"Ang ganda rito para akong nasa isang paradise. Travis, punta lang ako do'n, a. Sandali lang ako promise." Masayang ani ni Stephany. Sa sobrang saya hindi na nito nahintay ang sasabihin ni Travis at tumakbo papunta sa dalampasigan. Napangiti na lang si Travis. Kasalukuyan silang nagbabakasyon sa isang resort sa Cebu. Sabi ni Suzanne kailangan daw nilang dalawa na bakasyon at magkaroon ng oras sa isa't isa. Simula ng ikasal ang dalawa madalang lang silang magkasama lalo na no'ng umalis si Travis para sa isang misyon. "Travis, may tanong ako. Sana 'wag kang magagalit." ani ni Suzanne habang nakahilig ang ulo sa balikat ni Travis. Nakaupo silang dalawa sa nilatag na kumot sa buhanginan habang hinihintay ang paglubog ng araw. "Ano 'yon, my love?" ani ni Travis habang inilagay niya sa liko

