Topak

1861 Words
UWIAN na namin, narito na rin sa bahay at narito ako sa higaan ko. Mayroon akong hindi inaasahang matatanggap. Pagkabukas ko ng aking cellphone ay may nag-notif. May nagmessage sa akin at lalake ito. Lalakeng nagiging dahilan ng pagkainit ng ulo ko. Jake Navarro ang pangalan. Hindi siya nagchat sa RPA na tinatawag nila kun'di, nagchat siya sa account na ginagamit ko sa pagshe-sharedpost at ginagamit ko rin sa pag-aaral. Hindi ko naman ibinahagi sa kaniya ang real account ko kasi ayun ang sabi. No to real identity, isa sa rule rule RPW 'yun, di ba? Kapag ba nagpunta sa RPW ay malalaman nila ang account mo? Kung hindi, paano niya nalaman? Jake Navarro: Bakit mo ako binlock? Mensahe niya sa akin. Ano ba kasing kailangan nito? Bakit ba kailangan mong sabihin sa mga ka Sister-Brother Hood mo para lang i-unblock kita? Sino ka ba? Mayroon pang nagsabing layuan kita. Nilalayuan na nga kita ikaw pa lapit nang lapit. Ayaw kong maging rason ako ng pagkakahiwalay ng dalawang magkarelasyon, okay? Bahala ka sa buhay mo. Hayst. Satana Jones Reyes Ocampo: Ano ba kasing kailangan mo?! Inis kong send sa kaniya ng aking mensahe. Ano ba kasing gusto mo, Huh?! Jake Navarro: Bakit mo nga kasi ako binlock? Satana Jones Reyes Ocampo: Ano ba kasing pake mo? Sino ka ba? Huh? Paano mo nalaman kung ano yu'ng account na 'to? Ano ba kasing kailangan nito? Huh?! Tigilan mo na ako, please lang! Ako na ang nagmamakaawa! Pero alam niyo? Nagtataka ako. Ba't nga ba ako galit dito sa taong 'to? Jake Navarro: Sinabi sa akin ni Quinny Bakit mo nga ako binlock. Q-quinny?! S-sh!t! Bakit ba gustong gusto niya ako magkaroon ng boyfriend?! Huh?! Nakakainis!!!!! *Unblock* *Report Problem* Binlock ko ulit siya at sa pagkakataong iyon ay nag-chat ako kay Quinny. Sa sobrang inis ko na nga ay namura ko siya. Ayoko sana umabot sa ganito, pero sobra na ang desperasyon nito na magkaroon ako ng ayaw ko naman. Mainitin at mabilis akong mapikon kaya kung ako sa inyo, kung gusto ninyong mamura, lapit kayo sa akin. Inisin ninyo ako tapos, mag-expect na kayo ng malutong na mura. Satana Jones Ocampo: Quinny! Ano na naman ba't sinabi mo doon sa lalakeng iyon ang account na ito?! D iin-diin kong pagtype. Inis na inis na talaga ako. Kailan ba sila titigil?! Sorry ha! Kasi maikli ang pasensya ko, e! Lalo na sa mga bagay na ayaw ko! Pagsinabi kasing ayaw! Ayaw! Ang laki niyo na't hindi niyo pa rin maintindihan iyan?! Huh?! Kainis! Thankful ako kasi na-seen na niya at ang nakakainis pa doon , ang sabi sa phone ko is typing tapos, pabalik-balik — I mean, pawala-wala. Type tapos, binubura. Mga ilang minuto rin ang nakalipas at nakapag reply na rin siya sa sinend kong message. Quinny Rifol: Huh? Anong sinasabi mo? Huh? Talaga? Wala kang alam tungkol diyan? Satana Jones Ocampo: Anong huh? HUHmbalusin kaya kita, 'ta mo. Ikaw lang naman ang nakakakilala doon sa lalakeng Jake na 'yon , 'di ba?! Imposible namang may ibang nagsabi no'n! Kating kati na talaga ang mga kamay ko! Gusto kong manapak! Kaya nga binlock ko kasi ayoko nang makita yu'ng pangalan ng lalaking 'yon e. Quinny Rifol: Jake? Navarro? 'Yan! Nakuha mo rin kung sino! Satana Jones Ocampo: Oo! Quinny Rifol: Ahhh sorry na… Ahhh ikaw nga talaga. Kahit kailan talaga oh!. Satana Jones Ocampo: Ano ba kasi't bakit mo ba ipinagpipilitan ang ayaw ko, Huh?! Inis kong reply. Dahil sa inis ko ay parang masisira na ang cellphone ko. Nakakainis naman kasi talaga. Hindi lahat ng makakapagpasaya sa kaniya ay makakapagpasaya rin sa iba, lalong-lalo na ako. Halos lahat ng ayaw ko ay gusto niya. Hindi ko alam paano kami naging magkaibigan. Nakita ko na naman na nagtatangka siyang mag-reply sa mensaheng iminessage ko, pero inuunahan ko na siya. Satana Jones Ocampo: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ang mga gusto mo ay matutupad! Parang awa mo na! Tigilan mo ako! Tigilan mo ako sa jowa-jowa na 'yan! Quinny Rifol: Sorry na, please. Gusto ko lang naman na sumaya ka. Ito na lamang ang nai-reply niya sa akin. Sa tingin mo ba , masaya ko ngayon? Satana Jones Ocampo: Ahh mukha ba akong masaya ngayon? Ipinagpipilitan mong magiging masaya ako pero ang totoo ay naiinis lang ako! Napipikon na ako! Bakit ba?! Wag mong sasabihin sa akin lahat ng gusto mo dahil hindi sa lahat ng oras, makakuha mo 'yung kasiyahan mo na makakapagbaliktad ng nararamdaman ng iba! Alamin mo rin sana ang nararamdaman ko pagkatapos mong ipakilala 'yang lalakeng 'yan! Mukha ba akong natuwa? Kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko na kaya at gusto ko nang manapak ng kung sino man ang narito sa bahay na ito. 'Wag lang si papa kasi baka mapat4y niya ako. Quinny Rifol: Sorry na, please. 'Wag ka nang magalit. Satana Jones Ocampo: Hindi na ako magagalit kapag natigilan na ako ng lalakeng 'yan, kapag tinigilan mo na ako sa jowa-jowa na 'yan. Dahil nga sa naalala ko na naman ang lalakeng naging dahilan ng galit na nararamdaman ko ngayon ay mas nainis pa at uminit pa ang ulo ko. Quinny Rifol: Promise. Satana Jones Ocampo: Siguraduhin mo lang. Pagkatapos no'n ay binlock ko na rin siya. Dinelete ang conversation namin at patapong ibinaba ang cellphone. Sinuntok ko rin ang pader namin hanggang sa mamula ang kamao ko, pero charot lang 'yun. Ito lang ang paraan para mapakalma ako. Sabi ni papa , suntukin mo na ang pader kapag galit ka, 'wag ka lang manakit ng tao at 'wag sumobra lalo na't baka mak4pat4y ka. Pero charot lang 'yun. Masyadong dramatic kung gagawin ko 'yun. Pero dahil sa stress n naramdaman ko ngayon, ginawa ko. Lumabas na ako ng kwarto na may gloves. Yu'ng gloves na kadalasan na ginagamit tuwing may sabayang pagbigkas. At huminga nang malalim pagkalabas ko ng kwarto. Hayst. Inhale... exhale... inhale... exhale... in- "Oh Satana, bakit ganiyan ang mukha mo?" Bungad ng aking kuya Simuel. Kasi ganito — ano bang pwedeng isagot lalo na't wala ka sa mood? "Wala 'to." Sagot ko pabalik kay kuya Simuel. "Hays, ang pangit naman ng hangin dito, nagpapapangit ng mukha." Ano?! H-hoi! Pangit ka rin naman kahit walang pangit na hangin dito. Mas pangit ka pa sa pangit na hangin o baka ikaw talaga 'yung hangin kaya ka pangit. "Tss." Nakita ni kuya ang kamay ko. May kaunting dugo na lumabas dito. Hinablot niya ang kamay ko at... "Uy, Satana, ano bang nangyayari sa 'yo? Baka kapag nakita ka ni Papa ay magalit 'yon at mapat4y kung sino man ang gumawa niyan sa iyo." "Hayst. 'Yung kaib- na-stress lang sa ganap kaya sinuntok ko 'yung pader." "A-anong namang meron ba't ka na-stress?" Tanong ni Kuya Samuel sa akin. "Hayst, 'wag mo nang alamin," sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. "Satana, kung ayaw mong sabihin sa akin, ayusin mo ang aura mo. Baka pati kami at pagalitan, e." "Hayst, oo na." "Oh, kamusta ang anak ko?" Agad naman akong napangiti nang makita ang ama kong nakangiti. Pagod ang itsura pero gwapo pa rin. Dzuhhh nagmana ako diyan 'no. Parehas kaming gwapo. "Hay nako po! Dalaga na! O baka binata ka rin at hindi mo lang sinasabi sa akin?" Dagdag pa niya. Papa, tomboy lang ako at lalaki rin ang gusto. Para lang akong lalake kung kumilos at mga panlalaking bagay ang gusto ko, but that doesn't mean na binata ako. Hay nako naman. Lalake rin ang gusto ng dalaga ninyo. "Papa, dalaga po ako." "Haha, pero kahit na binata ka, okay lang. Gusto ko ay kung saan ka masaya ay doon ka basta, huwag kang tatapak ng ibang tao ah. Basta bibigyan mo ako ng apo." "Papa! Desisyete pa lang ako!" Hay nako. Pati ba naman ikaw papa? "Hahaha ito naman biro lang." Hayst "Oh, tara na, kain na tayo." After namin magsikain ay bumalik na ako sa may higaan ko. At hays, napansin ni papa ang kamay ko, pero wala siyang naitanong or sinabi sa akin kun'di 'nak , ayos ka lang?' Iyan lang. At ang sagot ko naman sa kaniya ay opo, ayos lang po ako. 'Yung mukha niya ay may halong pag-aalala kasi may nakita siyang dugo sa may gloves na suot ko habang kumakain kami. Hindi pala sapat ang pag-ga-gloves ko. Katangahan ko rin at nagsuot ako ng puti. Hindi siya makakain nang maayos at nasa kamay ko lang siya nakatingin. After no'n ay kinausap niya ako at tinanong ako nang paulit-ulit ng "Nak, sigurado ka bang ayos ka lang?" At paulit-ulit ko lang ring sinasabi sa kaniya na ayos lang ako. Thankful ako kasi nagkaroon ako ng ganitong ama. Hahayaan akong maging malaya at kapag may napansing hindi maganda ay mag-aalala siya nang lubusan. Sorry papa, ayos naman kasi na talaga ako lalo na't sinuntok ko ang pader, napakalma niya ako. Sorry din sa pader kasi nasaktan kita. ••• Nag-open ako ng cellphone at may bungad. Notif na naman. Group chat naman siya at ang groupchat na iyon ay group chat ng tropa. Bungad dito ang message ni Jane. Jane: Hey Girls. Sumunod naman ang reply nila Clarisa at Quinny na hello at hi Jane. Jane: Ay si Satana, seener Oo, sineen ko lang ang message na iyon. Pero dahil nga sa baka magtampo ay nagreply na ako. Satana: Hmm hello. Jane: Ay? Hindi ka naman ganiyan magreply, ah Huh? E anong gusto mong ireply ko? Hi! Wattzuupp mga pare ko! Welcome to my life! Jane: Mukhang may problema yata to bhie Quinny: Mukha nga. Mukha nga, hindi na lang sinabi na "Oo, may problema 'yan. At ang problema niya ay ako." Satana: Wala akong problema. Kung meron man ay napakalma na ako ng pamilya ko. Jane: Ay share naman ng problema diyan oh Share? Kung isheshare ko ito, make sure na mamomroblema ka rin, ah? Satana: Wala nga akong problema, Jane. Jane: Luh ka bhie, nagsesecret na siya. Satana: Marami naman akong secret, ah kaya matagal na akong nagsesecret. Sobrang dami. Like, ito tapos, iyan then, gano'n then, ayun! Clarisa: Ay? Wala ka bang tiwala sa amin?" Satana: Oo. Jane: Ay pO+4ng !N4 mo? Ang bilis magreply ah! Wala ka talagang tiwala? Satana: Sa tingin niyo ba, magkakaroon pa ako ng tiwala pagkatapos niyong ipagkalat kung sino ang crush ko? Baka nga pati ang pagkain ko nang marami na obvious naman ay ipagkalat niyo pa? Jane: Ay sorry na bhie. Ang sweet niyo kasi. Tsaka para may support ka sa mga kaklase namin. Oh 'di ba, ship kayo ng buong classroom. Satana: Hayst, Bye, matutulog na ako. Good night. Dahil nga sa wala na ako sa mood ay tulog lang ang makakapagpakalma sa akin ay naggood night na nga ako. Ayoko na pinag-uusapan ako, maliban na lang kung bet ko ang pag-uusapan. 'Yon ang nakakapagpagaan ng pakiramdam at mas nae-excite ako magsagot ng mga tanong tungkol sa akin. Clarisa: Good night, Satana! Jane: Ay ganiyanan na pala ah! Bangungutin ka sana, Satana. Iyan na lamang ang nakita kong message at nag log off na. Tinatamad na talaga ako magtype at gusto ko nang matulog. Bahala na kayo diyan at bangungutin ka rin sana. Bye, love you all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD