Hindi siya makapaniwala sa nakikita sa salamin pagkatapos ng lahat ng ginawa sa kanya. Kung hindi niya lang alam sa sarili na siya iyon ay masasabi niyang ibang babae ang nakikita niya sa harap ng salamin. Inahitan ng bakla ang kilay niya. May pa-facial wash pa ito na ginawa. Pagkatapos ay ni-make-up-an siya nito. It was a light make up na bumagay sa kanya. Napilitan rin lang siyang magupitan ang kanyang buhok, nilagyan kasi siya nito ng bangs dahil bagay raw sa maliit niyang mukha na korteng puso. Pumalakpak ang baklang tila naging fairy God Mother niya sa pagkakataong iyon. "Now, ang problema na lamang ay ang salamin!" maartemg bulaslas nito. Iyon din ang sinabi ni Jeanne, kaya naman pagkatapos nila sa salon ay sa isang klinika naman sila pumunta para sa mga mata. Kailangan niya raw

