MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA CHAPTER 12: LEAVING HIS HOUSE
Ymiera's POV:
Today is sunday. Sinabi ko na noon na kapag sumasapit ang linggo gusto kong makahanap ng pain ko.
Actually, I'm the one who set the rule for myself after realizing the desire that I wanted to get. Kaya nasanay na rin ang katawan ko.
Ang kapalit naman noon ay ang panghihina ng aking katawan.
Sa katunayan hindi rin malabo na matakam ako sa nakapaligid sa akin. That's why I put a large wall for myself and for others.
Napansin ni Max ang pagbabago ng ugali ko. Kahit na iyon ang tunay na ako.
Hindi bilang si Ymiera na pilosopo at nakikisama sa mga taong-lobo.
I applied it as my disguised. And became used to it.
Alam ko na may sekreto rin na tinatago si Max. Kahit na hindi niya sabihin sa iba, dama ko naman iyon.
Dalawang taong may tinatagong sekreto? Sinong niloloko mo?
Kung noon hinahayaan ko lang ang mga kalalakihan na pumasok sa buhay ko, iba si Max.
Ayokong madungisan ang kaniyang pagkatao dahil sa pagkuha sa akin. Tama na ang ganitong set-up, ayokong dagdagan pa.
Ito na rin siguro ang oras na kailangan kong hanapin ang kasagutan sa katauhan ko.
Kapag nakuha ko na, aalis na ako sa lugar na ito.
Kahit kailanman ay hindi na ako yayapak sa bayang katahimikan lang ang hanap.
Kapag nanatili ako, kapag wala akong nahanap na pain ko.
Ang tunay na ako ang lalayag sa katahimikan ng Were Wood City.
Napalingon ako sa labas ng bintana sa may kusina. Hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi si Max, lumalamig na rin ang pagkain na nakahanda.
Naisipan ko na ilagay ito sa kani-kanilang lalagyan at pinainit.
Naglakad na ako papalabas sa kusina nang matapos na ako na painitin ang lahat. Napalingon pa ako sa labas ng pinto pero wala pa ring pumapasok kaya napagpasyahan ko na tumaas sa hagdanan.
Naghanap agad ako ng hoodie sa kabilang kwarto lang namin. Mabuti na lang may binili si Max kaya kinuha ko iyon sa loob ng box maski pantalon na mahaba.
Saka nagsimula na ngang mag-ayos para lumabas.
It only takes 10 minutes after I finally changed my clothes. I watch the surrounding of his house first, until I finally managed to leave.
I don't know when will I comeback. Hindi rin sana siya magwala kapag nawala ako. Tsk.
"Ate! Ate! Saan ka pupunta?" Dinig kong tanong ng batang lalaki na nakalapit na agad sa aking kinaroroonan nang hindi ko napapansin.
Humawak pa ito sa aking braso kaya napaigtad ako sa aking kinatatayuan.
Umaalingasaw rin ang mabangong amoy na nanggagaling sa kaniya. Bigla akong napalunok ng sariling laway at marahang inilayo sa aking direksyon ang bata para hindi siya magulat.
"Nagliliwaliw lang ako, Simon. Masyado na akong nababagot sa loob ng bahay." Ginawa ko pa ang kaya ko para ngumiti sa bata.
Napatagilid na lang ang ulo nito sa aking harapan. Hinihintay na maintindihan sa kaniyang isipan ang sinabi ko.
"Eh? Wala ba si Alpha na television o gadget man lang?"
"Wala. Kahit na meron man siya, hindi pa rin mawawala ang pagkabagot sa aking katawan." Katuwiran ko rin naman.
"Kung gan'on samahan ko na lang po kayo! Para hindi po mag-alala si—"
"Huwag na, Simon. Babalik din naman ako. Diyan lang ako saka gusto ko ring mapag-isa. Maaari ba iyon?" May malumanay na pakiusap ko sa kaniya.
Hindi umimik ang bata na nasa edad walong taong gulang. Halata pa rin sa mukha nito ang kagustuhan na samahan ako. Pero sa huli ay wala na ring nagawa kundi ang mapatango.
"Basta uuwi ka rin, Ate hah! Gusto ko pang matutunan ang pakikipaglaban kapag nasa tamang edad na ako! At ikaw ang gusto kong maging trainor ko!" Napangiti naman ako inilabas nitong kataga saka tumango na rin upang ipahiwatig na sumasang-ayon din ako.
Umalis na rin siya pagkatapos niyang makumpirma na hindi ako magtatagal.
Hindi ako nangako noon. Sinabi ko lang sa kaniya at maging sa mga kaibigan niya na naging isa akong tagasanay sa lugar na kinaroroonan ko.
Wala akong ideya na magiging dahilan iyon ng kanilang desisyon na ako ang maging trainor nila sa pagdating ng panahon.
Mga bata nga naman!
Itinuloy ko na lang ang naudlot kong plano. Nagsimula na muli ako sa aking paglalakad. Nag-iiwas sa mga dumadaan na mga taong-lobo sa aking direksyon.
Inilabas ko ang mapa na nakatago sa cabinet ni Max at tiningnan ang buong Were Wood City. Kinuha ko ito nang walang paalam. Ibabalik ko rin naman kapag wala akong natagpuan na kasagutan.
Ang bayan ay nasa centro. Ang embassy o mismong kinatitirikan ng bahay niya ay nasa Norte, sa mismong dulo na ng kagubatan.
Matatagpuan naman ang kinaroroonan ng mga Omega sa Timog. Ang mga magulang ni Max ay nasa kanluran, nandoon lahat ang mga matatandang hindi na kayang maging fighters o hunters. O mga tanyag na mamayagpag noong kapanahunan nila.
Balak ko ngayong pumunta sa sentro dahil doon mas maraming mga impormasyon akong makukuha.
Baka makahanap din ako ng taong buhong na nagbabalatkayo na kasapi sa pangkat na ito.
Kahit na gaano pa kagaling ang isang namumuno, may isa pa rin na makakalusot.
Habang naglalakad ako sa kagubatan na tanging mga yapak ko lang ang naririnig, may mga tunog din akong napapansin.
Agaran akong tumalon paitaas sa mga puno. Nakikibaka sa mga sanga na aking nahahawakan kapag ako ay lumulukso na parang tipaklong sa bawat puno na nadaraanan ko.
Hindi ako natatakot. Hindi rin nanghihina ang aking mga paa habang lumulundag sa napakalayong espasyo ng bawat puno.
Kung ordinaryo lang ako, nakakalulang pagmasdan ang ibaba, pero para sa akin ay isang magandang tanawin ito ngayon.
Sanay na sanay na ako sa gawain na ito. I also have a code given by them when I'm working in an organization before.
The 'Lynx Killer.'
Yes, my job was to hunt people. Exchange of large sum of money, I need to slay a person that they asked.
Chansa na rin para gawin silang hapunan.
Napatigil ako sa aking pagtalon sa puno nang matagpuan ko na nga sa aking harapan ang bayang pinagdalhan sa mga binili nilang nilalang.
Namangha ako sa lawak at laki ng mga gusali rito. Ibang-iba sa embahada maski na rin sa mga nayon na napuntahan ko.
Minsan na rin akong nakarating sa mga bayan sa ibang bansa. Kahit na mas sibilisado ang mga iyon, hindi pa rin maikakailang hindi ka mabibigla dahil 'yung akala mo na parang nakakatakot na kagubatan, may tinatago rin palang pagkamoderno o sibilisado.
Humigit sa limang malalaking gusali ang nakita ko na nakalagay sa iba't ibang direksyon.
Maraming mga taong-lobo ang nagsasaya at naglalakad sa bawat store.
Napapaisip na lang ako sa sarili ko. Paano nagagawang mapanatili ni Max ang katahimikan sa lugar na ito kung labis-labis naman ang mga mamamayan na pinamumunuan niya.
Naiiling na lang ako sa sarili sa mga naiisip ko bago ko maisipan na bumaba sa punong kinalalagyan ko.
Napaubo pa ako nang peke nang maka-landing na nga ako sa may lupa. Itinaas ko rin ang talukbong ko upang kahit papaano ay maitago ko ang aking sarili sa mga nakakakilala sa akin.
Napalingon pa ako saglit sa aking likuran. Pinakiramdaman ang paligid pero wala akong napansin na nakatingin kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa may bayan.