MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA CHAPTER 7: UNWANTED VISITOR
Ymiera's POV:
Gabi na nang ako ay bumalik sa bahay ni Max. Wala pa akong nakikita na pigura ng lalaki kaya naisipan kong magluto ng simpleng pagkain na alam ko.
Kung ano lang ang meron sa ref niya na mga ingredients. Naghanda ako ng chicken curry, beef soup, kanin, at panghimagas na pudding.
Hindi ko lang alam kung patok ba sa panlasa ng lalaking iyon ang mga inihain ko. Kahit na ayaw niya, ipapakain ko pa rin ito. Ayokong may pihikan sa pagkain.
Mahirap magluto. Wala rin naman siyang sinabi kung ano bang gusto niya. Tsk!
"Good evening, My Wife!" Bati ng lalaking kakapasok pa lang sa kusina.
Tama ang hinuha ko na ang pangalawang pinto sa kaliwa ay ang kusina. May hagdan din paitaas sa second floor pero kailangan mo munang hanapin ang pindutan para bumaba nang otomatiko ang hagdan na gawa sa metal sa mismong kisame.
Sinabi sa akin ni Max kung saan ang pindutan para sa future purposes. Hindi namin alam kung kailan lulusob ang mga rogue sa lugar na ito.
Hindi ko pa naitatanong kung bakit gustong-gusto na pabagsakin ng rogue ang Were Wood City. Ano ang nakaraan ng dalawa pero wala rin akong balak na makisali dahil hindi ko naman laban ito.
Pero tutulong din naman ako. Sa paraang alam ko.
*Kiss*
Napabalik lang ako sa aking diwa nang may dumampi na mainit na bagay sa aking kaliwang pisngi. Nang tingnan ko kung ano iyon, gan'on na lang ang pagkataas ng aking kaliwang kilay sa nakita.
Labi pala ni Max ang dumampi.
Naiinis ko siyang pinagtutulak sa aking tabi at nagsimula na ngang maghanda ng kakainin namin.
"Tss. Kailan ka ba papayag na pakasalan ako?"
"May sinasabi ka, kamahalan?" Pabalang kong tanong sa kaniya at saka ibinaba sa lamesa ang sinandok kong pagkain. Maski na rin ang sampung plato, kutsara, at tinidor.
Umupo na rin ako sa kabilang upuan na kaharap niya. Pabilog ang lamesa na mahaba. May bakante pang walo na upuan sa magkabilang direksyon.
"Why there's so many plates and utensils here?" Nagtatakang tanong ni Max pero hindi ko siya pinansin.
"Come here!" Sigaw ko sa pintuan na sarado.
Sa mismong kinaroroonan ng walo na mas naunang nakarating sa bahay ni Max kaysa sa may-ari. Nagluluto ako nang sila ay pumasok sa loob. Hindi rin naman ako nagreklamo nang magsabi ang lima, p'wera sa tatlo na kakain sila rito.
Napalingon si Max sa pinto nang bumukas ito.
Unang lumabas si Denver kasabay ang kaniyang kakambal na si Zendev. Si Verno na kulay pula ang buhok. Hernan na mahilig sa pagkain. Finley na kuripot sa salapi, siya 'yung abo ang kulay ng buhok. Sevan na antukin. Mio na kalmado. At si David na masayahin na may ugaling mapanghusga. Pero pagdating sa misyon, siya ang pangatlong namamayagpag.
Nangunguna si Denver at pangalawa naman ang kakambal.
Beta si Denver samantalang Gamma naman ang tatlo na kasamahan nilang magkapatid. Younger Epsilon naman ang tatlo na kasama ni Max noong panahon na kararating ko pa lang sa lugar na ito.
Sila ang mga natural na fighter at hunter.
Someday they'll gonna be gamma, beta, or an alpha. I thought they were older than me. I didn't realize that they were too young at that height.
Their age is around 16 and below.
That's why their attitudes too.
Ang mga Omega naman ay naninirahan sa kabilang panig ng Were Wood City upang pangalagaan ang kanilang sarili. Sila ang mga mahihinang klase na taong-lobo.
May iilan na hunter or fighter na omega, sila ang mga nagpatuloy sa kanilang pangarap, despite the fact that they were born as Omega. And I'm proud of them.
"Why are you here?" Malamig na tanong ng lalaking ito sa walo na nakatayo sa aming harapan, naghihintay ng senyas na maaari na silang umupo.
"Ymiera told us to wait and eat together. We can't say no because it's food and we like her cooking skills." Honest na sagot ni Hernan. Napansin ko pa ang labi niya na may lalabas ng laway sa pagkatakam sa pagkain na nakahain sa lamesa.
'Wow. Binaliktad pa ako.'
"Yes, Alpha." Sagot din ng natitira.
Gusto na sanang umangal nitong lalaking ito pero napalingon na lang siya sa akin nang sinipa ko siya nang mahina sa kaniyang tuhod.
Namumula naman siyang tumango dahil sa inis. Nasisiyahan namang nagsiupuan ang lahat sa bawat upuan na hindi pa okupado at nagsimula na nga kaming kumain nang tahimik.
Hanggang ngayon masama pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Max. Akala niya kaming dalawa lang ang magsasalo.
Kahit na gaano pa kaseryoso sa akin ang isang tao, alam ko na may darating at hindi ako sa dulo.
Napalingon naman ako sa bintana sa kusina. Nakita ko ang buwan na kalahati pa lang. May naisip ako bigla na mga kataga.
'Subalit kaya kong makipaglaro sa kapalaran kahit na makipagpatayan upang makamit ko lang ang aking pagkapanalo.'
"What's the matter, Eyra?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Max kaya napalingon ako sa aking pagkain.
Umiling naman ako sa kanila nang mapansin na chismoso rin pala ang mga ito. Hindi na lang isipin ang pagkain nila.
"Being chismoso is a sin. Before the higher up punish you, continue your eating." I warned.
Napalunok naman ng sariling laway ang lima na kilala na ako nang masyado dahil minsan ko nang napipilosopo. Ang tatlo naman ay nanatili lang na hindi natatablahan ng salita ko.
Sina Sevan, Mio, at David ang tinutukoy ko.
"Alpha, I'm curious. Why did you let this type of woman stay in your house? A mere human shouldn't act as tough and have nasty mouth." Tanong ni David kay Max na natigilan sa sinabi nito.
Tinapunan niya pa ito nang seryosong tingin. Hindi ordinaryong pagkaseryoso dahil dama ko na nagbabalak din itong kumilos papalapit kay David.
Imbis na pansinin ang mga ito. May naramdaman akong kaluskos mula sa kakahuyan. Malayo ito sa aming direksyon, siguro nasa 15 kilometers ang layo nito sa aming kinaroroonan.
Hindi napapansin iyon ng mga taong-lobo dahil na rin sa limitasyon sa pagdinig at pagkadama.
Base sa kilos ng mga ito sa kakahuyan, masasabi kong may masama silang binabalak. Humigit sa kinse ang mga ito. Hanggang yapak lang nila ang nararamdaman ko.
Mahihina ang bawat pag-apak nila sa lupa. Nag-iingat sa gagawin nilang kilos para hindi makahalata.
Iyon ang naging dahilan ko para sabihing hindi sila kakampi.
" David. Make some mistakes again and—"
"Postpone your argument and ready for the enemies attack." I said, interrupting their agitation.
Kita ko naman ang pagkagulat sa kanilang mga mata. Pero tanging tawa lang ang nilabas ni David sa kaniyang bibig.
"Enemy? Who would gonna believe you? You're just a mere human!"
"10 kilometers."
"Ha! This is kind of bulls**t!"
...
"5 kilometers." Muling banggit ko. Wala pa rin ni isa ang kumikilos.
"Eyra, are you sure?" Tanong ni Max sa akin nang seryoso.
Ibinaling ko naman ang tingin ko sa labas ng bintana.
"If you didn't act now, many of your pack suffer and die. It's your choice to believe me or not, you're the alpha afterall." Payo ko rito saka tumayo na sa aking pagkakaupo. Dumiretso ako sa pinto kung saan lumabas ang mga taong ito. "They're coming." Dagdag ko at tuluyan na nga silang iniwan para magdesisyon.
"Maniniwala ka ba sa kaniya, Alpha? Paano kung gawa-gawa lang ni Ymiera ito para tumaas ang pagtingin niya sa iyo?" Sabat din ni Sevan.
Sa walo na ito, silang tatlo lang ang hindi pa nagtitiwala sa akin. May parte sa aking puso na naiintindihan iyon, lalo na kung may nakaraan na nakakonekta sa mga tao.
Pero kung hindi sila maniniwala, isa sa mahal sa buhay ni David ang mawawala. Dahil sa lugar kung saan matatagpuan ang mga bandido na iyon, ay ang direksyon ng bahay nila, ng mismong fighter at hunter.
Gan'on din sina Sevan at si Finley.
"She's telling the truth."