Tactic

3134 Words
Nandirito ako sa classroom. Kagagaling ko lang sa health break. Parami na rin nang parami ang bumabalik sa klase – especially those boys na laging nasa likod. Mga Backstreet boys kung tawagin ng ibang teacher. Palagi kasi silang nasa likod saka mukha silang nasa kalsada dahil sa ingay nila. I secretly open my phone to check an update sa mga social media accounts ko then, suddenly my the bubble chat popped on my phone screen. "Hi Mister, can you please ask Santana if she can Unblock me?" Message ng isang lalaki kay Jake. Base ito sa nakita kong picture na isinend ni Jake sa group chat. Syempre, kalag blocked, sino pa ba ang nag-message kay Jake? Edi si Mr. Virgo. "Ayaw niya nga akong i-unblock, ikaw pa kaya? Hahaha," reply naman ni Jake sa kaniya. Sino naman kaya tinutukoy ng mga 'to? Ay oo nga pala. Ako nga pala si Santana–nakalimutan ko. "She blocked you?" Mr. VIRGO said. "Oo, binlocked niya ako," reply ni Jake sa message na ipinadala ni Mr. Virgo. "Oh..." last reply na nakita ko at ayun lang. Bumalik na ako sa pagbabasa at saka ulit lumabas ang bubble chat. Hindi ko sana papansinin ito kaso namention ako. Nakita ko ang pangalan ko. Hindi ko sure kung pangalan ko ba talaga kaya chineck ko at name ko sa notification bar at talagang naroona ang pangalan ko. Si Jake din ang nagmessage. Nag-desisyon akong i-off ang bubble chat sa messenger ko para walang bubble chat na biglang mag-pop up sa screen ng cellphone ko. I decided na sa notification bar na lang din ako mag-re-reply. Navarro SBH Navarro SBH • Mamamo blue: @Santana! Hobby mo talaga ang pam-ba-block Wait... Bakit sila magka-usap nung Mr. Virgo? Hindi ba 'yun second account ni Jake? Navarro SBH • You: Oo, bakit? Navarro SBH • Mamamo blue: Basahin mo yoong nasa picture na si-nend ko Navarro SBH • You: wala akong load Navarro SBH • Mamamo blue: Ay, ano number mo, pa-loadan kita Ay wow. Mabait naman pala 'tong si Jake. Pasensya na Jake. Ayoko kasi ng load, pero gusto ko ng pera. Pa-gcash na lang. Navarro SBH • You: Ayoko Navarro SBH • Mamamo blue: Ikaw na nga loloadan , ikaw pa may ayaw. Nako... Navarro SBH • You: Nasa school ako. Makikikonect na lang ako sa kaklase kong may load. Naglog out lang ako saglit at sumigaw sa loob ng classroom. "Sino may load?!" Sigaw ko. Dahil doon sa sigaw ko, lahat ng mga tao rito sa silid-aralan ay napatingin sa akin – maski ang unbothered na mga lalaki sa likod ng classroom ay napalingon din sa akin. "Ako!" Sigaw ng isa sa mga kaklase ko. "Same!" Sigaw ko pabalik na ikinatawa nila. Umupo na ako at napansin kong wala na ang atensyon nila sa akin. Nag-open na ulit ako at nagmessage sa group chat. Nakita ko ring nagsidaldalan na ang iba kaya nakisingit na lang rin ako sa group chat. Navarro SBH • You: I-a-unblock ko siya, pero may kondisyon. Navarro SBH • Spicy Chicken Sandwich: Anong meron? Navarro SBH • BooDaga: numeron? Navarro SBH • Licio: ganap? Navarro SBH • Mamamo blue: ako rin ah. Unblock mo rin ako. Navarro SBH • You: Sabihin mo sa kaniya na 'wag siyang magchachat Navarro SBH • Licio: Hahaha in-unblock pa haha Agad naman akong pumunta sa acc ni Mr. Virgo gamit ang lite ko at ginawa ko naman ang gusto niya. Alam ko na dapat na hindi ko na siya i-message, pero naku-curious na talaga ako kung bakit kailangan niyang magmessage sa iba at ipa-unblock at kung bakit niya gusting ma-unblock. Santana Connor: Kailangan ba talagang magchat sa iba para lang ma-unblock? Mr. Virgo: Gusto lang naman kitang makausap. *Navarro SBH • active now* Santana Connor: Pre, done na. Mamamo blue: Oh, ako naman. Unblock mo na ako haha Licio Navarro: Huwag mo Unblock haha Saad ni Licio na ikinatawa naman ng lahat by reacting on his message. May parte sa akin na gusto ko siyang i-unblock, pero may parte rin sa akin na ayoko. Hindi ko rin alam kung bakit, pero ayaw ko talaga haha. Mamamo blue: Papepsi ka, @Licio? Licio Navarro: Haha ito naman, hindi mabiro. Mamamo blue: Dali na, Unblock mo na ako. Licio Navarro: Huwag, Santana hahaha. Huwag mo na i-unblock para may ishesher akong chismis sayo Mamamo blue: Doon ka nga, Licio! Paepsi ka talaga e ,'no? Licio Navarro replied to Mamamo: Medyo lang hahaha Zishio Navarro: Don't unblock him. Nagreact ang lahat sa message ng Founder na si Zishio ng Shocked or Wow react. Hindi ko alam kung bakit sila gulat na gulat pero siguro unang beses 'tong nangyari o baka ngayon na lang ulit sumabay sa trip si Mr. Zishio. Mamamo blue: Hala! Pati ba naman ikaw, Pawn!? Licio Navarro: Hahaha sabi sa 'yo e. *Notification bar* Mr. Virgo: Santana, mukhang busy ka ah. Mukha ba? E hindi ko alam ang irereply ko e. Ano ba dapat i-reply ko? *Navarro SBH • active now* Santana Connor: Sige, unblock na kita. Saad ko na ikina-react niya naman ng mukha na puso ang mata na ikinatawa ko naman, pero sa kalooob-looban ko lang naman. Baka kasi may makakita sa akin dito sa classroom na nakangiti ako. Baka isipin nila na may kalandian ako. Alam mo naman, sa classroom may mga chismosang ma-issue. Mamamo blue: Yoowwn! Santana Connor: Tapos block ulit. Pagputol ko sa kasiyahan niya. Di uso sa akin ang mang-Unblock haha. Licio Navarro: Hahahah Zishio Navarro: Nice Mamamo blue: Ano ba 'yan! Edi dapat hindi mo na lang ako ni-unblock. Santana Connor: Kaya nga hindi kita ia-unblock e, kasi iba-block din kita e. Mamamo blue: Pangit mo kabonding. Santana Connor: ? Licio Navarro: Hahaha panis, nilike zone ka hahah ???????? Mamamo blue: Bahala ka nga diyan. Santana Connor: Talaga hahaha I ended the conversation by Sending this message in our group chat. I mean , umalis na rin ako sa messenger ko after kong i-sent ang mensaheng iyon. Habang wala pa si Sir ay nagbasa-basa muna ako sa watty. Wala e , iyon talaga ang gusto kong gawin e , ang magbasa. Message from Mr. VIRGO – Saad sa notification ko. Hindi ko ito pinansin nang magsend ulit ito ng mensahe. "Hey." Naglog-in ulit ako at binasa ang mensaheng i-minensahe niya sa akin. "I just want to say – " Hindi ko na natapos basahin dahil sa nariyan na si sir. Itinago ko na agad ang cellphone ko pero bago ko itago ay pinatay ko muna ang data, minyut (mute), at pinower-off ko ang cellphone para hindi makaistorbo sa klase. ••• Dumating na ang alas-onse ng umaga. Malapit nang nag-uwian. Excited na akong bumili ng pagkain sa canteen kapag uwian. Pwede pa namang bumili roon kahit uwian na. May panghapon pa namang papasok kaya sigurado akong may nagtitinda pa sa tindahan sa student lounge. Makalipad ang trenta minutong paghihintay sa uwian ay bumaba na ako sa canteen, dala-dala ang aking mga gamit. Dumeretso na rin ako sa gate dahil doon ko hihintayin sina kuya ko, pero mukhang hindi ko na sila hihintayin. Kitang-kita ko na nasa gate na sila at hinihintay ako. Uwian na at pwede ko na buksan ang aking cellphone, pero sa bahay ko na lang bubuksan para habang nag-se-cellphone ako, may kinakain akong sapin-sapin at puto seko. "Kuya!" Sigaw ko nang makita ko si kuya sa gate. Tumakbo ako patungo sa kaniya na nasa may gate ng school at pansin kong hindi siya mapakali. "Kamusta?" Tanong ko sa kaniya. Mukhang may hinahanap siya. Si Quinny siguro. Tsk. "Oh, kuya Simuel, bakit parang hindi ka mapakali't may hinahanap ka? May nawala ka ba?" Tanong ko sa kaniya, pero parang wala lang sa kaniya – hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa ganoong sitwasyon. "Kuya Sandie!" Sigaw ko nang makita ko si kuya Sandie. Tumakbo na siya papunta sa amin malapit sa may gate. "Kuya Sandie," tanong ko sa kaniya nang makalapit siya sa akin at agad naman niyang ikinalingon. "Hmm?" "Ahmm, may problema ba si kuya Simuel? Mukhang may hinahanap kasi, e," tanong ko sa kaniya. Nilingon naman niya si kuya Simuel ngunit ngumiti lamang ito. Anong meron? "Aba, malay ko diyan. Burara kasi." Hindi ko alam kung may hinahanap ba si kuya Simuel o baka hinihintay at hinahanap si Quinny, tsk. "Kuya, uwi na tayo lalo na't mainit na, oh. Pawis na pawis na ako. Uwi na tayo," at doon na nga hinila ni kuya Sandie si kuya Simuel. Tirik na tirik na ang araw at ayaw magpatinag ni kuya Simuel sa paghila sa kaniya ni kuya Sandie. Pilit na hinihila ni kuya Sandie si kuya Simuel. Pawis na pawis na ako't gusto ko na umuwi. Mga ilang sandali pa ay nag-umpisa na maglakad si kuya Simuel na kanina'y ayaw umuwi. Bakas sa mukha nito ang pagkalungkot. Dumaan na si Quinny kanina, pero hindi niya pinansin. Mukhang may problema nga talaga 'to. Nag-umpisa na kaming maglakad dahil medyo malapit lang naman ang bahay namin dito. Pwede ka namang sumakay ng tricycle para mas mapadali, pero since mabilisan lang din naman kahit maglakad, naglakad na lang kami. Hindi kami sinundo ni kuya Samuel ngayon dahil sa gabi na ang uwi ni kuya. Kung sunduin man kami no'n – araw ng pahinga niya iyon. Ilang minuto lang ng paglalakad ay nakauwi na kami sa aming munting tahanan. "Kuya Simue–" "Shh..." Pagputol ni kuya Simuel habang nakatutok siya sa kaniyang cellphone. Dutdot siya nang dutdot sa cellphone niya at mukhang may ka-chat. Nagvibrate bigla ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan. Notification from my messenger ng lite ko and message by Quinny. Quinny Rifol: Hi, Satana. Kamusta ka na? Sana maging okay na tayo. Biglang message sa akin ni Quinny. Mag-ayos pa ba kami? May biglang nag-popped-up na notification. From messenger din at iba naman ang nagmessage, walang iba kun'di si Mr. Virgo. In-open ko ang messenger at nakita ko na more than 100 ang unread messages, pero hindi ko binasa lahat ng iyon, doon na ako nagsimula sa may nakalagay na Apple. Mr. Virgo: Hi, Apple ka ba? Wala lang , tinanong ko lang. Joke lang haha I-spam ko muna messages mo. Gusto lang kitang guluhin. Hindi niya naman kailangang magpaalam e. E 'di guluhin niya ako kung gusto niya akong guluhin. Wala namang problema doon. Gulong-gulo na rin naman ang buhay ko. Feel free to mess it more. Mr. Virgo: I mean, mag message-message lang muna ako hanggang sa mabasa mo na to. Aso ka ba? Ito ang tanong na ikinakunot ng noo ko. Mukha ba akong aso, mga mare? Sa gwapo kong 'to, tatanungin niya ako kung aso lang ako? Pero sige lang. Who cares naman, 'di ba? Mr Virgo: Kasi takot ako sa 'yo kaya wag mo na akong I-block. Nandiri at nanlaki agad ang mata ko nang makita at hindi mahanap ang aso. Na saan ang aso doon? Takot ka sa aso? Iyon ba yoon? 'Yung aso ba ay natakbuhan mo na kaya wala na ang aso sa banat? Nasaan na 'yung aso? Mr. Virgo: Rosas ka ba? Kasi sa spaceship isasakay kita, boom! Santana Connor: Anong konek ng rosas sa Spaceship? Reply ko kasi naku-curious ako. Anong meron sa rosas at isasakay mo ako sa spaceship mo? Rosas... spaceship... Huh? Can someone, please, enlighten me. What is the connection of rose and spaceship? Mr. Virgo: Ahmm... hehe. Iyon lamang ang ine-reply niya. Ang gandang sagot. Ano bang meron sa rosas at isasakay sa spaceship? Ano iyon, may patay sa spaceship kaya lalagyan ng bulaklak? May lupa sa spaceship at doon itatanim? May pagdedeliver-an ng rosas sa ibang planeta kaya isasakay ang rosas sa spaceship para maipadala roon? Santana Connor: K. Tanging reply ko na lamang sa kaniya at baka sa pagkakataong iyon ay sabihin niya kung ano meaning no'n. Mr. Virgo: Luh, hindi mo gets Napa-what na lang ang mukha ko. Kaya nga nagtatanong kasi hindi alam , di'ba? Santana Connor: ??? Mr. Virgo: By Pablo na naman 'yan, 'no? Santana Connor: Oo. Mr. Virgo: Hahaa Tawa niya. Anong nakakatawa sa sagot kong oo? May nakakatawa ba roon? Mr. Virgo: May tanong pa ako. Santana Connor: Hmm. Mr. Virgo: Teacher ka ba? Soon. Teacher na may halong katoxican. Pero charot lang naman. Syempre magiging cheerful ako kapag nasa harap na ako ng mga bata. Soon, gusto kong maging teacher. Pero parang hindi ko 'yun matutupad lalo na't sobrang iksi ng pasensya ko, tapos iiksian ko pa kapag nagguro ako? Tama lang ba ang desisyon ko? Santana Connor: Soon. Mr. Virgo: Anong soon? Ang sabihin mo dapat ay 'Bakit' Santana Connor: Soon– Kasi gusto ko maging teacher. Mr. Virgo: Ahh pero ang sabihin mo dapat ay 'bakit' Santana Connor: Paano kung ayaw ko? Mr. Virgo: Sige na , please. ????? Santana Connor: Oo na. Oh, bakit? Mr. Virgo: Kasi kapag tinatawag mo ako, tumatayo ka agad ako. What?! Pare... What is this behaviour?! Dati ba 'tong baliw at bigla-bigla na lang naggagan'yan? Ay nako! Kabastusan ang pinapairal. Tsk tsk tsk. Santana Connor: Pot— Ito na lamang ang tanging naisagot ko rito. This is the first time na may magsend sa akin ng ganito. Hindi ko ine-expect na magiging ganito 'to. Sa lahat ng lalaking nakausap ko, ito lang ang nakausap kong bastos ang sinabi. Halos lahat ng lalaking nakakausap ko sa group chat nor sa privately, luto murahan, e. B-b-ba-bakit? Mr. Virgo: HAHAHA joke lang. Peace hehe. Santana Connor: Bastos. Mr. Virgo: Joke nga lang e. 'To naman, 'di mabiro. Santana Connor: . .. Tatlong tuldok na lamang ang aking naipadala. Wala ako akong ibang mai-reply kun'di tatlong tuldok na lang. I'm speechless. Dios mio! Mr. Virgo: Sige, ito pa, tanong ko... Ang daming tanong ah. Tama ka na, fleece? Santana Connor: 'ge lang. Mr. Virgo: Kapag ba minahal kita, mamahalin mo rin ako? Napataas naman ang kanang kilay ko nang mabasa ko ang mensaheng ito galing sa hindi ko kilalang nilalang. Ni hindi ko nga siya kilala tapos, mamahalin ko siya? Pwede naman as kapwa tao, di'ba? Santana Connor: Sino ka ba para mahalin ko? Mr. Virgo: Ay... Santana Connor: Anong ay? Mr. Virgo: Ay... 'di mo ko mamahalin? Gusto mo? Saka na kapag patay na ako. Santana Connor: Aba! Bakit kita mamahalin, e hindi naman kita kilala? Mr. Virgo: Ay ganoon ba? Haha. Santana Connor: Tsk. Tsk. Tsk. Mr. Virgo: Ito, last na. Santana Connor: Oh? Ang dami mo naman yatang tanong. Mr. Virgo: Hindi to tanong. I like every bone in your body, especially mine. Ay akala ko tanong. Pero... ano ibig sabihin niyan? Hindi ko maintindihan, e. Santana Connor: Eh? Mr. Virgo: Haha bakit? Santana Connor: Nakita mo na buto ko? “every bone in my body”, sige nga! Ilan buto ko? Minusan mo kasi tinanggalan ako ng buto. Ginawang bulalo. Mr. Virgo: Hayst ,inosente. Santana Connor: Eh? Mr. Virgo: Tama na nga. Hindi mo naman na-gets yoong mga sinabi ko e. Suko na ako haha. Oh, dito pa nga lang, sumuko ka na? Paano pa kaya kung manligaw ka? Hay nako. Santana Connor: Good. Mr. Virgo: Nabasa mo yoong una kong si-nend na message? Napaisip naman ako kung ano yoong tinutukoy niya at naalala ko yoong binasa ko na nabitin dahil sa may pumasok agad na teacher sa classroom namin. Wala na akong pakialam kung ano 'yun. Nakakatamad mag-backread kaya 'wag na. Hindi naman siguro importante 'yun kaya huwag na mag-backread. Sayang lang ang oras. Santana Connor: Hindi, nakakatamad mag backread. Mr. Virgo: Ay. Bakit hindi mo binasa. Santana Connor: NAKAKATAMAD NGA MAGBACKREAD. OH AYAN, KAPSLAK, PARA DAMA. Mr. Virgo: Sorry na, hindi ko nabasa e. Paanong hindi nabasa? Hindi nabasa or yoong 'hindi' lang ang binasa mo? Magkasama na nga 'yung message na 'yun, e. Santana Connor: Tsk. Tsk. Mr. Virgo: Kumain ka na? Santana Connor: Mamamo kain. Mr. Virgo: Luh, tinatanong kita e. Santana Connor: Ano bang pake mo? Mr. Virgo: Vawal bang mag-alala? Aba'y dinaig pa ang ama ko sa pag-aalala. Kailangan ba talaga kapag nakikipag-chat, tatanungin kung kumain na ba? Bakit? Bibigyan ba ako nito ng pagkain kapag hindi pa ako kumain? Bet ko 'yung isaw, then 'yung sawsawan is maraming sibuyas at sili. Santana Connor: Bawal. Mr. Virgo: Ayt. Santana Connor: Bye. Pamamaalam ko sa kaniya. Gusto ko na magbasa! Gusto ko na lumipat sa w*****d, please! Mr. Virgo: Saan ka pupunta? Hayst, ito na naman. Tanong na naman. Hindi ba pwedeng kapag nag-"bye", hayaan na lang? No experience ako sa mga ganito kaya, pwede ba 'yun? Santana Connor: Bakit gusto mo malaman? Plan number one: inisin ang kausap para pangit ka-bonding ang review sa'yo. Ang stratehiya ay magtanong ka lang nang magtanong para mainis sila't huminto sila sa pag-chat-chat sa'yo nang makatalon ka na sa w*****d. Mr. Virgo: Puntahan kita. Aba? Wow naman. Oh tologo bo? Santana Connor: Bakit pupuntahan? Mr. Virgo: Kasi gusto ko. Santana Connor: Bakit mo gusto? Mr. Virgo: Bakit ba tanong ka nang tanong? Santana Connor: Bakit mo kasi sinasagot? Mr. Virgo: Kasi nagtatanong ka. Santana Connor: Bakit ako nagtatanong? Mr. Virgo: Aba Malay ko sa 'yo! Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Mukhang unti-unti na umeepek ang aking stratehiya. Gumagana ang aking plano. Ang kasunod na gagawin ay ayun lang. Walang kasunod. Kung ano ang ginawa sa una, gano'n din ang gawin hanggang matapos ang usapan at makapagbasa na ulit. Santana Connor: Bakit ka galit? Mr. Virgo: Hindi ako galit Santana Connor: Bakit hindi? Mr. Virgo: So, gusto mo? Santana Connor: Bakit mo gustong malaman? Mr. Virgo: Kasi. Ano ba?! Bakit ba tanong ka nang tanong? Bakit ba hindi mo na lang i-deretsa? Bakit ba gan'yan ka? Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Natawa ako nang malakas dahil sa idinagdag niya. Hindi ko na namalayan na sumigaw na si kuya Simuel mula sa kabilang kwarto kasi raw ang ingay ko. Nanatili akong tumatawa, pero hindi gaanong malakas. Pinakalma ko ang aking sarili saka ako nag-reply sa mensahe niya. Santana Connor: Oh, ikaw naman ang tanong nang tanong. Mr. Virgo: Bahala ka na nga. Santana Connor: Good. Bye. Wattpad, I'm on my way, my home! Mr. Virgo: Hoy! Joke lang! *Are you sure you want to switch account?* Tanong sa akin ni messenger nang pumunta ako sa settings para i-switch ang account ko from roleplay account to real account. Of course, yes! I'm sure! A hundred percent sure! Mr. Virgo: Luh, Santana! Joke lang uy! Kita ko sa notification na nag-popped-up. Pero hindi ko na lang ito pinansin. *Yes* Kinlick ko ang 'yes' sa tanong ng application. Waiting ako sa pag-log out at in-open ko na rin ang button na 'do not disturb sa nay settings. "Hayst, tahimik na rin ang messenger ko," saad ko sa sarili ko at humilata sa higaan. Nag-umpisa na akong magbasa. I miss you, babybabe. My one and only babybabe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD