Chapter 2

1462 Words
Mabilis na lumipas ang taon. Nasa kolehiyo na silang pareho ni Adrian. Nasa unang taon siya sa kolehiyo at nasa ikatlong taon naman si Adrian. Sa buong pag-aaral niya ay kasa-kasama niya ang lalaki sa iisang paaralan. Ginawa kasi ng kanyang ama na taga-pagbantay niya ito. Parang bodyguard sa lahat ng bagay. Lingid sa kaalaman ng kanyang ama, hindi naman siya binabantayan ni Adrian bagkus, siya pa yata ang naging tagabantay nito. "Nandiyan ba si Adrian?" tanong niya sa mga babaeng bigla na lang humarang sa kanya sa pinto. Pinuntahan niya ang lalaki sa silid kung saan ginanap ang kanilang klase. Idinungaw niya ang kanyang ulo pero wala siyang makitang anino ng kung sinoman sa loob ng silid. Pinameywangan siya ng tatlong babae. Ang isa ay ngumisi at tinaasan siya ng kilay. "At bakit mo na naman hinahanap si Adrian?" mataray na tanong nito. Napaatras at napakagat labi si Lalaine dahil sa paraan ng pagtitig sa kanya. Para bang may binabalak na masama ang mga ito. "U-Uwian na kasi, kailangan na naming umuwi," anas niya at napayuko. Alam niya na ang tatlong babaeng iyon ay naghahabol kay Adrian. Ang isa roon ay pinaglaruan lang ng binata pero hayun at nakakapit pa rin na parang linta kay Adrian. "Kita mo naman itong tsimimay ni Adrian oh, napakamasugid talaga. Hoy! Umuwi ka mag-isa mo. Wala rito iyong tao!" Idinuro-duro siya ng isa pang babae. Maliit at mataba ito. Tantiya niya ay nasa kili-kili lamang niya ang taas ng babae. Napakagat labi siya. Kahit alam ng mga ito kung sino ang ama niya ay hindi siya kinakatakutan. Alam kasi ng mga ito na hindi siya magsusumbong. Natatakot siya sa anumang gawin ng kanyang ama sa mga ito. Iba magalit ang ama niya. Ikang beses na niya iyong nasaksihan. Nakatatak na sa kanyang isip kung paano magalit ito, kung kaya't pinagtatakpan niya lagi si Adrian. "Nasaan siya, baka kasi pagalitan na naman siya ng Papa ko kapag hindi ko siya kasamang umuwi," mahina niyang saad. Humagalpak ng tawa ang tatlong babae. Pinaligiran na siya ng mga ito. "Kaya mo naman siyang pagtakpan, hindi ba?" Mas lalo siyang napayuko. Hinablot ng babaeng mestisahin ang kanyang buhok para mapatingala siya. Matalim ang titig nito sa kanya. "Alam mo, nakakairita iyang pagmumukha mo na laging nakabuntot kay Adrian. Wala ka bang pakiramdam? Alam mo bang diring-diri na siya sa presensiya mo!" singhal nito sa pagmumukha niya. "Ang pangit-pangit mo pa kaya ka niya lagi na lamang tinataguan!" Nagbadya ang luha sa kanyang mga mata. Alam naman niya na iniiwasan siya ni Adrian. Nararamdaman niya na naiinis ito sa tuwing lalapit siya. Kaya nga pinipigilan na lamang niya ang sarili kapag kasama nito ang mga kaibigan. Saka na nga lamang niya ito kinakausap kapag wala itong kasama. Ngayon lang talaga dahil gusto ng kanyang ama na kasama silang dalawa ni Adrian sa pag-attend ng isang birthday party. Tinulak-tulak siya ng babaeng payat at matangkad sa balikat pagkatapos bitiwan ang kanyang buhok. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Gusto niyang sabunutan ang mga ito. Gusto niyang lumaban, ilaban ang kanyang sarili. "Ano iyan?" Dumagundong ang boses ng isang lalaki mula sa b****a ng hallway kung nasaan ang hagdan. Agad nag-alisan ang mga babae nang makilala nila kung sino iyon. Si Allen, isa sa matalik na kaibigan ni Adrian. Napayuko siya dahil tumulo ang luha niya. Naiinis siya dahil hindi  na naman niya naipagtanggol ang sarili. Palihim siyang napasuntok-suntok siya sa kanyang hita. Mahihina hanggang sa papalakas iyon. Nang maramdaman niya na nasa harapan na niya ang lalaki. Nakikita niya kasi ang sapatos nito mula sa kanyang pagkakayuko. "Okay ka lang, Laine?" Napatingala siya nang mahimigan niya ang  boses nito ng pag-aalala. Matipid itong ngumiti nang magtama ang kanilang mga mata. "Si Adi ba ang hinahanap mo?" muling tanong nito na ikinatango niya. "Halika, dadalhin kita sa kanya," sabi nitong  inakay siya. Bantulot siyang sumama rito nang papalayo na sila sa mataong lugar. Papunta sila sa abandonadong gusali sa kanilabg paaralan. Iyon dati ang nasunog na Library. Balak na iyong gibain sa susunod na taon para gawing panibago. Naramdaman naman ni Allen ang pag-aalinlangan niya kaya napatigil rin ito at hinarap siya. "Natatakot ka ba?" Marahas siyang umiling kahit totoo naman. Unang beses niyang sumama sa isang lalaki. Alam niyang mabait si Allen pero iba ang nararamdaman niya. Itinaas niya ang makapal niyang salamin para tignan ito. "Dito na lamang ako. Pakisabi na lamang na maghihintay ako sa sasakyan." Tumalikod siya at handa nang humakbang paalis nang hawakan siya nito sa braso. Napapiksi siya at agad na napalayo. "Takot ka nga," kumpirmasyon nito. "Huwag kang mag-alala, hindi ako nangangain ng tao Lalaine. Sasamahan lang kitang tawagin si Adrian," madilim ang mukha na saad nito. "Isa pa, kailangan mo ng suporta sa makikita mo," wika nitong nakapagpakunot ng kanyang noo. Humakbang ito palapit sa kanya. Gusto niyang umatras pero hindi siya makakilos. Parang naipako ang paa niya sa kinatatayuan. "Just ready yourself!" bulong nito saka siya inakay na muli. Nagpatianod siya sa paglalakad. Wala siyang nagawa dahil hawak siya nito sa palapulsuan habang hila-hila. Nakarating sila sa gusali at umakyat sa ikalawang palapag. Hindi pa man sila nakakarating ay rinig na rinig na nila ang kakaibang tunog. Napatigil siya at hinila ang kamay na hawak ni Allen nang makumpirmang ang kakaibang tunog ay mga ungol ng nasasarapan. Ngunit hindi nagpatinag si Allen at hinila pa rin siya.Papalakas na papalakas ang ungol ng isang babae. "Faster, babe, faster!" Halos hiyaw na nito. Gusto niyang takpan ang teynga pero hindi niya magawa. Nang tumigil si Allen sa b****a ng isang silid. Nakatayo lamang doon ng ilang saglit. Patuloy pa rin ang pag-umpugan ng dalawang katawan habang walang humpay ang mga ungol. Hinila pa siya ni Allen palapit at itinulak sa bukana.Nanlaki ang mga mata niya nang masaksihan ang ritmo ng sayaw ng dalawang hubad na katawan. Nakatayo ang lalaki habang nasa ibabaw ng mesa ang babae. Halos mahigit niya ang hininga noong mapagsino ang lalaki. Napalunok at kumawala agad ang luha sa kanyang mga mata. "Babe, I'm coming... s**t!" Napasigaw  sa mura ang babae nang biglang pumailanglang sa buong silid na iyon ang tunog ng palakpak. Natatawang naglakad papasok si Allen habang ang mga kamay ay nagsasalubong para sa malakas na palakpak. "Oopps...time out na muna. Tama na muna ang palabas! May panauhin tayong birhen pa ang mata rito!" saad nitong natatawa. "Gag..." hindi naipagpatuloy ni Adrian ang sasabihin nang magtama ang mga mata nila. "Tsk!" Napabuntong hininga ito at ibinato ang condom na tinanggal kay Allen. Nakaawang pa rin ang bibig ni Lalaine nang muli siyang sulyapan ni Adrian na ngayon ay mabagal na nagbibihis. Samantalang ang babaeng kasama nito ay hindi magkandaugaga sa pamumulot ng damit para makapagbihis na rin. Nagkalat sa sahig ang pang-ibabang damit nito. Nang makapagbihis si Adrian ay naglakad ito at nilagpasan siya. Ni hindi siya tinapunan ng tingin. Madilim ang mukha nito nang halos magkatapat sila. "Wait for me, Adi!" sigaw ng babaeng katalik nito pero hindi ito pinansin ni Adrian. Maging siya ay iniwan nito roon na nakatulala. "Do you need me to carry you, Laine? Mukhang hindi mo na kayang maglakad." Kinilabutan siya sa bulong na iyon ni Allen lalo pa at masyadong malapit ang mukha nito sa kanya. Dumadampi ang buga ng hininga nito sa kanyang balat dahil sa lapit nila sa isat-isa. Napalunok siya at dahan-dahang napaatras. Hindi niya namalayan ang hagdan sa kanyang likuran. "s**t! Watch out!" sigaw ni Allen at mabilis siyang tinakbo para hablutin bago pa man muling mapahakbang paatras. Napayakap siya sa katawan nito nang hilahin siya. Bumangga ng husto ang mukha niya sa dibdib nito. Dahil sa matinding kaba, bumilis ang t***k ng kanyang puso. Ewan niya kung ilang segundo o minuto sila sa ganoong ayos. Naghiwalay lamang sila nang muling dumungaw si Adrian mula sa ibaba ng hagdan. "What are you doing?" sigaw na tanong nito sa blankong ekspresyon. Kitang kita nito ang posisyon nila ni Allen. Napakagat labi siya at hindi makatingin ng diretso dito. Pumapasok sa kanyang isip ang nasaksihang eksena kanina. Ang itsura ni Adrian habang tula sarap na sarap sa pagbayo sa babaeng cheerleader sa kanilang basketball team. "Lets go, Laine!" sigaw nito at muling humakbang palayo sa kanila. Si Allen lang at Adrian ang tumatawag sa kanya sa pangalang iyon. Karamihan ay pangit ang nickname sa kanya ng ibang mga estudyante. Kapag nga magkasama sila ni Adrian, kung hindi tsimimay, the beast ang tawag sa kanya. Kabaliktaran daw ng 'The Beauty and The Beast' sila ni Adrian.  Si Adrian ang guwapo at siya ang the beast. Humugot siya ng lakas ng loob para itulak si Allen. Napatawa ito sa kanyang ginawa nang muli, inulit niya ang panunulak dito hanggang sa mabitiwan siya. Imbes na magpasalamat ay tumakbo siya palayo rito para mahabol si Adrian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD