Ymiera's POV:
Ipinagsawalang bahala ko na lang ang naririnig ko dahil mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa sinasabi ng matanda.
Ano ang tinutukoy niya? Broken? What broken?
Babalik na lang ulit ako sa lugar ng matanda na iyon kapag bumaba na ang komusyon sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko namamalayan na nakalayo na pala ako, hindi ko rin alam kung na'san na ba ako, pero alam kong nakalabas na ako sa border ng Were Wood City.
Puro puno na lang ang nakikita ko at mga dahon na nakakalat sa bawat daan. Hindi naman gan'on kakiputan ang daan kaya malaya kang nakakapaglakad.
Pero napatigil lang ako sa aking paghakbang sa lupa nang makaramdam na naman ako ng mga yapak medyo kalayuan sa aking direksyon.
Aatakihin naman ba nila ngayon ang Timog?
Bigla kong naalala ang matanda. Hindi ko dapat sila iwan sa ganitong kalagayan, walang mag-po-protekta sa kanila sa ngayon kung hindi naman maramdaman ng mga taong-lobo ang paparating na panganib sa kanila.
Saka ayoko rin na mamatay nang maaga ang matanda kung hindi ko ito nakakausap nang matino.
Sa tingin ko siya lang ang nag-iisang alam kong tanging clue ko sa tunay na katauhan ko.
Kaya nagmadali na akong tumakbo papalapit sa kinaroroonan ng mga taong iyon. Kung may baril lang ako o katana baka mas ma-e-engganyo ako na makipaglaban. Pero wala akong magagawa, ito ang buhay ng mga taong-lobo.
Kuko sa kuko, ngipin sa ngipin. Ang humiga ay hudyat na ng kanilang pagkatalo.
Napatigil agad ako nang nandito na ako sa kinaroroonan ng limang rogues na ito. Kung lima bang talaga. Naramdaman ko ang presensya sa iba pang direksyon ng kagubatan na ito.
"Akalain mo nga naman, ang mate pa ng alpha ang lumapit." Natatawang turan ng lalaki na may hiwa sa kaniyang pisngi na malaki.
Medyo may naramdaman akong panganib sa kaniya. Alam kong malakas ito.
Pero hindi ako isang taong-lobo. Iyon ang pumapaimbabaw sa utak ko.
"'Cause I wanted to figured out how strong the rogues is." I smirked.
"You're waiting for your death, missy." Banta niya sa akin kaya mas lalong lumapad ang ngisi sa aking labi.
"Then show me what you've got."
Revier's POV:
"Did you find her?" I asked Denver and his friends.
Kakapasok pa lang nila ngayon sa opisina ko. Labit-labit ang nakakahinayang tingin sa akin. Alam ko na ang sagot, wala silang nakuha na impormasyon.
Napayukom na lang ang aking kamao dahil sa inis. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Gusto ko ng kumilos at hanapin si Eyra.
Ano pang silbi ng pangako ko kung hindi ko naman matupad-tupad? Hanggang salita na lang ba ang kaya ko?
Tang-na naman!
"Alpha! Alpha! Someone saw Ymiera on the South!" Naghihikahos na sigaw ni Mio papasok sa aking opisina.
Napatayo bigla ako sa aking pagkakaupo. Ang panghihinayang ay napalitan nang pagkabuhay na sistema.
"Is she's still there?!" Tanong ko rito pero agaran itong umiling.
"Nasa labas na siya ng border ng ating teritoryo, Alpha." Anunsyo rin ni David sa kanilang nalaman.
Napatiim bagang ang aking panga sa narinig.
" Ano pang hinihintay ninyo? Tara na at pumunta ro'n. Hindi ko hahayaang malayo ang babae na iyon!" Sigaw ko na nagpatuwid sa kanilang mga katawan.
Nauna na rin akong lumabas sa opisina at nag-shapeshift na bilang lobo. Tumakbo na ako papunta sa timog kung nasa'n siya. Narinig ko rin ang mga yapak na paparating sa akin. Pero hindi ko na sila pinansin.
***
Nakarating kami sa labas ng border kung saan nakita ng mga nagpa-patrolya ang isang babae na nakasuot ng jacket. Hindi nila ito kilala kaya hindi nila pinansin.
Doon lang nila napag-alaman na si Ymiera pala ang naglalakad papalayo sa direksyon ng Were Wood Border.
Habang tumatakbo ako sa masukal na hindi gan'on kakipot na daan. May mga naririnig na kaming mga ingay na nanggagaling sa unahan at mga alulong ng kung sinong taong-lobo.
Dahil sa labis na pag-aalala na baka ito si Ymiera, mas lalong bumilis ang aking kilos papunta sa direksyon na yaon. Gan'on din ang walo pa na aking mga kasamahan.
Kaso napatigil din kami sa pagtakbo nang may tumilapon sa aming direksyon na taong-lobo na puro kalmot na ang mukha at labas na rin ang lamang loob dahil sa tindi o talim ng kuko ng kalaban nila.
Ang amoy na nilalabas nito ay alam ko na agad kung kanino. Isang rogue. Anong ginagawa ng mga rebelde na ito sa ganitong oras?
Maghahasik na naman ba sila ng gulo sa mapayapang gabi?
Pero hindi ko na lang pinansin iyon. Napalingon ako sa mga kasama ko na natuod sa kanilang kinaroroonan habang nakatingin sa harapan.
Kaya napalingon na rin ako rito. Kaso gan'on na lang ang pagkagitla ko nang makita si Ymiera na nakikipaghabulan sa leader ng Rogue. Napansin ko ang sugat sa pisngi nito kaya natukoy ko na ito ang nakalaban ko bago ko iwan si Rexus para ito na lang ang kumalaban.
Pero bakit siya buhay pa? Nilabanan ba siya ni Rexus?
Ipinagsawalang bahala ko na lang ang naaalala ko saka tiningnan ang labanan nilang dalawa.
"Arghh!" Singhal ng lalaki matapos makaramdam na naman ng kirot sa tiyan nang ito ay hiwain ng kuko ni Ymiera.
Ngayon ko lang napansin na ang kuko ni Ymiera ay napakatulis, hindi pa kabilugan ng buwan, pero ang sinag naman nito ang nagiging dahilan para kumislap ang matutulis nitong kuko na hindi gan'on kahaba.
Ang mga mata rin nito ay namumula.
Tama talaga ang hinuha ko, hindi siya normal na tao. Sinong makakahula agad na isa akong werewolf?
Kung hindi nga siya tao. Panigurado na isa siya sa lahi ng mga bampira. Sigurado ako ro'n. Lalo na ang mga mata niya na namumula pati ang pagtikim nito sa dugo na lumapat sa kaniyang mga kuko.
Hindi niya napansin ang pagdating namin. Mas focus siya sa labanan nila ng kalaban niya.
"I thought you were strong enough to fight me. But I was wrong, nakakapanghinayang na huling makalaban ka." Malamig na turan nito sa leader na ngayon ay nanghihina na sa harapan ni Ymiera.
Gusto nitong kumilos at atakihin muli ang babae subalit mabilis ang pagkilos ni Ymiera. Tinapakan niya ng kaniyang kanang paa ang tiyan nito na patuloy ang paglabas ng dugo.
Wala akong nakikitaang kahit anong emosyon sa mukha niya. Tanging kasabikan lang. Sabik na makapatay.
"Don't struggle. I'm just helping you to be free. Free from pain, free from cruel world, and free from everything. I'll give the wish you wanted." She said.
Mas lalo niya pang diniinan ang paa na nakalagay sa tiyan ng kalaban. Narinig ko ang matinding pag-alulong ng pinuno na ito. Nakakabingi.
Magsisigaw na naman sana ito nang tuluyan na ngang hiniwa ni Ymiera ang leeg ng kalaban na naging dahilan upang humiwalay ang ulo nito sa sariling katawan.
Nakaramdam ako nang kaunting takot sa babae. Napaatras pa ako nang ilang hakbang sa kaniyang kinaroroonan. Gan'on din ang iba pang kasamahan ko nang mapabaling ang tingin nito sa aming direksyon.
'Idadamay rin ba niya kami?'
"Oh! It's Max and his allies. Don't worry, I killed them before they do something bad again to your territory!" She said, waving her hand full of blood of her enemy.
Like, she doesn't even care whether it's blood or not.