Angela's POV
Paakyat na kami sa kwarto ni Sir Allen ng makasalubong namin si Sir Coby na nakabihis at mukhang may lakad. Napakunot ang noo niya ng makita ko.
"Angela? Bakit basang-basa ka?" Nagtatakang tanong nito sa akin.
"Naligo po ako-"
"She's with me, Coby. Don't interrupt her."
"Kuya, pauwiin mo na yan at baka mapagalitan pa yan ni Mang Pedring at ni Aling Doray."
"Alam ko ang ginagawa ko, Coby. Ako na ang bahala sa kanya."
Salitan ang tingin ko sa magkapatid. Nagulat ako ng hilahin ako ni Sir Coby sa tabi niya.
"Let's go, Angela, Ihahatid na kita."
Paalis na kami ng bigla naman akong hilahin ni Sir Allen. Kaya para akong na-trap sa dalawang nag uumpugang bato.
"Uhm, Sir Allen, Sir Coby, mawalang galang na po pero bitawan nyo na po ako. Nasasaktan po ang braso ko."
"Sorry, Angela," hinging paumanhin sa akin ni Sir Coby sabay bitaw sa braso ko. Hindi naman ako binitawan ni Sir Allen at dinala pa ako lalo sa tabi niya.
"Sa akin sasama si Angela, Coby. Puntahan mo na ang dapat ay pupuntahan mo, okay?" Nahihiya akong tumingin kay Sir Coby. Kita ko ang pag-igtingan ng panga niya habang nakatingin siya kay Sir Allen.
"Don't worry po, Sir Coby. Uuwi rin po ako agad kaya hindi po magagalit sina nanay at tatay," ngumiti ako ng bahagya sa kanya at noon lang yata siya kumalma dahil biglang umaliwalas na ang awra niya.
"Sige, Angela. Umuwi ka kaagad, ha?"
"Opo, Sir Coby."
Napalingon pa ako kay Sir Coby ng isama na ako pag-akyat ni Sir Allen pataas.
"Pasok ka."
Si Sir Allen ang nagbukas ng pintuan sa akin at pinapasok na ako sa loob ng silid niya. Maganda at napakalawak ng silid ni Sir Allen. Ang kama yata niya ay kasya ang sampung tao kahit na magpagulong-gulong pa. White, blue and gray ang kulay. Napaka-plain lang at halatang lalake ang naririto.
"Mauna ka ng maligo, Angela. Kukunin ko lang ang mga regalo nyo sa maleta."
Inabutan ako ni Sir Allen ng tuwalya at itinuro kung nasaan ang banyo. Nagpunta naman ako dun at naligo rin ako kaagad. Pagkalabas ko ay tanging tuwalya lang ang suot ko at pagharap nga sa akin ni Sir Allen ay natulala na naman siya.
"f**k! Angela, napakaganda mo talaga." Bigkas niya.
"Salamat po, Sir Allen. Nasaan po pala ang damit na pwede kong isuot. Tsaka pahingi na rin po ako ng plastic. Lalagyan ko lang po nitong hinubad ko." Dala ko rin kasi ang mga damit na suot ko kanina kaso ay basa na nga lang.
"Huwag mo ng iuwi yan. Papalabhan ko na lang muna. Mahihirapan ka lang bitbitin yan pauwi. Pasok ka dun sa kwartong yun. Walk in closet ko yun. T-shirt ko na lang muna at boxer short ang isuot mo."
"Sige po, Sir Allen."
Sinunod ko ang direksyon na sinabi niya. Pinuntahan ko ang isa pang silid na nasa kwarto niya. Kusang bumukas kaya pumasok na ako.
Sobrang namangha ako sa laki nito. Sobrang dami rin ng mga damit at naka-organize pa ang bawat kulay nito. Nakabukod ang boxer short, belt, brief, necktie, tapos by color pa! Narito rin ang nga relo at alahas niya.
Sa takot kong baka kay mawala ay napalabas akong bigla.
"Oh? Bakit ka lumabas? Wala ka bang nagustuhan sa mga damit ko? Pansamantala mo lang naman isusuot iyon. Magpapalit ka rin naman mamaya." Natatawa pang sambit niya.
"H-hindi po, Sir Allen. Iyong damit ko na lang po ulit ang isusuot ko-"
"No. Halika rito. Sasamahan kita."
Hinawakan niya ako sa balikat habang nasa likuran ko siya at bahagya niya akong itinutulak.
"Pili ka. Ako ang kukuha." Magkatapat kami at pareho kaming nakatingin sa isang katerba niyang damit at gamit.
"Yung puting t-shirt na lang po."
"Sige."
Lumapit siya roon sa mga puting t-shirt at kumuha ng isang naka-hanger. Kumuha rin siya ng boxer short na kulay puti at ibinigay sa akin.
"Oh, magbihis ka na at baka lamigin ka."
"Sige po, Sir Allen. Saan po ako pwedeng magbihis?"
"Dito na lang. Aalis rin ako at maliligo na. Huwag kang aalis. Hintayin mo ako at ihahatid kita."
"Okay po, Sir Allen."
Umalis rin agad si Sir Allen kaya isinuot ko na ang damit na pinahiram niya. Inuna ko ang boxer short niya. Isinunod ko ang t-shirt niya at ng maisuot ko ay nagmistula naman itong bestida sa akin. Parang naiilang ako dahil wala akong bra at underwear.
Lumabas ako ng walk in closet ni Sir Allen habang tinutuyo ko ng tuwalya ang buhok ko. Humarap pa ako sa bintana at hinawi ko ang malaking kurtina. May maliit palang terrace rito at mula pala rito ay matatanaw ang lupain na sinasaka ni Tatay.
Napalingon ako ng maramdaman ko ang presensya ni Sir Allen. Magbibihis pa lang siya at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa kalahating bahagi ng katawan niya.
"Magbibihis lang ako, ha?" Pabatid niya pa sa akin.
"Sige lang po, Sir Allen. Take your time po." Ngumiti naman siya sa akin at dumiretso na rin siya sa walk in closet niya.
Ibinalik ko ang paningin ko sa lupain. Hinahanap ko si Tatay roon pero hindi na masyadong tanaw. At baka sa mga oras na ito ay naroon na sila sa manggahan at nagmemeryenda na.
"Angela?"
"Po?" Nagulat ako ng paglingon ko ay mabunggo ko si Sir Allen.
"Naku, sorry po. Hindi ko po alam na nandyan kayo sa likuran ko." Hinging paumanhin ko pero hindi umimik si Sir Allen. Nakatitig lang siya sa akin partikular sa damit na suot ko.
"Angela? Can you stay here a little longer?" Sambit niya pero umiling na ako dahil masyado na akong nagtatagal rito. Iniisip ko rin na baka kapag naabutan pa ako rito nina Senyora Letticia at Seyor Nicolas ay baka kung ano pa ang isipin sa akin.
"Pasensya na, Sir Allen... Pero hindi na po talaga pwede. Sa ibang araw na lang po." Pagtanggi ko.
Narinig ko naman ang kanyang buntong hininga at inaya na ako palabas ng kwarto niya. Sabay kaming bumaba ng hagdan. Naiilang pa ako sa tingin sa akin ng katulong at akala yata ay may ginagawa kami ni Sir Allen doon sa loob ng kwarto nito pero wala naman talaga. Hindi inaasahang napakapit tuloy ako sa braso ni Sir Allen kaya napatingin siya roon at napangiti.
Pinindot niya ang susi ng sasakyan niya at tumunog ang kulay pulang Honda Car. Bago siya sumakay ay pinagbuksan muna ako ng pintuan at maingat na pinasakay sa loob. Nang maisarado niya ang pinto ay umikot siya sa kabila at sumakay na rin sa driver seat.
"Doon tayo dadaan sa kalsada para hindi ka na maputikan." Aniya pa.
"Sige po, kayo po ang bahala, Sir Allen."
Pinaandar na niya ang kotse niya ay binaybay na nga namin ang kabilang daan. Habang nagmamaneho nga siya ay tingin siya ng tingin sa akin. Ramdam ko rin ang bigat ng paghinga niya na tila na nahihirapan siyang huminga.
"Angela, nagkagusto ka na ba sa isang lalake?"
Hindi ko alam kung bakit niya naitanong ang bagay na yun pero napaisip akong bigla da tanong niya.
"Parang wala pa po, Sir Allen. Masyado pa po kasi akong bata para unahin ko yan." Direct to the point na sagot ko.
"I mean, crush. Kahit crush or hinahanggaan mo."
"Hinahangaan po?" Ulit ko pa at napaisip na naman ako. Sino nga ba ang hinahangaan ko?
"Wala rin?" Aniya na parang hindi makapaniwala.
"Uhm, hinahangaan... Siguro po ay si Sir Coby. Ang galing niya po kasing mangabayo. Kapag pumupunta nga po siya sa bukid ay nakakabayo siya tapos naka-cowboy!" Natutuwang sambit ko.
Nagulat naman ako ng bigla niyang inihinto ang sasakyan niya.
"B-bakit po tayo huminto, Sir Allen?" Nagtatakang tanong ko.
"Yun lang? Magaling lang mangabayo ay hinangaan mo na? Hindi mo ba alam na mas magaling akong mangabayo kesa kay Coby?" Napakunot naman ang noo ko.
"Hmm... Hindi ko pa po kasi kayo nakikitang mangabayo, Sir Allen."
"Gusto mo bang makita?"
"Talaga po? Saan po ba kayo nangangabayo?"
"Bukas, pumunta ka sa bahay ng alas sais ng umaga. I'll show you how to ride on a horse." Seryosong sabi niya saka pinaandar na ulit ang sasakyan. Nanahimik na nga siya at hindi na ulit nagsalita hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin.
"See you tom, six am?" Wika pa niya bago ako bumaba.
"Sige po, Sir Allen. Magpapaalam na rin po agad ako kila nanay at tatay." Tumango naman siya agad kaya bumaba na rin ako.
"Bye po, Sir Allen!" Iwinagayway ko pa ang aking kamay habang iminamaniobra niya pabalik ang kanyang sasakyan. Pagkaliko niya ay nagtatakbo naman na ako papunta sa bahay.
"Nay?" Tawag ko kay nanay pagkapasok ko pero walang sumasagot. Naisip kong baka nasa bukid na yun si Nanay at nagdala na ng pagkain kay tatay. Pumasok na ako sa kwarto ko. Hindi ako kumportable sa damit na suot ko kaya hinubad ko na at nagpalit na rin ako ng bestidang palagi kong sinusuot.
Mabuti na lang din ay wala rito sina nanay at tatay. Hindi nila nakitang iba na ang suot ko pag-uwi. Itinago ko na lang muna ang damit sa cabinet ko at saka ko na lang siguro isosoli kapag nalabhan na.
Paglabas ko sa kwarto ko ay dumiretso na ako sa kusina. May nakatakip na pagkain kaya umupo na ako at kumain na rin ako. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom dahil kakain lang din ang inalmusal ko kanina. Inihaw na tuyo at sinabawang mga gulay ang narito kaya naman napasarap na naman ako ng kain. Ang sarap talagang magluto ni nanay. Kahit simpleng putahe lang ay nagiging special basta siya ang nagluto.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin ang kinainan ko at inimis ko na rin ang lamesa. Napansin ko rin na may nakasampay pa sa likuran kaya pininaw ko na rin at tiniklop na.
Kinahapunan naman ay dumating na rin si Nanay at tatay. Nakapagsaing na rin ako kaya ulam na lang ang lulutuin ni nanay.
"Kamusta, anak? Nagustuhan ba nila ang ipinadala ko sa iyo kanina?" Ani nanay habang nagpuputol-putol ng sitaw.
"Wala po ang mag asawang Dela Fuente doon kanina. Si Sir Allen lang po at si Sir Coby ang nandoon. Hula ko nga po ay si Sir Allen lang ang kakain ng lahat ng yun e." Biro ko pa kay Nanay.
"Aba, ay huwag naman sana at baka magka-diabetes naman siya," natatawang sambit ni nanay. Pumasok naman si Tatay na may kinayod ng niyog at iniabot na kay nanay.
"Sige po, nay. Ako na po ang bahala rito sa sitaw."
"Sige anak at gagatain ko lang itong niyog."
Umupo naman si Tatay sa tabi ko at tinulungan akong magputol-putol ng sitaw.
"Bakit pala hindi ka sa bukid dumiretso kanina? Anong oras ka ba nakauwi?"
"Mga tanghaling tapat na rin po, Itay. Inihatid po ako ni Sir Allen kaya hindi na po ako nakadaan sa bukid. Siya nga po pala, yung regalo nyo po. Teka lang po at kukunin ko." Ini-abot yun ni Sir Allen kanina bago ako makababa sa sasakyan niya e, nakalimutan ko na nga sana kaso ipinaalala pa rin niya.
Kinuha ko sa kwato ang isang paper bag na may laman. Hindi ko pa rin kasi natitingnan ang laman niyon. Ipinatong ko sa mesa sa tapat ni Tatay pero hindi man lang siya nag-abalang tingnan iyon.
"Ito na ba ang regalo ni Allen? Patingin nga ako?" Excited na sambit ni nanay. Kinuha niya ang laman ng paper bag sa loob at tiningnan isa-isa.
"ito siguro ang para sa iyo, Pedring. Aba! Ay kay gandang jacket niyan," manghang sabi ni nanay. Mukhang mamahalin ang jacket na iyon dahil mukhang galing pa sa Amerika.
"Tingnan mo, ang ganda rin nitong jacket ko," natutuwang sambit ni nanay at isinukat rin kaagad. May natirang isa sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko yun at binuksan ko.
Tila ba nagningning ang mga mata ko ng makita ko ang isang bestidang kulay pula. Sa Amerika rin kaya ito galing? Sa isip-isip ko pa dahil sakto sa akin ang sukat samantalang kahapon lang naman ako nakita ni Sir Allen.
"Bagay na bahay sa'yo yan, anak. Lalong lalabas ang maputi mong kutis kapag isinuot mo yan."
"Oo nga po, nay. Pero nakakapanghinayang namang ipambahay ito kaya itatago ko na lang muna para may maisuot ako sa mga okasyon."
"Ikaw ang bahala, anak. Itatago ko na rin muna itong jacket na regalo sa amin ng tatay mo."
Tiniklop ni nanay at ibinalik sa paper bag saka dumiretso sa durabox nila at inilagay sa loob niyon. Pansin ko naman ang pananahimik ni tatay pero hindi ko na siya tinanong pa.
Habang kumakain naman kami ay naalala kong pinapapunta ako ni Sir Allen bukas ng alas sais ng umaga sa kanila.
"Ay nay, tay, pinapapunta pala ako ni Sir Allen sa kanila bukas ng alas sais ng umaga. Panoorin ko raw po siya sa kanyang pangangabayo." Paalam ko sa kanila.
Nagkatinginan naman sina nanay at tatay.
"Naku, anak. Delikado roon. Baka matapakan ka ng mga kabayo."
"Inay, bakit naman po ako matatapakan? Syempre po sa tabi lang ako." Biro ko pa kay nanay.
"Sa kabilang ibayo pa ang hacienda ng kabayuhan ng Dela Fuente anak, baka hapon ka na makauwi nun."
"Ehh- sige na po, nay-tay- Payagan nyo na po ako. Gusto ko rin po kasing makita ang sinasabi nyong hacienda ng mga kabayo nila." Pagpupumilit ko pa sabay lambing sa kanilang dalawa.
Tumingin naman si Nanay kay Tatay at tumango naman si Tatay kaya natuwa ako ng sobra.
"Papayagan ka namin pero mag-iingat ka doon, ha? Huwag kang basta-basta lalapit sa mga kabayo dahil naninipa ang mga iyon!"
"Yehey! Thank you po! Nay! Tay! At opo! Mag-iingat po ako doon!" Tuwang-tuwa na sambit ko.
Niyakap ko pa talaga silang dalawa sa magkabilang gilid ko dahil pinayagan nila akong sumama kay Sir Allen bukas.