Chapter 3

1211 Words
Nakatayo si Stephany sa harap ng McCain Company. Ito ang unang araw niya bilang secretary ng CEO. Nang tinawagan niya si Carl no'ng isang araw at sinabing tinatanggap na niya ang alok nitong trabaho pina-submit lang siya ng resume tapos ayon tinanggap na siya agad. Ni walang initial interview gaya ng sabi nito nang nag-usap sila sa coffee shop. Ang sabi nito ayos na raw 'yong napag-usapan nila no'ng isang araw. Pumasok Stephany sa kompanya at dumiretso sa reception area. "Good morning, Miss! I'm Stephany Guevarra,  and I'm looking for Miss Angie Guzman." ani ni Stephany sa babae na nasa reception area. "Miss Stephany Guevarra?" ani ng babae na nasa tabi niya. Tumango siya. "I'm Angie Guzman but you can call me Angie. Anyway, Carl call me a while ago and he told me about you being the new secretary of the CEO. Come, follow me." Habang nakasunod si Stephany kay Angie sinasabi nito ang mga basic na gawain ng isang secretary gaya ng pag-aayos ng schedule, pagse-set ng appointment at kung ano pa. Sinabi rin nito kung anong ugali meron ang boss nito na alam na rin ni Stephany dahil sinabi na ito ni Carl sa kanya. Sinabi rin nito na pang-labing tatlong sekretarya na siya at mag-ingat dahil friday the thirteenth ngayon. Lapitin ng disgrasya. "Kung may katanungan ka pa tawagan mo lang ako. Nand'yan sa unang page ng planner na 'yan ang number ng opisina ko. O, siya, goodluck sa 'yo." ani nito matapos maituro ang mga dapat gawin. Matapos maayos ang mga gamit kinuha niya ang planner kung saan nakasulat ang mga schedule ng boss. "Napaka-busy naman ng taong ito. Thirty minutes lang ang lunch break. Walang 'ya! Mangangayat yata ako nito." ani ni Stephany habang nilalaro sa kamay niya ang ballpen. Dali-daling napatayo si Stephany nang makarinig ng mga yapak. Nakita niya ang limang lalaki na papalapit sa kinaroroonan niya pero sa lima may nag-stand out sa kanya.  Ang lalaking nasa unahan na may makapal na magkasalubong na kilay,nanlilisik na mga mata, matangos ang ilong na animo'y matutusok ka sa sobrang tulis nito, mapupulang labi na akala mo'y naka-lipstick, may pantay at puting na ngipin na parang sa commercial ng toothpaste at may maputi at makinis na kutis na alagang Vicky Belo. Parang naging slow-mo ang paligid at tanging ito lang ang nakikita niya. "Are you my new secretary?" ani ng nasa unahang lalaki na si Travis McCain. Hindi nakasagot si Stephany, nakatulala lang  ito sa ka-uri ni Adan. Nabalik sa huwesyo si Stephany nang biglang may humpas sa mesa niya. "I'm asking you, are you my new secretary?" Matigas na ani ni Travis. 'New secretary raw. Wait! Siya ang CEO ng kompanyang 'to? Si Travis McCain. Ang magiging boss ko? Akala ko matanda na ito. So, siya ang tinutukoy nina Carl, Miss Angie at ng mga empleyadong nadaanan namin kanina na handsome devil. Literal na handsome siya, e, ang devil kaya, literal din ba? 'Wag naman sana. Crush ko pa naman siya.' Sa isip ni Stephany. "Are you not going to answer me? You're-" Naputol ang sasabihin nito nang magsalita si Stephany. "Oops! Boss,  'wag kayong ganyan. Unang araw ko po ngayon tapos ipa-fired niyo agad ako dahil  sa hindi ko pagsagot sa tanong niyo na obvious naman. Aba! Boss, hindi po makatarungan 'yan." Nakapamewang na ani ni Stephany kay Travis. Nakatitig lang si Travis sa bagong sekretarya nito. Hindi niya akalain na may sasagot-sagot kanya ng ganito. "In my office now!" Matigas na sabi ni Travis. Masakit ang ulo ni Travis dahil sa hangover. Nagkakaayaan sila ng mga kaibigan na mag-inuman kaya ayon kahit may hangover ay pumasok pa rin. Dumagdag pa ang bagong sekretarya niya na sinagot-sagot siya. Gusto talaga niyang tanggalin ito pero napag-isip-isip niya na nakakapagod na rin magpalit-palit ng sekretarya at saka wala pa naman itong ginagawa kaya papalampasin na muna niya ito. "Get me a coffee." Anya habang hinihilot ang sentido niya nang makapasok si Stephany sa opisina nito. Umalis naman agad ito at nagtungo sa pantry. "Ano 'yan?" Nilapag ni Stephany ang isang pakite ng kape sa mesa ni Travis. "Kape po, boss. Diba sinabi ikuha ko kayo ng coffee." ani ni Stephany. "Anong gagawin ko r'yan?" Nagtatakang tanong ni Travis kay Stephany. "Aba! Malay ko sa inyo boss. Sabi mo  'get me a coffee' kaya ayan nasa harap muna." Pangangatwiran ni Stephany. Napatampal siya ng kanyang noo. 'Saan ba nakuha ni Carl ang babaeng 'to? Napakatanga.' Sa isip ni Travis. "Hoy boss! Hindi ako tanga. Kasalanan ko bang mali-mali ang utos niyo. Dapat po kasi ganito 'Miss dyosa, ipagtimpla mo naman ako ng kape' ayan dapat." Siya pa talaga ang sinisisi at ano raw dyosa? Nagpapatawa ba siya? "Fine. I can handle things own my own. You may leave now." ani ni Travis. "Tsk. May pa I can handle things own my own pa siyang nalalaman. Siya na lang sana ang nagtimpla ng kape niya." Bubulong-bulong na ani ni Stephany. "What did you say?" Naniningkit ang matang ani ni Travis. "Wala po boss. Sige po balik na po ako sa table ko." ani ni Stephany saka dali-daling lumabas ng opisina. ----- "Ano girl, tanggal ka na? Bakit hindi ka man lang umiyak?" Bungad sa kanya ni Andrea, assistant ng CFO. Magkasabay kaming bumaba para kumain ng lunch sa canteen. "Wala naman siyang sinabi na 'you're fired' nagalit lang." Natatawa ani ni Stephany. "Hindi ka ba natatakot na sagot-sagutin siya kanina? Kung ako nasa katayuan mo kanina malamang nangangatog na ako sa takot. Once ko pa lang nasaksihan ang pagbuga niya ng apoy, napapa-sign of the cross talaga ako." ani ni Andrea. "Grabe ka naman. Wala naman atang dragong kasing gwapo ni boss. Hahaha. Basta nasa tama ka 'wag kang matakot mangatwiran." ani ni Stephany. "Andeng, dito." ani ng isang lalaking empleyado habang kumakaway pa nang marating nila ang canteen. "Tara Stephany, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."  Hinila siya Andrea sa isang mesa kung saan naroon ang mga kaibigan nito. Isa-isang pinakakilala ni Andrea ang mga kaibigan kay Stephany. Masaya itong kasama at kawentuhan parang matagal na silang magkakilala kahit ang totoo n'yan ay ngayon lang sila nagkita. "Talaga Stephy, nagawa mo 'yon. Sana nama'y nasaksihan ko." ani ni Mars, ang bakla sa grupo. "Akala ko nga matatagal na si Stephany pero 'wag ka nagawa pa niyang pagtripan si boss." ani ni Andrea kaya kinwento niya sa mga kaibigan. Hindi naman sila matigil-tigil sa kakatawa lalo na si Mikaela, ang taklesa sa grupo. "Pustahan tayo sa susunod matatanggal na 'yan si Stephany. Walang pinapalampas si boss. Isang libo sa akin." ani ni Wayne, ang makulit sa grupo. "Isang libo rin." ani ni Cedie, ang babaero sa grupo. "Isang libo rin." ani ni Shaina, ang kikay ng grupo. "Isang libo rin akin." ani ni Mikaela. "Don't tell me pupusta ka rin, Babe." ani ni Andrea. Umiling si Bruno. "Aabay ako kay, Cedie." ani ni Bruno na ikinasimangot ni Andrea. "Grabe naman kayo sa akin. Gusto niyo talaga akong matanggal." Malungkot na ani ni Stephany. "Hahaha. Joke lang. Ikaw naman binibiro ka lang. Alam naman namin na magtatagal sa trabahong 'yan kung matanggal ka man nandito naman kami handang sabayan ka sa pag-iyak." Nakatanggap naman ng batok si Wayne galing kay Mars. "Loko ka. Nando'n na, e, lumihis ka pa." ani ni Mars. "Pinapatawa ko lang kayo ang seryoso niyo kasi." ani ni Wayne. Napatingin si Stephany sa cellphone niya nang biglang magring ito. Unknown number pero sinagot pa rin niya. "Cancel all my appointments today." Magsasalita pa sana siya nang bigla namang namatay ang tawag. 'Sino kaya 'yon?' Sa isip ni Stephany.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD