Birthday

3821 Words
Chapter 16 : Birthday MARAMING araw, linggo at buwan ang lumipas at kinakausap pa rin ako ni Mr. Virgo na unknown pa rin sa akin. Halos alam niya ang tungkol sa akin at ang mga ginagawa ko. Pssh, sino ba talaga ‘to? Hindi ako kasing ganda ng mga babae sa paligid, pero stalker ba ‘to? … “Santana, mamaya mo na ako reply-an. Bumili ka na muna ng makakain mo. Ang daming bumibili, oh.” Napatingin na lang ako sa harap ko’t wala ng tao. Ako na pala ang next na bibili. Pero paano niya nalamang ako na ang bibili? Paano niya rin malamang re-reply-an ko siya? “Ang ganda mo no’ng Christmas party. Knee length dress na dark blue at black heel? Hindi ikaw ‘yung Santana na nakilala ko – ‘yung boyish? Hahaha.” Sino ba ‘to?! At paano niya nalalaman ang ginagawa ko sa buhay?! Nakakatakot na, ah! What if isa talaga siya sa mga kaklase ko? Nakakatakot na, ah. Maraming beses na nangyari ito, at si Mr. Virgo lang talaga ang nagsasabi ng mga nangyayari nor ganap sa akin. May oras na sa bahay, sa school, sa practice namin sa sayaw, at kung saan-saan pa. Natatakot na talaga ako. Hindi ko alam sa sarili ko at kung ano ang pumasok sa isip kong kausapin pa rin siya. Siguro dahil sa curiosity na meron ako, gusto kong malaman ang nasa likod ng account na ito. Isasakripisyo ko ang kung ano mang pwedeng isakripisyo, malaman ko lang kung sino ka. … 11:30 a.m. Friday of February ang oras at araw ngayon. Sa totoo lang, kanina pa kaming 11:15 pinauwi. Maaga raw papasok ang mga first year senior high school students at iba pang mga panghapon. Hindi ko rin alam ang dahilan at bahala na sila riyan. Dumeretso kami ng mga tropa ko sa isang lugawan na pinakatambayan talaga ng mga highschool students. Malapit ito sa elementary school ng barangay namin. Masarap at mura kasi talaga ang lugaw dito kaya gan’yan. Palabok ang binibili ko at sobrang sarap talaga nito. Like, hmmm, sharap! “Mhiema!” Tawag sa akin ni Edzel, one of my bestfriends. Matagal na kaming magkasama at palagi siyang nandiyan sa tabi ko. From elementary to highschool, kasama ko pa rin siya. Kahit nga sa bahay, pumupunta ‘tong acclang ites! Napalingon ako sa tawag niya sa akin. Mukhang, napansin yata nila ang malalim kong pag-iisip. “Hmm?” Saad ko nang lumingon ako sa kaniya. And by the way, nag-order na rin pala kami ng makakain namin, hinihintay na lang. Ang tagal, eh, naghuhugas pa raw ng mangkok. “Ang lalim yata ng iniisip mo, nakshie ko.” Kanina, mhiema, ngayon, nakshie. Ano ba talaga kita? Nanay o anak? “Ahmm, wala ‘to. Wala ‘to.” Sabay ngiti ko sa kaniya. Napatango na lamang siya at napatingin pa sa akin. Nginitian ko na lang ulit siya. “Alam mo, Edzel, gutom lang ‘yang si Satana. Paano ba naman, hindi kumakain! Pambili niya raw ng balisong!” “Anak ng – mababalisong talaga kita. Satana, kapag hindi ka pa natigil diyan sa adiksyon mo sa mga armas. Aanhin mo ba ‘yan?” Para saan ba ang mga armas? “Ante-madam, armas nga, eh. So, pangdepensa.” Oo nga naman. Pero pwede ring dahil lang talaga sa adiksyon ko sa mga armas kaya ako bumibili ng ganito. Ang ganda kasi nilang tingnan saka ang sarap hawakan. “Hindi niya ‘yan pangdepensa, pamatay niya ‘yan. Hahaha!” Huy, hala! Grabe naman ‘yan. Hindi ba pwedeng maganda lang talaga? “Oh, siya! Tama na muna ang usapang balisong, magsikain muna kayo.” Tama! Nagugutom na rin ako, eh. W-wait, “Wala pang palabok? Asan ang palabok ko?” “Wait lang daw. Maraming bumibili, eh.” Saad ni Clarisa. Bumalik naman ako sa iniisip kong si Mr. Virgo na hindi mo talaga malaman kung sino. Sa tingin ko, hindi talaga si Quinny ‘yun. Bakit? Everytime kasi na mag-chat sa akin si Mr. Virgo, si Quinny, walang hawak na cellphone at nakikipagtawanan lang siya kina Jane at Clarisa. Every breaktime naman, hindi rin si Brent dahil puro lang siya laro ng mobile games sa cellphone niya. Imposible rin namang maging si Harry kasi nagbabasa ‘yun ng manga. Si Jane? May boyfriend ‘yun. Si Clarisa, focus sa study, no cellphone allowed kapag oras ng klase — kahit sa recess, hindi ‘yan nagse-cellphone. Ang imposible rin namang maging mga kaklase ko, puro sila daldalan at nagpa-five vs. five game sa mga cellphones nila. So sino? Argh! Wala naman akong ibang kilala na pwede akong pag-trip-an nang ganito, at magpanggap na inii-stalk ako, hayst. Napatingin na lang ako sa oras at patuloy na hinihintay ang pagkain ko. Hayst, wala pa rin? Gutom na ako… nasaan na ang palabok ko. … Ilang minuto na ang nakalipas ay dumating na ang palabok ko. Bumili ulit itong mga tropa ko ng pagkain para hindi raw ako mukhang mag-isa sa pagnguya. “Mhiema,” patuloy lang ako sa pagsubo at pagnguya ng pagkain ko habang may tinatawag si Edzel. “Mhiema,” tawag ulit ni Edzel at ako’y nakatutok lang sa pagkain ko. “Satana,” “Hmm?” Napalingon na lang ako nang bigla akong tinawag. Nakatingin sa akin ang lahat ng kasama ko, lalong-lalo na si Edzel. “Kanina pa kita tinatawag, ayaw mong lumingon.” Ay? Hala! Ako pala ‘yung mhiema na tinutukoy niya! “ Ay? Ako?” “Juskolor! I-inform lang sana kita. Next week na ang birthday ni Harry, pupunta ka?” Birthday? Kumunot naman ng noo ko sa sinabi niya. Next week na pala ‘yung February 22? Hala! Ba’t parang ang bilis naman yata? Tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung pupunta ako sa birthday ng aking tropa-pips. Hindi naman niya ako in-invite kaya hindi ko alam kung pupunta ako o hindi. Abangan ko na lang siguro ang sasabihin ni Harry na invited ako sa birthday niya, bago ako pumunta. … Hmm… ang sarap talaga ng palabok! “Hello!” Nabilaukan ako nang biglang may sumigaw sa likod ko. Napaubo na lang ako’t napainom ng tubig dahil sa gulat. Nakarinig naman ako ng mga tawa sa paligid. Rinig kong sina Edzel, Clarisa, Quinny at Jane iyon. Tumingin ako sa aking likod para alamin kung sino ang nanggulat. Nang ako ay lumingon na, nakita na kitang May kasamang iba — mali. Nang aking iikot ang aking ulo, agad naman nagpakita ang isang demonyong naninira ng aking araw — hindi lang sa isang araw, everyday. “Ano ba ‘yan?! Kailangan talagang manggulat?” Inis kong tanong kay Harry na sobrang lawak ng ngiti. “Hehe. Sorry na, pre. Invite sana kita sa birthday ko. Na-invite ko na sina Edzel, ikaw na lang ang hindi.” Ako? Ako NA LANG? Imbitahan mo man ako o hindi, hindi ako pupunta. Sorry to say, I don’t like parties. Ni birthday ko nga, ayokong i-celebrate. Palagi akong nagtatago sa kwarto kasi ang daming tao. I hate people, not because of their attitude, I hate people because I don’t trust them. Pero sige, sa isang kondisyon nga lang. “Ayoko,” saad ko ba ikinakunot ng kaniyang noo at the same time, lumaki ang mga mata niya. “B-bakit? Sa lahat ng inimbitahan ko, ikaw lang ang umayaw.” “Okay, fine.” Gusto kong umayaw, kaso ayaw ko rin siyang maiwanang malungkot, bestfriend ko kaya ‘to. “Sa isang kundisyon,” dagdag ko. “Sige, ano ‘yun? Basta pumunta ka, ah!” Oo, pupunta ako, basta gagawin mo ‘to. “Pakilala mo ako sa parents ni Brent. Pakilala mo ako sa tito at tita mo.” Sa isang iglap, nawala ang ingay sa paligid. Nanahimik si Harry, wala siyang imik. Mga ilang minuto na ang nakalipas, wala pa rin siyang imik. Sumubok muna ako sa pagkain ko at saka ako tumingin ulit sa kaniya. “Oh, ano?” Tanong ko. Bumalik siya sa reyalidad nang magsalita ako. Binubuka buka niya ang kaniyang bibig, ngunit ang kaniyang mga labi lamang ay gumagalaw. Wala akong naririnig kahit isang salita sa kaniya. Lumipas ang ilang segundo ay nagsalita na siya. “A-ah, s-sige. S-since in-invited naman sina tita, pakikilala k-kita sa ka-k-kanila.” Ang kaninang walang imik na lalaking ito, ngayon at nagsalita na. Ikinangiti ko naman ang kaniyang sinabu. Nakangiti rin siya nang malawak, mas malawak pa kaysa kanina. “A-alis na muna ako. Kita-kits na lang tayo bukas,” saad niya bago umalis nang tuluyan. Hindi ako nakapagpaalam sa kaniya. Sumigaw na lang ako ng “mag-ingat ka” na ikinalingon niya naman. Swerte ko talaga sa bestfriend ko. Maraming araw na nga ang lumipas, birthday na ng beshy ko. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga parties, ayoko ng maingay. Ayoko ng may mga taong nagsasayawan sa harap ko, nahihilo ako nang wala sa oras. Magugulat na lang ako, pumipikit-pikit ako. Hindi ko pala nasabing binigyan niya ako ng box na may lamang black above-the-knee skirt saka black half-sleeves, turtleneck shirt. Ang ganda nito na parang pupunta akong mag-isa sa sementeryo at maghintay ng mga dadalo sa burol ng mahal sa buhay. Pinakita nina Quinny ang susuotin nila. Lahat sila ay naka bright colored dresses, may iba ring medyo dark, pero malayo sa pagiging black. Ako lang yata talaga ang pupunta sa patay. And about sa sapatos, choice ko na raw kung anong klaseng sapatos ang suotin ko. Basta makapaglakad ako nang maayos. So I chose black rubber shoes hehe. Ayoko ng heels. Pake mo ba? Nagpaalam na ako. Ayoko talagang pumunta, kaso pinayagan ako, e. Sabi ko kina mama na huwag akong payagan kasi gusto kong mag-stay sa bahay, kaso may pumasok din na kung ano sa isip ko. What if nandoon si Mr. Virgo? What if magparamdam siya sa akin doon sa birthday ni beshywaps ko? E di, malalaman ko na kung sino siya? Sheeshballs. Nandito na ako sa venue ng event. Sa harap lang naman ng bahay nila. Alam niyo 'yung tent na bubong lang? Tapos, may mga lobo-lobo sa paligid. May mga bata sa paligid na nagtatakbuhan, may mga nanay na may buhat-buhat na sanggol. May makikita ka rin sa tables na plastic bags na may tatak na Spiderman at Cinderella. Aakalain mong bata ang may birthday kasi 'yung theme, Dios mio, hindi akma sa damit ko. 'Yung totoo? Birthday niya ba talaga 'to o binyag? Pinagtripan 'yata ako nito, e?! "Satana, andyan ka na pala," tawag sa akin ng pamilyar na boses mula sa likod ko. Boses ni Harry ang narinig ko. Inis ko itong hinarap sa pagbigay sa akin ng hindi akmang kulay sa theme ng birthday niya. Pagkaharap ko ay nakita ko siyang naka itim na polo at pantalon. Nawala ang inis ko sa kaniya. Pero wait, naka-black kami both, sina Quinny, bright colors? "Hayst. Na saan ang birthday venue mo? Imposibleng itong nasa likod ko ang location," turo ko sa likod ko na ikinangiti niya lang. "Dali na. Nagugutom na ako." "Ayan, oh," turo niya sa nasa likod ko. Seryoso ba talaga siya riyan?! "Eh? Hindi ba 'yan binyag?" "Hindi 'yan binyag. Ang kulit kasi ni mama, e. Sabi ko, gawing black themed ang birthday party. Wala naman akong magagawa, nanay ko 'yan, momma always knows best. Hindi ko naman alam na gagawin niya palang mala binyag ang tema ng birthday ko." Seryoso ba talaga 'to? "So bakit mo pa ako pinasuot nito?" Pagpapakita ko sa kaniya ng damit ko. Nakapurong black pa ako then, children's party pala ang naging tema. "Don't worry, gala tayo sa sementeryo mamaya," what?! "Anong pupunta tayo sa sementeryo?! Buang ka ba?" "May bibisitahin kasi. Hayst," he looked down and chuckled. Sino naman kaya bibisitahin niya roon? Puso niyang patay na patay sa akin? Eme lang. Sino namang bibisitahin niya roon? Wait… what if kaya kami pupunta roon kasi itutulak niya ako sa isa sa mga nahukay na lupa tapos, after niya akong itulak, tatabunan niya ako ng lupa then, iiwanan niya ako nang tuluyan? Huwag naman sana. "Tara na?" Ha? "Saan?" "Akala ko ba, nagugutom ka na?" Ay haha Oo nga pala. Hinawakan niya ang pulsuhan ko at nagsimula na kaming maglakad. Infairness dito sa lalaking 'to ngayon, ang bait. Dumeretso kaming dalawa sa nanay niya. Kitang-kita mula sa malayuan na masaya si tita sa ginawa niyang design sa birthday party ng anak niya. Nakita ko rin itong pumapalakpak at ang ngiti niyang abot langit habang nakatingin sa apat na tent. Papalapit na kami nang papalapit hanggang sa nakita ko ang cake. Tatlo ito — sana ol — isang black themed, isang spiderman at isang cinderella. Grabe ka, tita. Buti nakangiti pa rin si Harry hahahaha. Sayawan, kantahan, kulitan, tawanan ang maririnig mo rito. Hindi sumama ang loob ko dahil sa ingay ng party na ito. Nawala lahat ng topak ko nang makakita at makabuhat ako ng bata. Ang cute! Hanggang ngayon, bitbit ko pa rin. Hindi ko maibigay sa nanay kasi may ginagawa siya kanina pa at hanggang ngayon, hindi pa rin tapos. Isa kasi ang nanay ng bata na 'to sa nagluluto at naghahain ng pagkain. Parami nang parami ang bisita at kaya kailangan talagang kumilos ng nanay. Kilala raw ni Harry 'yun, sabi niya sa akin. Linda raw ang pangalan at nagtatrabaho raw sa kanila iyon. Nakangiti lang ako buong maghapon. Maggagabi na rin at hindi pa rin tapos ang nanay. Buti na lang at marunong ako magpatahan, magbuhat, at higit sa lahat, mag-alaga ng bata. Napasandal ako sa upuan nang nakangiti. Naagaw naman ng mata ko si Harry na kausap sina Jasmine, Clarence, Brent at ang iba pa niyang tropa. Tumingin din siya sa akin at kumaway. Ni itinuro niya pa ang bata na buhat ko. Lumapit si Harry sa akin na ikinataka ko. Akala ko, kukunin niya sa akin ang bata, pero inalalayan niya lang akong tumayo na mas ikinataka ko pa lalo. "B-bakit? A-anong meron?" "Papakilala kita kay mama. Kanina ka pa riyan tinitingnan ni mama, ayaw ka niyang lapitan," tumingin ako sa paligid pagkatapos niyang sabihin iyon. Legit no lies, nakatingin nga sa akin si mother niya na agad umiwas ng tingin at nagkunwaring nag-se-cellphone. Paano ko nalamang nagkukunwari? Wala namang liwanag mula sa cellphone niya, e. Kapag nanay, syempre malakas ang brightness, e, wala namang ilaw na mala susunduin ka, e di nakapatay. Pinuntahan namin si tita, ang ganda niya at batang-bata ang itsura. "Mama," tawag ni Harry nang tuluyan kaming makalapit sa mama niya. "Oh, ang pinakagwapo kong anak," saad ni tita. Magsasalita na sana si Harry nang bigla akong mag-greet sa mama niya. "Hi po. Bless po." Kita ko sa mga mata ng kaniyang ina ang pagkagulat. Kitang-kita na hindi makapaniwala na nagmano ako sa kaniya. May problema ba ro'n? "Baby boy?! May girlfriend ka na?!" Wait, what?! Baby boy? "Ma, ang lakas ng boses mo," halata sa boses ni Harry na nahihiya siya. Ang cute naman. Haha baby boy. "Bakit ba? Hindi mo sinasabi na may girlfriend ka na," pagtatampo ng mama niya. "Ahm… t-tita," tawag ko sa mama niya. "H-hindi po n-niya ako girlfriend and by the way po, my name is Satana." "Ay, Satana?" Tanong niya sa akin. "Ah… o-opo," nahihiya akong ngumiti pabalik. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong may kausap ako na bago lang sa akin. Parang gusto ko na lang bumalik sa upuan at patulugin nang mahimbig itong batang buhat-buhat ko. What if padedehin ko 'to? "Baby boy, siya ba 'yung palagi mong kinukwento sa akin? Y-y-yung —" "M-ma, gutom ka lang," putol niya sa sasabihin ng nanay. Kitang-kita sa mukha nito ang hiya. Kinukwento ako? Legit ba 'yan? "Anong gutom? Ang dami ko na ngang nakain, gutom pa ako? Mukha na nga akong buntis sa laki ng tyan ko, e." "Ma, buntis ka talaga." "Ay, buntis ako?" Napakunot ako ng noo ko sa tanong ng nanay niya. Bakit mas alam pa ng hangin niyang lalaki ang pagbubuntis niya kaysa sa kaniya? Ayos pa kaya 'tong si tita? "Pero alam mo ba, iha? Kinukwento ka nito. May gusto raw s—" "Satana, kumain ka na? Lamunin mo nga 'tong isang buong letchon hehe." "E, kung ipalamon ko kaya 'tong batang bitbit ko sa 'yo?" Sarkastiko kong saad. Umiyak naman ang sanggol nang matapos ko ang linya ko kanina. Bilang respeto, ngumiti at nagpaalam ako sa nanay niya na babalik ako sa upuan para patahanin ang bata. Tumalikod na ako, pero bago ako makalakad nang tuluyan, narinig ko ang nanay ni Harry, "ang ganda naman pala ni Satana tapos, ang sama mong tao. Ipapakain mo 'yung isang buong letchon, hindi niya naman kaya 'yan." Nakaupo lang ako sa upuan at nagpapatahan ng bata. Nakaramdam ako ng vibration sa hita ko. Vibration ito galing sa cellphone ko. Thankful ako sa palda, may bulsa. Kinuha ko na ang cellphone ko mula sa bulsa at tiningnan kung anong meron. May nag-chat, si Mr. Virgo. It's time to suspect. Let's consider them all as Mr. Virgo. Mag-cross out na lang tayo ng mga imposibleng maging si Mr. Virgo. Bad thing pala, 'yung iba, hindi ko kilala. Pero ayos na siguro 'yan, dahil sureball na kung sino lang ang kilala ko, sila lang ang posibleng maging si Mr. Virgo. Pero what if isa sa mga hindi ko kilala 'yun? Hasyt! Mr. Virgo: Hi! You look so good in black! At ayun na nga. Natatakot na naman ako. Hindi ko alam kung bakit ko pa rin talaga kinakausap 'tong tao na 'to na hindi ko talaga kilala personally. I mean, may dahilan ako, pero hindi ko talaga alam bakit kailangan ko pang alamin kung sino ba talaga 'to. Santana Connor: Kita mo 'ko? Mr. Virgo: Syempre! Ang ganda mo ngayong gabi! I think, this is it! It's time to look around and find who is he. Inhale, exhale, huwag mong ipahahalatang natatakot ka. Isa-isa kong tiningnan ang mga tao rito sa ilalim ng tent. Pero bago ko makita ang ibang tao sa harap ko, may humarang sa akin. Hindi pa ako tumitingala para makita kung sino 'yun dahil napatingin na lang ako sa kamay niya. Balak niyang kunin ng batang buhat ko. Nang makuha niya na nang tuluyan ang bata, tiningnan ko ang kaniyang mukha. Si nanay Linda lang pala. Bumalik ako sa aking ginagawa. Tinitingnan ang bawat isa kung ano ang ginagawa. Halos lahat ng mga tao rito ay nagtatawanan at walang hawak na cellphone, maliban na lang kina Brent, Clarence, Quinny, Harry at isang lalake na hindi ko kilala. Tinitigan ko si Brent pati na rin ang kaniyang hawak na cellphone. Wala siyang ibang ginagawa sa cellphone niya kundi ang magpindot-pindot. Naglalaro siya ng ML. Malay ko kung sino ang kalaro niya. Pero sure ako na kalaro niya si Clarence. Palagi naman 'yang naglalaro na dalawa, e. Kahit sa classroom, 'yun ang ginagawa nila. Ekis na silang dalawa. Harry, Quinny, at si unknown guy. Si Quinny, nag-se-selfie lang. Nakatingin din siya sa cake at agad 'tong pinicturan. Wala naman na siyang ibang ginagawa kundi ayun na lang. Si Harry, hawak niya lang talaga ang cellphone niya. May kausap din siya harap-harap. Imposible ring siya si Mr. Virgo dahil una sa lahat, umamin na siya sa akin. Isa pa, nagkakausap-usap naman kami sa chat, at ang huli ay ang ayaw niyang nakakaramdam ako ng diskomportable. Kung susuntukin niya ako, alam niya na ayos lang sa akin dahil na rin sa babawian ko rin naman siya. Suntok lang naman 'yun, ayaw niyang pinaparamdam niya sa akin at sa ibang tao na creepy siya. Last suspect, si unknown guy. Tinitigan ko iyon. May tinititigan sa cellphone. Nakangiti rin siya. Napakunot noo na lang ako nang bigla niyang itaas ang cellphone niya at tinapat sa akin ang cellphone. Nang makita niya ako na nakatingin sa kaniya, agad niya itong binaba. Tumayo siya at umalis. Sumasama ang kutob ko. Siya na ba si Mr. Virgo? Nagdadalawang isip ko kung susundan ko ba siya o hindi, pero alam niyo kung ano ang ginawa ng paa ko? Ayun, sinundan siya. "Excuse me!" Sigaw ko nang makalayo na kami nang konti sa tent. Kita ko namang napalingon siya at kita ko rin na gusto niyang tumakbo, pero huli na dahil nahawakan ko ang pulsohan niya. "A-anong k-ka-kailangan mo?" "Ilabas mo ang cellphone mo," puna ko at nanatiling nakahawak ako sa kaniya. Sa una ay ayaw niya pang ilabas ang cellphone niya. Nang aking higpitan ang pagkakahawak sa kanyang pulso, inilabas niya na. Inilabas ko na rin ang cellphone ko, "on mo phone mo," saad ko sa kaniya at tinawagan ang Mr. Virgo na 'yun. Sa kasamaang palad, walang ring, wala 'yung hinahanap ko. "Tatawagan mo 'ko, wala naman akong number mo. Kailangan mo ba number ko, miss? By the way, I'm Vince Drew Vaderio. Harry's cousin," napabitaw naman ako sa kaniya. "Hindi ko kailangan ng number mo. Thank you, but no thanks," saka ako umalis. Hindi pa ako nakalalayo sa kaniya nang tuluyan nang tawagin niya ako, "miss!" I stopped. "I just want to say, you look good. Now I know why my cousin talks about you, a lot. I may took some photos of you without any permission, I'm sorry and don't worry, para kay Harry 'to. He always want to have a picture with you, pero nahihiya siya. Again, I'm sorry. I-de-delete ko 'to after kong i-send sa kaniya. Ayos lang ba sa 'yo na i-send ko 'to sa kaniya? Wala naman siyang gagawing masama. Kapag meron, bugbogin mo na lang." I turned around and say, "sure. May tiwala naman ako sa kaniya, e. Sige, balik na ako ro'n." Babalik na sana ako nang naalala ko na bigla siyang umalis nung tingnan ko siya, nung pictures niya ako. "Wait!" Lumingon naman siya sa akin. "Bakit ka aalis? Hindi pa tapos ang party, ah?" "Ah… ipapa-print ko lang 'to para mas maalagaan niya." "Akala ko ba, i-se-send mo?" "Soft copy and hard copy ang ibibigay ko." "Ah… okay. Sige." "Sige, balik ka na ro'n. Sigurado akong hinahanap ka na no'n." ••• 10:30 na no gabi at ngayon palang ako nakauwi. Hindi naman ako pinagalitan since nagpaalam naman. Hinatid din ako ni Harry para sure na hindi ako pagalitan. Mr. Virgo: Bakit mo ako tinawagan? *Sent 2 hours ago.* Message sa akin ni Virgo 'yan. Hindi ko na lang pinansin. Hindi ko si-neen nakita ko na lang sa notification bar ko 'yang message niya. Nakakainis! Hindi ko nalaman kung sino si Mr. Virgo. I think, it's time to ignore him. Una sa lahat, sobrang creepy na talaga. Hindi na kinakaya ng powers ko. Natatakot na ako, baka hanggang pagbanyo ko, pinapanood niya ako. Sana naman hindi. I will not block him, I'll just ignore him. If I blocked him, there's a possibility that he will create new account just to talk to me…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD