Mr. Virgo

2534 Words
ILANG araw na ang nakalipas, pero iniisip ko pa rin talaga ang nangyari sa party. Nalaman niya na black ang suot ko, hindi 'yung pinsan ni Harry na si Vince, hindi sina Brent. S-sino? “Sino ba talaga siya?” Paano niya nalaman kung nasaan ako kahapon? Kagabi? Kilala ba siya ni Harry para i-invite? Pero nasa RPW si Mr. Virgo, sureball na hindi kilala ni Harry si Mr. Virgo. Stalker ko ba siya? Coincidence lang ba lahat? Pinaglalaruan ba ako nito? Tao ba siya or bot lang? Sino ba talaga siya? Narito ako sa bahay, sa kwarto, nakahiga at nakatulala sa kisame. Hanggang ngayon, nababaliw rin ako dahil doon. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam bakit ko gagawin ang isang bagay na posibleng makapagpahamak sa akin, pero sana naman ay walang masamang mangyari sa akin pagkatapos kong gawin ang bagay na 'to. *Mr. Virgo • active now* Should I take a risk? Wala naman sigurong mawawala? Santana Connor: Hi. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Natatakot na kasi ako sa kaniya, pero ito ako, ang tapang pa rin. Nagbabalak na tanungin siya. Sana naman ay sagutin niya. Mr. Virgo: Oh hi there! Ang tagal mong hindi nagreply Anong na ang ganap sayo? Okay ka pa ba? Hindi mo sinagot yung tanong ko last time. Bakit mo ako tinawagan? But you know what? Nvm. Ano pala ang ganap sayo ngayon? Ang dami niyang tanong. Ewan ko kung kaya kong sagutin lahat. And if ever man na masagot ko 'yan lahat, sana ay masagot niya 'yung mga tanong ko na gumugulo sa isip ko. Santana Connor: Nothing. I just want to ask something. Ganito ba talaga kapag kinakabahan? Napapa-english? Mr. Virgo: Tell me, what is it? Santana Connor: Sino ka ba talaga? Mr. Virgo: Someone you know Santana Connor: Someone you know? Hindi nga kita kilala. Is he gagoing me? “Someone you know,” e hindi ko nga siya kilala. Dati ba 'tong baliw? Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko siya kilala. Hindi ba pwedeng sabihin niya nalang nang deretsahan kung sino siya? Mr. Virgo: Huwag mo na alamin. My identity is too confidential. Santana Connor: Your IDENTITY is confidential, my life either. Kaya kung pwede ba, sabihin mo na or else… Mr. Virgo: Or else, what? Ipakukulong mo ako? Ipatetrace mo ako? Then go! No one's going to stop you. Santana Connor: Ang tapang mo talaga, 'no? Isa pang tanong. Mr. Virgo: Then, ask me. Santana Connor: Paano mo nalaman na nasa party ako last time? Mr. Virgo: Why would I answer that? Santana Connor: Stalker ba kita? Pinaglalaruan mo ba ako? Tao ka ba talaga? Nantitrip ka ba? Sino ka ba, ha?! Sino ka ba para takutin ako? Mr. Virgo: Hey Isa isa lang Kalma Santana Connor: Paano ako kakalma? Ha? Alam mo bang nakakatakot ka na? Alam mo bang kinikilabutan ako sa 'yo? Alam mo bang takot na takot na akong lumabas ng bahay dahil sa 'yo? Dahil sa kapag lumabas ako ng bahay, baka mapahamak ako. Alam mo bang nababaliw na ako kaiisip kung sino ka at anong pakay mo sa akin? Please! Sabihin mo na kung sino ka! Mr. Virgo: No I will never tell you who I am Dahil sa sagot niyang iyon, mas kinilabutan pa ako. Lalo akong nakaramdam ng takot na baka nakatitig na siya sa akin ngayon sa labas ng bahay. May secret camera na nakalagay kung saan man at pinapanood niya na ako. Tahimik akong nagtitipa sa aking cellphone at unti-unting tumulo ang luha ko dahil sa takot. Nanginginig at nanghihina na rin dahil sa takot ang aking mga kamay at buong katawan na para bang kaiinom ko lang ng anim na basong kape. Pati ang aking mga labi ay aking kinagat dahil sa hindi ko na kinakaya ang aking kaba. A-ayoko siyang tigilan. Gusto ko siyang kausapin hanggang sa malaman ko kung sino siya. Aking pinunasan ang aking mga luha at biglang nag-popped up ang bubble chat sa screen ng aking cellphone. Inilabas nito ang profile picture na hindi ko makilala. Ngayon ko pa lang ito nakita. Never in my life at sa Messenger ko, hindi ko pa ‘to nakita. Hindi ko muna ito binuksan dahil sa natatakot na talaga ako. I removed the bubble chat and binuksan ang lite — real account — ko para na rin pakalmahin ang aking sarili. Para kahit papaano ay mawala ang aking inaalala. Kaso, naalala kong panandalian lang pala itong mawawala. ••• Right now, nanonood ako ng vlog ni Ninong Ry. Base sa caption, he's challenging himself na gumawa ng 20 dishes in an hour. 20 dishes? Posible kaya 'yun? Ako kasi, kapag nagluluto, inaabot ako ng isang oras at kalahati sa isang dish. Syempre si ninong Ry 'yan kaya posible. But in the end, 14 dishes lang — but still, ang galing niya. Kinaya niya 'yun. Galing! Habang nanonood ako ng kung anu-ano, someone messaged me. Si boss Zishio 'to. Zishio Navarro: Hey. Santana Connor: Yes, boss? Zishio Navarro: Don't call me “boss”. Santana Connor: Ay, sorry. Zishio Navarro: It's okay. Just don't do it again. Santana Connor: Okay. Zishio Navarro: I just want to tell you to unblock Jake. He want to ask you something. About his proposal. Santana Connor: Proposal? Anong klaseng proposal? Zishio Navarro: Just unblock him. Santana Connor: Paano kung ayoko? Zishio Navarro: Napaka ma-pride mo. Santana Connor: Bakit ba? Anong proposal ba 'yun? Zishio Navarro: Iaunblock mo o masusunog account mo? Santana Connor: Sunog? Zishio Navarro: JUST UNBLOCK HIM! Oo na, ito na. I-a-unblock ko na. Ano na naman kayang gagawin no'n? Anong proposal pinagsasasabi nito? Pagkabukas ko ng messenger ko ay agad kong in-unblock si Jake. Pagbalik ko sa lists ng mga nag-cha-chat sa akin, nakita ko ang pangalan ni Quinny. Pinadalhan niya ako ng mensahe galing sa real account niya. Si Quinny pala ang nag-message sa akin kanina. New profile kaya hindi pamilyar, hindi rin masyadong makita ang tao sa profile kaya hindi ko alam na siya pala 'yun. Wait, ba't niya chinat 'tong account na 'to? Alam niya na ba? Binuksan ko ang unread message ni Quinny. Bigla akong kinabahan nang makita ko 'yung message niya para sa sakin. 'Di ko alam kung bakit kailangan kong kabahan. Basta, kinakabahan ako. *Quinny Rifol • active now* Quinny Rifol: Satana Jones Reyes Ocampo? Santana Connor: Ha? Quinny Rifol: Satana Alam kong ikaw yan Santana Connor: Ano bang pinagsasasabi mo? Quinny Rifol: Huwag ka na magpanggap. Sinabi na sa akin ni Jake. Matagal na sinabi sa akin ni Jake. Satana, alam kong ikaw 'yan. Paano naman nalaman ni Jake na ako 'to? Hindi ko naman sinabi sa kaniya, hindi ko naman ni-reveal. Or baka may nasabi ako sa kaniya na hindi ko lang maalala. Agad kong inisip nang paulit-ulit kung may nasabi ba ako tungkol sa identity ko at ang rason kung bakit alam ni Quinny at Jake kung sino ako. Halata ba sa name ko? Sinubukan kong i-search ang name ko sa social media para makita kung marami ba o kakaunti lang ang gumagamit ng ganitong pangalan. As what i've searched, iilan lang ang gumagamit. Pero paano niya naman nalaman na ako 'to? Sinabi ko ba talaga? Parang hindi talaga. Quinny Rifol: Satana Alam kong ikaw 'yan kaya huwag mo na i-deny. Santana Connor: Oo na. Ako na. Masaya ka ba na nag-stay ako rito sa RPW? Masaya ka ba kasi part ako ng SBH at SH ng Navarro? Masaya ka na ba? Pero huwag ka munang magsaya. Hindi ako maghahanap ng lalake dito. Quinny Rifol: Alam ko. Alam kong hindi ka maghahanap ng lalake. Pero may gusto akong sabihin sayo. Ano kayang sasabihin niya? Kinakabahan tuloy ako. Mamamatay na ba ako? Kicked out ba ako sa school? Wait! Wala naman akong ginawang masama. May jowa na si Brent? Okay. Okay lang naman sa akin kung meron, ang importante ay masaya siya ngayon. Santana Connor: Ano 'yun? Kinakabahan ako sa 'yo, e. Quinny Rifol: Wala pala akong sasabihin pero may tanong ako. Santana Connor: Ano 'yun? Sabihin mo na. Quinny Rifol: Bakit mo sinundan 'yung pinsan ni Harry nung birthday niya? Alam mo bang hinahanap ka ni Harry that time? Bigla ka kasing nawala sa tents. Pero nakita kitang sumunod sa pinsan niya. May sasabihin daw sana siya sa 'yo kaso bigla kang nawala. Santana Connor: Sinabi niya ba sa 'yo kung anong sasabihin niya sa akin? Quinny Rifol: Hindi, e. So, bakit mo nga sinundan? Santana Connor: Napagkamalan lang. Quinny Rifol: Napagkakamalang… ano? Santana Connor: Wala. Wag mo na alamin. Quinny Rifol: Sabihin mo na. Hindi ko sasabihin kahit kanino. Promise. Si-neen ko na lang siya after. Medyo wala kasi akong tiwala sa mga kaibigan ko, kasi pinagkakalat nila yung iba kong sikreto. Gusto ko siyang tanungin. Kaso mamaya na lang. Kapag nakabuo na ako ng tiwala kahit kakaunti, kauusapin ko ulit siya…sa real account na para sure. Napapaisip ako sa sinabi ni Founder kanina. Proposal daw ni Jake. Proposal para saan naman? Project ba? Some of proposals kasi ay ginaganap sa meetings ng mga officials, ng mga directors, ng mga employees, right? Ano naman i-po-propose niya? Kausapin ko na kaya siya para malaman ko kung ano 'yung proposal? *Jake Navarro • active now* Santana Connor: May proposal ka raw? Anong proposal? Jake Navarro: Ha? Proposal? Wait… Unblocked na ako! Yes! Ha? Ba't 'to masayang na-unblocked? Proposal ang gusto kong alamin at mga kasagutan sa mga tanong ko. Santana Connor: May proposal ka raw. Jake Navarro: Sinong nagsabi? Santana Connor: Si Founder. Jake Navarro: Ahh… wala yun. Sinungaling yun si boss. Wala talagang proposal. Gusto ko lang na-unblocked Santana Connor: Okay, block na ulit kita. Jake Navarro: Wait! Wag please! Santana Connor: Ayaw mong ma-block? Jake Navarro: Ssyempre. Santana Connor: Hindi kita i-ba-block, sagutin mo lang ang mga tanong na gusto kong malaman ang kasagutan. Sobrang curious na talaga ako at palagi na lang nitong ginugulo ang isipan ko. Jake Navarro: Sure! As you wish, my lady. Santana Connor: Huwag mo nga akong tawaging ganyan. Kinikilabutan ako. Jake Navarro: Ay sorry Sige sige Ano bang mga tanong mo? Tina-type ko na lahat ng mga tanong ko. Mga pito lang. Lalagyan ko na lang din ng number para sure na pito lang talaga ang maitatanong ko. Bibigyan ko na lang siya ng additional questions kapag na-curious na talaga ako lalo sa mga sagot niya. Masasagot niya kaya lahat ng tanong ko? Sana naman ay oo, ano? Gusto ko na mawala lahat ng tanong sa isipan ko na related kay Mr. Virgo at kay Quinny. Nauurat na ako! Hindi na talaga ako mapakali. Santana Connor: Alam mo ba kung saan akong event pumunta last time? Jake Navarro: Ha? Malay ko. Hindi ko alam alam kung saan ang bahay mo at kung anong pinuntahan mo. Binlak mo nga ako diba? Ano ba yang tanong mo? Akala ko kaya ng knowledge ko yan. Santana Connor: Kilala mo si Quinny Rifol? */Sent a photo* Jake Navarro: Kilala ko yan! Siya ang nagpakilala kay Hellmon sa akin. And I know that you are Hellmon. Wala kang takas sa akin. Santana Connor: Friends ba kayo ni Quinny? Jake Navarro: Let's say, yes. Pero simula nung nag-delete ka ng account mong Hellmon hindi na kami friends. Nagalit siya sa akin kasi hindi kita napa-stay sa RPW and also, hindi mo ako naging boyfriend. Santana Connor: Hayst. Ito pa ang tanong ko. Paano kayo nagkakilala? Jake Navarro: To be honest, she's my childhood crush and until now, may gusto pa rin ako sa kaniya. Nag-confess na ako but it ended up rejected. Malaki na kami nung nagconfess ako. After kong magconfess nalaman ko na lang na may boyfriend siya. Wala siyang sinabi sa aking masakit kundi ang rejected na ako. Tinulak tulak niya pa ako basta makalayo ako sa kaniya at tigilan niya ako. Then naalala niya na lang ako nung ipapakilala ka raw niya sa akin. Reto raw gano'n. Santana Connor: What? Do you still have feelings for her? Jake Navarro: Ahmm… no. But I do have crush now. Santana Connor: Who? Jake Navarro: Secret no clue. By the way, I'm gay. Lalaki want ko. Santana Connor: Gay ka? When pa? Jake Navarro: Naramdaman ko na lang na maganda ako nung nagkagusto ako kay pawn. Santana Connor: Kay pawn?! Jake Navarro: Anong kay pawn? Wala akong sinabi. Ay! Hala! Oh my love! Nadulas ako! Santana Connor: Ba't ako kinikilig? Hahahahah. Jake Navarro: Bhe, wag mong sabihin, a! Santana Connor: Your secret is safe from me. Jake Navarro: Thank you bhe May tanong ka pa ba sa akin? Santana Connor: May kilala kang Mr. Virgo sa RPW? Jake Navarro: Mr. Virgo? Meron. New account. Friend ko sa account ko. Mutual friends pa nga natin, e. M-meron? H-ha? Wait. Did someone gave me Jake to find who's behind that account? Did someone gave him to me to be my guide? Kilala niya kaya 'yung nasa likod ng account na 'yan? Please! Tell me! Santana Connor: Do you know who's behind that account? Jake Navarro: Yes bhe. Friend ko siya dito saka in real life. Why bhe? Santana Connor: Can you please tell me who is he? Please! I'm begging you! Jake Navarro: He? Santana Connor: Yes, he! Like, lalaki. Gano'n. He. Jake Navarro: Hindi siya lalaki. Babae 'yun. CRP. Santana Connor: CRP? Jake Navarro: Cross Roleplayer. Kumbaga lalaki ang identity mo sa rpw, in real world naman, babae. Pwede ring babae ang identity mo sa rpw, lalaki ka naman in real world. To be honest, I do have a CRP account. Hehe. But, I only use it to talk with my love. Kilala mo na yun kung sino. Santana Connor: Are you sure, she's a CRP? are you sure that she's a SHE? Jake Navarro: Oo! Alam mo ba, ever since nalaman ko kung sino ka in real world, nakikita n kita sa school. Ang talented mo pala, gurl! Dancer na, singer pa! Ang angas din ng dating mo! And also, everytime na sumali kayo ng section niyo sa contest, palaging nakatingin sayo yugbeshy ko. Santana Connor: Sinong beshy? Jake Navarro: Si Mr. Virgo. Santana Connor: Okay, I already have all of my answers I want. I mean not all. Thank you for this information. I really appreciate it. Jake Navarro: Always welcome bhe. Basta secret lang natin yung pagkakaroon ko ng crush kay pawn ah. Huwag mo rin siyang aagawin sa akin. Santana Connor: Hindi ko siya aagawin sayo. Is this kind of, "pinaninindigan talaga nila ang fake identity"? I already have my suspect, but I'm not sure if siya ba talaga. She's the one who introduced me to this world. But as what Jake said, palagi silang magkasama everytime na magkaroon kami ng sasalihang contest. Kapag nagkaroon naman kami ng contest, kasali rin si Quinny. She's actually one of the participants at kung hindi man siya one of the participants, hindi rin ako kasali kasi, gusto kong kasama siya palagi. She's also talented at we're both the center of the dance group ng klase namin. Kapag wala siya, hindi ako sasali. Imposibleng si Quinny yun. Imposible ring mga tropa ko yun. Who are you? Now, my head starts to ache because of a lot of QUESTIONS your identity made.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD