa kanya. “Aaaah!” sigaw niya. “Sir, huminahon po kayo!” sabi ng nurse. Pinipilit siya nito pahiga sa kama ngunit nagpumiglas siya. Tumakbo siya palabas ng kuwarto. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit nakakikita siya ng mga kaluluwa? Nakarating na siya sa labas ng ospital. Hinuli siya ng guwardya at ginapos. Mabuti dumating ang daddy niya. Nakapikit lang siya at ayaw na niyang bumalik sa loob ng ospital. Napilitan ang daddy niya na umuwi na sila. Nagkulong siya sa kuwarto. “Hindi pa ako nababaliw, Dad,” aniya nang lapitan siya ng kanyang ama. Nakaluklok lang siya sa kama habang nakatitig sa pintuan. “Of course, you’re not insane. Naninibago ka lang kasi matagal kang walang makita,” sabi nito. Nakatayo ito sa kanyang harapan. “Pero bakit may nakikita akong mga kaluluwa?” naguguluhang tanong niya. “Hallucination mo lang iyon.” “Exactly, why I’m experiencing the hallucination? It means, there’s something wrong with my eyes or mind?” “Come on, Andrew, stop insisting that nonsense idea. Magpahinga ka na. Pupunta rito ang doktor mo bukas para tingnan ka,” anito saka siya iniwan. Humiga siya sa kama. Ilang gabi na rin siya na walang maayos na tulog. Ginugupo na siya ng antok nang may malamig na hanging dumampi sa kanyang mga paa, tila may humihipo sa talampakan niya. Nawala ang antok niya nang maulit ang panghihipo. Nang magmulat siya ng mga mata ay napabalikwas siya nang makita niya sa kanyang paanan si Tyron, nakaupo sa gilid ng kama. Suot pa rin nito ang damit nito bago namatay, maayos ang hitsura pero maputla. Tulala siyang nakatitig dito habang unti-unting ginugupo ng takot ang kanyang puso. “T-Tyron?” tanging sambit niya. “Oo, ako nga,” sagot nito. Napaatras siya at dumikit sa headrest ng kama ang kanyang likod. Nanginig siya at hindi makasigaw-ni hindi makapagsalita. Walang kurap-kurap na nakatitig siya kay Tyron. “Nakikita mo na ako dahil sa bago mong cornea,” sabi nito. Tumayo ito. Nang mahinuha na wala naman itong balak na saktan siya ay unti-unting kumakalma ang kilabot niya at takot. “B-bakit nakikita kita?” nangangatal ang tinig na tanong niya. “Nakausap ko ang kaluluwa ng donor ng cornea mo. May special ability siya, ang mga mata niya ay nakakikita ng mga supernatural creatures, including spirits. Matagal na niyang pilit iniiwasan iyon pero hindi niya kinaya kaya naisip niya’ng magpakamatay. Nag-drive siya na lasing kaya naaksidente. May sakit din siya sa atay. May taning na rin pala ang buhay niya,” kuwento nito. Umangat na naman ang kilabot niya dahil sa natuklasan. Ibig ba nitong sabihin, habang buhay na siyang may makikitang mga kaluluwa? “H-hindi puwede ‘to! Ayaw ko nito!” protesta niya. “Gusto mong makakita ulit, hindi ba? Magpasalamat ka na lang,” pilyong sabi nito. Hindi siya komportable. “Kung palaging ganito, mababaliw ako!” “Mababaliw ka kung hahayaan mo na talunin ka ng takot. Isipin mo na lang, ito ang karma mo, bagay na ganoon na nga.” Natigagal siya. Mas gugustuhin na lang ata niya’ng mabulag. “Huwag kang mag-alala, tuturuan kita kung paano masanay na kasama ang mga kagaya ko,” anito. He tilts his head. He doesn’t know how to accept the situation, it’s a nightmare. Mas gustuhin na lang niya na parte lang iyon ng bangungot at magigising siya na wala na lang siyang paningin. “P-pero bakit ka narito? Ano’ng kailangan mo? Papatayin mo ba ako dahil sa kasalanan ko?” balisang tanong niya kay Tyron. May banayad na kilabot pa rin siyang nararamdaman. “Hindi pa ako handang mamatay, Andrew. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Gusto ko pang pakasalan ang babaeng sinaktan mo, pero malabo na iyong mangyari dahil heto, isa na lamang akong kaluluwa.” Bahagya itong napayuko. Nanikip ang dibdib niya. Inuusig na naman siya ng kanyang konsensiya. “Tyron, hindi ko sinadya ang nangyari. Hindi kita itinulak,” paliwanag niya. “Alam ko, pero dahil sa iyo, nagalit ako at nawalan ng kontrol sa sarili. Galit na galit ako sa ginawa mo kay Malia!” “At ano ang gusto mong gawin ko?” “Gusto ko’ng makita mo kung saan ka nagkamali, at kung anong pinsala ang ginawa mo. Balikan mo si Malia.” “Ano?” Napatayo siya. “Ito lang ang tanging hiling ko, Andrew. Malungkot si Malia, nasasaktan dahil sa iyo.” “Pero sa palagay ko tanggap na niya ang nagyari.” Nagulat siya nang lapitan siya ni Tyron. Pumasok ito sa katawan niya. Makalipas ang ilang sandali ay hindi na niya kontrolado ang kanyang katawan. Natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na palabas ng bahay. Sumakay siya sa kanyang kotse at nag-drive. Malalim na ang gabi nang huminto sila sa tapat ng bahay nila Malia. “Bakit tayo narito?” tanong niya kay Tyron na lumabas na sa kanyang katawan. Nakaupo na ito sa kanyang tabi. “Hintayin natin si Malia,” sabi nito. Sa kabilang kalsada nakaparada ang kotse niya. Maya-maya ay may kumintong taxi sa tapat ng gate ng bahay. Bumaba mula roon si Malia. Pasuray-suray ang lakad nito. Nagulat siya. Hindi naman umiinom ng alak ang dalaga noon. “Lasing siya,” ani ni Tyron. “Bakit?” tanong pa niya. “Natuto na siyang tumikim ng alak dahil sa bagong mga kaibigan. Noong nabubuhay ako, takot siyang tumikim ng alak dahil alam niya na magagalit ako. Mahina rin ang katawan niya. Alam ko malaki ang epekto ng pakikipaghiwalay mo sa kanya. Lalo siyang nalungkot noong namatay ako. Wala nang sisita sa mga ginagawa niya.” May kung anong matutulis na bagay na tumutusok sa puso niya. Nang umalis ang taxi ay hindi pa pumasok sa bahay si Malia. Lumuklok ito sa gilid ng gate. “Nagbago na siya,” komento niya. “Hindi siya nagbago, Andrew. Walang nagbago sa kanya. Sinasadya lang niya ang pagsubok sa mga bagay na hindi naman niya ginagawa, iyon ay upang pagtakpan ang kanyang kalungkutan. Malakas ang pananampalataya ni Malia kung tutuusin, pero habang tumatagal, natatalo na siya ng magkasunod na dagok sa buhay. May sakit ngayon ang papa niya, isa sa mas mabigat na suliranin.” Lalong nagsikip ang kanyang paghinga. Nang makitang humahagulgol ang dalaga ay tuluyan siyang nilamon ng kanyang konsensiya. Pero kung pipilitin niyang balikan ito, magiging komplikado ang buhay niya. “Puntahan mo siya,” udyok ni Tyron. “No,” mariing tanggi niya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan. “Wala ka talagang silbi, Andrew!” asik nito. Pinigil nito ang kamay niya na humawak sa manibela. Napilitan siyang bumaba at nilapitan si Malia. Bigla naman itong tumayo at itinulak siya nang marahan. Wala na itong lakas. “Malia…” sambit niya. “Naliligaw ka ata, Andrew,” sabi nito at pilit inaaninag ang kanyang mukha. “Pumasok ka na sa loob,” aniya at akmang hahawakan ito sa braso ngunit iniwaksi nito ang kamay niya. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Umuwi ka na baka may makakita sa atin! Magka-isyu pa tayo at magalit ang sikat mong girlfriend,” palatak nito. Bumuntong-hininga siya. “You’re drunk,” aniya. “Alam ko! Umalis ka na! Hindi kita kailangan!” Itinaboy siya nito. Napaatras naman siya. Hindi na niya alam ang kanyang sasabihin. Lumapit na sa maliit na gate si Malia at nangangapang mabuksan. “Congrats pala dahil bumalik na ang paningin mo,” anito pagkuwan. Hindi ito lumingon. “Pero sana mas malinaw na ang paningin mo ngayon. Sana makikita mo na ‘yong mga bagay na hindi mo nakita noon. Ang mga bagay na handa kang mahalin na walang hinihinging kapalit. At higit sa lahat, sana makikita mo na kung ano ang mga itinapon mo na may halaga sa iba. Sana masaya ka na,” emosyonal nitong sabi bago tuluyang pumasok ng gate. Pakiramdam niya’y milyong punyal ang mga katagang binitawan nito na tumusok sa kanyang dibdib. Nang pumasok na ito sa bahay ng mga ito ay nagdesisyon na siyang bumalik sa kotse. Naroon pa rin si Tyron. Hindi na siya nito kinulit nang nagmaneho siya pauwi. Marahil ay alam nito kung ano ang natamo niya sa pakikipag-usap kay Malia.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD