Nakalumbaba si Stephany sa kanyang mesa. Tapos na ang trabaho niya at hanggang ngayon uwian hindi pa rin bumabalik ang asawa niya mula kaninang lunch break kasama si Mishelley. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya knowing Mishelley Mauro isang babaeng magaling mang-akit at hindi lang 'yon fiancee kuno ang asawa niya nito. 'Mahal ako ni Travis at hindi niya ako lolokohin.' Anya sa sarili. Hindi pa rin niya maiwasang magselos at masaktan. Kagaya na lang kanina nang makitang hinalikan ni Mishelley ang asawa. 'Wala lang 'yon. Kasama sa plano 'yon.' Anya sa sarili. Pero lintik talaga si Mishelley, nagsend pa ito ng picture nilang dalawa ni Travis kapwa hubad at magkatabing natutulog sa kama. "Ano Stephy girl sama ka na sa amin?" ani ni Andrea na handa ng umalis. Aayaw na sana si St

