MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA CHAPTER 6: RECOGNIZING HIM
Ymiera's POV:
"Tsk! Show your werewolf form first and I'll think about it." Hikayat ko naman kay Max.
Noong una hindi ko talaga alam na siya si Rexus. Pero noong ipaiwan ako at malaman ko na beta niya si Denver, may part sa akin sa kaniyang sinabi na 'nurse' niya raw kuno.
Lalo na rin doon sa bahagi kung saan nagtanong siya kung p'wede niya ba akong tawagin na Eyra. Magkatulad na magkatulad kasi sila ng tanong sa akin.
S'yempre sa kulay rin ng kaniyang mga mata. Hindi ko makita ang sugat sa kaniyang ulo dahil sa parte mismo kung saan natatakluban ito ng kaniyang buhok kaya hindi ko makumpirma kung tama ba ang hinuha ko.
Saka sino bang makakaalam agad kung ang sinabi niyang palayaw ay malayong-malayo naman sa tunay niyang ngalan? Revier Maximus?
Pinagloloko ba niya ako?
Napansin ko naman sa lalaking ito ang matinding gulat. Imbis na ako ang magulat sa isinawalat niya na gusto niya akong mapangasawa, siya pa itong nabigla.
Ah! Naalala ko na, nagpanggap siyang kilala niya si Rexus at mailap daw iyon. May mailap bang b*stos?
"How did you know?"
" Kung magaling kang actor baka hindi kita makilala. Pero maiba tayo, ano na bang oras?" Pagbabago naman ng usapan at nagtatakang tiningnan ang paligid para maghanap ng orasan.
Kaso kahit anong sulyap ko sa bahay niya wala man lang akong natagpuan. Anong klaseng bahay ba ito? Ayaw ba niyang malaman ang oras? Tsk!
"Gabi na. Nagugutom ka ba?"
"Nah. I'm tired. Matutulog na lang ako." Sambit ko bago ako tumalikod upang bumalik sa itaas.
Akala ko pa naman maaga pa. Hindi ko inaasahan na gabi na pala akong nagising. Lately, napapansin ko sa aking sarili na parati na lang akong inaantok. Kahit na umaga o gabi pa ang pinag-uusapan.
Kapag sumasapit naman ang ika-linggo, doon ako gising na gising. Naghihintay sa aking pain.
"Goodnight! I have work today, so rest well, Eyra!" He said, when I turned my head from him, he wave his hand with a wide smile on his face.
He's happy. A genuine one. But what for?
Is he serious?
Hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Mula't sapol pa lang ay wala na talaga akong pakiramdam. Minsan napapaisip na lang ako sa sarili ko kung ano bang nararamdaman ng mga taong nagmamahal.
Ano ang feeling ng selos? Lungkot? Pagkadesperada?
Lalo na ang tunay at lubos na pagmamahal?
Oo, nagagalit ako, naiinis ako, at natatawa rin. Pero hindi ko dama ang kalungkutan. Okay lang sa akin kung iniwan man ako ng mga magulang ko.
Kaya lang ako pumunta sa lugar na ito para malaman kung sino ba ako.
O dito ko ba talaga matatagpuan ang aking hinahanap?
Hindi ko alam.
Pati sa aking paghiga sa kama matapos makapasok sa kwarto naming dalawa ni Max. Ang tanging naiisip ko lang ay kung sino ba talaga ako?
Isa ba akong bampira? Taong-lobo? O abnormal na nilalang?
***
"Mmm..." ung*l ko.
May naramdaman akong mainit na kung ano sa aking dibdib. Naiilang din ang aking mukha sa mabalahibo o makapal na buhok.
Doon lang ako napamulat ng aking mga mata nang ma-realize ko kung ano ang nangyayari sa akin.
Natagpuan ko na lang sa aking kama si Max habang ang dalawang kamay niya ay nakapasok sa aking damit at hawak-hawak ang aking hinaharap.
Ang ulo niya rin ay nakapatong sa aking dibdib, animo'y malugod sa kaniyang kinahihigaan. Rinig ko pa ang mahihina niyang paghilik.
Ngayon ko lang napansin na mahahaba ang kaniyang pilikmata at sobrang tangos ng kaniyang ilong, tuwid din ito.
Kaso napablangko ang aking mukha nang maramdaman na naman ang pagpisil nito sa aking dibdib.
Inis ko pa siyang tinulak palayo sa aking direksyon. Narinig ko ang pag-angil niya at ang pagkagising nang napakaaga.
"What's that for?" Inis niyang tanong nang makatayo na siya sa pagkakabagsak sa sahig.
"Perv**t!" Asik ko.
Napatindig na rin ako sa pagkakahiga. Malalakas na tunog pa ng aking yapak ang naririnig habang papunta sa kinaroroonan ng banyo sa kaliwa.
'Anong klaseng alpha ba ang nakaharap ko? Tsk!'
Revier's POV:
"Alpha, bakit ganiyan ka makatingin kay Ymiera?" Tanong ni Denver na nasa aking kaliwang direksyon.
"How?" I asked him back.
Nagmamasid kami sa buong paligid ng Were Wood City upang malaman na walang umaaligid na mga rebeldeng taong-lobo. Hindi sila mahirap hanapin sapagkat may amoy sila na nagsasabing isa silang bumaklas sa patakaran ng mga taong-lobo.
Sakto na nakita namin si Eyra na nakatingin sa mga nagsasanay na mga kalalakihan at maging kababaihan sa gitna ng entablado.
Ang mga kabataan din ay nakatingin sa kanila. Kitang-kita sa kanilang mukha ang kasabikan. Subalit sila ay isang bata pa lang kaya hindi muna namin sila dinadaan sa ensayo.
Kailangan nilang namnamin ang pagiging buhay bata. Sapagkat hindi na nila mararanasan pa iyon kapag sumapit na sila sa kinse na taong gulang.
Imbis na pagmasdan ko ang nasa entablado, ang mas ikinapukos ko ng aking paningin ay ang magandang dilag na nagniningning pa sa aking harapan. Kay ganda niya talaga.
Malarosas ang kaniyang labi na nang-aakit na siya'y halikan, hindi man gan'on katangos ang kaniyang ilong hindi pa rin mababawasan ang kaniyang kariktan. Sobrang puti rin ng kaniyang balat nakakatakot sugatan sapagkat masisira ang kutis na kaniyang iniingatan.
But what I love the most, her kindness. Despite the fact that she knows I'm a werewolf, she didn't hesitate to help and save me from villagers who wanted to k*ll me.
It's my mistake from coming to the village, hindi ko makita ang aking dinadaanan kaya hindi sinasadyang mapadako ako sa kanilang lugar.
However, I'm glad that I lost my way and found the girl I wanted to be my wife. I know she's the one. The right person that I'm waiting for.
Walang rason para sa tanong na bakit siya. Dahil hindi naman nasusukat ang katanungan kung lubos kang natamaan sa kaniya.
I thought she'll ignore me after touching her without her permission. Pero hindi pa rin nagbabago ang trato niya sa akin.
She's still she. The pedantic girl we've know.
Humigit isang linggo na siyang naririto. Pinayagan ko na rin siyang lumabas sa kadahilanan na malakas siya kung sumipa. P'wera biro.
If only I'm a dominant one, I can manage the pain.
"Para mo na siyang kakainin nang buhay sa titig mo, Alpha. Kung nakakatunaw ang titig baka kanina pa siya abo. Ano bang meron sa kaniya?"
"No questions needed if you found the one you wanted to be with." I said, seriously.
"Pero hindi siya ang mate mo, masasaktan lang si Ymiera kapag natagpuan mo na siya." Nag-aalalang katuwiran naman ni Denver sa akin.
Alam ko iyon. Batid ko na ang bawat werewolf ay may kaniya-kaniyang mate. Subalit bata pa lang ako pinapangarap ko ng makasama ang babaeng tanging ako lang ang nakakaalam na siya na nga. Hindi tadhana o mate pa ang pumapagitna.
" I want her, Denver." Iyon na lang ang naging sagot ko sa sinabi niya at nagsimula na muling maglakad para magbantay sa buong paligid.
Sa susunod naman ay pupuntahan namin ang bayan para tingnan ang mga bagong salta sa teritoryo kong 'to.
Before I left the place where Eyra is, I took one more glance to her side and found that she's looking at me too.
When I wanted to smile after confirming that she's watching me, napangiwi na lang ako nang makita kung paano niya itaas ang gitnang daliri niya sa kinaroroonan ko.
At ang pagbigkas ng kaniyang bibig sa nag-iisang salita na palagi kong naririnig sa kaniya.
'Perv**t!'
Naalala ko na hindi ko sinasadyang mahawakan na naman ang kaniyang hinaharap bago ako umalis sa bahay para gawin ang aking trabaho. Tehee!