"Kailan pa niya sinasaktan ang sarili niya?" Mula sa pagkakapikit ay rinig niyang tanong ni Doctor Chua. Private doctor ng kanilang pamilya. "I...don't know. Kanina ko lamang siya nakitang ganyan, Zeny," sagot ng matandang Dy. Ayaw naman magmulat ng mga mata ni Lalaine o iparating sa mga kasama sa kuwarto na gising na siya. "She needs help! Psychological help. Hindi normal ang pananakit niya sa kanyang sarili..." "Sinasabi mo bang baliw ang anak ko, Zeny?" Tumaas ang boses ng kanyang ama. Ang kamay niyang nasa loob ng kumot ay nakakuyumos sa bed sheet. Galit ang kanyang ama. "Hindi, Jovito, ang sinasabi ko lang ay..." "Makakaalis ka na doktora. Walang sakit ang anak ko kaya hindi ka na kailangan dito!" "Jovito..." Tinalikuran ng matandang Dy ang doktora. Walang nagawa si Zeny kundi

