Block

2317 Words
"Satana!" Pagpasok at pagpasok ko pa lang ay biglang may sumigaw ng pangalan ko. Hindi happy ang pagkakasigaw niya kun 'di ay naiinis or should I say, galit siya sa akin. "Hmm?" Napa-hmm na lang ako dahil sa wala talaga akong masabi sa kanila. 'Yung tono ng boses ko ay parang kinakabahan lalo na't hindi ko alam ang nangyayari. Bakit para siyang galit? Wala naman akong ginawang masama. Kung meron man, pakisabi sa akin, please? "Bakit hindi mo tinulungan si Quinny kahapon?" Kahapon? Anong meron kahapon? At bakit parang galit na galit ka? Tinulungan? Bakit? May nanakit ba sa kaniya kahapon? Ano namang ginawa ko? Pumasok ako nang tahimik tapos, magugulat na lang ako na biglang may galit sa akin? "Quinny? Kahapon?" Tanong ko sa kaniya. "Oo! Akala ko ba magkakaibigan tayo rito?!" Yes, alam kong magkakaibigan tayo rito. Ang tinatanong ko ay tungkol doon sa hindi ko tinulungan si quinny. Anong connect ng pagkakaibigan natin sa pagtulong kay quinny? "Ano ba kasing pinagsasasabi mo?" "Sa math!" Anong meron sa math? Ahhh about sa pagtanong ni Quinny sa akin kahapon. I'm sorry if kasalanan ko, but huwag niyo palaging isisisi sa akin. "Kasalanan ko?" "Oo! Hindi kami makagawa dahil hindi mo tinuruan si Quinny!" Paano ko naman naging kasalanan? Pasensya na kung may iba akong iniisip. Hindi lang naman kasi kayo ang may buhay at may pinagkakabisihan. "Ahhh e di sorry," kinalmahan ko lang ang pagsasalita. Ayokong lumaki pa ito at napayuko na lang. Hindi kasi ako 'yung tipong makikipagsagutan pa, tapos biglang lalaki 'yung gulo. Ayoko ng gano'n. "Wala nang sorry-sorry! Manahimik ka na lang diyan at wag mo kaming kakausapin," ay... okay po. Hindi ko talaga sila kinausap. Nagtungo ako sa upuan ko at yumuko. Yumuko lang at naidlip. Wala naman akong ibang magagawa kung 'di ang manahimik na lang lalo na't wala pa kaming teacher. Do'n ko lang nalaman na kasalanan ko pa pala 'yon- ang hindi sila makinig at magpay attention sa lesson sa math. Kasalanan ko ba talaga? O hindi? "Hindi mo talaga kami kakausapin?!" Dati ba 'tong sabog? Oh, akala ko ba'y 'wag kayong kausapin? Bakit naman siya nagtatanong ngayon sa akin? Hayst. Yaan ang problema sa mga babae, e, hindi magpapakausap tapos, magtatanong kung hindi kinakausap. Tapos siya pa ang victim? Ay wow ha! Oo nga pala, babae rin pala ako. "Ganiyan ba talaga kapag matalino?" Napatingala ako dahil sa sinabi niya sa akin. Ako? Matalino? First of all, hindi ako matalino. Kayo-kayo lang ang nagsasabi sa akin niyan. Fast learner lang ako, pero hindi ako matalino. May mga bagay pa na hindi ko alam, so better huwag niyong sabihing matalino ako dahil simula't sapol hindi ko sinasabing matalino ako. Uulitin ko, kayo ang nagsasabi niyan. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin. First time ko lang makarinig ng ganito at ang mas malala pa ay sa akin sinabi. First time ko lang masabihan ng ganito. Hindi ako nakapagtimpi. Ayoko na sanang palakihin ang gulo. Sabi nga ni Pinunong Pablo ay always choose to be kind, pero sabi naman ni Dancer Ken Nosus makapulot lang ako ng baril, p4p4tayin kita. Kaya for this time, I'll choose to be kind pero with baril. "Ganiyan ba talaga ang ugali kapag hindi naturuan at puro harot lang?" Hindi na ako nakapagtimpi. Kahit ganoon lang ang sinabi niya ay nasaktan ako. Mabilis lang akong masaktan, kaya papatulan na kita kahit kaibigan kita. Palagi na lang akong nananahimik kaya magsasalita na ako ng nararamdaman ko. "Kasalanan ko bang puro kayo social media at kaharutan?" Magsasalita na sana siya ngunit nagsalita pa ako. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob na naipon sa pagkatao ko. Noon hanggang ngayon ay ganiyan pa rin sila. "Nasaktan ka? E Kasalanan ko bang hindi kayo nakikinig? Nasa akin ba ang tenga ninyo? Nasa akin ba ang utak ninyo? Wala, 'di ba?" "Ahh so, Ganiyan ka na? Aba— " Hindi naman kasi talaga ako ganito, e. Kung hindi mo sana ako sinabihan ng MATALINO kahit hindi naman totoo ay okay pa sana. Kung nakipag-usap ka nang maayos, e di sana, okay pa tayo at tinutulungan ko na kayo ngayon. Kaso may pagkamaldita ka, e. Hindi ka lang naturuan ay parang kasalanan ko na? Next time kasi, makinig ka. Saka, napaka-BIG DEAL NAMAN! Bakit kailangan, sa akin kasi magpaturo? May kilala naman kaayong MAS MATALINO sa akin at May mas alam sa mathematics, bakit hindi kayo magpaturo sa kanila? Napatayo na lang ako sa kinauupuan ko at saka siya hinarap. Sinabihan ko na kayo. Kung naging mabuting tao kayo sa akin, e di ayos pa sana. "Palagi na lang akong nananahimik. Kaya kong lumaban, pero nananatili akong tahimik kasi ayaw kong palakihin ang away, pero ang sabihan ako na GANITO NA BA ANG MATALINO, nakakahiya naman sa inyo na hindi nakikinig. Next time kasi 'wag ninyo palaging isinisisi sa akin. Hindi ko kasalanang babagsak kayo. Kayo ang may kagagawan niyan at HINDI AKO," diniinan ko ang ibang mga salitang pinakawalan ko sa aking bibig na dahilan para magulat ang iba sa sinabi ko. Minsan lang ako pumatol, kaya susulitin ko na 'to. Alam kong hindi ito maganda lalo na't maaapektuhan ang pagkakaibigan namin. "Hep! Hindi ba't gumagamit kayo ng social media at nasa pekeng mundo kayo? Let me ask you. Kasalanan ko bang puro kayo RPW? Wala namang Rules sa RPW na pabayaan ang sariling pag-aaral, right? Kung meron man WOW," wala naman talagang rules doon, di ba? Hindi ko kasalanan at hindi rin kasalanan ng social media, especially ng RPW ang pagiging tamad ng isang tao. Kung kaya mong kontrolin 'yang pagka-adik mo sa social media, malamang sa malamang ay nakagawa na kayo sa math ninyo. "Kasalanan ko rin bang hindi kayo nakikinig?" Dagdag ko pa. "Kasalanan ko bang naka-focus kayo sa ibang bagay, hindi sa math?" "Kasalanan ko ba?" Tanong ko sa kaniya na ikinatahimik niya pati na ng buong klase. " Oo o hindi?" "HINDE !" Sagot ko sa tanong ko. Maliit na bagay, pinapalaki pa kasi. 'Yan tuloy, sumabog ako. Hindi ko na nga sila pinansin, bigla na namang nag-ingay. "Never kong naging kasalanan ang pagiging tamad ninyo, naintindihan niyo?" Dinuro-duro ko ang sarili ko. "Hindi na ako mananatiling tahimik. Palagi na lang kayong humihingi ng tulong sa akin — simula elementary hanggang ngayon — ni hindi nga kayo nakikinig, e," Dibdib at tenga ay itinuro-turo ko nang ipamalas lahat ng salita na lumalabas sa bibig ko. Ayoko silang masaktan, pero dapat kong sabihin sa kanila ito. Hindi man sila handing marinig ang mga ipapamalas ko ngayon, sana'y tanggapin nila ang sakit ng mga salitang ibubuga ko. "HINDI AKO MATALINO, naintindihan mo?" "Never akong naging matalino dahil meron pa akong mga bagay na hindi alam. At saka mo na ako tawaging matalino kapag hindi na ako pumatol sa katulad ninyo. A Smart person knows what is Right and Wrong, Good and Bad. A Smart person do things right and good not wrong and worst, okay? Saka niyo na sila tawaging matalino kapag alam na nila ang tama at mali at kung alam na man na nila 'yon, saka niyo na sila tawaging matalino if they did the right thing not the bad that influence others to do bad things also," napatayo ako nang matuwid at himinga nang malalim. Konti na lang ay iiyak na ako, pero ayokong makita nila iyon. Umiiyak lang ako kapag may bagsak ako, pero ayokong umiyak kapag nasa harap ng maraming tao. Huminga ako nang malalim. Nanghihingi sila ng tulong? Pwes, bahala sila intindihin 'to. "Magbasa kayo sa aklat, Page 35 - What I need to know. Makikita niyo roon ang pake ko," uupo na sana ako, pero biglang hinawakan ni Clarisa nang mahigpit ang braso braso. "Ahhhh so, pake mo?" "Oo, pake ko. Kasi kung wala akong pake, e di hindi ko sasabihin kung anong pahina ang kailangan niyong basahin. You're welcome in advance," hinawi ko ang mga kamay nito at umupo na ako nang tuluyan. Naramdaman ko rin na umalis na siya sa tabi ko. Narinig ko rin ang tunog ng ibinubuklat na aklat pati ang pag-lipat-lipat ng mga pahina at hinahanap ang pahina na sinabi ko. ••• "SATANA!" Nagising na lang ako sa kawalan nang may tumawag sa pangalan ko. Hinanap-hanap ko naman kung sino 'yun. Nang hindi ko mahanap ay natulog na lang akong muli. "Satana!" Tawag ulit sa akin. "H-huh?" Tanging lumabas sa aking bibig. Tumingala ako at napahikab din. Chineck ko ang mga mata ko at napansin kong may mga muta. Jusko, nakaidlip pala ako. And I'm thankful na panaginip lang ang lahat. "Patulong kami sa math, please." Napapikit na lang ako nang paulit-ulit at dahan-dahan. Napasandal na lang ako at humikab muli. "Pwedeng mamaya na lang o kaya next time? Inaantok pa ako," agad akong yumuko. "Ay... Gano'n? 'Di kasi namin maintindihan 'yung assignment, e," saad ni Jane sa akin. Tiningnan ko naman siya — mata sa mata. Ang mga mata kong papikit-pikit ay hinipuan ni Jane saka ako natauhan. "Check niyo na lang sa Page 35 - what I need to know. Doon ako nagbasa. Sana ma-gets niyo after. Madali lang naman intindihin. If hindi mo ma-gets, substitute mo lang lahat ng given numbers doon sa book ng lahat ng given numbers doon sa given sa assignment," saad ko sabay hikab. Gusto ko na talagang umuwi. Gusto kong ihiga ang buong katawan ko sa kama. "Gano'n? Oh, sige, salamat! Hulog ka talaga ng langit!" Sabay takbo si Jane sa likod na parte ng classroom. Ilang minuto na ang nakalipas at ako na lang talaga ang narito sa classroom. May nafeel din ako na paparating, pero hindi ko na lang din pinansin. Wala akong pakialam sa paligid. Magulat na lang tayo kapag nagkaroon na ako ng pakialam sa kanila. "Satana, espren... oh, kain ka muna," saad ng pamilyar na boses. Si Harry, si Harry ang nag-aabot ng pagkaing sapin-sapin sa akin. Palagi kong binibili sa canteen iyon lalo na pag-uwi. Pasalubong ko sa sarili ko. Self-love kumbaga. Mahal ko ang sarili ko e, kayo ba? Umiling-iling ako na ikinalungkot niya. Ayokong kumain kahit na paborito ko iyan. Ma-pride nga ako. Pride ko ang kinakain ko ngayon. "Oh, galing 'yan kay Brent," Brent? Mukha bang may paki sa akin iyon? Hayst. Pero kahit na galing iyan kay Brent ay hindi ko pa rin 'yan tatanggapin. Wala rin akong ganang kumain kaya... it's a no, for me. "Ayoko, wala akong gana." "Dahil ba sa pinipilit ka ni Quinny na mag-boyfriend?" Napatingin na lang ako sa kaniya at kinuha ang cellphone ko. Isinuot ng earphones at walang tugtog. "Dali na, kaming magtotropa ay nag-aalala sa 'yo. Tanggapin mo na 'to. Sinabi na sa akin ni Quinny 'yung problema niyo sa isa't isa," tropa niya ang tinutukoy niya. Tropa nila ni Brent. "Hayst. Ayoko nga. Hindi ka ba makuha sa isang salita lang? A. YO. KO, okay?" Hayst, gusto ko mang tanggapin kasi gusto ko na rin ngumuya. Pero mas nabubusog ako sa pride ko. "Hayst, ikaw bahala," umalis na siya at dala-dala ang sapin-sapin na dapat ay para sa akin. Okay na 'yan, bukas pa naman ang canteen kahit uwian na, e. Bibili na lang ako mamaya para may pampasalubong ako sa sarili ko. At sana naman ay huwag nilang sabihin kayla kuya na nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kaya't hindi ako kumain ngayong umaga. "Namroblema raw kayo ng friend mo?" Bungad sa cellphone ko. Hulaan niyo kung sino ang nag chat? Walang iba kung 'di si…si Jake. Jake Navarro: Namroblema raw kayo ng friend mo? Santana Connor: Ano bang pake mo? Paano niya nalaman? Hindi naman siguro sinabi sa kaniya ni Zishio? Jake Navarro: Hayst Santana Connor: Tsk. *Unblock* *Something Wrong* Ang hilig ko talagang mamblock. "Magwattpad muna pagpapatanggal ng stress," sabi ko sa sarili ko. Medyo nawala na ang sama ng loob sa katawan ko at uminit ulit nang may nagnotif. Sa group chat nanggaling ang message at nakita ko ang pangalan ni Jake. Navarro SBH • Mamamo blue: Hoiii, paunblock ako! In-unblock mo na ako! Pa Unblock!!!! Navarro SBH • Julia Connor: Hahaha i-unblock na naman siya. Navarro SBH • Licio Navarro: Ahhh!! Kawawa hahhaha! Pangalawang babae na yan na namblak sau May nagnotif ulit. Tiningnan ko ang notification bar at as I expected ay si Zishio ito. Palagi naman, e. Zishio Navarro: What happened? Bakit mo binlock? Santana Connor: Ayoko makatanggap ng notification at nagbabasa ako sa w*****d kaya shutappp. Zishio Navarro: Oh... haha Cancel | Reply | After niyang message na iyan ay hindi na ako nag-reply. Gustong-gusto ko na magbasa, pero may mga nang-i-istorbo. Navarro SBH • Zishio Navarro: Oh, Jake! Navarro SBH • Mamamo blue: Oh? Navarro SBH • Zishio Navarro: What happened? She blocked you? Navarro SBH • Mamamo blue: Oo, binlock niya ako??? Navarro SBH • Zishio Navarro: Just wait her, Jake. Nagwawattpad daw siya and she don't want to receive any notification. Navarro SBH • Mamamo blue: Paano mo naman nasabi? Navarro SBH • Zishio Navarro: I asked her. Navarro SBH • Mamamo blue: Bakit mo naman siya tinanong? Navarro SBH • Zishio Navarro: Bakit? Nagseselos ka? Navarro SBH • Mamamo blue: Luh! Hindi ah! Navarro SBH • Spicy Chicken Sandwich: Ayiieee pare ah! May gusto ka pala sa kaniya. Navarro SBH • Mamamo blue: Baka ikaw! Navarro SBH • Zishio Navarro: I'm just helping you bro since she blocked you. Navarro SBH • Mamamo blue: Sus, ang sabihin mo, may gusto ka. Navarro SBH • Zishio Navarro: I don't Navarro SBH • Sofia Connor: Nakooo Navarro SBH • Julia Connor: Hahaha Navarro SBH • Chaeli Navarro: Imposible. Navarro SBH • Chase Villanueva: Sheeeeeeeshhh Navarro SBH • BooDaga: Si @Jake, pumapag-ibig. Navarro SBH • You: Ingay niyo. Cancel | Reply | Hindi ko na lang sila pinansin at ini-mute ko ang group chat. Kapag kasi nag leave ako, I-a-add lang din nila e kaya mute na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD