MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA CHAPTER 16

1696 Words
Revier's POV: "Sino ka bang talaga?" Tanong ko kay Ymiera nang makabalik na kami sa aking bahay. Mga nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kaniya nang seryoso. Akala ko hindi siya sasama sa akin kapag sinabihan ko siya na umuwi pero sumunod pa rin siya. Walang imikan ang namamagitan sa amin habang naglalakad pabalik sa border ng Were Wood City. Pero nang nandito na kami sa bahay kasama ang walo pa, hindi ko na makayanan na hindi makapagsalita. Gusto kong malaman kung ano ang tunay na katauhan niya. Alam kong bampira siya pero bakit siya nagpapanggap na tao? At bakit ngayon niya lang naisipan na hanapin ang kaniyang pinagmulan? "I don't know too. That's why I'm here, finding my real identity." She said, looking at us with a blank expression on her face. "Bakit ngayon lang?" Tanong naman ni David, na ako na sana ulit ang maglalabas sa aking bibig. "Dapat maaga kayong dumating para napaaga rin ang paghahanap ko. Alam ko ba kung saang lupalop ang Were Wood City." Sarkastiko naman nitong tanong sa amin. Doon lang ako naliwanagan sa sinabi niya. Oo nga naman. "Kailan mo pa nalaman na kakaiba ka sa mga tao? At kung ginawa mo ba iyan sa mundo nila?" Sabat din ni Denver kaya napaisip naman bigla si Ymiera. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago namin mapansin ang pagbuka ng kaniyang bibig. Pahiwatig na may sagot na siya sa tanong na ito. " When I was 13. Unang pinatay ko ay ang kumpare ni Henrico na gusto akong gah-sain ng mga panahon na iyon. Wala si Henrico sa bahay kaya wala itong alam na may kababalaghan na pala na nangyari sa loob. Kung tatanungin ninyo ako kung nakaramdam ba ako ng takot at pagkadisgusto sa aking sarili... oo. Lahat naman tayo na walang kaalam-alam sa tunay na katauhan natin ay makakaramdam ng gan'on. Kapag hindi mo naramdaman, wala ka na talagang awa sa ibang tao. Iba ako sa kanila. Pumapatay lang ako kapag masama ang mga ito." Mahabang salaysay naman niya sa amin. Pero may mga katanungan pa rin na hindi nasasagutan sa aking isipan. At maging sila rin. "Bakit ngayon sanay na sanay ka ng magbawi ng buhay ng iba? Ang lala pa nga." Katuwiran ni Zendev kaya napangisi lang si Ymiera sa kaniya. "Do you know Mafia, Gangster, or Underground society in Mortal?" "Yes, we do. They were doing illegal things. Are you one of them?" Pangkukuro ko naman agad. Hindi siya magbabanggit noon kung wala naman itong koneksyon sa kaniya. Napansin ko ang pagtango ni Ymiera. "I'm one of them. Naging kasapi lang nila ako noong ganap na kinse na ako. Tanging siya lang ang may alam kung ano bang katangian meron ako," "Sino namang tinutukoy mo?" Tanong naman ni Sevan. Pati siya ay gising na gising, hindi man lang nagawang humiga sa sofa na palagi niyang ginagawa. "Griemon. The Boss of the organization I am working in. Pinasali niya ako sa organisasyon niya upang magamit ko ang abilidad na meron ako. Tinuruan din niya ako sa lahat para hindi ako mabuking ng mga tao na nasa paligid ko." "Isa ba siya sa atin?" Tanong ko ulit. Hindi ko alam kung normal na tao ba ito o katulad nga namin. May iilan kasi na tanggap ka, may iba naman na sasaktan ka hanggang sa mawala. " Yes. He's a vampire. And I think he knows a lot about me. Ilang beses ko siyang tinatanong pero pinipilit niyang hanapin ko ang Were Wood City dahil dito ko lang malalaman ang kasagutan. Pero hindi ko talaga alam kung saan iyon, hinihingian ko rin ito ng mapa para makarating dito nang hindi naliligaw kaso umalis na lang siya at hindi na nagpakita-kita pa." Napabuntong hininga pa ito sa sinabi at napalingon din sa labas ng bintana na malayo sa aming direksyon. Napatango-tango na lang kami dahil naiintindihan agad namin ang ipinupunto niya. Sa katunayan ay malayo talaga ang lugar na ito sa siyudad. May bawat gate pa sa iba't ibang dako ng kagubatan para ipaalam sa lahat na private property ito. Ang bayan naman na nasa sentro ay may mga tao na nakahalo. Kaya minsan umaalis doon ang mga katulad namin upang pumunta sa bawat pamilya nila upang hindi sila mabuko ng mga kinuha naming tao. Pero kahit na makita nila kami na nasa gan'on na sitwasyon o form, wala kaming pakialam. Bago pa man nila masabi sa iba ang kanilang nalaman, k-matayan ang hatol sa kanila. "Griemon. Baka siya ang ama mo kaya ayaw niyang sabihin sa iyo." Komento rin ni Hernan habang may hawak-hawak na chips sa kaniyang kaliwang kamay. "Nah, he's smaller than me." "May mga anak naman na nakuha nila sa ama o ina nila ang tangkad nito. Baka matangkad ang ina mo." Salungat naman ni Finley. "I have these blurry memories na hindi ko na maalala. Pero alam kong matangkad both parents ko." " Hmm... may mga iniwan ba sila sa iyo na clue like kwintas, singsing, books, o kung ano pa man na nagsisilbing senyales na anak ka nga nila?" Nakahawak ang kaliwang palad ni Denver sa baba nito habang seryoso ang tingin kay Ymiera na ngayon ay tumango naman. "Oo, isang tela na may nakalagay na 'Were Wood City' sa gitna nito." "Hindi ba't ang mga bampira lang ang may gan'on na tela?" Pangtutuon naman sa akin ng atensyon ng lahat dahil noong sinauna pa lang ay ang pamilya na namin ang namamahala sa pangkat. "Pero bakit may tatak sila ng lugar ninyo kung kayo naman ang nag-ma-may-ari nito?" Tanong naman ni Ymiera sa akin. Kaya napabuntong hininga ako nang mahina. Hindi ko rin naman dapat itago sa kaniya ang katotohanan. Ang nakaraan ng bayang ito. Kung tunay na bampira si Ymiera, may karapatan siyang malaman. Kahit na hindi, may dahilan pa rin siya na matuklasan ito. Siya ang aking mapapangasawa. "Dahil ang mga bampira ang tunay na nangangalaga o nag-ma-may-ari sa buong Were Wood City. Kung sa ibang mga pangkat o bayan ay nagkakasakitan ang bampira at taong-lobo, tanging dito lang hindi nag-aaway ang dalawang magkaibang lahi. Malugod na tinanggap ng mga bampira ang mga ninuno namin at hinayaang magkaroon ng sariling teritoryo sa kanilang kalupaan. Nang magkaroon ng madilim na pangyayari, ang mga bampira ay unti-unting nawawala. Ang bagong halal na hari ng mga bampira ay ibinigay ang buong Were Wood City sa aking lolo bago ito huling lumisan sa kalupaan nila. Ilang taon na ang lumipas subalit hanggang ngayon wala pa ring bumabalik na ni isang bampira sa lugar na ito." Mahabang salaysay ko sa kaniya. Napansin ko naman si Ymiera na napatango-tango na lang sa nalaman. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang pinupunto ko. Magtatanong naman siya kapag may wala siyang naintindihan. Hindi ako marunong magpaliwanag. " Kung ang Dawn na apelyido lang ang tinatanong mo sa lugar na ito, mahihirapan ka na alamin talaga ang nakaraan mo. Lalo na kung ang Dawn ay nagmula pa sa lahi ng mga taong-lobo." Paglalahad din ni Verno sa kaniyang nalalaman. "Tama!" Sang-ayon ng apat na ikinabuntong hininga ni Ymiera. Naaawa ako sa kalagayan niya. Kung alam ko lang noong una na ito pala ang pakay niya sa Were Wood City. Matagal ko na siyang tinulungan. "Paano kung hindi talaga iyan ang tunay na pangalan mo at kung ang Griemon na iyon ay pinipilit kang pumunta sa Were Wood City kahit na alam ng walang bampira na naninirahan dito. Sa tingin ko may alam ito na isa sa mga nandito ang dahilan kaya hindi na maalala pa ni Ymiera ang nakaraan niya. Isang tao na kayang-kaya na burahin ang alaala mo sa isang iglap lang gamit ang malakas na spell. At siya rin ang dahilan na napunta ka sa La Sierra Tividad." Sinserong pangkukuro naman agad ni David sa amin. Natigilan naman kami sa aming naiisip at bigla na lang pumasok sa aming mga utak ang kaniyang sinabi. Alam kong hula niya lang ito pero ramdam ko na parang may malaking parte sa aking dibdib na baka nga ay ganito nga ang nangyari. "Subalit sino ang gagawa nito kay Ymiera?" Naiinis na asik ni Hernan nang hindi na nito makaya ang mga nalalaman. Samantalang nanatili lang na tahimik si Ymiera sa kinauupuan niya. Gusto ko siyang puntahan at yakapin para maisip niya na nandito lang ako. Makakayanan niya lahat ito. At darating din ang araw na malalaman na niya ang katauhan niya. "Si Ma'am Delia Owens Dawn." Banggit ni Denver sa pangalan ng matanda. Napalingon agad ang ulo ni Ymiera sa direksyon ni Denver. Maging kami ay napapunta ang atensyon sa kaniya. Paano nasangkot ang pangalan ng kaibigan ni Lolo sa usapang ito? Alam kong hindi magagawa ni Lola ang lahat ng ito. Isang kalapastanganan ang nakawin ang memorya ng iba para sa sariling interest. Kaya imposible. "Imposible." Seryosong tugon ko. Pero umiling lang si Denver na parang siguradong-sigurado sa kaniyang sinabi. "My grandfather told me the secrets of Ms. Delia before he died after he revealed it. She has the ability to control your brain and erase your memories with a spell. A half witch and a half werewolf. Pretending to be an Omega. As far as I know, the last standing 'Dawn' is her. Wala sa ibang pangkat, wala sa tao, at maski sa mga bampira. Tanging siya na lang ang natitira maliban sa anak niya na namatay na makaraang apat na taon." Seryosong tugon ulit nito. Magsasalita na sana ako para depensahan ulit ang matanda nang pumagitna si Ymiera. " Now, I finally realize what she's saying," "Huh? What are you talking about, Ymiera?" Tanong ko rito nang may pagtataka sa aking mukha. Tumayo si Ymiera sa kaniyang kinauupuan, hindi ko maunawaan ang nilalabas niyang ekspresyon sa mukha. " She said it's broken. I don't exactly know the reason why she said that. Now, when Denver told me about his grandfather. Napagtanto ko rin kung ano ba ang tinutukoy ng matanda. The seal that forbidding me to know my origin, slowly shattering. If that's the case, then why can't I feel anything?" As she said that, nakita namin ang kakaibang ekspresyon na hindi pa namin nasusulyapan kay Ymiera. A glimpse of sadness and lost of hope.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD