MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA CHAPTER 13

1250 Words
MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA CHAPTER 13: ALERTED Ymiera's POV: Humigit walong oras na ang aking paglalakad sa bayan, nagtatanong-tanong sa mga taong dumaraan. Maski rin sa loob ng mga gusali ay pinatos ko na. Ang tanging iniisip ko lang ay ang apelyido na gamit ko ngayon. Baka sakaling may makaalam na may pamilya DAWN pa na naninirahan o nabubuhay sa mga araw na ito. Kaso kahit ilang tao pa ang pagtanungan ko, ni isa ay walang nakakaalam. Hindi nga rin pamilyar sa kanila ang pamilya na iyon. Baka raw sa ibang pack ko makikita ang hinahanap ko. Kaso hindi ako magkakamali, ang Were Wood City ang nakalagay sa tela. Paanong sa ibang pangkat? Nakalimutan ko pa na dalhin ang tela na iyon dahil sa laki. Itinago ko rin iyon kung saan, kahit na hanapin ni Henrico iyon hindi niya mahahanap. "Miss, hinahanap mo raw ang pamilya Dawn? Hindi ko alam kung sila ba ang hinahanap mo. Pero sa pagkakaalam ko ay nasa gawing Timog sila sa mismong lugar ng mga Omega." Saad ng matanda na nagtitinda ng mga prutas sa aking likuran sa mismong lumang bakery shop. "Thank you!" I said, then bowed my head towards her. Bago ako yumaon, bumili muna ako ng prutas sa kaniya, at maging sa lumang bakery shop. Nagsimula na ulit akong maglakad paalis sa sentro. Kaso hindi pa ako nakakalayo nang makarinig ako ng kaguluhan sa kaliwang direksyon ko, sa mismong eskinita sa dalawang gusali na magkatalikuran. Pili lang ang dumadaan na mga tao rito, kung sino lang ang gustong mag-short cut para makaalis sa bayan nang mabilis. Dahan-dahan naman akong pumunta sa kinaroroonan nila. May limang lalaki at dalawang lalaki na sa tingin ko ay ang kanilang inambangan. Ang lima ay mga taong-lobo samantalang ang dalawa naman ay mukhang mga ordinaryo na tao. Wala akong ideya na may tao rin palang nakikisalamuha sa mga ito. Isa ata sila sa mga binili ng mga grupo ni Denver. "Hindi ninyo sa amin ibibigay?" Banta ng lalaki sa may salamin na medyo maliit na lalaki. Mga kapwa nakaitim ito ng damit at mask na hindi makikita ang kanilang mga mukha. Kahit na hindi na sila mag-mask, hindi rin naman sila mamumukhaan ng dalawa dahil sa madilim sa parteng pinagdalhan nila sa mga ito. P'wera na lang talaga kung taong-lobo ang nakaharap nila. "H-huwag p-pakiusap... s-sakto lamang iyan para sa aking sarili. W-wala p-pa akong trabaho." Nagmamakaawa naman nito. Ang kasamahan naman nito na maputing lalaki na may hikaw sa magkabilang tenga ay napatihulog na lang sa kinatatayuan. Habang ang wallet nito ay kinuha nila. Pinag-agawan nila ang kakarampot na pera ng taong iyon. Wala man lang pakealam kung para saan gagamitin ang salapi. "Hindi mo talaga ibibigay? Baka gusto mong mapatay kita! Ano?! Hindi mo talaga ibibigay!" Paulit-ulit nitong utos at nagawa pang magbanta. Kaya namutla ang dalawa sa narinig. Nagsimula na nga silang matakot. Napaupo na rin ang nakasalamin matapos ibigay ang pera kahit ayaw niya. Kitang-kita naman sa labi ng lima ang ngisi na nagpasiklab sa katauhan na kanina ko pa itinatago para sa misyon ko. Kusa na rin akong lumabas sa aking pinagtataguan bago pa man sila umalis dala ang perang ninakaw nila. "Return it." I warned. Napalingon naman ang mga ito sa akin. Ang ngisi ay mas lumala pa nang makita ako o malaman na babae ang kaharap ng mga ito. Wala sa kanilang bokabolaryo ang ibalik ang perang nakuha na nila. Kaya wala na rin akong balak na pigilan ang sarili na kumuha ng buhay sa araw na ito. "Saktong-sakto nga naman. Baka gusto mong sumaya, miss? Magaling kami!" Pangungumbinsi ng leader nila na siya mismong nagsasalita kanina pa. "Tama si Boss, miss. Kaysa magmatapang ka, ibigay mo na rin sa amin ang katawan mo!" Sabat din ng isa sa kanan. Napabaling ang tingin ko sa dalawa na ngayon ay umiiling-iling pa. "Run. I'll settle this. Don't come back here!" Seryosong tugon ko. Hindi na nag-atubili pa ang dalawang lalaki. Agaran silang tumakbo papalayo sa aming kinaroroonan, nadapa pa ang nakasalamin pero tinulungan din siya ng kasamahan niya. Nang makalayo na ang dalawa. Saka ko naman pinagtuunan ng pansin ang lima. Hindi man lang pinigilan ang mga ito. Nakuha na nila ang gusto at ngayon naman ako ang kanilang balak na pagdiskitahan. "Wrong move." Mala-demonyo kong tugon saka tuluyan na ngang ipinakita sa kanila ang matagal ko nang hindi nilalabas na mga kuko na hindi gan'on kahaba pero kumikinang naman ang dulo, na ang ibig sabihin ay matulis ito. Mas matalim pa sa mga kuko ng mga taong-lobo. Napansin ko ang pagkagitla nila. Napahakbang pa sila patalikod. Dama ko ang matinding takot na kanilang nararamdaman. "Now, you're my meal." Dagdag ko pa na mas lalong nagpabuhay sa kanilang pangamba. Bago pa man sila makalayo at makasigaw, pinaghihiwa ko na ang kanilang mga leeg. Tama lang upang pumuslit ang mga dugo. Bumulagta pa sa aking harapan ng wala nang buhay. Samantalang ang pera na hawak ng leader ay kumalat kung saan-saan. Nag-umpisa na rin akong pagpiyestahan ang kanilang mga katawan. Ang kanilang mga dugo ay nakakahumaling, namumula na rin ang aking mga mata sa pagkasabik. Nang matapos na ako sa aking pag-inom sa kanilang dugo ang pera naman na nakasalampak sa lupa ay pinulot ko. I even burned their bodies with just a snap on my finger. I accidentally discover when I was 10 years old that I can manipulate fire. Naghintay pa ako nang ilang minuto sa eskinita bago ako tuluyang umalis. Hinahanap ang may-ari ng pera. Sinusundan ang kanilang mga amoy sa ere. Hanggang sa matagpuan ko sila sa isang lumang apartmert malapit sa isa pang gusali na ngayon ay inaayos pa lang. May mga trabahador din na nakikipagsapalaran sa itaas para magtrabaho. Nakita ko sa hindi kalayuan si Xander. Wala siya sa itaas, nasa direksyon siya ng mga nagbubuhat ng mga timba na may lamang hinalong semento. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nakikita ko at saka inilapag sa ibaba ng pinto ang pera nila, after I knocked on their door twice. I immediately jumped on the roof of the house and waited for someone to come out. "Huh? T-this... T-this is our money!" The sunglass guy, exclaimed. Naramdaman ko pa ang tuwa nito. Hinahalik-halikan pa ang salapi na sa kaniya matapos ibigay ang iba sa kasamahan niya. "S-she... She really brought it back! T-thank you!" Narinig ko na naman ang paghikbi ng matangkad na lalaki kaya napailing na lang ako sa pagiging emosyonal nito. Iniwan ko na rin sila sa gan'on na kalagayan. May mas dapat pa akong pagtuunan ngayon ng pansin. Ang pagpunta ko sa timog upang hanapin ang natitira na lang na mga Dawn. Sana sa pagdating ko ro'n may bakas na ng katotohanan sa aking tunay na pagkatao. Hindi sa tunay na mga magulang ko. *** (On the other side) "Alpha, this is bad! Ymiera was gone. She's missing for 9 hours!" David, who came for Ymiera to tell that Revier can't be home for a short period of time, found no one on their house. "What?! Find her!" Revier roared inside the office. His fists clenched. Lumalakas din ang pagtibok ng kaniyang puso nang mapag-alaman na nawawala si Eyra. Nagngingitngit din ang kaniyang mga ngipin sa labis na pag-aalala. Bakit niya iniwan ang dalaga sa ganitong kalagayan? Bakit hindi siya bumalik nang maaga at ipaalam na may gagawin lang siyang mahalaga? Bigla niyang naalala ang sulat galing kay Rexus. Mas lalong sumidhi ang galit at pangamba ni Revier. How can he become so reckless?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD