Chapter 7

1348 Words
Kinaumagahan, excited si Lalaine para pumasok. Unang araw kasi iyon na talagang magsasabay na sila ni Adrian. Iyong hindi napipilitan ang lalaki na magsabay sila papasok ng paaralan at susunduin pa siya nito kapag uwian. Iyon ang pilit niyang sinisiksik sa kanyang isipan. Paniniwalaan. Tama, para maging masaya siya, iyon ang paniniwalaan niya. Napawi nga lamang ang malawak niyang ngiti sa labi nang mapagtantong nasa huling semester na pala si Adrian. On the Job Training na ito at hindi na niya masyadong makikita o makakasama sa paaralan. "Dito tayo magkita mamaya. Dapat narito ka na. Text me," bilin nito at agad na umalis pagka-park ng sasakyan. Hindi niya nasabing wala siyang numero nito. Madalas kasi itong magpalit, kapag ginusto ay halos tatlong beses sa isang buwan. Napanguso siyang papasok sa kanilang silid-aralan. Gusto niyang maging guro kaya kinuha niya early childhood education, taliwas sa kagustuhan ng kanyang ama na Business Ad ang kunin gaya ni Adrian. Pinilit ipakuha ng kanyang ama kay Adrian ang kursong iyon kahit alam nitong ayaw rin ng lalaki iyon. Gusto ni Adrian ang arkitektura. Kung malaya niyang nakukuha ang gusto at laging pinagbibigyan ng kanyang ama, kabaliktaran naman ang ginagawa nito sa ibang tao. Malupit ang kanyang ama sa mga ito. Gaya na lang ng kay Adrian. Naupo siya sa dati pagkarating sa loob ng silid-aralan. Maingay na ang bawat sulok ng silid. Nagkukumustahan at naghahagikgikan ang iba gaya ng araw-araw na ginagawa. Ang kaibahan lang, hangin siya kung ituring ng mga ito. Walang sinoman ang pumapansin sa kanya. Tsaka lamang siya kilala ng mga ito kapag gagawin siyang katatawanan. Kapag gusto siyang pag-trip-pan. Tahimik at nag-umpisa na siyang buklatin ang kanyang libro. Nag-umpisa siyang magbasa nang may maramdaman siyang tao na nakatayo sa kanyang harap. Kagat labi siyang tumingala. Medyo takot pa at kinabahan dahil baka isang biro na naman ang gagawin ng mga kaklase sa kanya. Ngunit laking pagtataka niya nang isang magandang babae na nakangiti ang nasilayan niya. "Puwede ba akong umupo rito sa tabi mo?" tanong nito na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi. Sinulyapan niya ang upuang nasa kanyang kanan. Halos mag-lilimang buwan na rin na walang nauupo sa kanyang tabi kaya bantulot siyang napatango. "Salamat," ika ng babae. Muli niyang palihim na sinulyapan ito habang nag-aayos na ng gamit. Maputi ito at bilugan ang mukha. May kulot at mahabang buhok. Maganda na para bang isang manika lalo na ang mahahabang pilik mata. "Ganda ko, no?"biglang palatak nito na lumingon sa kanya. Napa-iwas siya ng tingin dito. Napalunok siya dahil natural siya nitong kinakausap. Unang beses na may gumawa noon sa kanya. Unang beses niya rin makita ang babae. Bago kaya siguro ay ganoon pa siya ituring. "By the way, I'm Anika. Ikaw?" pakilala nito. Napatitig siya sa kamay nitong nakalahad. Nang makarinig si Lalaine ng bulong-bulungan sa paligid. Naigala niya ang paningin sa buong silid. Tama nga siya, nakatingin ang mga kaklase sa kanila habang kausap siya ni Anika. "Don't mind them," muling wika nito at kinuha ang kanyang kamay para sa pakikipagdaupang-palad. Lihim siyang napangiti habang napayuko. "La...Lalaine," halos pabulong ang pagpapakilala niya rito dahil sa hiya. "Gandara ng name!" palatak ni Anika kaya muli siyang napabaling ng tingin dito. Malawak pa rin ang ngiti nito sa labi. "Let's be friend, Laine." Tuluyan na siyang napangiti at muling tumango. May agam-agam man sa sarili. Hindi naging malungkot ang kanyang snack at lunch time dahil kasama niya si Anika na agad dumikit sa kanya. Magkaibigan na daw sila kaya siya sinamahan nito. Napakadaldal ng dalaga at napakaraming kuwento. Natigil sa pag-aaral noon, bumalik nga lamang kung saan ito natigil kaya sa huling semester siya nakapasok. Sa ibang eskuwelahan rin ito galing. Habang sila ay kumakain ng tanghalian, panay ang kuwento nito at hindi inaalintana ang mga tinging ipinupukol ng ibang estudyante sa kanila. Samantalang siya ay hindi na makatingin sa paligid dahil napapaso siya sa mga titig ng iba. Na para bang kasalanan na magkaroon siya ng kaibigan. Ng kasama. Nang mas lalong lumakas ang bulungan sa loob ng canteen. Nakita niya mula sa b****a ng pinto ang pagdating ni Adrian at ang mga barkada nito. Ang siste, kasama at nakakapit rin si Jeanne sa mga braso ng lalaki. Doon rin pala mag-aaral ang babae. Napalunok siya at napayuko nang magtama ang kanilang mga mata ni Adrian. "Alam mo, mukhang magkakasundo..." Napatigil si Anika sa pagsasalita nang mapansin nito ang pananahimik niya. Kaya naman napagawi ang tingin nito kung saan nanggaling ang kanyang mga mata. Kung kanina ay binabalewala ni Anika ang mga bulong-bulungan, ngayon ay naging interesado na siya. Noong una, hindi makapaniwala si Anika sa nakita. Nanlaki ang mga mata niya na agad tumayo at excited na tinakbo ang gawi nila Adrian. "Adi!" tili ni Anika at niyakap ang lalaki. Halos hawiin niya ang babaeng nakahawak sa braso nito. Masaya niyang niyakap ang lalaking nagulat man sa una ay agad din namang napangiti. "Nika," bulong nito at mahigpit ding yumakap. Nakaawang ang bibig ni Lalaine sa nasasaksihan. Napakagat labi siya habang nalilito. Nang harangan ni Allen ang mga mata niya sa dalawang taong magkayakap habang titig na titig ito sa kanya. Seryoso. Iniiwas niya ang tingin dito kaya napadako ang tingin niya kay Jeanne na ngayon ay nakapameywang at busangot ang mukha. Nakairap kay Anika. Wala namang pakialam si Anika sa matalim na titig ni Jeanne, bagkus ay hinila pa nito si Adrian sa kanilang upuan. Tuloy, walang nagawa ang barkadang nakabuntot kila Adrian na makihalubilo sa kanilang mesa. Bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa. Nasanay siyang mag-isa lagi. At ngayon, maingay ang table lna inuukopa niya. "Paanong magkakilala kayo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Jeanne kay Anika. Magkatabi sila ngayon dahil nakaupo si Anika sa tabi ni Adrian. Ang iba na barkada nito, kasama ang tatlong nam-bully sa kanya noong nakaraan at may tatlo pang lalaki, kasama na roon si Allen na nakaupo sa isang table. Pang-apatan lang kasi ang table na inuukopa nila. Hinawi ni Anika ang buhok at muling ikinapit ang braso kay Adrian. Walang pakialam kung may dalawang taong naiinggit sa pagkakalapit nila ni Adrian. Si Jeanne na halata sa mukha ang inggit at siya na kinikimkim lang iyon sa sarili. Nais niya ring malaman ang kaugnayan ng dalawa. "Magkasabay kaming lumaki sa bahay ampunan," sagot ni Anika. Muling kumuha ng fries na nakaharap sa kanya. Kanina pa rin ito kain nang kain. "Adrian is my future husband!" Pareho silang napanganga ni Jeanne sa deklarasyong iyon ni Anika. But then, her facial reaction and Jeanne's reaction are different. "In your dreams!" Masungit na ika ni Jeanne na ikinahalakhak ni Anika na may pagkasarkasmo. Siya namam ay nanahimik, lalo na noong kinindatan siya ni Anika. May ibig sabihin ang kanyang mga tingin. Nagtaka si Lalaine sa pananahimik ni Adrian. Kaya noong magtaas siya ng tingin ay nakatitig din pala ito sa kanya. Hindi niya maatim na makipagtitigan kay Adrian kaya agad siyang nagbaba ng tingin. Unti-unti niya ring kinalap ang kanyang mga gamit at balak na lang umalis, pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa grupo ng mga ito. Para siyang isang pusa sa kumpulan ng mga tigre. "Stay!" Patayo na siya nang magsalita si Adrian. "Stay here. Kami na lang ang aalis," dagdag nito at tumayo na. "Keep in touch, Nika," ika nito bago tuluyang umalis. Nagsitayuan fin ang mga kasama nito at bumuntot sa kanya. Sumunod si Jeanne na muling kumapit sa braso ni Adrian. Napalunok siya habang pinagmamasdang umalis ang mga ito. Nang may humarang na bulto ng tao sa kanyang harap. Pagtingala niya, nakita niya si Allen. Walang ngiti sa labi at seryosong nakatitig sa kanya. "Can we talk?" Bigla siyang kinabahan kaya napakagat labi siya at napatingin kay Anika. Bumaling ito kay Anika na may ngiting naglalaro sa labi. "Do you mind? We need privacy." Napanguso si Anika pero agad naman tumalima para tumayo. "See you sa room, Laine," paalam nito at agad na umalis. Sa taranta niya at kaba, papaupo pa lang si Allen ay tumayo na siya at patakbong sumunod kay Anika. Iniwan sa ere si Allen na napapukpok ng kamao sa mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD