Angela's POV
Alas singko pa lang ay nakapagluto na si Nanay kaya naman tinulungan ko na siyang maghain ng pagkain.
"Anak, mag-iingat ka doon sa hacienda. Huwag kang masyadong dumikit sa mga hayop lalo na sa kabayo dahil baka masipa ka." Paalala ni Nanay habang kumakain kami.
"Opo, nay. Tatandaan ko po ang bilin ninyo."
"Basta, uuwi bago magdilim, ha? Ayokong abutin ka ng dilim sa daan, Angela."
"Opo, Tay. Promise po. Uuwi rin ako bago mag-alas kwatro."
Panay ang paalala nila sa akin. Sabagay, wala pa naman talaga akong masyadong alam sa buhay kaya palagi ko na lang sinusunod ang mga payo nila sa akin. Isa pa, alam ko naman na para sa kabutihan ko rin itong mga sinasabi nila.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay Nanay. Sumabay na ako kay Tatay paalis. Siya ay papunta ng bukid habang ako naman ay papunta na kina Sir Allen. Alas sais ang usapan namin at sigurado akong sakto lang itong oras ng pagpunta ko.
Pagkarating ko nga sa gate ng mansion ay pinapasok na agad ako ng gwardya. Bilin daw ni Sir Allen na pagdating ko ay papasukin ako kaagad. Naglakad ako sa pahabang pasilyo nila na napapalibutan ng mga bulaklak.
Nang makarating ako sa mawalak na pintuan ay nakita naman ako ni Edna at agad na pinapasok sa loob. Pinaupo niya sa sofa at hinatira ng maiinom.
"Salamat, Edna. Nasaan pala Sir Allen? Sabi niya kasi ay aalis daw kami ngayon dahil pupunta kami sa kanilang hacienda."
Umupo naman sa tabi ko si Edna.
"Naku, sa tingin ko ay tulog pa yun. Kung gusto mo ikaw na lang ang gumising sa kanya. Puntahan mo na dun sa kwarto niya dahil baka mamaya pa gumising yun. Wala kasing naglalakas ang loob ditong gisingin si Sir Allen. Tutal, may lakad kayo. Ikaw na lang ang gumawa."
Napaisip naman ako kung magagawa ko bang gisingin si Sir Allen.
"Naku, huwag na, Edna. Aalis na lang muna siguro ako--"
"Angela? Why are you here at this morning?" Si Sir Coby na nagulat pa yata dahil nakita ako sa pamamahay nila dis oras ng umaga.
"Uhm, Sir Coby. May usapan po kasi kami ni Sir Allen. Sabi po niya isasama niya raw po ako sa hacienda nyo upang mapanood ko raw po siya sapangangabayo."
"Hacienda? Medyo malayo-layo rito yun, ah?"
"Sabi nga po nina Tatay pero okay lang naman po, Sir Coby."
"Sige na, Angela. Babalik na ako sa trabaho ko." Paalam naman sa akin ni Edna at umalis na nga sa tabi ko.
"Halika, Angela. Samahan mo muna akong mag-almusal." Aya ni Sir Coby sa akin.
"Naku, hindi na po. Kumain na po ng almusal bago po ako umalis sa bahay."
"Samahan mo lang ako kahit sandali lang." nakikiusap na saad ni Sir Coby.
Napatitig naman ako kay Sir Coby. Nahiya rin akong tanggihan pa siya ulit kaya naman pumayag na ako at tumayo na sa pagkakaupo ko saka sumunod na sa paglalakad niya papuntang dining table.
Ipinaghila pa niya ako ng upuan kaya nahiya ako. Crush ko kasi si Sir Coby eh.
"So, gusto mo rin bang matutong sumakay sa kabayo? I can teach you."
"P-po? Uh-opo. Parang nakaka-excite po yun." Natutuwang sambit ko.
"Madali lang naman yun. Bakit kasi hindi mo sinabi sa akin ng mas maaga para mas maaga kitang naturuan."
"Nakakahiya po kasi sa inyo."
"Bakit ka naman mahihiya sa akin?"
"Eh, kasi po. Crush ko po--"
"Angela?"
Naputol ang sasabihin ko ng marinig kong nagsalita si Sir Allen sa may gilid ko. Napatayo agad ako mula sa kinauupuan ko at binati ko agad si Sir Allen.
"Uh-Sir Allen. Gising na po pala kayo."
"I'm sorry, I'm late. Medyo napuyat kasi ako kagabi." Ani Sir Allen.
"Naku, okay lang po yun. Hindi naman po ako naghintay ng matagal. Tsaka nandito po si Sir Coby lara kausapin ako."
Napatingin naman si Sir Allen kay Sir Coby.
"Next time. Huwag mo ng paghihintayin yung bata." Seryosong sabi ni Sir Coby. Kaya pumagitna ako.
"O-okay lang naman po, Sir Coby. Naiintindihan ko naman po si Sir Allen. Baka po marami lang siyang ginagawa kagabi. Halika na po, Sir Allen. Magbreakfast ka po muna." Aya ko dahil tiyak na hindi pa siya kumakain ng almusal.
"No. Need. Just finist your food at aalis na tayo. Magpapaluto din ako sa hacienda ng kakainin natin for lunch."
"Sigurado po ba kayo? Mas mabuti po siguro kung mag-almusal na po muna kayo."
Umalis ako sa kinauupuan ko at hinila ko si Sir Allen palapit sa lamesa at pinilit ko siyang umupo. Inayos ko ang platong kakainan niya pati na rin kutsara at tinidor at ipinaglagay ko na rin siya ng tinapay sa plato niya pati na rin ham at itlog.
Batid kong nakatitig lang siya sa akin at sa bawat galaw ko habang inaasikaso ko siya.
"Angela, no need to taking care of him. May kamay si Kuya Allen." Saway sa akin ni Sir Coby.
"Okay lang naman po. Sanay po ako sa ganito dahil inaasikaso ko rin po sina Nanay at Tatay." Magiliw na tugon ko.
Nakita ko pang tumingin si Sir Allen kay Sir Coby sabay taas ng kabilang sulok ng labi nito. Hindi ko alam ang ibig sabihin nun kaya hindi ko na pinansin.
"Sige na po, Sir Allen. Kain ka na po. Para bago po tayo makarating sa hacienda ay may laman na po ang tiyan mo."
"Thanks, Angela. I wish that you would be the one to take care of me every day." Seryosong sabi sa akin ni Sir Allen habang titig na titig sa mukha ko.
"Naku, Sir Allen. Hindi naman po yata pwede yun."
"Why not?"
"Minsan lang po kasi ako payagan nina nanay at tatay na gumala."
"Ganun ba. Hayaan mo at palagi kitang ipagpapaalam sa kanila. Para naman makagala ka palagi dito sa mansion."
"Talaga po? Naku! Thank you po, Sir Allen!"
Sa tuwa ko ay hindi ko napigilan na mapayakap kay Sir Allen. Batid kong natigilan siya pero naisip kong baka nabigla lang siya sa ginawa ko.
"Angela. It's not appropriate for you to hug him that way."
Nahiya naman ako sa sinabi ni Sir Coby kaya humiwalay na agad ako ng pagkakayakap ko kay Sir Allen.
"S-sorry po, Sir Coby. Ganito po kasi ang ginagawa ko kay nanay o kaya ay kay Tatay kapag pinapayagan nila akong gumala."
"You're so innocent, Angela. I hope the boys won't take advantage of you." sabi ni Sir Coby sabay tingin ng masama kay Sir Allen.
"Take advantage po? Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko habang nakatingin ng diretso kay Sir Coby ngunit biglang nagsalita si Sir Allen.
"Forget it, Angela. Don't mind kung ano man ang sinasabi ni Sir Coby mo."
Nailang naman ako kaya nanahimik na lang din ako. Tinapos ko na ang pagkain ko at uminom na ako ng tubig saka tumayo na.
"Let's go, Angela." Aya sa akin ni Sir Allen. Hinawakan niya ako sa kamay at isinama na ako palabas ng pintuan.
"Wait! Sasama ako."
Natigilan kaming dalawa ni Sir Allen ng marinig namin ang sinabi ni Sir Coby.
"T-talaga po? Sasama ka, Sir Coby? Masaya po yun--"
"No. Hindi ka sasama sa amin, Coby. Mind your own business, okay?"
Bigla akong nalungkot sa sinabi ni Sir Allen kay Sir Coby. Napatitig naman sa akin si Sir Coby kaya nginitian ko siya ng bahagya at pagkatapos ay tumingala ako kay Sir Allen.
"Bakit po hindi pwedeng sumama si Sir Coby sa atin?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi siya pwedeng sumama dahil ayaw ko. Isa pa, marami pa siyang kailangang gawin sa bukid. Yun ang pinili niyang propesyon kaya yun ang atupagin niya." Seryosong sabi ni Sir Allen habang nakatitig kay Sir Coby. Nagsukatan pa sila ng tingin bago kami tuluyang umalis.
Sa isip-isip ko ay, bakit ang sungit naman yata ni Sir Allen kay Sir Coby? Ganun ba talaga kapag magkapatid?
Hindi ko kasi alam ang pakiramdam dahil solong anak lang ako nina nanay at tatay.
Pagkalipas ng halos isang oras ay nakarating na rin kami ni Sir Allen sa sinabing hacienda ng mga Dela Fuente. Medyo mahaba-haba rin ang byahe namin kaya naman nagpahinga muna kami sa isang bahay na puro kahoy ang dingding at yero ang bubong.
Napakasimple lang ng bahay ngunit puno ng gamit. May kusina at lutuan din. Parang katulad lang ng bahay namin sa sobrang simple ngunit malinis.
"Sa inyo rin po itong bahay?"
"Oo, bahay pahingahan lang ito ng mga nag-aasikaso ng mga hayop. Maya-maya lang ay darating na sina Mang Gaston at Aling Karidad. May mga dala silang pagkain at maiinom para sa atin. Sa ngayon ay magpahinga muna tayo dahil mainit pa. Mga pahapon na tayo mangabayo."
"Okay po, Sir Allen."
Napakalawak ng kanilang lupain. Napakaraming hayop ang naririto at marami rin ang mga pananim. Tunay ngang napakayaman nila Sir Allen dahil ang mga pag-aari nila ay hindi ko na kayang abutin ng tingin.
Ang paligid ng bahay ay may punong mangga. May duyan na nakakabit kaya naisip kong lumabas at magduyan muna.
"Sir Allen, dun po muna ako sa duyan. Malakas po ang hangin doon kaya sigurado pong maaliwalas sa labas."
"Samahan na kita." Aniya.
Pagkalabas ko nga ay sumunod na rin siya sa akin. Sumakay ako sa duyan habang siya ay nakatayo habang nakatanaw sa kanilang lupain.
"Sir Allen? Si Sir Coby po ba ang lahat ng nagmamanage ng inyong lupain?" Bigla ay naitanong ko.
"Oo. Silang dalawa ni Daddy ngunit marami naman silang trabahador na nakakatulong. Bakit mo naitanong?"
"Wala naman po. Curious ako dahil sa lawak ng lupain ninyo ay talagang kahanga-hanga na si Sir Coby kung makaya niya itong i-manage lahat. E kayo po? Hindi po ba kayo interesado sa lupaing ito? I mean. Ayaw nyo po bang tumulong kay Sir Coby?"
This time ay humarap na sa akin si Sir Allen. Tumabi siya sa akin sa duyan kaya medyo umisod ako ng konti para magkaroon siya ng space.
"Iba ang gusto ko. Iba rin ang hilig kong gawin. Mula bata pa lang ay opposite na kami ni Coby. Siya, mahilig talaga siyang magtanim habang ako ay puspusan sa pag-aaral. Ipinatayo talaga ni Mommy ang Dela Fuente University para sa akin. Para ako ang mag-asikaso niyon."
"Ganun po ba? Kaya po ba sa ibang bansa ka nag-aral at si Sir Coby ay dito sa Pilipinas?"
"Oo. Isa rin yan sa dahilan. Pero gusto rin nina Mom and Dad na sa ibang bansa mag-aral si Coby pero tumanggi siya. Katwiran niya ay hindi niya kayang iwan ang bukid at ang mga nagtatrabaho dito."
Lihim naman akong napangiti. Talagang mapagmahal pala si Sir Coby at sa tingin ko ay mahal niya ang mga trabahador dito lalo na si Tatay.
"Para saan naman ang ngiti na yan?"
"H-ha? W-wala po. Natutuwa lang po ako dahil mahal po ni Sir Coby ang mga trabahador ng bukid ag hacienda."
"But I love them too."
"P-po? Alam ko naman po yun dahil pareho po kayong mabait ni Sir Coby."
Nakita kong naggalawan ang panga niya habang nakatitig sa akin.
"I think you're praising Coby too much, Angela?"
Umiling ako.
"Hindi naman po sa ganun. Pareho naman po kayo. Pero mas nakasama ko lang po ng matagal si Sir Coby at mas nakilala. Lagi din po kasi niyang pinupuntahan si Tatay sa bukid kaya araw-araw ko po siyang nakikita. Kagaya nyo po, minsan ay sumasabay din po siyang kumain sa amin nina nanay." Natutuwang kwento ko.
Pero kung ako namang saya ng kwento ay siya namang lungkot ng mukha ni Sir Allen.
"Bakit parang malungkot ka po?" Nagtatakang tanong ko.
Umiling naman siya.
"Wala naman. Ang dami ko na pala talagang na-miss na pangyayari sa pinas. Bago kasi ako umalis ng bansa ay ako ang laging dumadalaw sa inyo. Ako rin ang palaging sumasabay sa inyong kumain."
Napakunot ang noo ko.
Bakit parang malungkot talaga ang tono ng pananalita niya?
Ngumiti ako at humarap ako kay Sir Allen.
"Okay lang po yun, Sir Allen. Ang mahalaga po ay narito ka na ulit po sa Pilipinas at kasama mo na po ulit ang Family mo."
"Hindi okay yun para sa akin, Angela. Para kasing may ibang laman na agad ang puso mo. Sigurado ka bang si Coby ang crush mo at hindi ako?"