Angelas's POV "A-ano po ang ibig mong sabihin, Sir Allen?" Naguguluhang tanong ko. Pwede bang basta nalang ilipat ang crush sa ibang tao? Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya. Napatitig ako sa mukha niya. Napakaputi ng ngipin niya at pantay-pantay pa na para bang alagang-alaga sa linis ng Dentista. "Nagbibiro lang ako, Angela. Kalimutan mo na ang sinabi ko." Bigla ay sabi niya. Umalis siya sa tabi ko. Tumayo siya at bumalik sa loob ng bahay. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Nagalit kaya siya sa akin? Siguro naman ay hindi. Baka gusto niya lang na magpahinga muna para sa pangangabayo niya mamaya? Bakit ba ang hirap basahin ng isip ni Sir Allen? Pati kilos niya ay kakaiba rin. Ilang sandali pa ay may dumating na tricycle. Paghinto noon ay bumaba ang isang babae

