MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA Chapter 5: First Night
YMIERA's POV:
Humigit sa anim na oras pala akong natutulog sa kama para sa akin. Nasa kanang direksyon ako samantalang ang kama naman ni Max ay sa kaliwa.
Kung saan nakaharap sa kaniya ang bintana. Gusto ko sana sa gawi na 'yon pero halata naman na mahilig din siya sa labas kaya hayaan na.
Dayo lang naman ako rito. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano bang binabalak niya sa aking gawin. Bakit pinili niya ako na manatili sa bahay niya kaysa isama sa mga binili nila?
Ano bang gagawin ko rito? Alam ko rin naman na nagbibiro lang ang lalaki sa sinabi niya. Kung totoo man, wala na siyang kinabukasan pa na magkaanak dahil sisiguraduhin ko talaga na pulpog ang kaniyang dalawang bola na maliit sa gitna.
Makalabas na nga lang!
Singhal ko sa aking sarili at saka nagsimula na ngang kumilos upang lumabas sa kwarto na ito. Wala namang sinabi si Max na hindi ako p'wede na humayo.
Saktong pagbaba ko sa hagdanan nakita ko na agad siya na papataas na rin. Nagulat pa ito nang makita ako sa kaniyang harapan. Samantalang ako naman ay pokerface ang aking ekspresyon na pinapakita sa mukha.
"What are you doing here?" Tanong nito nang makapalapit na ako sa kaniyang direksyon.
"Maybe running. What for? Of course, I'm bored!" Katuwiran ko naman. "Ano bang trabaho ang gagawin ko rito?" Dagdag ko pa.
"I told you I want—ouch! What's that for?!" Singhal niya habang hawak-hawak ang kaniyang tuhod na sinipa ko dahil sa inis sa kaniyang sinabi.
"For fun." Ngumisi pa ako nang isagot ko iyon.
"I'm not finish, why did you kicked me immediately? Let me continue what I wanted to say!" Reklamo niya sa akin. Hinihimas-himas pa rin niya ang kaniyang tuhod na animo'y nasaktan siya.
"Alpha ka ba talaga? Bakit ang hina mo naman sa sipa?"
"I'm not a dominant alpha!"
"Oh! Really?" Hindi naniniwalang ekspresyon ang aking ipinakita kaya napaismid siya.
"And your spurn is not normal!"
"Sinasabi mo bang abnormal ako?" Nakataas ang aking kaliwang kilay nang ilabas niya iyon sa kaniyang bibig.
"Uh... I mean... Yes?" Nang marinig ko iyon bigla na lang kumulo ang aking pasensya sa lalaking ito.
"Ah gan'on! Sige kung 'yan nga ang inaakala mo!" Nanghahamon kong turan.
Itinaas ko pa ang aking kanang kamao. Susuntukin ko na sana sa mukha ang lalaking nasa harapan ko nang hindi sinasadyang bumukas ang pinto na sarado.
Bumungad sa amin ang mga taong umupo sa tabi ko sa bus. Nakatingin sila sa amin nang hindi makapaniwala. Si Denver na beta ni Max ay nagulat sa kaniyang nasaksihan. Hindi dahil sa gagawin ko kundi sa reaksyon ng alpha nila na tinuturing nilang mataas sa kanila.
Nang mapansin ng lalaking ito ang titig na ipinapahiwatig ni Denver, ay saka siya umayos sa kaniyang pagkakatayo. Ang kanang kamay na nakataas upang ilagan ang aking kamao ay pumunta sa kaniyang bibig upang tumikhim nang peke.
Samantalang ako naman ay umirap na lang sa lalaking ito.
"What are you doing here?" Tanong nito sa kanila.
Para bang narinig ko ito kani-kanina lang. Tama nga! Ito rin ang sumbat niya nang makita ako sa harapan niya.
Wala na ba itong alam na sabihin kundi 'yun lang na mga kataga? Wala bang bati man lang? Tsk.
"We just wanted to check Ymiera, Alpha." They said in unison.
Medyo nabigla naman ako sa sinabi nila. Hindi ko inaasahan na may concern pala sa akin.
Himala!
Pero sa tingin ko may mali sa sinabi nila.
"Why?" Walang emosyon na tanong ni Max.
Ibang-iba ang ugali kapag kaharap ang mga tauhan o kaibigan niya kaysa kapag nasa tabi niya ako. I mean kausap ako.
May bipolar disorder ba ang taong ito?
"Gusto lang namin malaman kung hindi ba masakit sa ulo ang pagpapatira mo sa kaniya rito. Lalo na't may—"
"Sinasabi ninyo bang pilosopo ako?" Pagpapatigil ko naman sa sinasabi ni Zendev. Nagawa ko pang makisabat sa usapin nila.
S'yempre ako ang topic eh! Sino ang hindi magtatanggol sa kaniyang sarili?
"Hindi ba halata?" Patanong nila nang sabay-sabay pa.
"Hindi." Tipid ko namang sagot.
"I told you, she's pedantic!" Asik ng abo na buhok. Medyo tanny rin ang kaniyang balat.
"Tsk!" Iyon na lang ang lumabas sa aking bibig.
Totoo naman ang sinasabi ng mga lalaki na ito. Bata pa lang talaga ako ay pilosopo na akong tao at hindi rin ako marunong magpaapi.
Siguro nasa dugo ko na iyon.
"You don't need to check her everyday. That's my order." Max said with a seriousness on the tone of his voice.
Wala na ring nagawa pa ang lima kundi ang sumunod na lang sa utos ng alpha nila. Napasulyap pa sila sa direksyon ko at kinilatis ako nang maigi.
"Alam kong maganda ako." Pagmamalaki ko naman sa sarili ko.
Sabay-sabay ulit silang napaismid sa narinig. Hindi ko nga alam kung sina Denver at Zendev ba talaga ang magkambal o silang lima talaga. Parang iisa kasi ang isip eh!
Pero hindi ko rin maintindihan ay kung bakit wala man lang sa kanila ang sumusugod o nagsasalita nang hindi maganda sa akin.
Nangyari na kasi ito noong pumunta ako sa bayan para magtrabaho. Edad dise-sais ako noon nang makipagsapalaran nang palihim sa bayan.
Nagawa kong masagot ang anak ng may-ari ng tindahan dahil na rin sa pangkukupit niya at tinuturo sa iba ang kasalanan niya. Kaso sa ginawa ko sinugod ako ng babae dahil sa galit.
Napalaban din ako kaya napuruhan ko ang babae. Mabuti na lang mabait ang amo ko na ina nito kaya hindi nito ako pina-barangay.
Wala rin naman akong kasalanan. Bakit nila ako dadalhin doon? Tsk.
Halata talaga sa lima na ibang-iba sila sa mga nakilala ko sa ordinaryong lugar. Mapagpasensya lang ba sila o sadyang takot lang talaga sila sa lalaki na ito?
Pero bakit naman ako ipagtatanggol ng lalaki?
"Feeling." Bulong ng isa na kulay black ang buhok. Tanging siya lang ang may normal na kulay.
I mean palagi kong nakikita sa mga tao.
Hindi na lang ako kumibo at umimik. Minsan kailangan ko ring manahimik kapag alam ko namang tama ako.
"Do you have something to tell again?" Pagbabago naman ni Max ng usapan.
"Alpha, anong balak mo kay Ymiera? Ano bang magiging trabaho niya sa loob ng bahay mo?" Diretsang tanong ni Denver.
Nginitian ko naman ito nang sabihin niya iyon dahil maski ako ay kanina pa ako nabuburyo kung ano bang ginagawa ko sa pamamahay niya. Imposible na magbuhay prinsesa ako saka hindi ko gusto iyon.
Mas nais kong kumilos kaysa ang humilata buong araw.
"Body heat. But she refused." He said with no shame on his face.
"Seryoso ka?" May nagbabanta kong saad dito pero tanging ngisi lang ang isinagot nito sa akin.
"But she isn't your mate, Alpha. You can't impregnate her. Kawawa rin ang bata kapag siya ang naging ina!" Nag-aalalang wika naman ni Zendev.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o gusto kong may mapasl*ng ngayong araw? Ano bang problema ng mga tao sa loob ng bahay na ito?
"Mas kawawa kamo ang magiging anak mo kung may asungot naman siyang ama. Hindi ba?"
"Atleast hindi pilosopa."
"Tsk." Wala na akong nasabi pa.
Kaya napansin ko ang pag-apir ng lima sa isa't isa. Naglalaro lang ba kami rito? The fuge!
"It's a lie. I let her stay because I wanted someone to do household chores and cooking. I can't ask anyone of you to do this task." Paliwanag nito.
Kahit na seryoso ang kaniyang sinabi, hindi pa rin ako naniniwala na joke lang ang nauna. Nagawa na nga niyang hawakan ang iniingatan ko.
Pero para sa limang ito alam kong naniniwala sila sa alpha nito.
Kaso nagtataka ako, nasa'n nga pala ang tatlong lalaki na kaagapay ni Max noong pumasok kami sa bahay niya?
Atsaka ano na nga palang oras?
"Ngayong nakuha na namin ang kasagutan, aalis na rin kami upang magbantay." Turan ni Denver sabay senyas sa kaniyang mga kasamahan na aalis na.
Nang tuluyan na nga silang nawala sa aming direksyon at lalo ang pagsarado ng pinto, ang siya namang pag-akbay nitong lalaki sa akin.
"Anong meron sa iyo?" Naiinis kong sermon sa lalaki at pilit na pinapakawalan ang sarili sa kaniya kaso kahit anong gawin ko binabalik pa rin niya ang pagkakaakbay sa akin.
"I wanted you to be my wife," usal nito sa mahinang boses.
Dahil sa kaniyang sinabi ay napaigtad ako sa aking kinatatayuan. Seryoso ba siya?
'Thump' 'Thump' 'Thump'