Chapter 4

993 Words
Tatlong buwan ng nagtatrabaho si Stephany bilang secretary ni Travis. No'ng unang buwang kina-congratulate siya ng mga kaibigan at ng ibang empleyado. Himala raw kasi na umabot siya ng isang buwan sa kamay ng dragon. "Aba girl! Pangatlong buwan mo na 'to bilang sexytary ng dragon. Congratulations!" ani ni Andrea nang bisitahin siya nito sa table niya. "Lakas ng loob lang ang kailangang itapat sa boss nating palaging may dalaw." Natatawa ani ni Stephany. Mayamaya'y biglang tumunog ang intercome. "Miss Guevarra, cancel all my appointments today and the next day." ani ng boss niyang dragon. "Sige girl, balik na ako sa table ko baka hanapin ako ng boss ko." ani ni Andrea. Naiwan namang nakukunsiyami si Stephany dahil tatawagan naman niya ang mga ka-meeting ng boss na hindi na naman matutuloy. "Ako na ang naawa sa mga ka-meeting ni boss. Hindi naman kasi madali makakuha ng appoitment sa kanya. Bakit kaya laging nagpapa-cancel ng meeting 'tong si boss? Bahala na nga siya matambakan ng trabaho 'wag na 'wag lang niya talaga akong madamay-damay kundi bubuhusan ko talaga ng malaming na tubig ang dragon na 'yon bago pa makabuga." ani ni Stephany. ----- Napapasabunot ng buhok si Travis sa sobrang frustration. Ni wala siyang magawang trabaho  kaya pina-cancel na naman niya ang mga appointments niya. 'Yong utak niya naiwan sa meeting nila ng isa sa mga councel ng organization nila three months ago. "Travis they will give you three months to get married. Kung hindi mapipilitan kaming isuko ang organization." "Hindi ako makakapayag na basta na lang isuko ang pinaghirapan ng aming ama at tiyuhin. Magkamatayan muna kami." ani ni Travis. Alam niya ang Iromary, ang kalaban nilang organization ang makikinabang dahil sila nasa ikalawang posisyon sa underground business. "Kaya maghanap ka na. Ayaw ko rin naman mapunta kanila ang pinaghirapan nina Darwin at Leo." ani nito. At isang buwan na lang ang natitira matatapos na ang tatlong buwan niyang palugit. Napukaw ang kanyang atensyon nang magring ang personal number niya. Nang tingnan niya ang caller agad nag-init ang ulo niya. "What do you want?" ani ni Stephany sa kabilang linya. "Wala naman mangungumusta lang." ani ng lalaki sa kabilang linya. "I'm busy. Good bye!" ani ni Stephany sabay patay ng tawag. 'Tsk. Mori.' Sa isip ni Travis. ------ Nang dahil sa pagpa-cancel ni Travis ng mga appointments niya sa nagdaang mga araw heto tinambakan siya ng trabaho. "Excuse me, boss. Ito magkape ka muna." ani ni Stephany. Napatingin siya kay Stephany na papalabas ng opisina niya. Himala at nagtagal ito bilang sekretarya niya. Hindi natitinag sa kasamaan ng ugali niya at nakuha pa nitong sagot-sagutin siya. Hindi naman niya ito matanggal-tanggal dahil magaling ito sa trabaho. Kukuhanin na sana niya ang tasa ng kape nang may nakita siyang sticky note na may sulat kamay ng sekretarya niya 'Have a great day. Have a kitkat.' Napatingin si Travis sa gawi nito. Hindi niya inaasahan na nakatingin din ito sa kanya at winawagayway pa ang kitkat. Hindi niya alam kung bakit napangiti siya bigla sa inasal ng sekretarya para itong walang problema sa buhay na alam naman niyang lahat ng tao sa mundo ay may kanya-kanyang problema. "Pag-ibig na kaya, pareho ang nadarama ito na ang simula. Di na mapipigilan." Muntik nang maibuga ni Travis ang iniinom na kape nang may narinig siyang kumanta. "What the- bakla ka ba?" ani ni Travis kay Carl. Nakalimutan niyang nandito si Carl sa loob ng opisina niya. "Parang kumanta lang ako boss. Bakla na agad?" ani ni Carl na may nakakalokong ngiti. "Bakit hindi na lang si Stephany ang yayain mong magpakasal, boss? Maganda naman siya. Maganda ang hugis ng katawan, malaki ang hina-" "Sige tuloy mo 'yang sinasabi mo pasasabugin ko 'yang bungo mo." ani ni Travis sabay tutok ng baril dito. "'Wag boss alalahanin mo nasa opisina tayo at kita tayo ni Stephany mula rito. Teka, boss bakit bukas lagi 'yang pinto ng opisina mo? Sira ba 'yan? Bakit hindi mo pinaayos sa maintenance?" ani nito nang pansin na nakabukas ang pinto ng opisina ng boss simula nang dumating siya. "Siya ang may gusto n'yan. Tinatamad daw siyang magbukas, sarado kapag tinatawag ko siya kaya hinayaan ko na lang at saka para makita ko sinong bumibisita sa kanya." ani ni Travis. Napangisi naman si Carl. "Boss, bakit di na lang si Stephany ang yayain mong magpakasal? Mukhang tinamaan ka nga naman." Sinamaan ni Travis ng tingin si Carl. "Ayaw mo sa kanya. Sabagay ayos na rin 'yon para hindi ako mahirapang pumorma kay Stephany." ani ni Carl habang pinagmamasdan mula sa gilid  ng kanyang mata kung ano ang magiging reaksyon ng boss niya at hindi nga siya nagkakamali. Nagalit ito. "Gag*! Akin lang siya!" ani ni Travis habang kinukwelyuhan niya si Carl. "Chilax lang boss baka makita tayo ni Stephany. Bahala ka mababawasan ang pogi points mo." Agad namang  napalingon si Travis sa gawi ni Stephany at nagpapasalamat siya wala ito roon. 'Nasaan na 'yon, hindi man lang nagpaalam. Tsk. Sandali.' Sa isip ni Travis. Kinuha ni Travis ang cellphone sa ibabaw ng mesa niya at tiningnan ito. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makitang nagtext din naman pala si Stephany na maglu-lunch na ito sa canteen. "Inferness boss, a, may pa 'akin lang siya'. Mukhang iba na 'yan, a. Pero seryoso boss si Stephany na lang bigyan mo na lang ng extra sahod. Kailangan niya ng pera para sa kapatid niyang naka-confine sa ospital." ani ni Carl. "At isa pa boss mukhang malabong magkagusto sa 'yo 'yon." Biglang sumama ang timpla ni Travis sa sinabi nito. Bigla namang nagring ang cellphone ni Travis kaya sinagot niya ito na hindi nag-abalang tingnan kung sino ang tumatawag na agad naman niyang pinagsisihan. "Isang buwan na lang goodbye Hayes-McCain Organization." ani ng lalaki sa kabilang linya. "Ang kapal talaga ng nguso ng lalaking 'yon di makapaghintay. Ano na ang plano mo ngayon boss?" ani ni Carl. 'Isang buwan na lang meron ako. Paano ko siya yayayaing magpakasal sa akin? Paano kong may asawa o di kaya'y boyfriend na siya?' Sa isip ni Travis. "A, boss 'wag po kayong mag-alala wala pa pong asawa o boyfriend si Stephany." Nakahinga ng maluwag si Travis. Ang problema na lang niya kung papayag ba itong magpakasal sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD