MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA CHAPTER 14: MRS. DELIA
Ymiera's POV:
Nandito na ako sa timog kung saan namamalagi ang mga omega. Napansin ko ang paglingon ng lahat sa akin. Napapatanong pa sa kanilang katabi kung sino ba ako. May mga kababaihan at kalalakihan din na narito.
Isa rin ba silang Omega?
Baka nga. Dahil lahat naman ay posible na mangyari.
"Anong pakay mo rito, binibini?" Malumanay na tanong ng babaeng medyo maliit sa akin. May nunal sa kaniyang gitnang noo.
Singkit ang mga mata na kulay pinaghalong itim at tsokolate. Kulot ang buhok na naka-messy bun.
May kasamahan din siya na mga kababaihan. Magkakamukha sila pero ang tatlo ay nasa iba't ibang bahagi ng mukha nila ang nunal.
Magkapatid ata.
Yumuko naman ako bago sumagot, " May kilala po ba kayong pamilya Dawn?"
"Ah! Sa pagkakaalam ko ang mga namamahala sa lugar na ito ang tinutukoy mo. Bakit? Anong pakay mo sa kanila?" Nabuhayan naman ako nang marinig ang mga kataga na iyon.
Akala ko maghahanap na naman ako sa kabilang lugar para malaman kung nasa'n ang pamilya na iyon. Mabuti na lang tama ang sinabi ng matanda sa bayan.
"May gusto lang po akong malaman,"
Tumingin na muna ang apat sa isa't isa. Nagtatanong ang mga mata kung dapat ba nilang gawin iyon o hindi.
Napatango-tango naman ang isa sa tatlo na nasa gitna. Kaya napabuntong hininga ang kinakausap ko saka muling bumaling sa aking direksyon.
"Iniingatan namin ang pamilya na iyon sapagkat minsan na nila kaming tinutulungan. Ayoko na sanang ipadala ka ro'n sapagkat hindi ka namin kilala. Subalit halata na may gusto kang malaman kaya papayagan ka namin." Mahabang salaysay nito at nauna na ngang maglakad pakanan.
Kaya sumunod din naman ako sa kaniya. Ang tatlo naman ay nasa aking likuran.
Mabuti na lang hindi kilala ang mukha ko ng mga tao. Walang makakaalam agad kung nasa'n ba ako.
Kapag naaberya at nalaman agad ni Max na nandito ako sa Timog, panigurado na pupuntahan niya ako rito.
***
"Nandito na tayo," saad ng babae matapos naming tumigil sa isang lumang bahay na gawa sa semento.
May nakalagay pang de-sabit na palamuti sa gitna ng pinto na sarado. Naglakad ang babae na iyon papunta ro'n at marahang kumatok.
"Lola Delia, ako po ito si Crissa, may naghahanap po sa inyo." Turan nito sa kabila.
Crissa pala ang pangalan niya. Ngayon lang ako nakaengkwentro ng may ganitong pangalan.
Napansin ko naman ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto at ang paglitaw ng hindi gan'on katandaan na babae.
Medyo maputi-puti na ang buhok nito na may iilan pa rin namang itim. Nakakunutan ang noo samantalang nakahawak naman siya sa kahoy na ginawang tungkod para sa kaniya.
Medyo nangunguba na rin ito dahil sa katandaan.
Napalingon pa ito sa akin nang seryoso. Kinikilatis ang buong katawan ko.
"Sino siya at parang hindi ko pa siya nakikita rito?"Ani matanda sabay turo pa ng kaniyang kaliwang hintuturo sa direksyon ko.
"Siya ang tinutukoy ko sa iyo na naghahanap sa pamilya Dawn." Malumanay na sagot naman ni Crissa.
"Anong kailangan mo sa akin?" Nakataas ang kaliwang kilay nito. Medyo may pagkasuplada pa ata.
"Upang itanong kung may anak ba kayo at kung nagkaroon din ba sila ng anak?" Tanong ko rin naman dito nang hindi yumuyuko. Nakipagtagisan din sa katitigan na ginagawa ngayon ng matanda.
Pero nang marinig ang sinabi ko. Para bang may lumambot sa kaniyang kaibuturan.
"Oo, may isa akong anak na umalis sa aking poder nang hindi ko siya payagan na maging kasintahan ang lalaking nakikilala pa lang niya. Kahit na matagal na kaming hindi nagkikita, alam ko kung ano ba ang nangyayari sa kaniya. Kaya may impormasyon ako na may anak siya sa lalaki." Mahabang paliwanag naman ng matanda.
Umupo pa ito sa nag-iisang upuan na gawa sa kahoy sa kaniyang labas ng bahay.
"Babae po ba o lalaki? Saka nawawala po ba ito?" Muling tanong ko rito.
Hindi niya pa binubunyag kung ano bang kasarian nito at wala rin siyang sinabi na nawawala ito. Kaya gusto kong malaman kung isa ba sa anak nito ang nawawala.
"Lalaki at babae, iha. Wala rin sa dalawa ang nawawala dahil namatay sila kasama ang mga magulang nila sa sunog, nakaraan lang ang apat na taon. Anim at labing dalawang taon na sana ang dalawa subalit nangyari ang bagay na iyon sa kanila." Malungkot na pahayag nito kitang-kita ko pa ang pagyukom nito nang kamao at maski na rin ang pagluluksa ng kaniyang mga mata.
Kaya inalo ko siya upang mawala ang sakit sa kaniyang mukha.
Subalit hindi ko na rin mabilang kung ilang oras na ba ang aking itinagal sa bahay ni Ms. Delia. Ang dami niya pang kwento tungkol kay Max. Nawala na rin ang lungkot nito sa mukha.
At sa tingin ko ay medyo may alam na rin ako sa katauhan ni Max dahil kay Ms. Delia. Lalo na rin sa mga kababaihan na sinamahan ako rito kay Ms. Delia.
Being a rebellious son and desperate alpha for the throne. She even mentioned the name of his twin brother, Rexus.
Doon ako nagulat sa isiniwalat sa akin ng matanda. Sino bang hindi? Kung ilang ulit ko pang inaalam sa aking sarili kung saan nakuha ni Revier ang pangalan na Rexus kung may kakambal naman pala siya.
Pero kung may galit siya sa kakambal niya, bakit mas pinili niyang gamitin ito para magpakilala sa akin?
Naiiling na lang ako sa mga naiisip ko. Pinagmumukha ba akong tanga ng lalaking iyon?
Magpapaalam na rin sana ako sa matanda para umalis dahil pansin kong gabi na, kailangan ko pang pumunta sa ibang lugar para maghanap ng clue.
"Maitanong ko nga lang pala, iha. Bakit mo nga ba tinatanong kung may anak ang anak ko? May ginawa ba siya na hindi maganda —"
"It's not what you think, Ms. Delia. I'm just asking you about that thing because my surname was Dawn. Naghahanap lang po ako ng ka-epilyido ko para malaman—Ms. Delia? Are you okay?" Naguguluhan kong tanong sa matanda nang mapansin ang pagkagitla nito at pagkaputla.
Napatayo pa ito sa kaniyang kinauupuan habang hindi pa rin nawawala sa mukha ang takot. Maski nga rin ang apat na babae ay nagtataka sa ikinikilos ng matanda.
"Lola Delia? Anong nangyayari sa iyo?"
Pero kahit anong gawin ng apat, wala silang nakuha na kahit anong sagot sa kung bakit nagkagan'on ang matanda.
Pinaalis na rin nila ako sa kanilang harapan dahil napansin nila na ako ang rason kung bakit nangyayari iyon sa matanda.
Nang malayo-layo na ako sa kanila, doon lang nagsalita ang matanda. Mahina lang iyon pero rinig na rinig ko pa rin.
" I-it's broken. No way."