Umuwi na ako at talagang uuwi ako kasi uwian na at kasama ko sila kuya pagkauwi. Wala na si Nicole kaya walang magugulo kila kuya. Medyo napansin ko ring nakakunot ang noo niya dahil wala na si Nicole. Hindi niya raw siya makita at hindi raw niya nakita noong may meeting nila. Gusto man daw niyang magtanong, pero hindi niya magawa kasi raw ay baka ma-issue pa siya na may gusto raw siya kay Nicole at miss niya na. Isang linggo na kasi siyang walang paramdam kaya wala na si Nicole na nanggugulo sa kaniya. Sabihin ko kaya kay kuya? Or 'wag na lang , ano? Bahala na.
Habang paakyat ako ng hagdan papunta sa kwarto ko, biglaan akong may naramdamang vibration galing sa bulsa ng palda ko. Hindi ko muna iyon pinansin at inasikaso ang gamit at sarili ko. Nagbihis na ako't chi-neck ko ang mga notebooks ko. Baka sakaling may assignments.
Nagvibrate na naman ang cellphone ko kaya tiningnan ko na rin kung anong meron--bakit vibrate nang vibrate?
Nakita ko naman mula sa aking lockscreen, may nag-send ng friend request. Mr. Virgo ang pangalan nito. Sino naman 'to?
Pagbukas ko pa lang ng cellphone ko, bumungad ang bubble chat ng messenger ko at may nag-send ng message.
Mr. Virgo:
Hi
Message ng lalake sa akin. Lalake siya at ang name nito ay Mr. VIRGO. Ipinagtaka ko ay bakit niya ako chinat? Anong meron?
Santana Connor:
Hello?
Nakakunot ang noo ko nang sabihin ko iyon. Kung sinu-sino na lang ang nagchachat. Nakakakaba tuloy.
Inayos-ayos ko muna ang lahat ng gamit ko. Mga ilang minuto ay wala pa ring reply 'yung lalake kaya napag-isip-isip kong sagutan ang mga tanong sa notebook ko sa subject na Technology ang Livelihood Education.
Ilang oras na ang nakalipas at halos ma-low battery ako, since habang nagsasagot ako at nagpapatugtog din. Ilang oras at minutos na ang nakalipas, pero wala pa ring paramdam 'yung Mr. Virgo na 'yun. Umalis muna ako saglit sa kwarto ko dala-dala ang tumbler kong plastic at kumuha ako ng tubig sa kusina. Pagkabalik ko ay may nakita akong "1" sa bubble chat sa cellphone ko na nanggaling sa lalakeng nagngangalang "Mr. Virgo". Pinindot ko ito at nabuga ko ang nainom ko.
Mr. Virgo:
Can I court you?
Apat na salita, nakamamatay dahil muntik na akong malunod. Court? Sino ka ba? Bakit? Ano? Para saan naman ang panliligaw mo? Masyado pa akong bata para riyan!
Dahil nga sa apat na salita na iyan at nabuga ko ang iniinom ko. Nataranta rin ako kasi nabasa ang cellphone ko pati na rin ang higaan sapin ng higaan ko.
Ano naman kaya ang pumasok sa isip nito't gustong man-trip?
Santana Connor:
Court? Basketball?
M
r. Virgo:
Haha pfft joker ka pala?
Hindi, baraha lang. Infairness ah, hindi siya inabot ng ilang oras para mag-reply. Kanina, parang tinulugan niya ako.
Santana Connor:
Hindi, clown lang.
I replied. Hindi ko alam pero, wala akong ganang makipagchat. Hindi ko rin alam kung bakit pa ako nagreply sa kaniya. Wala akong oras makipag-usap sa hindi ko naman kilala at mas lalo nang wala akong interes sa ganitong topic.
Mr. Virgo:
Not basketball- Court like, can i be your suitor?
Suitor? Tapos ano? Iiwanan niyo ako? Utut. Ni hindi nga kita kilala e. Sino ka ba?
Santana Connor:
Ganon lang rin naman iyon, di ba?
M
r. Virgo:
Nope, they aren't the same.
Santana Connor:
Basketball - pagkatapos bolahin, ipapasa sa iba.
M
r. Virgo:
I'm not like that.
Weh? Maniwala? Medyo hindi ako naniwala sa sinabi niya. Ang dami-rami na kayang nagsasabi niyan sa akin, tapos anong napala ng mga nagseryoso, iniwan din sa dulo. Ipinasa sa iba kapag tapos na itong gamitin. Tapos sino ang masasaktan sa huli? Yoong pinangakuan, yoong binola.
Naku! 'Wag ako.
Santana Connor:
Eh ano? Pagkatapos i-shoot, iiwanan?
Pagkatapos tirahin, iiwanan? Nako ka!! Ayoko ng ganiyan. Nakaka- hayst.
Mr. Virgo:
No.
Santana Connor:
Basketball - kapag may nanghiram ng Bola, ipapahiram? Kapag gustong gamitin ng iba, ipapahiram mo? Naku! Hindi ako laruan! Hindi laruan ang mga tao! Ano? Sagot!
Mr. Virgo:
I don't play basketball, but I do play chess.
Santana Connor:
Ahhh naglalaro ka ng ded3?
M
r. Virgo:
No!! Chess, not chest.
Ahhh pero hindi ba't naglalaro rin ang mga lalaki ng dibdib? Kadalasan pa nga sa kanila ay malaki pa ang dibdib nila kesa sa mga babae e. Sana ol.
Santana Connor:
Ahh. Akala ko eded e.
M
r. Virgo:
I am good man.
Santana Connor:
Mr. Good man? Ikaw ba 'yan?
Mr. Virgo:
Mr. Good man?
Santana Connor:
Oo. Bakit hindi mo kaya tulungan si Mrs. Goodman gumawa ng tinapay?
M
r. Virgo:
I am not him.
Santana Connor:
Yung nagmamasa ng dough. 'Di ko alam tagalog ng dough kaya dough na lang.
Mr. Virgo:
Nagmamasa ng tinapay?
Santana Connor:
Oo. Ng doughdough
Sinearch ko kung ano ang tagalog ng dough at sabi doon, "tapay" daw, totoo ba? Pakorek nga mga brader.
Mr. Virgo:
Okay.
Santana Connor:
k
M
r. Virgo:
Hala
Anong nakakagulat sa chat ko?
Santana Connor:
???
M
r. Virgo:
Bakit K lang?
Ano bang ine-expect butong irereply ko sa okay nita? Nakakatamad kayang makipagchat. Hindi ko nga alam bakit ko pa 'to nirereplyan, e. Mukhang gold ka.
Santana Connor:
by Pablo
M
r. Virgo:
huh?
Santana Connor:
hatdog
M
r. Virgo:
ang tino mo namang kausap.
Santana Connor:
Yah
M
r. Virgo:
bakit ang iikli ng mga replies mo sa akin?
Ano ba kasing ine-expect ng lalakeng ito? Sino ka ba kasi para replyan ng mahaba? Maikli lang, okay na sa akin 'yon.
Santana Connor:
kasi hindi mahaba
M
r. Virgo:
Ang gandang sagot niyan.
Santana Connor:
?
M
r. Virgo:
Ganiyan ka ba talaga makipagchat?
Kayo ba? Nakikipagchat ba kayo kapag tinatamad kayo makipagchat o tinatamad kayong magtype?
Santana Connor:
?
Ni like zone ko lang. Wala e. Nakakatamad talagang magtype e. Imbis na makapagbasa ako sa w*****d ay narereplayan ko pa 'tong lalakeng 'to. Kailan ba 'to mag-la-log out?
Mr. Virgo:
Like mo ko? Ayiee
Santana Connor:
?
M
r. Virgo:
ayy
Iyan na lamang ang nareply niya at hindi ko na ni-reply-an. Nagbasa-basa na lang ako sa watty. Buti naman ay naglog-out na at hindi na nag-paramdam. Umalis na ako doon sa messenger ko at lumipat sa ibang application. Mahigit limang chapter na ang nababasa ko ngayon at thankful ako kasi walang nanggugulo hanggang sa nagchat na naman itong lalaking ito.
Mr. Virgo:
Kumain ka na?
Santana Connor:
?
Mr. Virgo:
Ako rin e
Santana Connor:
?
M
r. Virgo:
Like mo ba talaga ako?
Assumero. Ako lang ba ang nanggigigil sa nga ganito? Yoong tipong nagreply ka lang ng like emoji tapos, like mo na raw siya? Sineen ko na lang tapos nag chat ulit siya na mas ikinagigil ko.
Mr. Virgo:
Ay ah hahah may lihim na pagtingin ka pala sa akin ah. Hayaan mo, mamahalin naman kita pabalik e.
Santana Connor:
Sino ka ba? First of all, wala akong gusto sa isang assuming na kagaya mo. Napaka hangin amp.
Hindi naman kasi kita kilala tapos may pagtingin? Ni wala ka ngang profile picture e.
Mr. Virgo:
Ay...
Santana Connor:
Ahh. Hi, ay.
M
r. Virgo:
Huh?
Santana Connor:
?
M
r. Virgo:
Luh, like mo talaga ako ah. Ayiiee
Santana Connor:
Alam mo, kuya? Kulang ka lang sa tulog at hindi po ako pumapatol sa may jowa, salamat.
M
r. Virgo:
Luh, wala naman akong jowa e.
Santana Connor:
Ahh condolence.
M
r. Virgo:
Condolence amp.
Last chat niya sa akin. Mga ilang minuto ay nagchat pa siya ang kaso lang ay tawa ito. Sineen ko na lang tutal hindi ko naman alam ang irereply sa tawa niya. Masyado siyang masaya at hindi ko kayang tapatan 'yun. Malungkutin ang aking buhay kaya hindi ko alam kung paano ako makikipagsaya rito.
Mr. Virgo:
Haahhah
Ay seener 'yan?
Santana Connor:
Suggest ka muna kung anong pwedeng i-reply sa tawa mo.
M
r. Virgo:
Haha kahit din ako walang maisip e.
Sige bye.
Santana Connor:
*seen*
M
r. Virgo:
?
Huy
Santana Connor:
???
M
r. Virgo:
sabi ko bye
Santana Connor:
by pablo
M
r. Virgo:
Huh? Hindi kita magets
Santana Connor:
Wala akong sinabing intindihin mo.
M
r. Virgo:
Pshh ang ganda mong kausap
Santana Connor:
thanks
M
r. Virgo:
bye na po
Santana Connor:
wag ka na bumalik
M
r. Virgo:
ay
Santana Connor:
*seen*
M
r. Virgo:
seener talaga 'to, oh.
Bye na nga
Santana Connor:
k
M
r. Virgo:
hayst bait talaga.
Thankful ulit ako at hindi na siya nagchat. In-archive ko siya sa messages ko at naisipan kong magbasa ng stories.. Ang ganda ng Don't touch me nerdy ni Xarckx. Ito ang story na nauna kong binasa at babasahin ko ulit. Ang ganda e.
Mine ko na si Isaiah ehe.
Basa lang ako nang basa sa watty. Ni hindi ko na naisip na gumawa ng ibang homework kasi ang ganda nga talaga ng binabasa ko and also tinatawag na ako nila kuya para kumain. Hindi ko namalayan na gabi na pala dahil sa pagbabasa ko.
Oo, gabi na. Inabot na ako ng gabi kababasa sa watty. Ilang beses ko na ito nabasa, pero naadik talaga talaga kaya reread ako nang reread. Tiningnan ko rin ang oras at nakita ko na 18:03 na pala. Oras na para kumain.
"Satana," tawag sa akin ni papa nang makababa na ako. Kita ko naman si mama na nakayakap kay papa. Landi talaga ng dalawang 'to.
"Papa," "oh, kain na," pang-aaya nito sa akin. Agad naman akong nagtungo papalapit sa may lamesa upang alamin kung ano ang ulam. "Anong u- wow , beef pares saka sisig!" Guys! Ang sarap ng ulam! Ka-excite kumain!
"Oh, dali na. Baka maubusan ka pa nila kuya mo ng ulam," dali-dali naman akong kumuha ng plato at saka ako lumapit sa lamesa. Ang bibilis nila kuyang kumain at ang malupit pa roon ay ang dami nilang kanin. 'yung tipong pumunta ng mang-insal para makapag ng unli rice pa o kaya kailangan pa naming magsaing ng dalawang bases para makakain pa kami. "Luh kuya, 'wag niyong ubusin."
"Kaya nga umupo ka na," "ito na," agad naman akong umupo at kumain. Naparami rin ang kain ko lalo na't sobrang sarap ng ulam. Isipin mo, hindi kayo makakain sa labas ng buong pamilya mo tapos aalis ang ama mo para bumili sa goodies. Accck!
'Yung Goodies, anu 'yon… ahm… paresan.
Nang matapos akong kumain ay nautusan pa akong maghugas ng pinggan. Minadali ko ito, pero hindi ibig sabihin na hindi ko ito nilinisan nang maayos, syempre kailangang linisan nang maayos ang plato — iwas germs.
After ko ring maghugas ay umakyat na ulit ako. Syempre kapag naghugas, pinggan ay nararapat lamang na linisin pati ang lababo, baka kasi magalit si mama kapag hindi ko nilinisan ang lababo. Baka ako ang lababuhin ni mama.
Kinuha ko na ang phone at agad akong nag watty. I checked the time and it's already 20:06. Nag-online na ako at nagsimulang magbasa. Mine ko na talaga si Isaiah. Huhuness.
"Hey, eat your dinner na," may nagpopped up na message sa cellphone ko at si Mr. Virgo na naman. Hay nako.
Santana Connor:
???
M
r. Virgo:
By Pablo na naman?"
Santana Connor:
?
M
r. Virgo:
Sinearch ko yoong kanta, ang ganda. Buti na lang sinabi mo sa akin yoon hahaha.
Santana Connor:
Hmm.
M
r. Virgo:
Kumain ka na?
Ano ba ang pakialam nito kung kumain na ako o hindi? Saka, bakit palaging “kumain ka na ba?” ang palagi nilang sinasabi? Wala bang, “naligo ka na”?
Santana Connor:
Ano bang kailangan mo?
Mr. Virgo:
Ikaw.
Santana Connor:
Bakit? Para saan naman, kuya?
M
r. Virgo:
Ouch , kuya...
Santana Connor:
Para saan nga po, kuya?
Pag-uulit ko sa tanong ko. Bakit ba kailangan niya akong i chat. Hindi ba pwedeng i-spill niya na lang sa isahang message? Gusto ko na magbasa, huhu.
Mr. Virgo:
Stop calling me, "kuya"
Santana Connor:
At bakit?
M
r. Virgo:
Just call me, "love"
Love? Iw. Alam niyo bang "Love" at "mahal" are commonly used as endearment and also, these endearments mostly ended on break ups? Hahha so no! Kuya na lang. And also, hindi kita mahal.
Santana Connor:
"kuya"
M
r. Virgo:
Hayst. O kaya "mine" na lang ang itawag mo sa akin.
Santana Connor:
Hindi kita pagmamay-ari.
M
r. Virgo:
e di "baby" na lang.
Santana Connor:
Hindi ka sanggol.
M
r. Virgo:
"Daddy" na lang.
Santana Connor:
May tatay ako.
M
r. Virgo:
"papi" na lang.
Santana Connor:
"Papi?"
M
r. Virgo:
Yes, baby?
Santana Connor:
Huh?
M
r. Virgo:
Sabi mo, "papi"
Santana Connor:
Ano bang meaning no'n?
Alam ko meaning no'n, kunwa-kunwari lang tayong hindi alam ang meaning.
Mr. Virgo:
Papi- kuya...
Santana Connor:
Ahhh Puppy.
M
r. Virgo:
PAPI po, hindi PUPPY.
Santana Connor:
E sa gusto ng PUPPY, tutal mukha ka namang pet.
M
r. Virgo:
Ahh so, aalagaan mo ako?
Santana Connor:
Mukha ka lang pet, pero hindi kita aalagaan. May nanay ka naman, siya na mag-aalaga sa'yo. Ayoko ng may palamunin ako. Tsk. Saka may sinabi ba ako?
M
r. Virgo:
Oh... 'Wag mo na akong tawaging "kuya", okay?"
Santana Connor:
Paano kung ayoko?
M
r. Virgo:
Aishhh!
Santana Connor
Ano ba kasing kailangan mo?!
M
r. Virgo:
I want you. I want to court you.
Santana Connor
E hindi nga kita kilala!
M
r. Virgo:
You don't need to know me!
Anong “you don't need to know me”? Dati ka bang sabog? E, baka kung ano pang mangyari sa akin kung hindi kita kikilalanin. Duzhhh. I'm just talking to you kasi gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ka chat nang chat. Wala 'kong interest sa 'yo, uy!
Santana Connor:
Ayoko
M
r. Virgo:
Bakit ba ayaw mo?!
Santana Connor
Ah ! So , ganyan pala ang gustong manligaw?
Mr. Virgo:
Huh?
Santana Connor
Kapag ba hindi pinayagan ang gustong manligaw, kailangan bang magalit?
Hindi ba dapat hindi ako pilitin ng lalake, since this is my decision? Desisyon na mapapalayo sa akin sa pahamak at makapagpapalayo pa sa akin sa pagiging Heart broken.
Mr. Virgo:
Sorry...I didn't mean to
Santana Connor
Tsk.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay nagchat ulit siya. Siguro 5 mins. Bago siya magchat at sa 5 mins na iyon ay pinakalma ko ang sarili ko.
Mr. Virgo:
Bakit? Bakit ayaw mo akong manligaw?
Santana Connor
Dahil sa ayaw ko mag boyfriend at hindi kita kilala, at higit sa lahat ay takot sa commitment kaya A.YO.KO. . Salamat sa pag-intindi.
Mr. Virgo:
Takot ka sa commitment?
S
antana Connor
Hindi mo ba nababasa?
Mr. Virgo:
Babaguhin ko 'yan.
Santana Connor
???
Mr. Virgo:
Yoong pagkatakot mo sa commitment, babaguhin ko.
Santana Connor
By Pablo.
Mr. Virgo:
Haysst basta, hindi kita titigilan.
Santana Connor
E di block na lang kita
*Unblock*
*Report problem*
Ayaw ko ng kachat lalo na't nag wawatty ako. Mas okay nang mamatay yoong bida kesa magkaroon ako ng kachat.
Tae... nacomatose si Isaiah... Bakit! Huhuness! 'Wag na pala. Okay na pala sa akin ang may ka-chat, mabuhay lang si Isaiah